24

8 0 0
                                    

Ayos na ako ngayon.

Nabawi ko ang mababa kong scores at teacher na mismo ang nagsabi sa akin na hindi naman ganoon makaaapekto sa grades ko iyon.

Napatingin ako kay Rohzian na seryosong nagaaral ngayon. Maayos ang buhok at uniform. Seryoso ang muka. Nakafocus ang mata sa binabasa.

"You need something? Gutom ka? Nilalamig?" Aniya bigla.

Umiling lang ako.

Binigyan niya ako ng cupcake at pinatong sa akin ang hoodie niya.

Inaantok na naman ako...

He chuckled softly.

"Kagigising mo lang ah..."

Tinago na niya ang gamit niya. Ako itong tuwang tuwa na finally... mabibigyan na niya ng atensiyon.

"Busy ka pa din?" Tanong ko.

Umiling siya.

"COD" Ani Dave at kinalwit siya.

Umiling lamang siya at sinabayan akong kumain.

"Canteen" ani ulit ni Dave, halatang inaasar siya.

"SHUT UP!" Inis na sinabi ng isa.

Pero kapag uhaw sa atensiyon ni Dave, palong-palo. Sadyang pagod lamang ngayon sa dami ng inaasikaso.

Masipag siya. Ayan ang pinaka napapansin ko. Bihira na lamang din siyang mag-COD ngayon dahil libangan niya iyon. Ngunit mahilig siyang magbasa. Nakita kong may libro siya ng The Laws Of Human Nature at Ego Is The Enemy.

"Kuha lang ako tubig na malamig... dito ka lang ah..." aniya habang naka-ngiti.

Tumango lang ako.

Pinanood ko paano siya umalis.

May napapansin ako sa kaniya. Observant but he knows how to filter the things he can observe. Kakaiba ang attention span niya. Focused siya sa mga bagay na mahalaga sa kaniya at walang atensiyon sa mga hindi niya binibigyang pansin.

"Excuse nga po kay... ano nga ulit ang pangalan?"

"Yerin..."

Napalingon ako sa pinto. May dalawang babae doon. Nakangiti.

Ngunit hindi ko gusto ang aura at vibes na dala nila.

Paglabas ko ng pinto, may babaeng umiiyak na malungkot na nakatingin sa akin. Nagpunas siya ng luha. Tahan na ngunit mukang pwinepwersang umiyak. Transferee.

"Ikaw ang ex ni Makkoy, diba?" Tanong ng babae.

Tumango ako.

Pinakikiramdaman ko ang sarili ko.

Wala silang kwenta pero may social anxiety ako.

"Aware ka ba sa nasisira mo?!" Aniya bigla at umambang hahampasin ako.

Hanggang sa nakarinig ako ng lagitik.

Napalingon ako kay Iara. Walang reaction ang kaniyang muka. Tutok ang mata sa babae.

Tanda ko na...

Siya iyong hindi makatingin sa akin ng diretso noon. Nakasalubong ko minsan, biglang inasar ng mga kaibigan niyang babae. Siya din ang kasama ni Makkoy sa litratong iniyakan ko noon.

Siraulo.

"Isa pa?" Tanong ni Iara.

"Huwag na kayong babalik dito." Candice.

"Ara! Lagyan natin alcohol kamay mo!" Marianne.

Niyakap ako ni Iara.

Oo, ayos na ako.

Oo, matatag na ako.

Oo, wala na akong pakealam sa kanila.

But I am traumatized. Wala man akong pakealam sa kanila, may sarili pa din akong emosyon.

Pero sa kabila ng nararamdaman kong kaba, napalingon ako kay Iara muli.

Wala man akong pakealam, pero ang kinatatakot ko ay magalit siya.

Muling lumagitik ang sampal niya doon sa babae.

Mas umiyak ang babae at pumasok sa classroom nila. Na-guidance na din iyon minsan dahil sa nahuling nag-v-vape.

