When Brats Meets The Badass

By KingX-Tian

24.7K 5.4K 3.9K

Isang retreat house ang muling binuksan makalipas ang isang taong pagkakabakante para sa mga kabataang may pa... More

Disclaimer
Author's note
Characters
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30.1
Chapter 30.2
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69

Chapter 57

72 12 0
By KingX-Tian

Drei's Point of View.

Naalimpungatan ako sa sunod-sunod na ingay na narinig ko. Dahan-dahan kong inangat ang ulo mula sa pagkakasub-sob sa lamesa. May pagtatakang tiningnan ko ang sarili ko ng malamang sa kusina pala ako nakatulog. Mukhang nakatulog agad ako at hindi na nagawa pang makapaglakad sa kwarto para doon matulog. Gusto kong matawa pero napigilan ako nang mapag-alamang may kasama ako rito sa kusina.

"Good morning, Drei. How's your sleep?"

Hindi ko tinapunan ng tingin si Winter na siyang bumati sa 'kin. Kailan pa siya nagtanong sa 'kin na parang close kami sa isa't isa?

Tumayo na ako. Muntik pa akong matumba dahil bigla akong nakaramdam ng hilo. Ramdam ko rin ang pangangalay ng aking batok dahil sa naging pwesto ko sa pagtulog. Medyo masakit rin ang ulo ko.

Dumeretso ako sa kwarto namin. Naabutan kong gising na rin ang mga kasama ko rito. They were talking something, nagkakatawanan pa.

Hindi na ako magtataka kung bakit nakikita kong nakikitawa na rin si Volt sa kanila. Malamang na humanap siya ng kakampi ngayon na inilalayo ko ang sarili sa kaniya. I don't have any choice. Mainit siya sa mata ni Caye ngayon dahil sa ginawa niyang pag-sira sa birthday celebration nito nitong nakaraan. I didn't know that Caye would take Volt's done as a serious one. She even ordered some of students in our school to beat Volt. Masyadong big deal kay Caye ang nangyari.

Hindi pwedeng malaman ni Caye na kasangkot ako ni Volt sa nangyaring 'yon, na ako mismo ang nagsabi sa kaniya para gawin niya ang bagay na 'yon. Mahirap na. Baka magbago ang tingin niya sa 'kin at isiping niloloko ko lang din siya gaya ng ginawa ni Volt kay Snow. I mean, totoo naman na niloloko ko talaga siya. It's just that this is not the right time for her to know.

Naghubad ako ng suot na T-shirt bago kinuha ang towel na nakalagay sa higaan ko. Lumabas na rin ako pagkatapos.

Bago makarating sa banyo ay napadaan ako sa kwarto ng mga babae. Nakabukas ang pintuan nila kaya kitang kita ko ang ilan sa kanila at kanilang mga ginagawa. A grin formed in my face when I saw Rainne. She's still on her bed, asleep. Sa aming dalawa, siya siguro ang nakainom ng sobra.

There's a sudden flashback that appear into my head. Nakainom man ako kagabi ay alam ko ang mga nangyari. I bit my lower lip as I remembered what I did. Since the day that we got here. I always want to make my move to catch her attention but she's making it hard for me to execute it. Masyado siyang pakipot. But when I kissed her, I didn't expect her reaction would be that it's like she's into it. Sigurado akong nagustuhan niya 'yon. I can see in her actions that she's craving for more.

Patikim pa lang 'yon, Rainne. Darating din tayo sa gusto nating mangyari pareho.

Dumeretso na ako sa banyo at nagsimula nang hubarin ang pants na suot ko. Bago hubarin ay kinapa ko muna ang cellphone ko sa bulsa para hindi mabasa. But I stuck when I didn't feel it inside my pocket. I am a hundred percent sure that I leave it inside dahil nag-usap pa kami ni Caye kagabi through phone call bago ako pumasok sa loob ng bahay.

Muli akong lumabas ng banyo at pumunta sa kwarto. Hinanap ko ang bag ko pero hindi ko rin makita. Saan ko ba nailalagay ang mga gamit ko? Bumaba ako sa sala para doon tingnan. Nang makarating sa sala ay nakita kong nakalagay 'yon sa may sofa. Umupo ako sa sofa at doon hinalungkat ang gamit ko. Pero bigo akong makita ang hinahanap ko.

Shit. Saan 'yon mapupunta? I'm sure enough that I still have it when I got home yesterday. Hindi naman ako makakalimuting tao lalo na kung mahalagang gamit sa 'kin.

Biglang may pumasok sa isip ko na lalong nakapagpadagdag ng inis ko. This has to do with what happened last night.

