CIEATH

By hara_angelica

39.3K 2K 85

Vessels of Martiti #3 There's a city in Vista Onse that creeps out the people living in there. Rumor says tha... More

CIEATH
Prologue
1st Death: Stupid
2nd Death: Patience
3rd Death: Zombies
4th Death: Glare
5th Death: Creatures
6th Death: Waves
7th Death: Pissed
8th Death: Like
9th Death: VM
10th Death: Lerine
11th Death: Words
12th Death: Intention
13th Death: Choices
14th Death: Stupid
15th Death: Mystery
16th Death: Sorry
17th Death: Kill
18th Death: Lies
19th Death: Shanes
20th Death: Trap
21st Death: Untitled
22nd Death: Her
23rd Death: Wake
24th Death: Keann
25th Death: Still
26th Death: Limit
27th Death: Attacked
28 Death: Ten Seconds
29th Death: Poison
30th Death: Ella
31st Death: Confused
32nd Death: Weird
33rd Death: Walk
34th Death: Clue
36th Death: Saved
37th Death: Captured
38th Death: Not yet
39th Death: Dale 143
40th Death: Family
41st Death: Jeremy
42nd Death: Downfall
43rd Death: Flashback
44th Death: Escape
45th Death: Unveil
46th Death: Alliah
47th Death: Hatred
48th Death: Message
49th Death: Save
50th Death: Surprise
Epilogue

35th Death: Tired

475 22 0
By hara_angelica

SHACYNE

"ATE Shane saan ba talaga tayo pupunta? Malayo pa ba ang lalakarin natin? Bakit hindi na lang tayo magsasakyan? Bakit kami lang din ang pinaglalakad mo?" May bakas ng iritasyon ang boses niya.

"Napapagod ka na?" Malumanay ang boses ko kahit nagngingitngit na sa galit ang ngipin ko. Kung paano ko man iyon nagawa ay hindi ko alam.

"Hindi pa naman po." sagot niya at nag-iwas ng tingin.

"Sigurado ka?" paninugurado ko. "Ako kasi napapagod na."

Tumigil ako sa paglalakad at mabilis na hinugot ang espada para itutok ang dulo noon sa lalamunan ni Rasharzi habang ang isang kamay ko naman ay may hawak na baril na nakatutok kay Jeremy. Pareho naman nila akong tinututukan ng kutsilyo sa tiyan at sa leeg.

"Alam kong malalaman mo rin. Hindi ko nga lang inaasahan na ganito kaaga." wika ni Rasharzi na namamangha akong pinagmamasdan.

"Mabuti nga 'yon dahil nasusuka na ako sa ginagawa." segunda ni Jeremy.

"Hindi naman kasi ako tanga tulad n'yo." Nakakalokong ngumisi ako. "Hindi kayo pwedeng mag-artista dahil ang papangit n'yong umarte."

"Pero hinayaan mong makuha sila?" Nang-aasar na tumawa si Jeremy na tinutukan na rin ako ng baril gamit ang isang kamay niya. "Oo, hindi ka nga tanga."

Hindi ko pinansin ang pagiging sarkastiko niya dahil wala naman siyang alam sa naging desisyon ko. Baka kapag sinabi ko ay maglaho na lang sila na parang bula sa harapan ko. Sayang naman kung hindi ko sila mapapatay, hindi ko mababawasan ang kalaban kapag ganoon. Mahina akong napatawa at umiling-iling. Ibinaba ko na ang mga kamay ko pero hawak ko pa rin ang mga sandata. Ganoon din sila kaya nakaatras ako ng dalawang hakbang.

"Ipinadala ba kayo para patayin ako? O subukin ang kakayahan ko? O baka naman para kunin din ang mga kasama ko?" tanong ko at umiling. "Kahit ano pa man 'yon ay isa lang ang nasisiguro. At iyon ay ang pagkamatay n'yo sa mga kamay ko."

Mabilis na pinaputukan ko si Jeremy gamit ang baril kasabay ng pagsangga ko sa kutsilyong ibinato ni Rasharzi gamit ang espada ko. Buti na lang at sanay na rin akong magmulti-task kaya hindi ako nahihirapan.

Sa gitna ng kalsada kami naglalaban. Wala kaming pakialam sa mga nasisira at nababasag namin na gamit o sasakyan. Tumalon ako paakyat sa hood ng isang kotse para iwasan ang pagsaksak sa akin ni Rasharzi. Umakyat ako sa bubong at doon nakipagbarilan kay Jeremy na nagtatago sa isang sasakyan.

Patay ka na, Ayen. Marahas akong napabuntong-hininga nang maubusan ako ng bala. Ang kakaibang baril ay itinago ko sa damit ng tunay na Rasharzi na wala naman dito ngayon. Mabilis akong tumalon pababa ng kotse at umikot para salubungin si Rasharzi na sasaksakin sana ako kaya lang ay naunahan ko siya.

"Pasensya na, mas mahaba ang espada kaysa sa kutsilyo." Nginisihan ko siya at mas idiin pa ang pagsaksak sa kanya. Mabilis ko rin iyong hinugot para isangga sa bala ni Jeremy. Masama ang tingin na ibinibigay ko sa kanya habang ginagamit ang katawan ng isang ito bilang panangga sa mga balang pinapaulan niya sa direksyon ko. "Hindi porke't kamukha n'yo sila ay magdadalawang-isip na akong patayin kayo."

