25

10 1 0
                                    

It is true that our emotions tells us something. Sometimes, the anxious feelings are telling us something. Sometimes, it tells us that something still needs to be fixed.

Tila isang sugat o pasa na kapag nabangga ay siyang maghuhudyat na kailangan pa ding magamot. We can't outsmart our emotions. We can't just tell ourselves that it is something we must not feel.

Iyan ay ang bagay na kailangan kong aminin sa sarili ko noon. Kaya din nahirapan akong maghilom ay dahil sa tila ang ikot ng buhay ng iba---ikinokonekta ko sa buhay ko.

That is the poison of gossiping.

"Hindi ko na uulitin... Zian..."

Ang poison ay hindi ako kakausapin ni Rohz dahil sa chini-chismis ko siya habang nagsusulat siya ng notes.

"Shh..." seryoso niyang saway.

Nanahimik na lamang akong umupo. Nag-isip kung paano lilibangin ang sarili.

Hinawakan ko ang daliri niya ngunit ini-iwas niya ito.

Kinuha ko ang notebook ko at binasa ang sariling notes.

"I told you to stop talking about people who's no longer connected in you."

Tumango ako.

Alam ko na agad ano ang pagkakamali ko. Naiintindihan ko din na baka napagod na siya sa kadaldalan ko. Naiintindihan ko na baka napapansin niyang urong-sulong ang mindset ko kumpara sa kaniya. Naiintindihan kong baka napapagod siyang maintindihan at kampihan ako.

Nanatili akong tahimik, iniisip ang mga pagkakamali ko at paano aayusin. Pero aaminin ko, may mabigat na pakiramdam gayong alam kong galit o disappointed siya sa akin.

"Now you're giving me silent treatment?"

Nag-isip agad ako ng sasabihin.

"N-Nagbabasa ako..." mahinahon kong sinabi.

Siya ang rason bakit pakiramdam ko ambilis lang aayos ng lahat. Siya ang rason bakit pakiramdam ko ambilis lang na gagaan ng pakiramdam ko.

Kaya tuwing nagkakaroon kami ng alitan kahit maliit na bagay lang, napaka laki ng nagiging apekto sa akin.

"Hapon na, hindi ka pa uuwi?"

Inayos ko na ang gamit ko. Nagmamadali.

"Nagdadabog ka?"

Umiling ako agad.

"N-Nagmamadali lang kase... b-baka andoon na din si lola...ngayon ko lang din napansin ang oras..."

May tumunog sa cellphone niya.

"Tang'na, wrong timing..." bulong niya.

Nakatingin lamang ako sa kaniya ngunit hindi ko magawang tumingin ng diretso sa mata niya.

"Nagpapasundo si Daddy..." aniya.

"Una na ako, ba-bye..." bati ko bago lumabas ng pinto ng second floor.

Doon ko napakawalan ang ilang butil ng luha na pinunasan ko agad.

Habang nagmamadaling umalis, naabutan pa ako ng ulan. Mabuti na lamang ay malapit na sa bahay...

Gina-gaslight ko ang sarili ko na malapit na sa bahay. Nadulas pa ako sa malumot na parte ng kalsada.

"Nakakainis..."

Basang basa ako ng makapasok sa loob. Wala pa ang lolo at lola ko.

Pero bukod sa ulan, basang basa din ako ng luha.

Hindi niya responsibility na intindihin ako palagi. Kailangan ko pa ding matutunan na sa sarili ko lamang dedepende. Kailangan kong matutunan na introvert siya at kailangan din niya ng oras mag-isa. Kailangan kong matutunan na hindi lamang siya ang panghahawakan.

Bawat Daan, Bawat IkawWhere stories live. Discover now