CIEATH

De hara_angelica

34.7K 1.9K 84

Vessels of Martiti #3 There's a city in Vista Onse that creeps out the people living in there. Rumor says tha... Mais

CIEATH
Prologue
1st Death: Stupid
2nd Death: Patience
3rd Death: Zombies
5th Death: Creatures
6th Death: Waves
7th Death: Pissed
8th Death: Like
9th Death: VM
10th Death: Lerine
11th Death: Words
12th Death: Intention
13th Death: Choices
14th Death: Stupid
15th Death: Mystery
16th Death: Sorry
17th Death: Kill
18th Death: Lies
19th Death: Shanes
20th Death: Trap
21st Death: Untitled
22nd Death: Her
23rd Death: Wake
24th Death: Keann
25th Death: Still
26th Death: Limit
27th Death: Attacked
28 Death: Ten Seconds
29th Death: Poison
30th Death: Ella
31st Death: Confused
32nd Death: Weird
33rd Death: Walk
34th Death: Clue
35th Death: Tired
36th Death: Saved
37th Death: Captured
38th Death: Not yet
39th Death: Dale 143
40th Death: Family
41st Death: Jeremy
42nd Death: Downfall
43rd Death: Flashback
44th Death: Escape
45th Death: Unveil
46th Death: Alliah
47th Death: Hatred
48th Death: Message
49th Death: Save
50th Death: Surprise
Epilogue

4th Death: Glare

865 49 0
De hara_angelica

4th Death
Glare

SHACYNE

"TSK" I hissed while glaring to these stupid zombies.

Hindi ko talaga alam kung paano sila nakakapasok dito gayong niremedyuhan ko na ang dapat remedyuhan. May bakal na ang pintuan at may harang na rin ang bintana pero lintik lang at nakakapasok pa rin ang mga bobong zombie na 'to.

Saan kaya dumadaan ang mga 'to?

Pinapatay ko sila para hindi mag-amoy nabubulok na mga laman ang hotel na tinutuluyan ko. Hindi nga nila ako makakain pero sa baho naman nila ako mamamatay. Minsan nga lang ay inaabot din ako ng katamaran na paslangin ang mga lamang-lupa na 'to dahil nakakaumay ng makita ang pagmumukha nilang nabubulok. Literal.

May dalawampu pang natitira at nakakaramdam na rin ako ng gutom. Sanay akong kumain pagkatapos ko silang patayin para naman hindi ko isuka at hindi masayang ang kinain. I exhaled sharply then rolled my eyes before launching myself against them. Wala akong pakialam sa mga dugo nilang tumatalsik sa akin dahil hindi pa naman ako naliligo. Mamaya na lang pag-akyat ko at bago kumain.

Tinapos ko ang dalawampu sa loob lang ng tatlong minuto. Bobo naman kasi ang mga ito at basta sugod lang nang sugod nang hindi man lang nag-iisip. Pero paano nga naman sila mag-iisip kung wala naman silang isip? May utak nga sila, hindi naman gumagana. Bigla kong naisip ang limang nasa unit ko ngayon.

"Tss. Ipapakita ko pa nga pala sa kanila ang mga dapat nilang makita." Napahilot ako sa sentido. "Bakit ba nabobo ako ng mga oras na 'yon?"

Umiling na lang ako at nang muli kong tingnan ang mga pinatay ko ay wala na sila roon. Naglaho silang parang bula maging ang bakas ng mga dugo nila. Noong una ay nagtataka ako kung paano sila nawawala pero hinayaan ko na hanggang sa makasanayan na. At least, hindi ko na kakailanganing magpakapagod pa para lang linisin nila.

Nasa ikaapat na palapag lang ang unit ko. Pinili ko 'yon dahil 'yon ang pinakatamang pwesto para tumakas kapag nagkagipitan na. Naghagdan lang ulit ako dahil hindi naman na gumagana ang elevator dito. Blangko lang ang utak ko habang naglalakad at ginagawang majorette ang katana na nasa lalagyan na ulit.

Hangga't maaari ay ayaw kong mag-isip nang mag-isip. Wala naman akong dapat na alalahanin dahil kaya ko pang mabuhay dito.

Pero hanggang kailan?

"Kasasabi lang na 'wag mag-iisip e." Wala sa sariling inumpog ko ang sarili sa pader.

Paulit-ulit kong ginawa 'yon hanggang sa magsawa ako. Wala akong maramdamang sakit kahit dumudugo na 'yon. I sighed. What am I even doing? Hinagod ko ang buhok kasabay ng pag-angat ko ng tingin para lang magtama ang mga mata namin.

"Tss. Takas ka ba sa mental?"

