BOOK I: Secretly Married To M...

Door yoonooyaa

337K 7.7K 382

"If a commoner can marry a prince, Then its not impossible for a FANGIRL to marry her BIAS too." Book II: Off... Meer

CHP1: She is Secretly Married to Her Bias
CHP2: Meeting my Secret Husband <3
CHP3: Sikretong Malupet!
CHP4: He's my Husband.. Promise ! TToTT
CHP5: Si Kapre at Dyosa .
CHP6: The LIES can be TRUTH*
CHP7: K meets M :)
CHP9: Moving On?!
CHP10: Here's come Trouble ! xD
CHP11: Taken For Granted
CHP12: Unexpectedly ..YOU??
CHP13: Sorry na daw ! xD
CHP14: Pumapag-IBIG^^
SPECIAL CHAPTER^O^)V
CHP15: Uy.. Selos. kekeke~
CHP16: Arranged Marriage Lang..
CHP17: Let's Start The Game
CHP18: Punishment
CHP19: Mahal ko O Mahal ako?
CHP20: HELL FOR DASURI.
Chp21: The Past
CHP22: Her Secret
NOTE:
CHP23: DREAM
CHP24: Han Dong Woo
CHP25: EXO
Chp26: New Classmate
CHP27: Comeback
#HappyExo-LDay
CHP28: Love Cycle
CHP28: Love Cycle (PART TWO)
CHP29: Halaga
CHP30: Pain
Chp31: Decisions
CHP32: Open your eyes, Dasuri.
CHP33: Tired
CHP34: One week past
CHP35: Kai's Decision?
CHP36: Lambingin Kasi
CHP37: Goodbye.. First love
CHP38: 3 words, 8 letters, say it and i'm yours
CHP39: Friend-zoned
CHP40: Friendship
CHP41: Call You Mine
CHP42: Dasuri vs. Kai
CHP43: Right Time?
CHP44: Revelation
CHP45: Second Wife?
CHP46: Trouble Maker
CHP47: I do, Cherish you
CHP48: Agony
CHP49: We Got Married
CHP50: He's Back!
CHP51: Bahay-Bahayan
CHP52: I Need a Girl
CHP53: Love Me Like You Do
CHP54: Horrible Thing?
CHP55: Hold Me Tight
CHP56: Official Date
CHP57: Is it Final?
CHP58: Let me the one
CHP59: Set Him Free
CHP60: One Last Cry
CHP61: Four Years After
Epilogue
Officially Married with my Bias

CHP8: Missing You..

6.1K 136 2
Door yoonooyaa

"Ang taong nagkukunwaring hindi apektado, panigurado nasasaktan nang todo.."

 

**

SUHO POV

*Kreeeeeeng*    *Kreeeeeeng*    *Kreeeeeeng*

"Hindi mo ba sasagutin yan? Baka importante talaga yung sasabihin nyan sayo." Suhestyon ko kay Kai, kanina ko pa kasi napapansin yung pagtunog ng phone nya. Nagtataka nga ko bakit hindi nya sinasagot.

"Hindi. Wala lang 'to.." sabay patay sa phone nya at pasok nito sa bag nya.

"May problema ba?" tanong ko.

"Hmn.. ano masasabi mo sa Exo-M?" Tinignan nya ko sa mata. Halatang may bumabagabag sa kanya. Iniisip pa din ba nyang baka maging karibal namin ang Exo-M? Sabagay.. hindi ko naman sya magsisisi kung ganyan ang naging reaksyon nya. Simula kasi nang makilala ko si Kai, alam ko nang sobra ang dedikasyon nya sa pagsasayaw at sobra-sobra din ang pagpapahalaga nya sa grupo namin.

"Kai.. kung iniisip mong.." hindi na nya ko pinatapos. Tumayo na sya't pumunta sa gitna. Nilingon nya pa ko bago magsalita.

"Magpractice na nga tayo hyung!" Napangiti na lang ako. Matigas talaga ulo ng isang to. Dahil hindi naman sya makikinig sa sasabihin ko kaya minabuti na lang nyang wag ko nang ituloy yung sasabihin ko. Pasaway na bata!

