26

11 0 0
                                    

3rd place.

Nakatingin ako sa medalyang natanggap.

"Congratulations,Yerin!"

Ngumiti ako kina Iara. Hinubad ko na ang medalya at itinago ito.

Si Makkoy ang first place.

Pumalakpak ako ng mahina habang nakatingin sa mga kaibigan kong nakatingin din sa akin.

Pero kahit na anong tago ko ng tunay kong nararamdaman, isa lang ang hindi ko mapagtataguan nito; ang sarili ko.

Nasa opisina ako ngayon, hindi naiintindihan ang sarili. Pero isa lang ang sigurado ako; naiinis ako sa sarili ko.

Naiinis ako sa mga pakiramdam na alam kong hindi ko na dapat pang maramdaman. Naiinis ako sa pakiramdam na alam kong mali pero nararamdaman ko pa din. Naiinis ako sa pakiramdam kong naguguluhan ako.

Kung tama ang pagkakaalam ko, may bago na ulit siya.

Nasa katinuan ang pagiisip ko na wala na akong pakealam tungkol doon.

Pero ewan ko, siguro'y dahil ba sa mas mataas ang award na natanggap niya sa akin sa field na akala ko magaling ako.

Akala ko magaling na ako.

Pagod na ako sa pakiramdam na nagpapanic sa kung ano ano. Pagod na ako sa pakiramdam na nagpapanic tungkol sa mga bagay na hindi ko kontrolado. Pagod na ako sa pakiramdam na sasaya ako sa misfortune ng mga taong nanakit sa akin. Pagod na ako sa pakiramdam na kapag may success sila, malungkot ako. Pagod na ako sa pakiramdam na bothered ako sa buhay ng mga taong wala namang pakealam sa akin. Ni hindi ko man lang napipigilan ngayon na i-check ang social media ng circle of friends ko dati. Pagod na akong pinalalaki ko ang mga sitwasyon sa isipan ko. Pagod na akong mag self-pity. Pagod na akong kailangan ko pa ng motivation araw-araw. Pagod na akong binabanggit at sinisiraan ko pa sila. Pagod na akong random kong aalalahanin ang past kasama sila. Pagod na akong ginagawa ko silang imaginary audience. Pagod na akong kumilos as if napapanood nila ako. Pagod na akong magpakalunod sa galit sa kanila. Pagod na akong mag-overthink. Pagod na akong feeling ko konektado pa din sila sa akin. Pagod na akong feeling ko parte pa din sila ng buhay ko. Pagod na akong feeling ko kailangang pabor palagi sa akin ang sitwasyon. Pagod na akong kinakabahan ako sa presensiya nila eh kasalanan ko din naman. Pagod na akong feeling ko ako ang biktima palagi. Pagod na akong kapag okay ako, masyado kong ipagkalandakan na ayos na ako. Pagod na akong isiping may apekto sa akin kung may bago siya o wala. Pagod na akong masaktan nang dahil sa sarili ko. Pagod na akong masaktan dahil sa takbo ng isip ko. Pagod na akong mahirapang magkaroon ng proseso dahil sa sarili ko. Pagod na ako sa paulit-ulit na cycle na ako ang bumubuo. Pagod na akong magscroll lang at makita ang profile nila, sobrang hirap na ng nararamdaman ko. Pagod na akong kahit walang problema, nagkakaroon ako dahil sa nararamdaman o naramdaman ko sa kanila.

Pagod na ako sa sarili ko.

Diyos ko...patawarin at tulungan po ninyo akong makaalis na sa ganitong estado. Na sa simpleng sitwasyon, napaka laki ng umikot sa isipan ko.

Na sa simpleng sitwasyon, napaka hirap na ng nararamdaman ko.

At sa kabila ng mga iniisip ko, naramdaman kong may bumalot na jacket sa akin.

"Did you already take your meds?" Aniya.

Tumingin ako sa kaniya. Ang luhang hindi ko mailabas, nailabas ko na. Tila naglawa na ang luha ko. Tila unti-unti kong napakakawalan ang mga bagay na sumasakal sa akin. Tila hindi na ako nalilito paano dadamahin ang sarili kong emosyon. Pakiramdam ko, ayos na.

"What's the matter? Hmmm?"

"Pagod na ako..." Reklamo ko sa kaniya.

"Imagine if that is just a random guy from the past. You are just probably having a hard time finding a good definition for him."

Bawat Daan, Bawat IkawWhere stories live. Discover now