23

10 0 0
                                    

Totoo ang sinasabi ko na hindi linear ang buhay. Na syempre, magkakaroon pa din ng ups and downs. Na syempre, magkakaroon pa din ng failures. Magkakaroon pa din ng oras na miserable ako.

Oras, o araw?

"Iara..." ungot ko.

Pinaliwanag muli niya na hindi naman ganoon makaaapekto ang scores ko sa quiz sa final grade ko.

Hindi siya nagsasawa sa paulit ulit kong reklamo. Sobrang bothered ako. Hindi ako mapakali. Andami pang kailangang asikasuhin at isang araw na lamang bago ang aming final defense.

Hindi ko naman magulo si Rohzian dahil may inaasikaso sa opisina niya. Ayokong dumagdag, baka masungitan ako. Nakakatakot pa naman siya lalo kapag pagod, baka magalit...

"Angganda na nga ng performance mo eh..." Marianne.

"True, sobra..." Candice.

Nakasimangot akong yumuko. Pasimpleng nakatingin sa upuan ni Ian na bakante. Nakanguso ako at pakiramdam ko, andami kong kailangang gawin pero hindi ko magawa.

Dagdag pa siguro na maguuwian na pero kaninang umaga lang kami nagkita...

Pakiramdam ko, pagod ako kahit wala pa akong ginagawa. Kahapon lang kami umuwi galing YLS.

Nakasandal pa din ako sa lamesa ko. Natatakpan ng aking buhok ang muka.

"Andoon si Makkoy... Grabe makatitig ah"Iara.

"Pake ko ba diyan, wala na hindi na ako bothered sa gagang 'yan... Hindi na katulad dati na may sasabog na energy sa akin kapag nakikita ko siya..." reklamo ko, buryo.

Dati, kapag nararamdaman ko pa lang ang presensiya niya, parang hindi na ako mapakali. Parang kikilos na ako agad. Ngayon, wala na...

Dapat kasi bothered ako para dadating si Rohz para yayain akong umalis.

Natawa ako ng patago sa naisip.

"Yerin putangina narinig ka yata..." bulong ni Candice.

"Wala akong pakealam siraulo siya..."

Ilang buwan na akong miserable at hindi makapag focus sa school noon dahil sa kaniya, i-e-enjoy ko talaga ngayong wala nang apekto ang presensiya niya o nila sa akin.

Nakakalimutan ko na nga din minsan na nag-e-exist ngapala siya...

Hindi namamalayan, nakatulog ako dahil na din sa panahon at pagod.

Maya-maya, may tumapik sa akin. Amoy pa lang, alam ko na.

"Uuwi na tayo..." aniya.

Ngiting ngiti akong sumama sa kaniya. Bitbit niya ang aking bag na ayaw niyang ibigay sa akin.

Tahimik ako habang naglalakad kami. Siguro'y dahil sa pagod, wala nang energy para magsalita.

Nagyaya siya sa café nila.

Tahimik pa din ako. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Pagod ngunit gustong kumilos ngunit hindi din naman alam kung ano ba ang uunahin.

Hindi ako makapag salita. Tahimik din siya. Gusto kong ireklamo sa kaniya ang lahat.

Gustong gusto kong magsumbong ngunit hindi ko alam paano siya kauusapin.

Niyaya niya akong umakyat tungo sa second floor na kinaroroonan ng kaniyang mini-garden.

"What's the matter, hmmm?"

At nang itanong niya iyon, naglawa na ang luha ko. Lumapit ako sa kaniya. Sinandal niya ako sa kaniyang dibdib habang hinahaplos ang buhok ko.

Bawat Daan, Bawat IkawWhere stories live. Discover now