Nagsimula na nga kami sa pagppractice. Seryoso ang lahat nang biglang may magpatay ng tugtog. Napatingin kami sa may gawa nun.

"Lumapit kayo dito. May sasabihin akong importante." Si manager. Seryoso yung itsura nya. Mukhang seryoso nga yung sasabihin nya.

"Eto nga pala si Mr. Han . Manager sya ng Exo-M." sabay turo sa katabi nyang lalaki. Sya nga yung nakita kong kasama ng M. pero bakit sya nandito? Anong kailangan nya samin?

Nagbow kami matapos naming makalapit sa kanila bilang paggalang.

"Nandito kami para ipaalam sa inyo na simula ngayong araw. Dito na din sa room na 'to magppractice ang Exo-M."

"Ano? Bakit po?" tanong ni D.O. nagulat kaming lahat sa sinabi ni manager.

"Napagpasyahan ng management na magkacomeback kayo in the same song. Same dance routine at the same time and place.."

"Hindi yun pwede." Napatingin kami kay Kai dahil sa sinabi nya.

"Nakahati na nga namin sila sa show kahapon. Pati ba naman dito? Hindi ako papayag."

"Kai. Huminahon ka.." pigil ko sa kanya.

"Hindi hyung. Sasabihin ko kung ano man ang gusto kong sabihin." Pagmamatigas nya.

"Itigil mo yan Kai. Nagiging bastos kana." –Manager

"I'm just telling the truth. Simula nang dumating sila dito. Nakikihati na sila sa dapat atin lang. Sinisimulan na nila tayong pabagsakin. WAG NGA KAYO—-*PAK!*"  Natahimik ang lahat. Walang nagsasalita. Nakahawak lang si Kai sa pisngi nya.

"I-I'm Sorry Kai. H-hindi ko sinasadya." Si manager na nagulat din sa nangyari.

Hindi kumikibo si Kai. Naglakad lang sya palabas. Gusto sana syang sundan nang iba naming kagrupo pero pinigilan ko sila. Alam kong mas makakabuti kung mag-iisa muna si Kai.

**

KAI POV

 

Sinampal ako ni manager dahil lang sa sinabi ko. Hindi ko sila maintindihan. I tried to show to them kung ano ba yung totoong nangyayari but in the end.. ako pa ang nasampal? Tsk.

"I-I'm Sorry Kai. H-hindi ko sinasadya." Hindi ko sya pinansin. Naglakad na ko palabas ng practice room. Gusto kong mapagisa. Paglabas ko ng pinto, may nabangga ako.

"Ow. I'm sorry." Tinignan ko sya.

"Wait. I know you. Ikaw yung kasama ni careless girl, right? Yung sa.. Music interview? Ako pala si Kris. Remember? Exo-m leader." Nilahad nya yung kamay nya sakin.

"I'm not interested." Natahimik naman bigla yung mga kasama nya nang marinig yung usapan namin.

"Hahaha. Patawa ka. Hahaha."

"Hoy. Sssh." Sabay hampas sa kaharutan nya. Hinihintay nila ang mga susunod na mangyayari.

"What's wrong with you dude? I'm trying to be friendly here." Sabi nya na parang nagtataka sa inasal ko.

"You want to be my friend? Then get out of my way." Tinignan ko silang lahat. Kaibigan? Sila? Tss.. Naglakad na ko palayo sa kanila. Hindi ako papayag na basta-basta lang nila kaming pababagsakin. Lalaban ako. Tatalunin ko sila sa paraang alam ko.

**

AMBER POV

 

"Dasuri! Umamin ka nga. Pinahihirapan ka ba sa inyo? Kahapon lang nagkaroon ka ng sugat sa noo. Ngayon naman mukha kang namatayan." Paguusisa ni Soyeon kay Dasuri. Namamaga kasi yung mata nya. Kala mo kinagat nang sandamukal na ipis.

"Hindi.. Wala lang 'to.." walang gana nyang sagot. Nakatulala lang sya. Sinasapian ba tong si Dasuri?

"Sinungaling! Wala ba yang mukha kang zombie?" –Soyeon

"Kung may probema ka. Pagusapan natin. Kaibigan mo kami diba?" –ako

"Ayaw nya sakin.. iniwan na nya ko.." bulong nya.

