35

8 0 0
                                    

"Mama, naghiwalay na si tita Judie at asawa niya?" Tanong ko kay mama, inalok niya ako ng niluto niyang pancake.

"Oo, tanga naman asawa no'n."

Tawang tawa akong nakipag-apir sa kapatid ko.

Naka-pajama ako. Na-cancel ang klase gayong malakas ang ulan. Ini-hatid ako ni Rohzian pa-uwi. Kaaalis lamang niya gayong dadalawin daw niya si kuya Renzo.

Miss ko na siya agad...

"Si Rohzian ga ay iyong boypren, hindi na ga iyong bansot?"

Hindi ako makahinga kakatawa. Muntikan ko nang maibuga ang kape kay Almira sa sobrang lakas ng itinawa ko. Nandito din si lola, tawang-tawa din siya habang kalong si Almira.

"Hindi ko pa boyfriend si Ethan... sinong bansot?"

"Edi si Makkoy unggoy."

Gusto ko maging better version kaso bakit ganito, akmang-akma sa akin ang humor ni mama.

"Aba'y bakit, hindi ba totoo? Kung kani-kanino na lamang lumambitin, akala mo'y lahat ng tao ay baging..."

"Malay natin friendly..."

"Hindi gano'n ang friendly, anak, wala siyang sariling pagkatao. Nako't 'yang sila Aljur pa ang naging kaibigan?"

Minsan, hindi din ako naniniwalang nag-habol ako doon eh. Minsan, naiisip ko na wala lamang talaga ako sa sarili noon.

Ayoko nang ma-humble mg buhay...

"Buti na lang hindi ko na kaibigan 'yun."

"Ay talaga kang bata ka, mas matangkad ka na nga yata doon ngayon."

Makkoy the victim of height-shame.

Saglit pa akong nakipag-kwentuhan at umakyat nang muli sa kwarto ko.

Pinanood ko ang ulan habang madilim ang kalangitan. Akalain mo nganaman, Yerin. Aabot din pala ang puntong muli ka nang mas focused sa present time.

Mga ganitong moment naman, hindi ko maiwasang isipin si Ethan Rohzian.

I love old-fashioned things. Old Fashioned clothes, old-fashioned music, and old-fashioned arts. But most of all, old-fashioned wisdom fascinates me. I love hearing the philosophy and life stories of the people who died a hundred years ago.
This generation is too plain---cruel. The cruelty of the bare minimum, poor mindset, and low development sucks.
That is when I met your eyes. Palagi kitang nakikitang mag-isang naglalakad sa tuwing papaalis tayong magkakaibigan. Palagi kitang namamataang naglalakad mag-isa. Palagi kitang nakikitang nakikinig mag-isa. You have your style.

And that makes you stand out among other people in our batch.
The boundaries and the independence you have always stunned me.
I always live in my fantasy. Because here, I was so safe. Dito, lahat ng mga bagay na naka-ayon sa interes ko na hindi ko makikita sa totoong buhay ay narito.

Yet, now that I am so stunned and deeply fascinated by every details of yours; You are the only reality I have.

Nakita ko ang litrato niya sa isang frame sa bahay na kasama niya ang magulang nila, pormahan pa lamang niya doon... muka siyang mga celebrity crush ko na 75 years ang age-gap sa akin.

Ethan:

Kumain ka na? May meeting ako kasama ang siraulong hapon at baka mamaya pa ako makapag-message.

Lunch pala, hindi meeting.

Will talk to you later, darling. I love you.

Yerinicolie:

Chegaste ao fim dos capítulos publicados.

⏰ Última atualização: Apr 25 ⏰

Adiciona esta história à tua Biblioteca para receberes notificações de novos capítulos!

Bawat Daan, Bawat IkawOnde as histórias ganham vida. Descobre agora