Dala ang bag ko, mabilis akong umakyat ng hagdanan at pumasok sa kwarto ng mga babae.

"Anong ginagawa mo rito?" Salubong sa 'kin ni Aviana pero hindi ko siya pinansin. Dumeretso ako sa higaan ni Rainne at doon tumigil.

Alam kong may kinalaman siya sa pagkawala ng cellphone ko. Siya lang ang kasama ko kagabi.

It was my stupidity to agree to what she wanted. Bakit ngayon ko lang naisip na maaaring plano nila 'yong nangyari kagabi. Kung iisipin, sobrang unusual ng mga ikinilos niya simula kagabi. She invited me to drink with her. Bakit niya nga ba ako aakitin sa ganoong okasyon? Not unless she wants something from me.

"You are not allowed here, Drei. Isusumbong kita kay Ms. Quinta kapag hindi ka pa lumabas dito." Hindi ko pinansin ang sinabing 'yon ni Cloud. My attention is still fixated to Rainne. Kung kanina ay natutuwa ako sa nangyari sa 'min kagabi. Ngayon naman ay pinagsisihan kong pumayag ako sa gusto niya. She might have taken the video I was holding as my ace to her.  "Ano bang kailangan mo sa kaniya?"

"My phone is missing."

"Pinagbibintangan mo ba siya?"

Humarap ako sa kaniya. "Siya ang kasama ko kagabi, saka isa pa." Iginala ko ang paningin sa kanilang dalawa ni Aviana. "Alam kong mainit sa mga mata niyo ang videong hawak ko. Hindi malabong kinuha niya 'yon para burahin."

Mabuti na lang secured 'yon ng password ko. 'Yon ang isa sa pinanghahawakan ko kaya hindi pa rin ako naglalabas masyado ng galit ko. Makuha man nila sa 'kin 'yon ay siguradong hindi nila 'yon mabubuksan.

Not unless.

Volt helped them to open my phone and delete the video.

Umiling ako isipan ko.

No! He can't do that.

"Ito ba ang hinahanap mo?" Napalingon ako sa labas ng kwarto nila nang marinig kong may nagsalita. "Nakita ko ito malapit sa lababo sa kusina. Sa 'yo 'ata 'to?" Winter raised her hand, she's holding my phone. Lumapit ako sa kaniya para kuhain ang cellphone na hawak niya.

Whew! That relieved me.

Nang makuha ko ay umalis na ako sa loob ng kwarto nila. Inilagay ko ang hawak sa loob ng bag ko at muling pumasok sa banyo para maligo. Mamaya ko na lang e-che-check 'yon 'pag tapos na akong maligo.

Muli akong pumasok sa banyo para ipagpatuloy ang naudlot kong pagligo.

Pagkatapos maligo, nagbihis na agad ako. Hindi na ako nag-intindi pang mag-almusal dahil hindi na ako sanay na makasabay silang kumain lalo pa ngayon na wala na akong kakampi rito. Sa school na lang siguro ako kakain.

I hop inside the trike. It takes a couple of minutes before I reached our school gate. Dumeretso agad ako sa cafeteria para umorder ng aalmusalin.

Nagsimula na akong kumain nang matapos akong um-order. I was in my midst of eating when I remember about my phone. Kinuha ko 'yon sa loob ng bag ko. Pinakatitigan ko muna 'yon bago ko in-unlock. Mukhang hindi naman nagalaw ng kung sino. Pero hindi pa rin ako mapapalagay hanggang hindi ko nasisiguro. I take my water as I browse the videos inside.

Tila bumagal ang paghahanap ko nang mapagtantong hindi ko na 'yon makita. Nakarating na ako sa kahulihang video pero hindi ko napansing nadaanan ko ang hinahanap ko. Muli kong binalikan ang ibang video. Doon na ako nakasigurado na tama nga ang hinala ko.

Humigpit ang pagkakahawak ko sa mababasaging basong hawak ko. They fooled me! Rainne fooled me!

Wala sa sariling naibato ko ang hawak kong baso. Wala na akong pakialam kung may natamaan man sa ginawa ko. Kinuha ko ang bago ko at mabilis na lumabas ng cafeteria.

You're putting your life in risk, Rainne. You're just making your life more misirable by making fool of me.

___

Rainne's Point of View.

Kahit masakit ang ulo ay nagawa kong makapasok ngayong araw. Kung papipiliin, mas gugustuhin ko pang pumasok nang ganito kesa naman tumigil sa bahay na wala namang gagawin. Nakakaboring.

Nakarating ako sa room namin ng walang nangyayaring masama. I mean, I was expecting that Drei would do something dahil sa ginawa ko sa kaniya. He's not that naive to not to notice it. Sigurado sa mga oras na 'to ay alam na niyang nawawala ang videong hawak niya.

