The Five Bad Boys and I

By diwatangbae

259K 7.3K 625

FORMERLY "HIS SWEETEST DOWNFALL" - - - - - Date Started: December 20, 2014 Date Finished: June 20, 2015 Major... More

Author's Note
Dedication
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Epilogue

Chapter 18

3.8K 127 20
By diwatangbae

"Mr. Hans Catly."

Bumitaw sila sa isa't isa pag ka announce ng pangalan ni Hans. Ngumiti si Danielle at niyakap si Ivan. Nagbow sila sa isa't isa. They looked perfect for each other. A perfect definition of match made in heaven. Maganda at gwapo, kakaiba ang chemistry nilang dalawa. Walang wala sa akin.

Sumunod naman si Hans.
Pagka upo ni Ivan huminga siya ng malalim at ngumiti sa kaniya iyong tatlo at sinabing 'congrats'.

"Mr. Gerard de Guzman." bumitaw si Gerard sa akin at kumuha ng rose at nakipagsayaw kay Danielle.

Lahat sila niyayakap ni Danielle bago at matapos magsayaw pero kay Ivan lang siya ganun makipagsayaw. Ano bang status nila? MU? Nagliligawan? Pansamantagal Relationship? Ay ewan, bakit ba ang chismosa ko?

"Jai Yen Yen! Aal iz well." sabi ko sa sarili ko habang tinatap ang right chest ko.

"Okay ka lang ba?" tanong ni Kyle sa akin. Ngumiti lang ako sa kaniya at pinanuod na ulit sila Gerard at Danielle magsayaw.

Nagulat ako ng biglang tabihan ako ni Hans. Hindi ko alam but I get this vibe na medyo off ako sa kaniya. Kasi siguro masungit siya at bully at mean? Nanonood lang din siya kila Gerard at Danielle. Nung matapos na silang magsayaw bumalik na siya sa tabi ko kaya umalis si Hans sa inuupuan niya at bumalik sa pwesto niya.

After ng eighteen roses at eighteen wishes, kumain na kami. SA WAKAS! Dinner na, kanina pa ako takam na takam sa amoy ng mga pagkain dito.

Habang nasa pila kami para kumuha ng pagkain napansin kong maraming nakatingin sa akin. Why? Kasi ba new face ako sa rich society nila? Sa totoo lang nakakailang na maraming mata na nakatingin sa akin. Huminga na lang ako ng malalim. Pagkaupo ko naman nag-dasal ako para kumain. Habang kumakain napansin ko si Danielle na nag-iiikot para magpapicture by table.

"Bugoys!" bati ni Danielle sa kanila pagka-upo namin. "Oh, hi there! I'm Dani and welcome to my birthday party, you must be Gerard's girlfriend? Actually I was a little bit shocked to know the news but hey this guy is a man now."

Teka?! Ako ba 'yung tinutukoy niya? Siguro naman kasi sa akin siya naka-tingin. Girlfriend? Ano? Paki-ulit? Tiningnan ko si Gerard na paty malisya habang iyong apat naman parang gulat na gulat din. Shocks, kainamang pang-aasaran nanaman ito.


"Hi." parang natuyo lahat ng laway ko. Or gutom lang talaga ako? No wonder, natatameme si Ivan kapag kaharap siya.

"Dear, come join us papicture tayo." sabi niya sa akin. "Don't leave your date." tapik niya kay Gerard.

Parang nanghehele ng bata ang boses niya at may powers siya na pasunurin ako sa mga ipag-uutos niya. Grabeng perfection 'to!

Bale, si Kyle tapos si Hans tapos si Ivan, tapos katabi niya si Danielle tapos katabi ko si Danielle sa right tapos si Gerard at si Jethro.

Unang shot pormal pa ang ayos namin. Second shot ganun pa rin pero nararamdaman kong hinahawakan na naman ni Gerard ang kamay ko. What's wrong with him? Too clingy. Third shot nakawacky na kami, nagkaron ako ng dahilan para bitawan ang kamay niya kasi mag po-posing ako. After ng picture umupo na kami para kumain ulit.

