Save The Best For Last [Publi...

By asherinakenza

4.7M 100K 9.4K

Friend zoned. Hindi na bago kay Tom Andres Santos ang salitang yan, sa dalawang beses na nagmahal siya ng tot... More

Save The Best For Last
STBFL: Prologue
STBFL: Chapter 1
STBFL: Chapter 2
STBFL: Chapter 3
STBFL: Chapter 4
STBFL: Chapter 5
STBFL: Chapter 6
STBFL: Chapter 7
STBFL: Chapter 8
STBFL: Chapter 9
STBFL: Chapter 10
STBFL: Chapter 11
STBFL: Chapter 12
STBFL: Chapter 13
STBFL: Chapter 14
STBFL: Chapter 15
STBFL: Chapter 16
STBFL: Chapter 17
STBFL: Chapter 18
STBFL: Chapter 19
STBFL: Chapter 21
STBFL: Chapter 22
STBFL: Chapter 23
STBFL: Chapter 24
STBFL: Chapter 25
STBFL: Chapter 26
STBFL: Chapter 27
STBFL: Chapter 28
STBFL: Chapter 29
STBFL: Chapter 30
STBFL: Chapter 31
STBFL: Chapter 32
STBFL: Chapter 33
STBFL: Chapter 34
STBFL: Chapter 35
Save The Best For Last: Finale
Save The Best For Last: Epilogue
STBFL: SELF PUBLISH!

STBFL: Chapter 20

94.6K 2.5K 144
By asherinakenza

STBFL: Chapter 20

Vanalein Rhyme Romeo

Isang araw palang ang lumilipas pero parang napaka laki ng pinag bago ng buhay ko ngayong wala sa paligid ko si Andres. Parang iba ang lasa ng pagkain ngayon na niluto ng kasambahay namin. Kadalasan kasi si Andres na ang nagluluto ng mga kakainin ko.

"Fast food again?" Puna ni Jhomarie saakin ngayong kumakain ako sa Jollibee. Nagkibit balikat lang ako at nagpatuloy sa pagkain.

"Saan mo ba balak pumunta?" Usisa niya saakin. "Sabi kasi ni Andres, mamasyal daw ako. Hindi ko naman alam kung saan ako magsisimula." Sabi ko sakanya. Kaming dalawa lang ang magkasama ngayon dahil wala si Bea, abala siya sa kanyang trabaho.

"In love na in love lang?" Humahalakhak na ani Jhomarie, hinampas ko ang braso niya at nagpatuloy sa pagkain. Ngumuso ako habang ngumunguya, posibpe palang mamiss ko talaga si Andres, ano bang nangyayari saakin? Dalawang linggo lang naman ang hihintayin mo Rhyme para makasama siyang muli.

"Wooa! Nakakabusog!" Hiyaw ko nang matapos akong kumain, natigilan ako sa paghimas sa tiyan ko nang may makita ako na familiar.

Kitang kita ko ang mahabang buhok niya na naka-pony tail at mukhang katatapos lang niya galing sa work out, narinig kong umorder lang siya ng hot chocolate at nang humarap na siya ay nagtagpo ang mata naming dalawa.

"Rhyme?" Ngiting ngiting aniya atsaka nagmartsa siya palapit saakin, nginitian ko din siya.

"Oh, hi, Mela." Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng pagka ilang ngayon, siguro ay dahil alam kong malaki ang pagka gusto niya kay Andres. Nakakaramdam din ako ng inggit dahil alam kong mas maganda siya saakin at kung maganda man ang katawan ko ay mas maganda pa rin ang sakanya dahil sa pag wo-work out niya araw araw.

"How are you? Long time no see, si Tom? Kumusta na siya?" Sunod sunod na tanong niya atsaka naupo siya sa isang bakanteng upuan sa tapat ng mesa namin ni Jhomarie.

"Okay naman ako. Nasa Singapore si Andres, may inaasikasong business." Sambit ko, napatango tango siya habang nakangiti. Ang ganda talaga niya, para bang nanliliit ako ngayon.

"By the way, may gagawin ka ba? Gusto sana kitangh imbitahan, birthday ko bukas. Punta ka, isama mo ang kaibigan mo." Anyaya niya habang nakatingin kay Jhomarie.