"Beh, tama na beh..." awat ko.

Nanginginig ang kamay ko. Hindi ako makahinga ng maayos. Pagod at puyat pa man din, lalo akong nanghihina.

"Yerin..." nagaalalang sinabi ni Iara.

Kung wala siya, baka mas malala ang nangyari. Niyakap ko siya. Pakiramdam ko, naligtas ako sa kung ano.

"May mga sinasabi din sa iyo ang hayop na 'yun na naririnig at nalalaman ko, pero s-sinabi mong hayaan natin... hindi na natin hahayaan, Yerin. Hindi na."

Mas lalo ko siyang niyakap. Nanghihina pa din ako. Ayoko talaga ng masisigawan. Halos lahat ng trauma ko ay nat-trigger...

Siya.

Siya ang rason bakit nakaabot ako hanggang dito. Siya ang rason bakit nagkaroon ako ng lakas harapin ang mga tao. Siya ang natatanging unang pinanghawakan ko.

"Anong nangyari? Hmmmm?"

Narinig ko ang malambing na boses ni Dave.

"Papansin, moment namin 'to! Nakakaubos talaga ng pasensiya ang mga desperada na insecure..." Ani Iara at niyakap siya.

Nanginginig pa din ang kamay ko.

At sa isang iglap, hawak na ako ni Rohz. Marahan niya akong inaalalayan patungo sa opisina ng SSC.

"Ayos lang ako..." pagsisinungaling ko, takot na maistorbo siya.

Sinarado niya ang pinto. Inalalayan niya akong umupo sa malambot na sofa at binigyan ako ng tubig.

"Tell me who's life I would tear apart now..."

Napatawa ako sa biro niya.

Biro niya?

Nanatili siyang seryoso. Hinahaplos niya ang kamay kong nanginginig.

Hinayaan ko ang sarili kong umiyak. Niyakap ko siya habang hinahayaan ang sarili kong maramdaman ang emosyon.

Halo-halo, ngunit ngayon... nararamdaman at naisasaayos ko na isa-isa.

"Water, baby..." aniya at hinalikan ang noo ko. Inalalayan niya akong uminom.

Mas humigpit ang yakap ko sa kaniya. Tila nagsusumbong.

Napatingin ako sa cellphone niya at nakita kong kausap si Iara.

Pinaguusapan nila ang nangyari.

"W-Wala akong pakealam sa kanila, ang kapal ng muka nilang i-involve pa ako eh sila nga itong gumawa ng m-mali..." umiiyak kong saad.

Niyakap niya ako at dinampi ang labi niya sa noo ko. Hinayaan niya akong maglabas ng frustration. Hinahaplos lamang niya ang buhok ko. Nang matapos akong magsalita ay tsaka siya nagsalita.

"Do you know that envy and jealousy is the emotions that chimpanzees feel among other types of emotions? Yerin, kilala kita. Alam kong hindi ka gagawa ng rason para magalit ang iba sa iyo. Pero mainggit? Hindi ka pa man nakilos, napaka dami nang rason. Yerin, just give those chimpanzees some bananas. End of discussion, baby."

Baby.

Ang sarap naman pakinggan paulit ulit. Parang gusto ko pang maapi ng  buong mundo at maalagaan niya.

Pero pumasok sa isip ko lahat ng sinabi niya. Maya maya, natatawa na ako.

"Anong parte ng school ang madumi?" Tanong niya.

"C. R. Ng girls..."

Nagtipa siya. Seryoso ang muka habang nakakulong ako sa bisig niya at inaamoy niya ang buhok ko.

"Alright, that would serve as their disciplinary action." Aniya bigla.

Kailan mo ba ako pinabayaan? Kailan mo ako hindi prinotektahan?

Wala akong maalala. Kapag talaga magulo ang lahat at tila pakiramdam ko nasa peligro ako, makapiling ka lang... ayos na

Bawat Daan, Bawat IkawDove le storie prendono vita. Scoprilo ora