"Sweetie, what's your name again?" tanong ni Danielle.

"Aria." sagot ko at ngumiti sa kaniya. "Happy Birthday! Pasensya ka na wala akong gift." sagot ko.

"No big deal, sweetheart. You are such a cute girl. No wonder, napatimo mo itong si Fitz Gerard." sabi ni Danielle. Medyo napapakinggan ko ang French accent niya. Grabe, ang elegante niya kahit naka-upo.

"So kilala mo na pala ang girlfriend ni Gerard?" singit ni Kyle na may stress sa word na girlfriend. Shocks! Bakit ba ganito?!

"Yep. Hindi nga, kaya pala nagpadagdag ng isa pa sa invitation itong si Fitz Gerard is because of you. I asked him pa nga eh if who will she or he be na isasama niya, eh may table naman na kaniya si Kuya Geo, and he can't resist me, so inamin niya." sagot ni Danielle. "Big boy na talaga ang Young Master namin." sabi ni Danielle at pinisil sa pisngi si Gerard na deadma sa usapan.

"Inamin? So ibig sabihin kayo na?" tanong ni Jethro na may mapang-asar na ngiti?

Shocks! Bakit hindi ako makatanggi? Hindi ko maamin kay Danielle na mali siya ng iniisip at kung ano man ang sinabi ng Gerardo na ito sa kaniya ay hindi totoo. Gosh! Paano ko ba lulusutan 'to? GERARD!!!


"Aria, I hope you enjoy my party. Pasensya ka na sa mga bugoys na ito. Acctually, they are bullies and naughty since I knew them, please, be patient to them. Especially to this one." sabi ni Danielle sa akin at saka tinuro si Gerard.

"Actually they are dating since school days started." sabi ni Kyle. HA? ANO RAW?



Nagkangitian kami habang si Ivan pansin kong habol ang tingin kay Danielle. Pagka-alis ni Danielle, hindi magkamayaw sila Jethro at Kyle sa pang-aasar sa aming dalawa ni Gerard. Tsk! Kung anu-ano kasi ang pinagsasasabi nito kay Danielle eh.

"Hindi man lang kami na inform. Akala ko ba tropa tayo. Haist!" kunwaring nagtatampong sabi ni Jethro.

"G*go!" tanging sabi ni Gerard.

Naunang matapos kumain sila Ivan at Gerard. Tumayo sila parehas, nag-CR si Gerard, samantalang si Ivan naman ay sinundan si Danielle at tinutulungan niya na bitbitin ang dulo ng gown ni Danielle.


"Kyle, hindi naman sa nakiki-alam, just curious and observation ko lang ito ah. Parang sa inyong lima, si Ivan ang super close kay Danielle." sabi ko. "Girlfriend niya?" tanong ko pa.

"Ivan would be glad to hear that." sagot ni Kyle. "In his dreams." dagdag pa niya.

"We've known each other since noong mga bata pa kami. Simula noong mamatay ang parents ni Ivan sa isang plane crash at naiwan siya sa grandparents niya. Si Danielle na ang nagsilbing buhay at lakas ni Ivan since then. Palaging si Danielle ang kasama noon ni Ivan. Si Danielle lang ang nakakapagpatahan kay Ivan. Akala pa nga ni Lolo Intoy noon magkaka-sakit na si Ivan dahil ng depression. Mabuti na lang, nandiyan si Danielle. Kaya rin nag-aral ng violin si Ivan dahil pianist si Danielle." paliwanag ni Kyle.

"She is our Ate figure pero hindi namin akalain na iba na pala 'yun kay Ivan. For short, she is Ivan's first love, not only that, his greatest love." sabi ni Jethro.