"Ah eh.."

"Come on, Rhyme! Minsan na nga lang kita imbitahin, tatanggihan mo pa ba? Sige na, here's my calling card, nandiyan ang address ng bahay ko, simpleng salu-salo lang naman ang magaganap." Iniabot niya saakin iyon at tinanggap ko.

"Oh paano? Mauna na ako ha? Medyo sticky na eh." Natatawang sabi niya tungkol sa katawan niya atsaka umalis na rin.

Walang halong kaplastikan ang pagbati saakin ni Mela. Ewan ko pero kung ako kasi ang nasa posisyon niya at sinabi ko sa babaeng nagugustuhan ng taong mahal ko ang nararamdaman ko ay hindi ko ito kayang harapin. Mela is a nice girl, noon pa man ay magkaibigan na sila ni Andres. Naiinggit ako sa katotohanang mas kilalang kilala pa niya si Andres kaysa saakin.

__

Pagkasend ko ng pictures ko kay Andres sa Viber niya ay mabilis na siyang tumawag at kaagad kong sinagot.

"Love." Ramdam ko sa boses niya ang pagod.

Umupo ako sa kama ko at matamang tinititigan ko ang replesyon ko sa salamin.

"You look beautiful, saan ang punta mo?" Aniya na nagpapula sa pisngi ko. Ang tinutukoy niya ay ang isi-nend ko sakanyang picture ko sa viber. Naka kulay beige akong dress ngayon na hapit sa katawan ko at 3 inches na kulay pulang heels.

Huminga ako ng malalim, "Ah, sa party ni Mela." Walang ganang sagot ko sakanya, oo pinaunlakan ko ang imbitasyon ni Mela, dahil sabi ni Jhomarie magmumukhang bitter ako kung hindi ako dadalo, sasamahan naman daw niya ako.

"Mela? Carmela Fiero?" Paninigurado ni Andres, tumango ako na para bang nakikita niya ako. "Yeah." Walang ganang sagot ko.

"Good, mabuti naman at nagkakasama kayo." Aniya,hindi ako sumagot. Wala naman kasing alam si Andres tungkol sa pag amin saakin ni Mela sa nararamdaman nito para sakanya.

"Love?"

"Hmm?"

"Damn it, open your skype." Utos niya saakin. "Andres,"

"Love." Matigas na tawag niya saakin at pinatay niya ang tawag. Huminga ako ng malalim atsaka pumunta ako sa application ng phone ko kung saan nandoon ang skype, kaagad kong binuksan iyon at wala pang isang minuto ay may video call na si Andres.

Mabilis nag appear ang gwapong mukha niya sa screen, naka-top less lang siya ngayon at mukhang bagong paligo siya. Maswerte na rin kami dahil pareho lang naman ang oras namin sa Singapore at dito sa Pinas kaya nakakapag usap kami ng maayos.

"What happened? Bakit parang ang tamlay mo?" Pag aalala niya, umiling ako. "Come on, Love. Don'y play with me, nakikita ko sa mata mo at ramdam ko sa boses mo." Aniya, huminga ako ng malalim.

Nakipag titigan lang siya saakin saakin at hinihintay akong sumagot. "Alright. Na-i-insecure ako kay Mela." Pag amin ko.

Kumunot ang noo niya. "Saan?" Naguguluhang tanong niya.

"Sa lahat, sa ganda niya. Sa ganda ng katawan niya. Higit sa lahat mas kilala ka niya kaysa saakin." Naiinis ako dahil naririnig ko talaga ang sarili ko sa mga kapraningan ko.

May gumuhit na ngiti sa labi ni Andres, "Tawa ka jan." Naiinis na sambit ko sakanya.

Umiling siya, "Love naman, wala ka namang dapat ikainggit sakanya. Mas maganda ka, mas maganda ang katawan mo. Oo matagal na kaming magkakilala, ano namang ikinaiinggit mo doon? Makikilala mo rin naman ako ng mas lalo, kahit paunti unti." Namula ang pisngi ko dahil sa pagpuri niya saakin.

"Listen to me, Mela is a nice girl. Wala kang dapat ipagselos." Aniya na nagpakagat saakin sa dila ko. Wala? Meron Andres, matagal ka nang mahal ni Mela. Pero hindi ko kayang sabihin sakanya iyon.