Nagsimula ang first period namin. Hindi ko siya hinahanap pero nagtataka ako kung bakit hindi siya pumasok. Ayon sa mga kasama ko sa bahay ay nauna na siyang pumasok kaya nakakapagtaka na hindi niya pinasukan ang first subject namin. Nandito kasi si Caye na madalas niyang kasama. Maging sa sumunod pang isang subject ay hindi siya sumipot.

Nakita kong lumapit si Caye sa upuan ni Volt nang matapos ang pangalawang klase namin. Mukhang may itinatanong siya rito. Kahit naman hindi ko naririnig ang pinag-uusapan nila ay alam kong tungkol kay Drei 'yon.

Baka nga tama si Volt na may pinag-awayan ang dalawa kagabi. Baka isa rin 'yon sa dahilan kung bakit hindi siya pumasok ngayon.

I should be happy right now that Drei won't appear in my two consecutive subjects. Pero kabaliktaran ang nararamdaman ko ngayon. Parang may mangyayaring hindi maganda.

Umalis din ito sa harapan ni Volt pagkatapos nilang mag-usap.

Inayos ko ang mga gamit ko at nagsimula na ring tumayo. Naramdaman ko namang lumapit sa 'kin si Volt na ikinagulat nina Caye, based on their reaction. Hindi ata nila akalain na gagawin 'yon ni Volt. Sorry, but we are now in good terms.

Sabay kaming lumabas dalawa at pumuntang cafeteria. Pero bago kami makarating sa loob ay may bumangga sa 'ming grupo ng mga lalaki. Muntik pa akong matumba dahil medyo malakas ang impact ng ginawa nila.

Papatulan pa sana 'yon ni Volt pero agad ko siyang pinigilan at inalayo sa mga bumunggo sa 'min.

"You should have let me. Nabigyan ko sana ng leksyon ang mga 'yon."

"Hahayaan naman sana kita pero naisip kong may mga sugat ka pa. Saka alam ko rin namang hindi mo kaya 'yon. Ang dami kaya nila."

Tumawa lang siya.

Nakarating kami sa loob ng cafeteria. Hinayaan niya lang akong may-stay sa upuan at siya na um-order ng makakain namin.

I just smiled at him as he walked away. Kahit maliit na bagay, hindi ko akalain na may ganito pa lang ugali si Volt. Sigurado akong nahawaan lang siya ni Drei kaya nagawa niya ang ganoong bagay kay Snow. I am certain that he did not do it by his intention.

I was waken by my thoughts when I felt someone sat next to me. Hindi kaagad ako nakapagsalita nang makitang si Drei 'yon.

Bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Sobrang higpit ng pagkakahawak niya kaya naramdaman ko ang pananakit noon. Gusto ko sanang sumigaw pero parang tinakbuhan ako ng boses ko.

"D-drei."

Tumayo siya at hinigit ako palabas ng cafeteria. Muli akong sumulyap kay Volt pero mukhang hindi niya ako napansin.

"Saan mo ako dadalhin?"

Hindi niya ako sinagot. Tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad habang muntik na akong matumba dahil sa bilis ng paglalakad niya. Tumigil kami sa tapat ng isang classroom na sa tingin ko ay hindi na nagagamit.

"We're here."

I hate to to admit it pero hindi pa ako natakot sa kaniya nang ganito. Nakakatakot ang paraan ng pagtingin niya. Kahit hindi ko nababasa ang isipan niya ay alam kong may tumatakbo sa loob noon na hindi magandang bagay na anytime ay pwede niyang gawin sa 'kin.

"A-anong gagawin mo?"

Lumapit siya sa 'kin na mas lalong nakadagdag ng kabang nararamdaman ko.

"We will just continue what happened last night. Mukha kasing nabitin kita."

"W-what----

Hindi na ako nakasagot sa kaniya nang bigla niya tinakpan ang ilong ko gamit ang isang panyo. Nakaramdam ako ng hilo at pakiramdam ko matutumba ako. Hindi ko na namalayan pa ang mga sumunod na nangyari nang biglang magdilim ang paligid ko.

Continue Reading

You'll Also Like

1M 41.6K 100
crush back series #1 ❝crush kita. what if jowain mo ko, ha?❞
34.6K 1.7K 34
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
20.1M 840K 63
In fairy tale, it is always the prince who will bring back your missing slipper. He will kneel in front of you with a sweetest smile on his face, tre...
51.7K 3.7K 2
This guy is bad news. Pretending to be cute and nice while hiding an evil inside. Although Zandra Asuncion dislikes Michael Jonas Pangilinan, she gra...