SHACYNE
"BAKIT hindi ka matulog?" basag ko sa katahimikang namamayani sa amin ni Rasharzi.
Kaming dalawa na lang ang naiwan at naglalaban sa staring contest. Ako na ang umiwas dahil masyado s'yang kahabag-habag sa paningin ko. Mahirap na. Baka kung ano pa ang magawa ko sa kanya.
Hindi siya nagsalita at nanatiling nakatitig sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay pero wala pa ring salitang lumalabas sa bibig niya. Teka, nawalan ba 'to ng boses at hindi makapagsalita?
"I'm still in love with you."
"Tapos?" walang kabuhay-buhay na wika ko. Napailing ako at dismayadong tiningnan siya. "Matulog ka na. Kailangan mo pa ng lakas."
"What can I do to make you love me?
What can I do to make you care?" Bigla siyang umentrada ng kanta na ikinataas ng sulok ng labi ko.
"I'm not the same Cyne you've met before. Hindi mo ako madadala sa kanta-kanta na lang."
"Pero kaya na kitang dalhin sa kanto-kanto lang."
Tangina. Naintindihan ko 'yon! Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa nakaberde niyang utak pero ang lintik ay nginisian lang ako. Bastos ang bunganga ko pero mas bastos ang kanya. Hindi na yata 'yan madadala sa holy water.
"Tss. Ipahinga mo na lang 'yan. Madadala pa naman sa pagtulog ang kabaliwan mong 'yan." Ipinaikutan ko siya ng mga mata at naiiling na tinalikuran.
"Insomnia." 'Yon lang ang sinabi niya pero sapat na para patigilin ako sa paglayo sa kanya. "I'm awake for four night."
"What the hell?" Masama ang tingin na hinarap ko ulit siya. "11 days lang ang limitasyon ng taong hindi nakakatulog! At pitong gabi na lang, patay ka na!"
"It's fine. I'll die happy because I'm with you 'till my last second." sagot niya na para bang wala na siyang pakialam sa buhay niya.
"Tss. Sabihin mo na lang kung gusto mong patulugin kita."
"Kapag ba sinabi ko, gagawin mo?" Pagak siyang tumawa na ikinakirot ng puso ko. Umiling-iling siya habang may mapait na ngiti sa labi. "Pagod na ako, Cyne. Pagod na pagod na 'ko."
Nasasaktan ako sa narinig pero pinili ko pa rin ang ngumiti. "Mabuti't naisipan mo ng tumigil. Kalimutan mo na ako dahil hindi lang naman ako ang babae sa mundo. Makakahanap ka pa ng babaeng hindi ka sasayangin at papahalagahan ka."
Kinagat ko ang dila para pigilan ang pagpapadala sa sakit na nararamdaman ko bago ngumiti ng malawak sa kanya. Yumuko ako at tinalikuran na siya. Masakit sa akin ang mga katagang binitawan pero iyon ang tama at nararapat. Hindi kayo pwede kaya itatak mo 'yan sa isip mo, Ayen.
Tumulo na ang luhang kanina ko pa pinipigilan ng maramdaman ko ang init niya sa likuran ko. Yakap-yakap niya ako mula sa likuran.
"Napapagod na ako sa lahat, Ayen. Pero hindi ibig sabihin no'n na titigilan na kita. Bibitawan ko ang lahat maliban sa 'yo." Hinalikan niya ang tuktok ng ulo ko. "Magpapahinga lang ako tapos kukulitin na kita."
Impit akong napaiyak sa mga narinig mula sa kanya. Sa mga oras na 'to ay gusto ko na lang siyang yakapin at alagaan. Naramdaman niya marahil ang pag-iyak ko kaya iniharap niya ako sa kanya at hinawakan ang baba ko para lang iharap ang mukha ko sa kanya.
"Wala na ba akong alam na gawin kundi ang paiyakin ka?" malumanay ang boses na tanong niya habang kitang-kita ang sakit sa mga mata niya.
Napailing lang ako at niyakap siya. Naramdaman ko ulit ang pakiramdam na ligtas ako mula sa kahit ano at kahit sino. Bakit ba ang unfair sa amin ng mundo? "Gusto ko na lang takasan ang lahat at sumama sa 'yo."
"I know, baby. I know. At gagawin natin ang gusto mo."
Tatanggapin ulit kita sa buhay ko pero sa pagkakataong 'to ay lalaban na ako.
"SHANE."
