27

17 0 0
                                    

"Hoy, wala pala ang teacher natin sa Basic-Cal, baka mag-klase na lang din tayo ng PE kasama ang kabilang section..." ani Nicole.

Inayos ko ang gamit ko. Lumapit ako kay Nicole at niyakap siya.

"Ayusin ko bangs mo Yerin..." aniya.

Siya ang kambal ko. Ako ang mas magulong version niya, parang pangalan namin. Medyo boyish kase ang aura niya at shorthaired siya. Pero sabi nila, magkahawig kami.

"Unggoy ka talaga ng lahat ng tao..."

"Ethan Rohzian lumayas ka sa harapan ko"

"Nasa likod mo ako."

Papansin talaga kapag hindi napapansin...

Gagawa at gagawa ng paraan para mabigyan ng atensiyon, mambwibwisit at mambwibwisit.

Sinamaan ko siya ng tingin, dala ng pikon na kanina pa tinitimpi.

"Akala nakakatuwa siya..."

"You're so cute..."

Tinawanan niya ako. Napaka babaw. Kahit wala nang rason para matawa, matatawa. Siraulo.

"Tara na sa court, sunod na tayo sa dalawang section..." ani ko at hinila siya.

Nagpadala lang siya sa akin.

Magulo ang kaniyang buhok. Napapansin kong mas lumalaki ang pangangatawan niya. Ang singkit na mata ay seryosong nakatingin sa sahig.

"Ayusin mo buhok mo..."

Nagtaas siya ng dalawang kilay at pinasada ang daliri sa kaniyang buhok.

"Rohz, walang nabanggit sa'yo bakit absent?"

"Nasilaw sa kagwapuhan ko."

"Joker pala 'yan Yerin eh..."

May napapansin ako sa kaniya... Hindi siya cringe. Pero hindi din siya social climber o people pleaser. Hindi din siya anti-social o self centered.

Marunong siya makasama; marunong siya magtayo ng boundaries.

Maya-maya ay sinaside-eye niya ako na tila nangingiti.

"Ano na naman ba Rohz..."

Pinagpatuloy niya iyon.

"Ubos na pasensiya ko ayaw ko na mhie."

Tawang tawa sila Candice sa akin.

Nang makarating sa court, pinakikiramdaman ko ang aking sarili kung magiging anxious ako. Syempre, hindi ko maitatangging may parte sa akin na hindi komportable.

"Tol, samahan mo ako bumili ng sky flakes..."

"Naglilihi ka ba?"

"Yerin, 'pag 'yan hindi ko na-tancha..."

"May braso sa ilong 'yun, may pa sobra kase speacial child ang tatay..."

"REBISCO 'YON HINDI SKY-FLAKES,PUTANG---"

Tawang tawa ang magaling sa sarili niyang kababawan.

Nagpaalam siya sa akin bago umalis. Pansin ko ang muli niyang pag-check kung komportable ba ako.

Nakangiti akong nagmamasid.

Pero hanggang saan ba ang distansiya niya bago ako maging hindi komportable?

Maya-maya, nanginginig na ang kamay ko. Maya-maya, hindi na ako mapakali. Maya-maya, hindi na ako komportable.

"Akala ko ba iyong grade ten ang bago? Bakit parang iyon namang ka-section..."Candice.

Bawat Daan, Bawat IkawWhere stories live. Discover now