Hindi sila ang totoong Rasharzi at Jeremy. Nang sumugod sina Alliah sa ospital ay alam kong 'yon ay para kunin si Rasharzi at Jeremy. At kahit kayang-kaya ko silang pigilan ay mas pinili ko ang walang gawin dahil iyon ang mas makakabuti sa kanila. Mas magiging ligtas si Rasharzi kung nandoon siya dahil alam kong hindi nila siya pababayaan. At para naman kay Jeremy, alam kong hindi nila siya sasaktan sa ngayon.

Napatingin ako sa relo ko nang tumunog iyon. Napataas ang sulok ng labi ko dahil alam ko kung sino ang may gawa noon.

[Ate Shane, nandito na kami. Pero para naman akong kinuha ni Lord sa sobrang puti rito.] Boses ni Jeremy ang narinig ko matapos pindutin ang relo. Mahina lang ang boses niya na para bang iniiwasan niya na may ibang makarinig sa kanya.

Ibinaba ko na ang kamay nang hindi ibinababa ang tawag. Walang tunog akong naglakad palapit sa Jeremy na kasama ko ngayon. Maingat akong nakaakyat sa bubong na pinagtataguan niyang sasakyan at walang pasabing pinugutan siya ng ulo. Nakahinga na ako ng maluwag at saka itinapat ang relo sa bibig ko.

"Don't worry, I'll come and save you."

"WHERE the hell are you?" I asked to myself while roaming my eyes everywhere.
Sa kakalakad ko ay nakarating na ako sa magubat na parte ng Cieath. Kung didiretso pa ako ay makakarating na ako sa Barrio Nueve. Gubat lang naman kasi ang naghihiwalay sa tatlong bayan. 'Yon nga lang, bukod doon ay may mga laser at barbwire na nakamamatay ang nasa loob ng gubat. Pinipigilan noon ang trespassers na magpatawid-tawid sa tatlong bayan. Bukod sa mga puno ay wala na akong nakikita pang iba. Napabuntong-hininga ako at nilapitan ang pinakakakaibang puno sa paningin ko. Wala akong nakikitang kaakit-akit sa kanya maliban sa kakaibang pakiramdam ko rito. Kinapa-kapa ko ang katawan nito hanggang sa makapa ko ang hinahanap ko. Tumaas ang sulok ng labi ko nang kusang umangat ang hugis parisukat na parte noon at lumabas ang isang sensor. Hinayaan kong i-scan nito ang mga mata ko.

"You can now enter."

Bumukas ang tila elevator sa katawan nito kaya agad akong pumasok. Isa hanggang dalawang tao lang ang magkakasya sa loob nito. Depende pa iyon sa size ng taong sasakay. May maliit na ilaw dito at screen na alam na alam ko kung para saan at kung para kanino. Nabuhay ang maliit na screen at lumabas ang isang batang babae.

[Alam kong darating ka pero masyado ka naman yatang napaaga.]

"Nabobored kasi ako at gusto kong pumatay ng maraming tao. Tutal naman at marami kayo noon kaya rito na ako manggugulo." Nginisihan ko siya ng pagkalawak-lawak. "Mas masarap gumawa ng massacre sa lugar na pinakaaayaw ko at tinitirhan ng mga mga taong pinakaaayaw ko rin."

[Do you really think you can do that? Nasa amin ang mga taong mahalaga sa buhay mo, Shacyne. We can kill them in instant.]

"Hoy, bata. Baka nakakalimutan mo? Kaya ko rin kayong patayin ng isang..." Ipinitik ko ang kamay habang nakangisi sa kanya. "...ganoon lang. Kung magpapaunhan tayo, talo kayo, bata."

[Wala kang kwentang kausap. Anyway, I have to go now. Sasabihin ko na kasi sa kanila kung sino ka talaga.] Ngumiti muna siya ng pagkatamis-tamis bago mag- blackout ang screen.

Sa halip matakot ay natuwa pa ako. Mabuti nga 'yon. Para malaman na ni Rasharzi kung sino ako sa buhay niya.

Napapagod na rin naman akong magpanggap. Tingnan na lang natin kung hanggang saan ang nararamdaman mo para sa akin, Azi.

Continue Reading

You'll Also Like

23.2K 1.4K 34
|C O M P L E T E D| Redmond City, ang ciudad na epicenter ng virus na kumitil at nagpapahirap sa maraming buhay ng mga inosenting tao. Dahil sa malup...
874 100 9
[ TRANSGRESSOR SERIES #8 ] If Cinderella got her Prince Charming because of her beauty and her radiant glass shoe and dress, Genesis...well, it looks...
57M 2.3M 81
Most women fall for engineers, doctors, lawyers, architects and businessmen but in my case? I fell in love with an astronaut. Highest rank: 1 Cover...
28.4K 1.1K 48
Isang simpleng dalaga lamang si alesxia. Siya ay nag iisa nalamang dahil sa pagkawala ng kaniya mga magulang sa mismong kaarawan na edad 9 years old...