13

12 0 0
                                    

Nakatingin lamang ako sa cell phone ko. Hindi ko alam ang aking nararamdaman.

Blangko. Ngunit mabigat. Tila hindi ko ito mailabas.

Litrato ni Makkoy kasama ang bago niya.

Ilang beses ko ba itong tinignan... May nag-send lamang nito sa akin, isang screenshot. Hindi ko alam. Basta ang alam ko, nanghihina ako.

Niyakap ko ang sarili ko, pilit na pino-proseso ang sariling nararamdaman.

Rohzian:

Yerin, you still haven't seen the announcements. May pinagkakaabalahan ka ba?

Hindi ko na lang namalayan na tumutulo ang luha ko.

Yerin:

Rohz...

Typing na siya. Hindi ko alam kung bakit habang pinanonood ang senyales na typing na siya, nakararamdam ako ng comfort.

Rohzian:

Hmmmm? You alr lods?

Yerin:

Pagtatawanan mo ako kapag nalaman mo rason bakit hindi, Pres...

Rohzian:

On my way with my Car.

Inaantay ko lamang siya. Parang hindi ako mapakali ngunit kahit papaano, nararamdaman ko na may paparating na pag-asa.

Sobrang bigat. Nakapanlalambot na. Ngunit hindi ko naman magawang ilabas ang nararamdaman ko. Nahihirapan akong huminga.

Nakarinig ako ng katok sa pintuan.

Tumatakbo ko itong binuksan.

Nang mapagtanto na siya nga ito kasama si Arjon, hindi ko alam...

Hindi ko alam bakit bumuhos ang luha ko.

Niyakap ko si Arjon habang inaalalayan kami ni Rohz pa-upo sa sofa.

"Ate... why?"

Umiling lang ako.

"You can play my CODM, Arjon, I'll just talk to ate..."

"Yey!"

Hinaplos ni Arjon ang aking buhok bago siya umalis. Ngumiti ako sa kaniya at nag thumbs up.

Pumunta siya sa kusina. Nilingon ko si Rohz.

Kita ko sa kaniya na hindi niya alam ang gagawin. Nakasuot siya ng blue na hoodie. Kita ko sa singkit na mata ang pag-a-alala niya.

Kung minsan, intimidated ako... Minsan naman muka siyang comfort zone. He look likes a safe and sound.

Hindi ko namalayan na humahagulhol ako sa kaniya.

"Zian... alam ko naman na wala na... na matagal na... at tapos na... Zian..."

I kept on crying his name.

"Hmmmm?"

Niyakap ko ang tuhod ko habang umiiyak. Ganoon din ang ginawa niya.

Nagitla ako nang bahagya nang maramdaman ang paghaplos niya sa buhok ko.

"Huwag mo kasing kalangan ang nararamdaman mo, pinahihirapan mo lang lalo ang sarili mo. Let your feelings be where it belongs."

Mahinahon ang malaki niyang boses. Bahagya din itong namamaos. Ang itim na itim at makapal na straight na buhok ay nililipad ng electric fan.

"Huwag mong digtahan ang nararamdaman mo, Yerin. Dahil kapag sinubukan mong digtahan ito, ikaw ang ma-ko-kontrol. Ikaw ang mahihirapan sa kaiisip kung paano mo pagtatakpan ang nararamdaman mo. Damahin mo na lang, sa ganoong paraan... mas madali kang maka-a-ahon. Huwag mong pwersahin ang sarili mong maging maayos kung hindi ka naman maayos. Natural na  masaktan ka sa sitwasyon na iyan. Ngayon, kung anong idinidigta ng nararamdaman mo, sundin mo."

Sinunod ko ang sinabi niya. Bagamat mahirap, ginawa ko ito.

Hindi siya nagkakamali. Nang hayaan ko lamang ang nararamdaman ko, unti-unting gumagaan bagamat mahirap. Kumpara kanina na mabigat at tila mayroon akong dala-dala.

"R-Rohz, nahihirapan ako sa ganiyan... Kaya k-ko pa ba maging SSC? Tama ang hinala k-ko noong... napansin ko na p-pinagtatawanan ako ng k-kabilang section..."

Gumalaw ang panga niya.

"Pero hindi naman bullying!" Pangunguna ko bago niya kuhanin ang cellphone niya.

Nilingon niya ako, tila handa nang sagutin ang tanong ko.

"Ate Nics, genggeng"

Ini-sign niya sa kamay niya ang madalas na gawin ng mga junior high bilang pagbati sa akin sa eskwelahan.

May napagtanto ako.

"Will you give them up?"

Umiling ako habang umiiyak at nakangiti.

May ilang naniniwala pa din sa akin. Ilang mga batang nae-excite sa mga pakana namin ni Rohzian kapag may events. Ilang mga batang tumulong sa akin mag-disenyo ng stage.

"Pagod na si ate eh... pero..."

I gave him a thumbs up.

"Laban."

Naaalala ko noong parada namin, ang ilang junior high na bata, sumunod pa sa akin nang bumili ako ng gamot. Akala ko ako lang mag-isa. Nang lumingon ako, andami nang nasa likod ko.

Nakangiti sila, tila nagaabang sa akin. Ang iba, pinahihiram pa ako ng payong.

Sa ngalan ng sarili ko na bagamat takot ay tumindig noong election.

Ngayon ko napagtanto na para sa ilang nagbibigay ng apresiyasyon sa akin, ipagpapatuloy ko ang nasimulan kong ito.

Lumapit sa akin si Arjon at niyakap ako.

"Bakit ka pa sumama kay kuya Zian? Mapupuyat ka... maaga pa, may event pa mamaya..."

Arjon held my hands.

"But ate... I don't want you to be alone..."




A/N

Sa ngalan ng ate Nics genggeng, kahit nagplano mag overdose, laban!!!!


Bawat Daan, Bawat IkawWhere stories live. Discover now