7

14 3 3
                                    

Umaga na, ngunit may naisip pa din akong gawin bago pumasok sa eskwelahan gayong masyado pang maaga para maglakad.

Ngayong ayos na ako, may naisip akong gawin para mapatunayan sa sarili ko na ayos na ako.

Gusto kong patunayan sa sarili ko na hindi na ako apektado pa. Gusto kong patunayan sa sarili ko na hindi na ako sira pa. Gusto kong patunayan na wala na siyang impact sa akin. Na nakaligtaan ko na talaga ang nakaraan.

Ang deactivated kong acc, binuksan ko.

Yerin... ayos ka na ba talaga.

Tinignan ko ang dati naming group-chat. Madami nang chat doon si Makoy.

I analyzed it. Nang may mapagtanto, binalik ko ito sa pagkaka delete.

Nanginginig ang kamay ko. Nadudurog na naman ako. Hindi ako makahinga ng ayos. Hindi ako maka-iyak. Ngunit sobrang sakit.

Dali-dali akong nag-online sa isa kong account.

Hindi ko din alam sa sarili ko. Na nang nasa ganitong sitwasyon na ako, siya na naman ang pumasok sa isipan ko.

Yerinicolie:

Rohz...

Natatakot akong makulitan na siya sa akin. Natatakot akong baka mamaya, masyado ko nang ipinapatong ang sarili ko bilang responsabilidad. Ngunit sa pag-cha-chat pa lang sa kaniya, pakiramdam ko, nakapunta na ako sa ligtas na lugar.

Sinabi ko din kay Iara ang nalaman ko, na may bago na siya. Ayun, tadtad na ng chat ang konbersasyon namin. Hindi ko ito magawang i-seen.

Nang typing na si Rohz, mas lalo akong naiyak.

Ethan:

Hmmmm? I just finished my homeworks. Nag-check din ako ng notes for precal.

What is it?

Mas lalo akong naiyak. Pakiramdam ko, awang awa ako sa sarili ko ngayon. Pakiramdam ko, sa kaniya lamang ligtas.

Yerinicolie:

May bago na siya, pinagmamalaki sa GC kung saan kasali ang mga kaibigan ko na... iniyakan ko noon hindi pa ako move on sa kaniya.

Ethan:

What the actual fuck

Yerin...

Nang makita ang reaction niya, akala ko hindi valid ang reaction o emosyon ko. Na dapat nga, hindi na ako apektado.

Yerinicolie:

Rohz... antanga ko din ano? Wala na akong karapatan... dapat hindi na ako nasasaktan. Dapat okay na ako...

Pero hindi ko alam... pasensiya na naiistorbo pa kita...

Sinabi ko kung ano ang nararamdaman ko. Na dapat, wala na akong karapatan magkaroon pa ng hinanakit. Pero kahit alam kong ganoon, masakit pa din. Kahit alam kong ganoon, nagmuka akong tanga.

Nagmuka akong katawa-tawa na habang sirang sira ako, masaya siya.

Hindi ko akalain na 'yung sinabi niyang hindi na siya sigurado sa akin noon, totoo pala. Dahil sa iba na pala siya sigurado.

Nangako siya na hindi siya magiging isa sa mga taong kinaaayawan niya. Nangako siya na hindi niya ginagawa ang lahat ng ginagawa niya ngayon.

Napapaniwala niya ako.

Nagmuka akong tanga.

Naging isa siya sa mga taong nangako siyang hindi siya tutulad sa kanila.

Ethan:

Bawat Daan, Bawat IkawWhere stories live. Discover now