"Nasa unit na 'ko?" wala sa sariling tanong ko at hinawi siya na nakaharang sa pinto para makapasok ako. "Damn. Hindi na ako dapat mag-space out."

I flipped my hair and walked as if I'm alone in this unit. Ramdam ko ang mga tingin na nagmumula sa salas. Tatlo lang sila dahil nasa may pintuan ang lider nila at wala ang isip-batang si Jeremy.

"Guys---" Sumulpot si Jeremy sa entrada ng kusina na madadaanan ko. May hawak siyang sliced apple na nasa maliit na mangkok. Napaawang ang labi niya at nanlalaki ang mga matang nakatingin sa akin. "Shane!"

I was caught off guard when he launched his self to me. Agad niyang ibinaba sa sahig ang mangkok para lang lapitan ako.

"Jeremy!" suway no'ng isang lalaki sa kanila.

Damn. When will I know their names para naman hindi ako nahihirapan?

"Bebe Shane, anong nangyari sa 'yo?" He asked worriedly while checking my whole being. "Sinong umaway sa best friend ko ha?"

Napakurap-kurap ako habang nakatingin sa kanya. Did he just called me Bebe Shane? And he even proclaimed me as his best friend in front of his friends? Gaano kababa ba ang IQ ng lalaking 'to para hindi niya maintindihan ang banta ko?

"Tss. Stop worrying as if we know each other already." I gave him my deadliest glare but he just pouted while still holding me on my arms.

"Pero bebe Shane, I already introduced myself to you a while ago. My name is Jeremy, the one who shouted is Tyrone, 'yong babaeng laging inaaway ka ay si Alliah, 'yong isa pang babae ay si Lailanie at 'yong isa pang lalaki ay si Rasharzi pero Archi na lang. Siya ang lider namin." Itinuro niya ang sarili at inisa-isa ang mga kasama niya na tanging si Tyrone lang ang tumango bilang pagbati. While the rest, they did nothing aside from looking at me.

"Tapos?" I asked uninterestingly. Sino ba sila para pagkaabalahan ko?

"Tapos gagamutin natin 'yan." He pulled me and forced me to have a sit in the living room. "Saan nakalagay ang first kit aid dito?"

What? First kit aid? I frowned. Hindi ko na rin kinumpirma ang narinig ko dahil hindi na kailangan.

"First aid kit 'yon." Lailanie corrected him.

"Ganoon din 'yon." He smiled shyly while caressing his nape. "Bebe Shane, nasaan na ang kit na 'yon?"

I stared at him for seconds before exhaling sharply. Mukhang hindi ako tatantanan ng ungas na 'to kapag hindi ko siya sinagot.

"Sa banyo."

Nagmamadali siyang tumakbo papunta roon na ikinailing ko. Sumandal ako sa sofa at ipinikit ang mga mata. Wala akong pakialam sa mga tingin nila dahil nakukunsumi ako sa kaibigan nila.

"Anong ginawa mo sa kaibigan namin?" seryosong tanong ni Lailanie.

"Ginayuma mo siya 'no?!" pambibintang na naman ni Alliah.

"Think what you want to think. Wala akong dahilan para magpaliwanag sa inyo." I answered without opening my eyes. "Wala rin kayong karapatang hingiin ang paliwanag ko."

"Aba't!" Alliah was about to attack me when Jeremy came in.

Doon lang ako nagmulat ng mga mata. Kaya kong malaman ang gagawin nila at maramdaman ang presensya nila gamit ang ibang senses. Hindi lang naman kasi ako sa mata laging dumedepende.

"Wala naman siyang ginagawa sa 'kin kaya 'wag n'yo s'yang pagsalitaan ng ganyan." Mahina ngunit malungkot ang boses ni Jeremy. Lumapit siya sa akin at biglang ngumiti. "Tara, bebe Shane, sa kusina na lang kita gagamutin."

Hinila niya ako patayo at palihim na sinamaan ko naman ng tingin 'yong dalawang babae na nakatingin din sa akin.

Madala na sana kayo sa isang tingin, mga tanga.

Continue lendo

Você também vai gostar

239K 8.4K 46
Let's witness the journey of Angelina Theresse Maxwell as Maria Titania Marquez in Musical Academy! Enjoy reading. Highest Rank Achieved: #1 in Music...
7.3K 506 6
In a time of great threat, Earth faces an imminent invasion from Zithea, a planet created by Jia's mother through the enchanted book of Polaris. To c...
ZOMBREAK De Angge

Ficção Científica

254K 12.9K 62
Vessels of Martiri #1 Do you know how to defend yourself? Perhaps, to kill? How 'bout being independent? Self-reliant? If you have or can do this t...
6M 275K 72
In the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power...