19

15 1 0
                                    

Totoo pala 'yung sinasabi nila---na kusang hihilumin ng oras ang sugat na natamo mo. Ang sugat na mayroon ka ngayon, magiging parte na lamang ng nakaraan sa hinaharap.

Totoo palang magpapasalamat ka na lamang sa huli na hindi na sila parte ng libro mo.

I mean... it was just a chapter written with their hands and then they left... It is still my whole book.

Totoo palang napaka tatag ko para malampasan ang bagay na hindi ganoon kadali.

Nakaupo ako sa aking armchair sa school. Katabi ko si Marianne.

"Beh pinituran kita ng candid, kaso may putangina sa tapat ng classroom" aniya.

Si Makkoy, pft.

Pinigilan ko ang sarili kong matawa.

"So pogi naman ng mamshie..." I jokingly said.

"PUTANGINA GUSTO KONG SUMABOG AT MAGSABI NG MASASAMANG WORDS!"

"Like so pogi..."

"PUTANGINA NIKSAAAAAY!"

Malapit na akong malagutan ng hininga kakatawa. Si Marianne naman, malapit nang manakal. Cringe na cringe siya.

Bukod kay Iara at Candice, siya ang isa sa mga naging bestfriend ko. Nang aminin ko sa kaniya ang lahat ng nangyari sa past ko, umiyak siya.

Pumasok si Dave at Rohzian, naghahabulan habang natawa.

"Ahahahaha! Fuck!No!"

"Puta, subukan mong i-post 'yan sa page ng SSC, tangina Ian!"

"No fucking way!"

"IAAAAAAAAAAAAAAAAN!"

Kay Dave talaga siya pinaka nagiging isip bata. Si Rohz, intimidating at palaging seryoso. Pero kapag nakikita niya si Dave, parang may na-a-unleash na nilalang na automatically, bwibwisitin si Dave.

'Yung tipong thankful ang ibang estudyanteng mabibigyang pansin ng presidente ng SSC pero nagpapapansin lang siya sa bestfriend niya.

"But I've already deleted it! Let go of my fucking hair!"

"Putangina ha. Ako pagod na. Limang oras lang ang tulog ko Rohzian. Putangina."

"But I just want you to saw my baby..."

Pinakita ni Rohzian ang swan na gawa sa papel.

"Lord, pagpalain ako nawa, maaari po bang sampalin ang anak niyo?"

Namumula si Rohzian kakatawa nang marinig ang sabihin ni Dave. Nakahawak siya sa sariling tiyan. Magulo ang buhok ngunit nasa tamang ayos ang uniform.

Para talagang kuya Rohzel at kuya William version two.

"Shut up! My baby is sleeping..."

"Putangina mo Rohzian."

"I love you more..."

"Tite."

"What is that..."

"NAGGAGAWA AKO NG PETA LUBAYAN MO AKO UTANG NA LOOB HINDI KA PA NAGSAWA SA PAGMUMUKA KO!"

Pati kami, natatawa sa duo.

"Ang cute nila kase magdamag nang magkalaro sa COD, kapag sabado ay bwibwisitin ang isa't isa sa restaurant, pero hindi pa din magagawang magsawa sa pagmumuka ng isa't-isa." Marianne.

Tama. Napaka genuine ng intentions nila sa isa't-isa. Hanggat may pagkakataon silang maging magkasama, magsasama sila.

"Tsaka sila lang din naman ang nagkakaintindihan. Pero hindi tipong ito-tolerate ang mali ng isa't-isa. Tipong magsusumbatan at magmumurahan harap-harapan pero alam mo 'yun, hindi nila magagawang siraan ang isa't-isa kapag nakatalikod. Kaya din hindi magawang maging babaero, isa't-isa pa lang ay sapat na."Iara.

Bawat Daan, Bawat IkawWhere stories live. Discover now