"Birthday nga pala ni Mela ngayon ano? Ibati mo nalang ako sakanya." Nakangiting aniya, ewan ko pero nakakaramdam talaga ako ng selos.

"Love," Tawag niya saakin, "I'm sure, ikaw ang pinaka magandang babae doon." Alam kong pinapalakas niya lang ang loob ko dahil kitang kita sa mata ko ang kahinaan.

"Smile." Aniya, "You are really beautiful. The best ang ganda mo Love, the best ka sa lahat ng bagay para saakin." Dagdag pa niya, nag wacky face pa siya sa camera kaya naman hindi ko na napigilan ang pag ngiti sakanya.

"Yan, mas the best kapag nakangiti ka." Ngisi niya.

"Sige na, magpahinga ka na. Mukhang pagod ka, si Dad?" Usisa ko sakanya.

"Nasa room na niya. Pagod nga Love, hindi pa namin nameemeet si Mr.Evanco, medyo napaaga ang flight namin kaya inasikaso nalang muna namin ang ibang investors." Kwento niya saakin, tumango tango ako.

"Aalis na ako." Paalam ko sakanya. "Alright, take care, mahal ko." Ewan ko pero napatawa nanaman ako.

"Thanks. I love you Andres." Bulong ko, hanggang ngayon nahihiya pa rin ako sa pagsasabi non sakanya.

Ngumiti siya at kuminang ang kanyang mata. "I love you too."

Pinatay ko na ang skype at inilagay ko na sa bag ko ang cellphone ko, dumating na rin si Jhomarie at kotse niya ang gagamitin namin.

Nang makarating kami sa party ay kaagad kaming sinalubong ng napakalakas na tugtog, maging ang malakas na tawanan ng mga bisita ni Mela ay umaalingawngaw sa tainga ko. Ito ang tinatawag niyang simple? Napaka magarbo na nito para saakin, malaki ang bahay niya at masasabi kong mayaman si Mela.

"Rhyme! I'm so happy dahil nakarating ka!" Sigaw ni Mela magmula sa loob ng bahay, kaagad siyang tumakbo palapit saamin ni Jhomarie at humalik siya sa pisngi namin. Naka red na maikling dress niya at kitang kita ang magandang kurba ng kanyang katawan, bumagay sakanya ang straight niyang buhok at ang red lipstick niya na shiny. "Happy birthday!" Masiglang bati ko sakanya.

"Thank you! Tuloy kayo!" Anyaya niya at yumakap pa siya sa baywang ko upang makapasok kami sa loob. Inihatid niya kami sa isang lamesa at pinaasikaso sa isang waiter.

"Pasensya na, medyo madami ang bisita. Hindi ko naman ineexpect na ganito. Inimbita kasi ni Dad yung mga ka-business partner niya." Aniya, iminuwestra ko ang kamay ko na okay lang iyon. Mapapansin mo naman kasi talagang puro business man ang nasa paligid.

Umupo siya sa tabi ko at panay ang ngiti niya sa tuwing may bumabati sakanya.

"Akala ko hindi ka pupunta." Biglang kwento niya. "Haay nako, pini--" Siniko ko si Jhomarie para manahimik nalang.

Bumaling ako kay Mela at ngumiti sakanya. "Kaibigan ka ni Andres, hindi naman maganda kung tatanggihan kita." Sagot ko sakanya, ngumiti siya at nakita ko ang paglitaw ng dimple niya sa kaliwang bahagi ng pisngi niya.

"Happy birthday daw pala." Dagdag ko. Ngumisi siya at umiling, "That silly man! Masyadong madaya, ang sabi niya hindi siya papalya sa birthday ko." Aniya na nagpalukot sa mukha ko, gosh. Ano bang nangyayari saakin? Bakit ba masyado akong nagiging sensitive ngayon sa mga naririnig ko tungkol kay Andres? Ganito na ba ako kaselosa? Nakakainis, hindi ko dapat nararamdaman ito.

Mag aalas dos na rin nang matapos ang party ni Mela, medyo may tama na rin kami ni Jhomarie sa alak kaya naman tumigil na kami sa pag inom.

