11

9 0 0
                                    

Syempre, dadating pa din ang punto na kahit ayos na ako, mahihirapan at mahihirapan pa din.

Aksidente kong napatugtog ang paboritong kanta ni Makkoy kanina. Tapos may nagtanong pa kung kami pa daw ba.

Hindi ko maintindihan ang sarili kong nararamdaman. Kung inis ba 'to o lungkot.
Bagamat hindi sinasadya ni ate Vina na ma-trigger ako, ewan...

Eto ako, umiiyak na naman.

Hindi ko pa din magawang makalimutan ang memorya namin... Siguro ay dahil sa
naging matagal din kami. Siguro ay dahil sa madaming taong nakaalam ng relasyon namin ngayon.

Dagdag pa na... ang mga kaklase ko kahit mga transferee, nagtatanong na ex ko pala siya. Lalo pa at nakilala siya dahil sa banda.

Hindi ko din naman magawang kausapin ang mga kaibigan ko dahil dito. Natatakot ako na kapag sinabi kong ganito na naman ako, mas lalo akong hindi magkaroon ng proseso.

Madilim ang kwarto. Naririnig ko ang mga sasakyan mula sa malayo. Nanginginig ang aking kamay. Tila sirang-sira na naman at wala namang paraan kung paano aayusin ito.

Tila nanghihinayang na naman ako at sa pagtakbo ko palayo sa nakaraan, naabutan na naman ako nito nang madapa ako.

Nitong mga nakaraan, ayos na ako eh... Maayos naman na ang takbo ng lahat. Nasaktuhan pang ganito ako ay malapit na ang title defense namin.

Pero... madami akong mga bagong nakilala. Si ate Mira Gwen o ate MG na tinitingala ko noon ay kabatian ko na ngayon. Siya ang Vice President ni Rohzian. Ang Vice President ko naman, si Madam Lawrence Chleo. Naging malapit din kami sa isa't-isa dahil... hindi naging madali sa akin ang campaign. Napaka lala ng pagiging people's pleaser ko.

Madam ang pronounce na prefer niya.

Nang nalaman niyang homophobic si Makkoy,tinigilan ang pag-asar sa akin. Miski kase siya,alam na ex ko 'yun.

Pagod na ako...Pagod na miski ang mata ko.

Hindi ko din naman alam ang gagawin papaano makaalis sa ganitong sitwasyon. Papaanong alisin sa isipan ko ang nakaraan.

Dahil siguro sa kapag nararamdaman ko ang presensiya niya,na-ba-bother ako.
Dahil siguro kapag nagkaka interactions kami,dagdag isipin sa kaniya.

Siguro,mahihirapan na naman ako magproseso araw-araw. Siguro,matatalo na naman ako ng emosyon ko. Siguro,mahihirapan na naman ako. Siguro,lalo pa't matunog ang pangalan ko dahil myembro ng SSC...mahihirapan ako. Siguro, dahil sa mga taong inaasar ako at nagkakalat ng impormasyong iyon, nahihirapan ako.

Pero...hindi.

Naisip ko 'yung...

'Ate Yerin,genggeng'

'Go Niks,that's my girl'

'I'm so proud of you,para kang pepe beh ha'

'Grabe ka Yerin! Nakaka proud ka!'

Most of all...

'Awit lods...'

Dalawang salita,walong letra. Pero ang linya niyang iyan,ilang beses na nga ba akong nailigtas? Ilang beses na nga ba akong na-comfort...Ilang beses na nga ba akong nailayo sa mga nakasisira sa atin.

Simula unang araw pa lang na hirap na hirap ako, iyang linyang iyan na ang naririnig ko...biglang ayos na ang lahat.

Bakit nga ba ako iiyak sa mga memorya ko sa mga taong sumira noon sa akin,kung mayroong taong sa pamamagitan ng dalawang salita...napagiginhawa na ang pakiramdam ko.

Bawat Daan, Bawat IkawWhere stories live. Discover now