31

6 0 0
                                    

"Your younger-self indeed could never kanina..."

Napangiti ako sa sinabi ni Iara.

Inayos ko ang buhok ko. That little girl who have a long brown hair indeed could never.

"Mhm..."

"Magkwento ka naman, Yerin, matagal ka na naming hindi naka-ka-kwentuhan dahil sa lagi kang busy..."

Natawa ako nang sabihin iyon ni Marianne. Ngayon ko napagtantong totoo pala.

Busy kay Rohz.

Malandi. Prosti. Kalapating mababa ang lipad.

"Hmmm..."

Nagiisip ako paano ko sisimulan. Pero naisip kong ikwento mula pa sa simula.

"Alam niyo sa totoo lang, I just realized na it never gets easier---I just got stronger. Hindi makakaya ng younger-self ko ang pang-ba-bother niya noong kinamusta niya ako. Hindi kaya ng younger-self kong makitang nakikipag harutan si Makkoy sa iba. Hindi kaya ng younger-self kong mag-emcee para sa kanila. Hindi kaya ng younger self kong isipin ang future na wala na ang kaniyang Makkoy babyloves. What the fuck, it cringe the shit out of me..."

Tawang tawa na naman sila sa akin.

"Hala, nahahawa na ng wordings kay Rohzian..."Marianne.

"Oo, kaso tama ang grammar niya, akin hindi."

"Magkwento ka pa..."

Natutuwa akong ang gaan sa pakiramdam na mas magkwento pa.

"Una, I'll start with the things that I used to be worried a lot. I used to get worried that...what if wala na talagang pag-asa? What if hindi na talaga niya ako mahal? What if magkaroon siya ng iba at harap-harapan kong makita? What if makita kong nag-go-grow siya nang wala ako? What if makita kong nata-trato niya nang maayos ang bago niya? What if i-flex niya at may masabi sa akin ang iba? What if magmuka akong tanga kapag i-show-off niya ang bago niya? I realized that all of those irrational fears comes from my own irrational judgements. Takot akong mabago ang perspective kong mabuti siyang tao---hanggang sa natakot akong mabago ang perspective kong masama siya. Narealize ko na tao siya, an individual that is outside my boundaries. Isang taong nararapat lamang na wala na akong pakealam. All of those fears comes from my own insecurities and wrong-doings. "

Nakatingin lamang sila sa akin, namamangha. Ganito siguro ang pakiramdam ni Zian kapag wala na akong masabi pero genuine akong nakikinig at nagaantay ng sasabihin niya.

"Pero nang unti-unti kong ma-alis ang mga insekyuridad at mabago ang mga masasama kong ginagawa at sinasabi tungkol sa kaniya, kahit na i-shout-out pa niya sa gitna ng performance nila, wala naman nang apekto sa akin. Hindi ko din nararamdaman na naiinggit ako. Hindi ko nararamdaman na nagagalit o napapahiya ako. Dahil sa napagtanto akong ang mga bagay na tungkol sa kaniya ay hindi tungkol sa akin."

Sumandal silang tatlo at pare-pareho ko silang niyakap.

"Tsaka isa pa, kaya ako nagkakaganoon kapag nakikita kong nag-sho-show-off ang potential at talent niya ay dahil sa sanay ako noon na tungkol lamang sa akin ang ikot ng buhay niya. Kung tutuusin, parehong nakabuti sa amin ang nangyari..."

"Pero anong reaction mo sa posibleng konsensiya na nararanasan niya?"

I smiled.

"Should I tell the words that I wish he will hear?"

Tumango silang tatlo.

Kailangan kong pakawalan ito dahil sa nangyari nitong mga nakaraan.

"You all don't have to worry about me. We need to accept that it is what it is and we cannot control what already happened. Hindi mawawala sa sistema ko ang nangyari---pero ang nagbago ay ang perception ko sa tuwing maaalala ko ano nga ba ang nangyari. It comes from being a traumatic experience into a book that I will sometimes use as a reference to reflect. Until I could only remember the book cover. Hindi lang ito tungkol sa relasyon namin, tungkol ito sa naging friendship natin. Ikaw naman Makkoy, I also pray that you'll also heal. Sana nga, hindi mo na talaga naaalala ang nangyari. Your psychological downfall would never be my success. Hindi porket miserable ka, panalo ako. Hindi ganoon. Sana ay hindi niyo na ngang talaga ako maalala---dahil ang bersyon kong iyon ay mananatili na lamang na memorya."

Bawat Daan, Bawat IkawWhere stories live. Discover now