28

11 0 0
                                    

"Nakikisuyo sa akin si Makkoy... nagtatanong kung pwede bang ibalik ang friendship niyong lima...o iyong closeness, sabi ko ay alam ko ang naranasan mo bilang kaklase at bilang kaibigan mo dahil sa kanila. Sabi ko ay huwag nang subukan."

"May nangangamusta sa'yo, pero ayaw niyang magpakilala..."

"Si Makkoy 'yan!"

Hindi ko alam kung ano ba ang magiging reaction ko. Hindi ko alam kung ano ba ang mararamdaman ko. Bakit ako natatawa o ano. Bakit ako hindi anxious. Bakit tila wala akong pakealam.

Pero bagamat wala akong pakealam sa kaniya, sarili ko ang kinatatakutan ko sa maaaring maging reaction ko paglipas ng ilang araw.

Paano kung maya-maya ay kapag nakikita ko sila, bothered na naman ako?

Paano kung maya-maya ay kapag nararamdaman ko ang presensiya nila, nanghihina na naman ako?

Paano kung...bumalik ako sa dati.

Pero kung takot ako sa sarili ko, mas takot ako sa...

"FUCKING BULLSHIT!"

Nagkukunwari pang hindi maintindihan ang mate-matikang sino-solve upang doon mauwi ang kaniyang frustration.

Hindi niya ako sinisigawan, galit siya sa notebook niya at sinakluban ng librong "Ego Is The Enemy" ang sariling muka.

Ang sexy...

Ano ba, Yerin?!

Pero sa totoo lang, kanina pa ako nagiipon ng lakas ng loob na kausapin siya. Kanina pa ako nagiipon ng lakas ng loob gayong hindi naman siya sa akin napipikon. Hindi naman niya ako pinagbubuntungan ng galit ni minsan. Hindi niya ako sinisisi. Hindi niya ako sinasaktan kapag galit siya sa ibang tao. Hindi niya hinahayaang ako ang maapektuhan.

"Rohzian..."

Tumingin siya sa akin nang ibaba ang kaniyang libro nang sapat upang lumitaw ang matalas at singkit niyang mata.

Binaba niya ang libro at umayos ng upo sa sofa. Nakita kong naka-nguso siya. Pinaglalaruan niya ang sariling daliri. Saglit siyang tumingin sa akin na parang nagtatampong bata.

Lumapit ako lalo sa kaniya at hinayaan kong sumandal siya sa balikat ko.

"I know they doesnt even matter but what the actual fuck, Yerin. Putangina. Bullshit. Little fuckers. What ever the hell I may call them. "

Mas hinigpitan ko ang pagkakayakap sa kaniya. Nakikita ko ang paghigpit ng kamao niya. Gumagalaw ang kaniyang panga, senyales ng gigil. Lumalabas ang ugat sa kaniyang kamay at braso.

"Because you won't always remember people base on their identity, not on their character, but on how they made you feel..."

Tumingin siya sa akin at umalis sa pagkakasandal. Ano ba?! Sinusulit ko pa oh...

Ano ba Yerin...

Bahagya siyang nangingiti.

Minsan, nonchalant siya. Mahirap pa ding basahin kung ano ba ang umiikot sa isipan niya. Mahirap siyang i-predict.

"Akin ka lang...Yerin."

Chariz.

Binabawi ko agad ang sinabi ko. Joke lang iyon.

"Parang kanina sa school, iniiwasan mo ako simula noong nangyari iyon!"

"You wanna know why?"

"Hindi, bahala ka diyan. Baliw!"

"You wanna know why?"

The way he repeated his question calmly intimidated me.

"Bakit?!"

Bawat Daan, Bawat IkawWhere stories live. Discover now