22

8 0 0
                                    

"Ranz, punta muna ako sa court ah! Kapag nanalo si kuya sa pustahan, bibili ulit tayo ice cream!"

Ginising ako ni kuya. Kagabi akala ko sa labas na naman ako matutulog. Buti dumating siya noong gabi tapos niyaya kami matulog sa bahay nila kuya bitoy...

Inaantay ko si kuya habang naka-upo sa kalsada sa tapat ng palengke.

"Mama... masakit tiyan ko..."

Umiiyak na ako habang tumatakbo papunta kay mama. Tinignan ko muna kung nando'n si papa kaya nung wala siya, umalis na ako.

"Tigilan mo'kong dimonyo ka!"

Pinalo ako ni mama ng malakas ng kahoy. Hindi na ako maka-iyak ng malakas kasi hindi ako makahinga.

"Ranz!"

Binuhat ako ni kuya at tumakbo siya.

"M-Masakit ba? M-Masakit pa rin? Saan... saan ang masakit? K-Kumain ka na ba?"

Umiiyak si kuya habang yakap ako tapos kalong niya.

"Napaano boi? May sugat na naman ba bunso natin?"

"Gutom na'ko kuya..."

"Kain muna dito sa'min boi, teka utang ako kina ate Mirna ng delata..."

Binuhat ako ni kuya pa-upo sa upuan na kahoy.

Hinihilot ni kuya ang napalo ni mama.

"M-Masakit pa?"

"Hindi na..."

Ngumiti ako para di na siya mag-iyak. Pinunasan ko ng kamay ko ang luha niya.

"Kain na tayo boi! Favorite ni Ranz ang ulam! Dinagdagan ni ate Mirna ng sabaw at kanin para daw kay Ranz..."

Sinusubuan nila ako habang nakain kami. Hindi na naikot ang paningin ko ngayon.

"Pogi siguro ni Ranz pag-tanda"

"Mana sa kuya, ano nga?"

Tumango ako ng madaming beses.

"Bilhan kita tatlong lata ng sardinas, Ranz, itanggi mo..."

Natawa ako kay kuya Bitoy.

"Eng-eng, wala 'yang sardinas mo sa cotton candy na binibili ko pagkahilot sa kaniya!"

Nag-apir kami ni kuya.

Lagi kami sa kaniya nakain tsaka natulog kase si mama at papa lagi lang kami bubugbugin.

Hanggang sa...

Hinuli ng pulis si kuya Bitoy tapos sabi nila ate Mirna nagnakaw daw kase siya... Matagal pa daw bago babalik.

Naka-upo ulit ako sa tabi ng kalsada. Naiiyak ako kase hindi ko maisip paano ako kakain.

Si kuya kase nasa school...

Hanggang sa kahit pakainin na niya ako, hindi ko makain kase nagsusuka ako.

Sabi niya kay papa dalhin ako sa ospital... Kaso nag-away sila ni papa tapos sinuntok siya ni papa. Tinali siya ni papa kaso wala akong magawa...

Umalis si papa at narinig ko na pupunta siya doon sa labas para mag-inom.

Kumuha ako ng gunting. Ginupit ko ang tali ni kuya.

"Very good very good..." aniya.

Nang magupit ko, pinasan niya ako. Takot na takot ako kase madilim. Tumatakbo kami ng mabilis.

"Hinding hindi na tayo babalik sa impyernong 'yan Ranz, hindi na..."

Dinala niya ako sa tapat ng isang malaking bahay.

Bawat Daan, Bawat IkawOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz