22

5 0 2
                                    

"Kung ang HUMSS ay may humanista, ano ang meron sa STEM?"

Nasa cafeteria kami ngayon. Unang araw pa din ng YLS. Nakakapagod na agad ngunit sulit. Sobrang ganda ng view at sobrang lamig.

"Ano?" Tanong ko dala ng kuryosidad.

Humagikhik si Rohzian.

"...kapitalista"

I sarcastically laugh. Ang ikinatatawa niya ay siyang ikinapipikon ko.

"Tama ka na, kumain ka na..." saway ni ate MG.

Maya-maya, bigla siyang nanahimik. Tapos na siyang kumain at nakatingin siya sa kaniyang cellphone. Umismid siya.

Gayong hindi ko suot ang salamin ko, hindi ko namataan sino ba iyong chat-head.

"Yerin..." bulong niya.

"Hmmmm?"

"I have to show you something later..."

Tumango ako.

Hindi ko alam kung bakit bumibilis ang tibok ng puso ko. Kung dahil ba ito sa reaction niya o dahil sa pakiramdam ko ay mayroong mali.

Pero nang marinig kong humahagikhik, hinagip ko agad ang kaniyang buhok.

"Pinagtitripan mo ba ako?"

"You have spidy sense..."

"Anxiety! Hindi spidy sense!"

Pinipigilan niya ang kaniyang pagngiti ngunit nalubog pa din ang dimples niya.

Magulo ang kaniyang buhok ngayon dahil sa pagkakasabunot ko. Hindi niya suot ang kaniyang specs.

Nang matapos na kaming kumain, mayroon pang free time.

"Ano ba ang ipakikita mo?"

"W-Wag na lang... siguro..."

Hindi ko magawang awayin siya. Kakaiba ang reaction niya...

Nakatambay kami sa bench ngayon na puro puno. Kakaunti lamang ang narito dahil ang iba ay nagtungo sa hardin.

"Ipakita mo sa akin, promise hindi ako mati-trigger."

Tumango siya. Umakto siyang may kinukuha sa kaniyang bulsa. Ini-form niya sa gunting o peace sign ang kaniyang kamay ng ilabas niya ito. Tinawanan ako.

He really knows how to lighten up my mood...

"Rohzian..." saway ko.

Ipinakita na niya sa akin ang cellphone niya.

Binuksan ang isang message at nagulat ako kung kanino iyon.

Markie Sander Trinidad

"Teka, isusuot ko lang ang salamin ko..." ani ko.

Pinakikiramdaman ko ang sarili ko kung makadarama ako ng kaba.

Pero bakit... sa tuwing nasa paligid si Rohz, hindi ko ito maramdaman.

Hindi ako makaramdam ng kahit na ano...

Markie:

Rohz

Pres

Ethan:

?

Markie:

Alam kong nakakahiya pero

Pwede bang makikipabasa naman to sa kaniya

Ethan:

Bawat Daan, Bawat IkawWhere stories live. Discover now