18

16 2 1
                                    

Mahirap maging mabait.

Iyan ang hindi ko maitatanggi.

Nakaupo ako sa kama ko at nakatingin sa labas ng bintana. Rinig ko ang ingay ng mga sasakyan mula sa kalayuan. Mabibilis na tunog mula sa mga motor.

Hindi ko noon nagawang magalit ng tunay sa ginawa niya---o niya sa akin. Hindi ko nagawang palitan ng galit ang emosyong nararamdaman ko sa kaniya.

Tumatatak pa din sa isipan ko ang pag-o-open up niya tungkol sa pamilya niya. Kung paanong araw-araw mag-away ang mama at papa niya miski noong graduation nila. Kung paanong kuya lamang niya ang nabibigyang pansin sa pamilya nila. Kung paanong naranasan niyang sunduin ang mama niya habang umiiyak sa ulanan noong naglayas ito.

I couldn't hate the child inside Makoy---yet, I couldn't love the monster he is.

Kaya ko nasabing mahirap maging mabait, hindi ko magawa noon na mawalan ng pakealam sa kaniya.

Kaya bagamat sobrang sakit ng nangyari, palagi kong hilinging sana ayos lamang siya.

Iara:

May nakita akong basura

Marianne:

The who?

Iara:

May hawak na donut

Sino paba edi si letter M

Yerinicolie:

Huwag niyo nang i-mock... Pabayaan niyo na siya

Naiisip kong baka umalis na naman siya sa kanila at hindi pa kumakain doon dahil nag-away na naman ang magulang niya.

Hindi ko na siya mahal---pero hindi ibig sabihin noon, I could be inhuman to hate him. That I could be inhuman not to see the good qualities behind the person.

Noon kase, pinagtatakpan ko ang good qualities niya para maka-move on sa takot na mahulog ako muli. Pero ngayon, na-realize kong mali.

Kaya kong maka-move on sa paraang hindi ako galit sa kaniya.

I could still move on while wishing the best for them.

I don't need to hate him just to process.

Hindi naman kailangang ayos ako at sila ay hindi para lamang masabing nasa mabuting state na ako. Ang mahalaga, ayos na ang lahat sa akin at hindi na ako apektado ng presensiya nila.

Kaso nga lang...

Rohzian:

No I won't forgive them

I SAID WHAT I SAID LODS

Yerinicolie:

Magnanakaw na ng halik magnanakaw pa ng sama ng loob

President ng Villans' Voice na hindi susunod sa sariling rules

Akala mo hindi ko alam na nagcutting ka at pumunta kayo sa resto nila Dave para bumili ng hotdog

Mga siraulong baliw

Rohzian:

Well I still won't forgive them

Tawang tawa ako. Ang bestfriend kong mas nagalit pa sa mga taong gumawa ng masama sa akin. Sabi ko nga, napatawad ko na sila pero si Rohzian ay hindi.

Sa totoo lang, may sense of humor siya. Dahil tahimik din at intimidating, kapag siya ang nagsasalita, nakukuha niya ang atensiyon ng lahat. Nang nagtanong ang teacher namin sa Philosophy kung kilala namin si Socrates, sabi niya absent daw.

Bawat Daan, Bawat IkawDonde viven las historias. Descúbrelo ahora