Nagpaalam muna saakin si Jhomarie na mag ccr muna siya bago kami umuwi. Naiwan kaming dalawa ni Mela sa lamesa. Nakakatuwa dahil kahit marami siyang bisita ay hindi niya kami iniwanan doon sa pwesto namin, nakipag kwentuhan lang siya saamin tungkol sa pagiging gym structor niya. Medyo nagkasundo pa nga sila ni Jhomarie dahil na rin sa ilang bagay na napag kwentuhan na parehas nilang gusto.

"Ang sakit sa ulo." Natatawang sabi niya habang yumuyuko sa mesa. "Ang dami mo kasing nainom." Sabi ko sakanya, bumaling siya saakin at ngumiti. Namumungay na ang kanyang mata.

"Minsan lang naman 'to. Masama rin kasi." Aniya.

Sandali kaming natahimik pero maya maya pa ay nagsalita na siya.

"Thank you so much Rhyme." Biglang sambit niya, tinitigan ko lang siya. "Thank you dahil pinili mo si Tom." Ang tinutukoy niya ay ang tungkol kay Stephen at Andres.

"Masaya ako dahil alam kong masaya na siya sayo. Invited ako sa kasal ha." Namamasa masa ang kanyang mata habang nagsasalita, nakaramdam ako ng pagkahabag dahil ramdam kong mahal na mahal niya si Andres pero kaya niya itong pakawalan para sa ibang tao.

"B...bakit hindi mo sinabi noon kay Andres ang nararamdaman mo?" Tanong ko sakanya, ngumiti siya pero kasabay non ang pagtulo ng luha niya.

Umiling iling siya, "Hindi na kailangan dahil alam kong wala namang patutunguhan. Hindi naman ako desperada para ipagsiksikan ang sarili ko sakanya para lang mahalin ako." Napakagat ako sa ibabang labi ko, ngayon ko lang naisip na bakit ba ako maiinggit sakanya gayong nasaakin ang pareho naming mahal? Maswerte pa nga ako dahil kahit nito lang ako nakilala ni Andres ay natutunan niya pa rin akong mahalin.

"You're so lucky. Nakita ko sa mga mata ni Tom kung gaano ka niya kamahal, the way he looked at you, ganon ko gustong makita na titigan niya ako. Pero hindi eh, hanggang kaibigan lang ako para sakanya." Ramdam ko ang pagkahabag ni Mela sa sarili niya, nakikita ko ang sarili ko sakanya noong panahong halos mabaliw na ako kay Stephen.

Hinawakan ni Mela ang kamay ko at marahan na pinisil iyon, "Rhyme, whatever happen, please. H'wag mo siyang sasaktan. Dahil parang nasaktan mo na rin ako." Umiiyak na pakiusap niya, hindi ko alam pero kusang tumulo ang luha ko at tumango ako sakanya.

"I won't. Mahal ko si Andres." Sagot ko sakanya, ngumiti siya at tumango. "Thank you so much, Rhyme." Aniya at yumakap siya saakin.

Tama si Andres, mabuting tao si Mela. Kung ako siguro ang nasa katayuan niya hindi ko makakaya na kausapin ang babaeng mahal ng taong mahal ko. Dahil pagka muhi lang ang mararamdaman ko, pero si Mela, matapang siya, nagagawa niya akong kausapin at ramdam kong wala siyang kinikimkim na sama ng loob saakin.

Hanggang ngayon napapaisip pa rin ako kung paano naitago ni Mela ang nararamdaman niya para kay Andres sa loob ng walong taon na pagiging magkaibigan nila. Nakakabilib isipin na napigilan niya ang puso niya, iyon nga lang hindi niya napigilan itong protektahan upang hindi masaktan. Kung siguro ay hindi nagkakilala si Mr.Go at ang Daddy ko, hindi siguro rin ako makikilala ni Andres, at baka nagkaroon pa sila ng pagkakataon ni Mela na mas lalong palalimin ang pagsasamahan nila ng higit pa sa magiging magkaibigan.

Pinagtaasan ako ng kilay ni Andres ngayong magka-skype kami. Pinapagalitan niya ako dahil nagkukulong lang ako sa bahay at hindi naman ako gumagala kasama sila Jhomarie, busy kasi sila sa trabaho nila. Pero nagiging abala naman ako sa pag-be-bake. Nakuha ko kasi ang secret recipe ni Mama sa kwarto nila ni Dad.