Bigla na lang pumasok sa isip ko na wala na talaga akong pag-asa. Oo, siguro nga nagugustuhan ko na si Ivan. Pero ano na? Wala na, may Danielle na siya. Saka ano namang panama ko kay Danielle, she's perfect. She got it all. Eh ako, wala. Itsura pa lang talo na. Saka memories at impact pa lang walang wala na talaga. Sabagay, crush lang naman 'yun.

Mayamaya pa ay bumalik na si Gerard. Nag-start na rin ang iba pang pa-18 ni Danielle. May mga intermission number pa.

"Sa birthday mo magpapa-ganyan ka rin?" tanong ni Gerard.

"Ha? Hindi. Bakit?" tanong ko.

"Ako dapat ang escort mo ha." sabi niya. Luh. Ano raw?

"Wala kaming pera para magkaroon ako ng grand debut katulad ng ganito. My Mom is just a bank manager, hindi naman afford ang ganito. Isa pa, masaya ako kahit sa simpleng handa lang. Wala rin naman yatang pupunta kapag nagpa-party ako." sagot ko.

"Bawas-bawasan mo kasi iyang katarayan mo para magkaroon ka ng mga kaibigan." sabi ni Gerard.

"Wow ha! Nakakahiya naman sa'yo, sila nga lang apat ang kaibigan mo eh." sabi ko.

"At least, hindi sila peke." sagot ni Gerard.

Dito ko napansin na talagang matagal na silang magkakasama at magkakaibigan. Nagkakasawaan na rin siguro sila sa mukha ng isa't isa, pero wala, sa solid ng relasyon nila at sa dami na ng memories nila talagang mahihirapan ang makakapagpa-buwag sa kanila. And Gerard has a point, okay lang na kakaunti ang friends. At least hindi sila plastics.

Nanunuod lang kami ng program nang abutin nanaman ako ng gutom. Tumayo ako at inihabilin ang pouch ko kay Gerard. Mukha namang walang kukuha nun dito eh.





"Pasaan ka ba?" tanong ni Gerard.

"Kukuha ako nung mga pastries. Gutom na ako." sagot ko.

"Kainaman naman 'to.Kaya pala ang lakas mong manapak, ang lakas mong kumain. Saan no inilalagay lahat ng kinakain mo ha?" sabi ni Gerard kaya tiningnan ko siya ng masama. Hinahamon yata ako nito ngayon ah.

"Sige na, kumuha ka na ng pagkain dun." sagot niya kaya pumunta ako sa buffet table.

Kumuha ako ng cupcakes, tarts, muffins at iyong slice ng pastel rainbow cake ni Danielle. Grabe, ang sarap kumain! Hindi sila gaanong matamis. Paglingon ko sa kabilang table may babaeng sumasahod sa chocolate fountain. Hala meron pala nun? Pumunta ako run para kumuha rin. Kumukuha ako ng platito nang mapa-atras ako.

"Mommy?" tanong ko.

"Aria."

Parang nagkagulatan kaming dalawa na makita namin ang isa't isa. Bakit siya naandito sa party ni Danielle. She told me she is on a meeting with her boss. I even pick that black backless dress for her, kasi formal daw. Ito ba 'yung meeting? Why do I get a vibe that this night isn't going to be okay as I want it to be?

Mas nagulat ako sa sinabi ng lalaki na lumapit sa kaniya. Humawak siya sa beywang ni Mommy at tinawag siya.

"Love, I told you, sweets are---"

Love?

Tinuro ako ni Mommy sa kasama niya at humarap ito sa akin. Boss ito ni Mommy, si Mr. Rafael.

Rafael Catly.

Continue Reading

You'll Also Like

631K 16K 46
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...
13.8K 821 55
A probinsyana girl named Bejay that born to be a girl's scout that accidentally caught the attention of the hottest and sexyiest famous vlogger/strem...
5.7K 319 37
Shiela, is a girl who isolated herself from the other people or the world because of the trauma. Shiela has a boyfriend but later she found out that...
3.4M 114K 65
Death is my name and Death can be my game. Deathalè at your service.