32

19 0 0
                                    

"Sorry na..."

Alam kong wala siya sa sarili niya kanina, kaya agad ko naman siyang napatawad. Hindi ko magawang magtanim ng tampo sa kaniya.

"Oo na..."

"Lovey..."

Natatawa si Dancel sa kaniya gayong hindi ko pinagbibigyang mayakap ako. Sinasabi kong hindi ako makahinga kapag may nayakap sa akin, ayun at naniwala naman.

Pinipigilan ko ang sarili kong pagtawa.

"Ethan, nasaan ba si Rohzian?"Iara.

"Lovey..."

"Lovey na lang ang narinig ko diyan, nabibingi na ako."ani Jhonel, dagdag sa circle namin, naging kaibigan ni Rohz at Dancel gayong halos pare-pareho sila ng personality.

Ngayon ko lang napagtanto, kanina pang hindi siya makausap ng maayos. Tinignan ko siya, mukang miserableng hindi maintindihan. Pero natatawa ako...

"Hindi naman ako nawawala..."ani ko at lumapit na sa kaniya dahil sa awa. Hinaplos ko ang buhok niya.

"Bakit kase seloso si Rohzian, tanga-tanga naman no'n."aniya.

Selos?

"May itatanong ako sa'yo mamaya..."bulong ko.

"Ayaw ko."aniya.

Tawang tawa sila Candice. Hindi ito ang Rohz na nakikita nila.

Ako, kitang-kita ko araw-araw. Minsan gusto ko nang sabunutan.

"Sige."ani ko at sinamaan siya ng tingin.

Ngumiti lang siya sa akin.

Baliw.

Kung nababaliw na pala ako, may mas malala pa pala sa akin. Ang kapal talaga ng buhok niya, kabaligtaran naman ng pasensiya niyang manipis. Kanina, kaniya-kaniya kaming paalam na baka gabihin kaming lahat. Nang malaman na sa bahay nila Rohz, payag naman agad ang mga magulang namin.

Siraulong hapon.

"Gawin na kaya kitang umaga?"

"Okay..."

Nagkwekwentuhan kaming lahat. Habang masaya ang mga kaibigan namin, kinuha ko ang tyempo.

"May itatanong lang ako dito, ayoko kasing may hindi kami agad naaayos..."ani ko.

Tumango sila at nagkatinginan. Tinuloy na lamang nila ang kwentuhan.

One thing that I like about my friends is how they protect at respect my boundaries.

Hinawakan ko ang kamay niya at hinila siya papunta sa tambayan namin---ang balkonahe dito.

"Tungkol saan? Hmmmm?"

Inayos ko ang magulo niyang buhok. Kita ko ang kaba niya kanina at kung paano ito nawala.

"Nagseselos ka?"

"Oo."

Nagulat ako kung gaano siya ka-aminado.

"Bakit?"

"Hindi dahil sa naiinggit ako sa kaniya, kundi dahil sa gusto kitang ipagdamot sa kaniya. Hindi dahil sa'yo at hindi ka pa gumagaling sa kahayupang ginawa niya sa'yo, kundi dahil sa kaniya. Dahil hayop siya."

Hinawakan ko ang balikat niya. Bahagyang madilim dahil sa chandelier lamang ang ilaw dito. Ngunit kita ko ang matalas at singkit niyang mata.

"M-Mali ba na kinausap k-ko sila ulit...Sa tingin mo, ayos na ba talaga ako?"

Namuo ang luha sa mga mata niya.

"Walang mali sa ginawa mo, Yerin. Ayos ka na at pinapatay ako ng sarili kong konsensiya sa nagawa ko kanina. Pero gustong-gusto kitang ipagdamot at kapalit no'n nasasaktan din kita. Hindi ko din maintindihan ang sarili ko. Tang'na, nababaliw na ngang talaga ako..."

Bawat Daan, Bawat IkawWhere stories live. Discover now