"Naaaliw naman ako sa pag-be-bake." Bawi ko sakanya, huminga siya ng malalim at ngumiti. "Good to hear that, baka gusto mong maging pastry chef?" Biglang sambit niya na nagpangisi saakin.

"Pastry Chef? Are you kidding me, Love? Ni hindi ko nga maperfect ang isang cake. Hanggang ngayon nasa page one pa rin ako ng recipe ni Mama." Humahalakhak na sabi ko sakanya, pero natigilan ako dahil halos matunaw ako sa titig niya saakin sa camera.

"What?"

"Love?" Ngumingising aniya, napatakip ako sa bibig ko nang marealize kong natawag ko siya sa endearment niya saakin.

Ngumisi siya at kitang kita ko ang pamumula ng kanyang mukha. "It feels heaven." Bulong niya at kumagat labi pa siya.

"Andres!" Suway ko sakanya, ngumisi siya at umiling iling.

"Why don't you take Culinary Pastry?" Pag iiba niya ng usapan, napaisip ako. Oo nga. Ewan ko ba, kahit hindi ko pa ma-perfect ang isang cake, ayokong tigilan ito. Para bang gumagaan ang pakiramdam ko sa tuwing nagbe-bake ako.

"Sa tingin mo?" Usisa ko sakanya, tumango siya bilang sagot. "Magpapadala ako ng pang enroll mo." Suhestiyon niya na nagpaawang sa bibig ko.

"No!" Hiyaw ko sakanya, "Why?!" Giit niya, "Ano ka ba? Kay Dad nalang. Sabihin mo." Sambit ko sakanya, nalukot ang mukha niya at umiling. "You're hurting my ego, Love. Ako ang mag e-enroll sayo. Magiging asawa mo na ako kaya sagot na kita magmula ngayon." Ma-awtoridad na sabi niya.

Umirap ako sakanya, "No, kay Dad nalang. Hindi pa tayo kasal Andres, at saka kahit makasal tayo hindi ibig sabihin non ikaw na ang gagastos sa lahat. Come on, hayaan mong pag aralin ako ni Dad, at pagdating ng panahon masusuklian ko rin si Dad." Sabi ko sakanya, kita ko ang iritasyon sa mukha niya pero huminga lang siya ng malalim at wala nang naisagot saakin.

Hindi naman kasi tama na ibigay ko ang buong responsibilidad kay Andres. Saka isa pa, mag boyfriend palang kami ngayon o sabihin na nating mag-fiance.

Naihilamos niya ang palad sa mukha, "Kailan ba ako mananalo sayo?" Inis na tanong niya, mainit nanaman ang ulo ng mahal ko. Ngumiti ako at umiling.

This time sisiguraduhin ko namang ako ang makakapag palundag sa puso ni Andres. Korni man, pero alam kong magugustuhan niya ang isasagot ko. "Why are smiling? I'm angry." Singhal niya na mas lalong nagpangisi saakin.

"H'wag ka nang magtampo." Paglalambing ko sakanya at halos malaglag ang panga niya nang dagdagan ko ang sinabi ko.

"Matagal ka ng panalo. Panalong panalo ka na sa puso ko."

****

A/N: Kumusta? :D salamat sa patuloy na nagbabasa ng STBFL :) Kahit matagal ang UD binabasa niyo pa rin hehe. Salamat!

Love lots.

Ate Ash.

Continue Reading

You'll Also Like

14.6M 50.2K 10
#StanfieldBook2: ZekeSteele (#Wattys2016Winner Collector's Edition) "I've made mistakes out of my rebellion. But I embrace t...
2.1M 9K 14
Sam and Brye used to be madly in love with each other. Hindi importante na kapos sila parehas sa pera, kasi para sakanila sapat na ang isa't isa. Per...
30.8K 680 44
(Us Against The Fate Series #1) Behind that strong and brave woman, there is a weak and broken one who's asking for forgiveness repeatedly. A cold a...
455 86 43
Heyza Garcia hates all men because of what happened in the past. He despised and feared them at the same time. But one thing led to another, he met a...