20

17 1 0
                                    

4:30 AM

Napatingin ako sa alarm clock. Sa kalutangan ko pala kagabi, imbis na 5 ay 4 ang aking nai-set.

Masyado pang maaga dahil 6:30 pa ang alis namin...

Sandali.

May napagtanto ako. Gigising ako ng umaga nang ayos na ang pakiramdam at ayos na ang lahat.

Nagdasal ako at nagpasalamat sa Kaniya. Pinipilit kong muling makatulog ngunit hindi ko magawa. Niyakap ko na lamang ang sarili ko.

Kumpara dati, gigising ako nang may bigat sa loob at naiisip sila Makkoy, ngayon... unang pumasok sa isipan ko ang plano ko para sa araw ko.

Malayo na pala talaga...

Hahanap na ako ng ibang side character na makaka-bother sa'kin, hindi na sila relevant.

Natawa ako sa sarili.

Last time na naggala kaming magkakaibigan, nagagawa ko ngang maging lutang habang nasa paligid ang mga taong naba-bother ako noon. Tanong sila ng tanong kung ayos lang ako, reklamo lang ako ng reklamo na maanghang ang sawsawan ng street foods.

'Yung dating anxious, nagagawa nang maging sabog. What a process.

Ngunit kahit na ano pang gawin kong paliwanag, hindi pa din sila magawang patawadin nila Iara.

Dati, takot akong mag-open up sa takot na masira ang image niya. Ngunit ngayon, nagagawa ko nang ikwento ito casually.

Isa pa... napaka unexpected na si Rohzian pa ang naging sandalan ko.

"Awit lods."

Binulong ko iyon habang nakatingin sa ilang litrato namin.

Simpleng linya. Pero sa totoo lang, napaka meaningful ng linyang iyan.

Nagaya na ako sa kaniya. Sa mga major o minor inconvenience, iyan lamang ang sasabihin niya tapos gagawan na niya ng solusyon.

Magaling siya pagdating sa salita, ngunit mas magaling siya pagdating sa actions...

Simula pa lamang noong flag ceremony...

Rohzian:

Why are you so early

Lumakas ang tibok ng puso ko nang lumabas ang chathead niya.

Yerinicolie:

Girl 4 ang naset ko imbis na 5

Rohzian:

Same as when we are asking if you're okay
I THOUGHT HYPERVENTILATION IS ATTACKING YOU YET MAANGHANG LANG PALA YUNG SAUCE

Pinigilan ko ang sariling matawa. Inubos ko kase ang tubig niya noon.

Yerinicolie:

EH MAANGHANG EH

Rohzian:

Nandoon kase sila

Yerinicolie:

Wala akong pakealam

Anong gagawin ko

Tumambling?

ANONG GAGAWIN KO?!

NUGAGAWEN?

ANONG GAGAWIN KOOOOOOOOOOOO?!

WALA AKONG PAKEALAAAAAAAAM KAHIT ICHECK NIYO PA DOON SA NAKAKAKURYENTE KAPAG NAGSISINUNGALING WALA AKONG PAKEALAAAAAAM😭😭😭😭😭💗💗💗💗💗💗

Bawat Daan, Bawat IkawDonde viven las historias. Descúbrelo ahora