1

24 4 17
                                    

Takbo...

Malapit na naman akong maabutan...

Pagod na ako pero kailangan kong tumakbo, pero takot din ako masaktan dahil hindi ko alam paano ko makikita ang daan... madilim.

Hindi ko na kaya, suko na ako. Tila ba may gusto akong habulin at pabalikin dahil sa ito lamang ang rason upang makaalis sa lugar na ito.

Diyos ko, tulungan niyo po akong makaalis...

Napabalikwas ako nang maalimpungatan sa tunog na nagmumula sa cellphone ko.

4:30 AM.

Pinunasan ko ang aking mata. Mas lalong masakit nang mapagtanto ko kung ano ang metaporya ng panaginip ko. Pakiramdam ko, gusto ko na namang magmakaawang bumalik ang ex boyfriend ko. Pakiramdam ko, hirap na hirap na naman akong mag-isa dahil hindi ako sanay mag-isa. Pakiramdam ko, hinahanap hanap ko na naman siya. Pakiramdam ko, hindi ako magiging ayos hanggat wala siya.

At habang nagtitipa ako sa cellphone ko na tila nagsusumbong sa Panginoon ng nararamdaman ko...

Iara:

Teh

Bakit dalawa lang ang paa ng bibe? Bakit pa square 'yung tuka, kapag ba patilos siya teh, malilito ba us alin ang manok at alin ang bibe?

Ang aga ko naman mag overthink. Anyways, tinatamad ako pumasok kase dapat magipon pa ako ng pasensiya na huwag manakal ng mga nanggago sa'yo. Pero dahil nga miss na kita Nikse at may pangarap ako para sa ating dalawa at ayoko makulong dahil mababawasan ang boboto ng tama, sige lang.

Ang bilis sinagot ng Panginoon ang panalangin ko. Ang kaninang kaba, iyak, at panghihina ay napalitan ng tuwa at excitement. Maya-maya, natatawa na naman ako.

Hindi pa naman siguro ako nababaliw, hehe.

Yerinicolie:

Feeling ko, yes, may tendency na kaya siya ginawa para atlis may ibang dahilan tayo para mag overthink. Baka magmuka siyang dinosaur kapag gano'n ate girl.

Ang aga mo din akong niligtas, Rara:)

Hayaan mo na sila, 'Ra. Hayaan na natin, papunta tayo sa school ngayon para  mag-aral

I miss you too, Rara ko!

Nang ma-seen niya ako, agad siyang tumawag. I can hear the crickets in her phoneline.

It sounds comforting, ang pakiramdam na hindi ako nagiisa ngayon at nandiyan siya.

"Ano teh?"

Natawa agad ako sa kaniya. Bagamat wala pa siyang nasasabing kung ano, dahil sa tono ng boses niya na para bang lasing, para bang nagbibiro, natawa lamang ako.

"Dadala na ba ako kutsilyo teh"

"No... hayaan mo na lang sila..."

"What if ayoko?"

Mas lalo akong natawa sa pagmamatigas niya.

"Okay na okay naman na ako ah, basta andiyan ka lang..."

"Oo dito lang ako, sobra na naranasan mo... hindi ko na hahayaan makadagdag pa ako"

And that line feels like a hug.

Kung naiiyak ako kanina dahil sa nakaraan, ngayon ay naiiyak ako dahil pakiramdam ko, magiging maayos din ang lahat.

"Speechless ka sa banat ko mhimasis, noh? Sabi sa'yo ako na lang kase..."

Bawat Daan, Bawat IkawWhere stories live. Discover now