Nagising ako sa boses na 'yon ni Keann. Hindi ko alam na nakatulog na naman ako. Nanlaki ang mga mata ko at agad na napabalikwas ng bangon nang maalala si Rasharzi. Bago pa ako makapagsalita ay kumalma na rin ako nang makitang katabi ko siya at tahimik na natutulog. Nakakumot kami at nakahiga sa ibabaw ng malapad na mesa gaya ng mga nasa meeting room.
"Hmm?" Maingat na bumaba ako sa mesa at hinila siya palabas. "Marami ka bang nakuha?"
Hindi agad siya sumagot kaya tiningnan ko siya. Nakita ko siyang pinagmamasdan ako habang may nagdududang tingin sa mga mata niya. Tinaasan ko siya ng kilay na ikinanguso niya.
Isa pa 'tong isip-bata e.
"Oo, pati nga mga expired kinuha ko na." sagot niya at pumadyak-padyak bigla habang may nagmamakaawang tingin sa mga mata. Hinawakan niya ang braso ko at ginalaw-galaw. "Pero kukulangin pa rin 'yon, Shane~"
Tss. Alam ko na mga galawan nito.
"Oo, tutulungan kita."
"Yes!" Masayang napasuntok pa siya sa hangin at mabilis akong hinalikan sa pisngi. "I love you na talaga, Shane!"
Sinasabi na nga ba e. Tumalikod na siya at patalon-talong lumayo na sa akin. Napapailing na sinundan ko na lang siya ng tingin. Napangiti ako. Kahit isip-bata siya ay maaasahan ko naman.
Hindi na ako bumalik sa loob at nanatili na lang sa labas. Naglakad ako papunta sa dulo ng hallway at tiningnan ang labas. Napahawak ako sa hikaw na nasa pusod ko. Ang wirdo mang pakinggan pero ang hikaw na 'to ay pagmamay-ari ng nanay ko. Simple lang ang disenyo niya pero napakamahal ng halaga. Sa pusod ko siya inilagay para masaya.
"Don't worry, mom, dad. Ipagpapatuloy ko pa rin ang nararapat kahit tinanggap ko na siya." Tumingin ako sa kalangitan sa labas. "Please guide me and those two idiots in winning our own battles. Dahil sa huli, kaming tatlo pa rin ang mayroon kami."
Tiningnan ko ang relo ko pero wala pa ring pulang ilaw na umiilaw. Sabagay, ano bang aasahan ko sa dalawang 'yon? Pare-pareho naman kaming hindi ipapaalam na nahihirapan na kami dahil ayaw naming dumagdag sa problema. Napatawa ako sa isiping 'yon. Sana lang ay ligtas kayo, Yui, Lesia. Hindi ko na alam ang gagawin ko kung pati kayo ay mawawala sa 'kin.
Sa murang edad ay marami na kaming napagdaanan na nalampasan naman namin kasabay ng pagbabago namin. Ngunit magbago man ang lahat sa amin ay may isang bagay na hinding-hindi mababago sa pagitan naming tatlo, at 'yon ay ang pagsasamahan namin na mas pinatatatag lang ng mga pagsubok.
"I thought you left me again."
Napalingon ako sa nagsalita at nakita si Rasharzi na nakapamulsa sa gilid ko. Hindi ko napansin ang repleksyon niya dahil sa langit ako nakatingin at masyadong malalim ang iniisip ko. Hinarap ko siya at lumapit sa kanya.
"Matulog ka pa. Hindi tayo aalis nang wala kang sapat na pahinga." Hinawakan ko ang mukha niya at gamit ang mga hinlalaki ay hinawakan ko ang eye bags niya. "Almost three hours ka pa lang na natutulog kaya kailangan mong dagdagan 'yon."
"Then don't leave my side. Natatakot ako."
"You don't have to, Azi. I'll stay with you no matter how hard the situation is." Tumingkayad ako at hinalikan ang noo niya. "I promise that."
Mahina akong napatawa nang makita siyang hindi makapaniwalang nakatingin sa akin. Nagloloading pa yata ang kingina.
"Are you really sure about that? Baka bukas ay makalimutan mo ang mga sinabi mo, Cyne." Ngumuso siya at inirapan ako. "Baka pinapaasa mo lang ako e.
Walang pagdadalawang-isip na hinila ko siya para saglit na magtagpo ang mga labi namin. Nang bumitaw ako ay hindi ko na napigilan ang mapangisi dahil natulala na talaga siya.
"I'm still in love with you too." Nakangising tinapik ko ang balikat niya at nilampasan na siya. Nakapasok na ako sa tinulugan namin ay hindi pa rin siya sumusunod. Nakangiting hinawakan ko ang labi ko. "Buti na lang matapang ka, Ayen."