17

21 1 3
                                    

Ilang araw na lamang, undas na.

Ang araw kung saan nagsimula ang nakaraan. Kung hindi pa din ako ganito katatag kumpara noon, siguro, umiiyak na naman ako ngayon.

Sa naging chismisan namin ni Rohzian, na-realize ko din naman na ang taong minahal ko, naiwanan na din kasama ang nakaraan. Ibang tao na ang nasa mundo ngayon.

Ang haba din ng tinahak ko para makarating sa ganito kakalmadong estado. Ngunit dahil masyadong mabilis ang oras, hindi ko nararamdaman ang pagod.

Napaka galing ng Panginoon. Sa isang iglap, ayos na ang lahat. Sa isang iglap, mas mahal ko na ang sarili ko at wala na ang mga taong balakid dito. Sa isang iglap, iba na ang pananaw ko.

Hindi na ako nanghihinayang sa nakaraan, ang makatakas dito ay isang oportunidad para makapag-focus ako sa pangarap ko, ang pagiging Doctor.

Natatakot ako na sa isang iglap, magbago ang pananaw kong ito. Na baka mamaya, bothered na naman ako. Pero natatawa ako sa sarili ko kung mauuwi na naman ako sa ganoong sitwasyon.

Siguro noon, hindi lamang klaro sa akin ang mga plano ko para sa pangarap ko. Kaya masyadong nagkaroon ng value sa akin ang mga taong nasa kasalukuyan.

"Dra.Jualoz." I named my self-portrait.

I want to be a cardiologist. Gusto kong tulungan ang mga taong katulad ko. Marami siguro ang tulad kong dahil sa may mahinang puso... muntik nang kitilin ng emosyon ang buhay.

Umuulan ngayon, nass hita ko si Leon at natutulog. Nagkalat ang art-mats ko sa lamesa.

Tanda ko nang isang beses noong October. Ini-myday yata ni Makkoy ang bago niya. Ngunit nakatanggap din ako ng mensahe sa NGL ko na tiyak kong mula kay ate Eunha.

"I can see my younger self to you, namamangha ako sa'yo lalo na sa determination mo. Last time noong nag-ayos tayo ng event I'm staring at you and I realized I want to protect you from everything. You are too soft and too kind for this world. You are such an amazing person and little girl."

Sa ganoong paraan, mas na-appreciate ko pa ang sarili ko. Sa ganoong paraan, naramdaman kong valued ako. Sa ganoong paraan, naramdaman kong worth it ako.

Umiyak ako noon hindi dahil sa may bago na ang ex ko, umiyak ako noon dahil sa alam na alam ng Panginoon paano ako ililigtas. Alam ng Panginoon paano iparamdam sa akin na ayos lang ang lahat.
Alam ng Panginoon paano ipararamdam sa akin na mayroong mga taong nariyan para sa akin.

Anggaling nga eh, siniraan ako ni Cheska at naging close sila ni Makkoy, nakita ko pang naglalakad sila ng sabay... Pero biglang title defended sa thesis na ako ang leader.

Paanong sinubukan akong siraan ni Cheska kina ate Andie, pero sa akin naniwala si ate Andiw at tinuruan pa akong mag-make-up nang isang beses na dumalaw sila dito.

Yerin, palagi naman akong proud sa'yo.

Nakaka-proud kung gaano ka katatag, mas lalo kitang minamahal...

Siguro, natalo ako ng mga maling emosyon ko noon.

Pero tulad ng sinasabi ni Rohzian, hindi worth it ang mga pinaglaanan ko ng emosyon na iyon.

If I can talk to my younger self right now, I would give her a thumbs up.

Hindi niya kasalanan na hindi naging genuine sa kaniya ang mga pinagkatiwalaan niya.

Iniisip ko na baka ngayon kung kami pa, worthless ang pinaglalaanan ko ng oras imbis na mag-pinta.

Rohzian:

Bawat Daan, Bawat IkawWhere stories live. Discover now