"Err. Ano yang pinagsasabi mo?" –Soyeon.

"Wala kong halaga sa kanya.. Wala.." pagpapatuloy nya. Mas lalo naman kaming naguluhan sa Sinabi nya.

"Ano? Linawin mo. Hindi ka namin maintindihan." Sabi ko. Nagaalala na kasi talaga ko sa nangyayari sa kanya. Parang kahapon lang ang sigla-sigla nya tapos ngayon parang lantang gulay.

"Huuyy!!" Winawasiwas ni Soyeon yung kamay nya sa tapat ng mukha ni Dasuri. Pero dinedma pa din sya. Ayun.. di na ata na nakapagtimpi, hinawakan nya sa magkabilang balikat si Dasuri at inalog-alog.

"Gumising ka nga! Tulog ka pa ata." Inis nyang sabi.

"Ayos lang talaga ko.." mahinang sagot ni Dasuri habang nakangiti nang pilit. Nakuh! Mukhang kailangan na talaga nya ng exorcist.

"Waaaah! ang creppy mo." patuloy pa din sa pagalog si Soyeon. Pero hindi naman yun ininda ni Dasuri. Mukha ngang wala pa syang pakielam eh. Nababaliw na ba talaga sya? Nagulat kami nang may marinig kaming biglang sumigaw sa bandang likuran namin.

"Hoy! Bitawan mo sya. Sinasaktan mo ang prinsesa ko."

Sabay lapit samin ni Bambam. Isa na namang sakit ng ulo. Tinanggal nya yung pagkakahawak ni Soyeon kay Dasuri.

"Pano mo 'to nagawa? Kala ko ba kaibigan ka nya?" kung makaacting naman 'to. kala mo naabutan nyang pinapatay si Dasuri. Hayst! Nagsama-sama ang mga Alien.

"Hindi ko sya sinasaktan. Tinutulungan ko syang bumalik sa katinuan." Nakisabay pa talaga 'tong si Soyeon sa actingan. Napapailing na lang ako sa kanila eh.

"Liar! Kitang-kita ng dalawa kong mata. Kung pano mo sya saktan at pahirapan. Sa pamamagitan nang iyong.. pagalog. Oh! Prinsesa ko, ayos ka lang ba?" tanong ni Bambam. Dinedma naman sya ni Dasuri.

"Kita muna? Nababaliw na sya. Kailangan natin syang tulungan.Dasuri~ kaibigan ko~ Huhuhu." Mangiyak-ngiyak si Soyeon. Sa totoo lang.. kung tutuusin mas mukang matino pa si Dasuri kaysa sa dalawang 'to. Kinulang ata sa buwan 'tong mga 'to eh. Tumayo na ko't lumayo sa kanila nang kaunti. Baka mahawa ko sa kabaliwan ng mga yun. Mahirap na.

"What's going on here?" tanong ni Krystal pagpasok nya ng room. Napansin nya kasi yung kumpulan nila Soyeon.

"Wala naman. Kanina pa kasi nakatulala si Dasuri. Tapos yung dalawa dito.. nakahanap nang mapagttripan." Sabay tingin ko sa dalawa.

"Hindi ah!!" chorus pa talaga sila.

"That's not a problem. Ako na bahala." Lumapit si Krystal kay Dasuri. Ano na naman kaya binabalak nito. Sinundan ko lang sya nang tingin.

"You can feel a little pain. But for sure.. matatauhan ka dito." Inangat nya yung kanang kamay nya. Teka.. Mukhang..

"Krystal wag!" sigaw ko nang mapagtanto ko kung ano yung gagawin nya. Sasampalin nya si Dasuri. Nahihibang na ba sya?! Sinubukan ko syang pigilan pero medyo malayo ako sa kanila kaya wala na kong nagawa. Nakita ko pang napapikit si Dasuri. Mukhang wala syang balak depensahan yung sarili nya.

"What are you doing? Let me go!" pagpupumiglas ni Krystal. Hawak-hawak na ni Bambam yung braso nya. Salamat naman. Lumapit na ko sa kanila.

"Wag mo syang sasaktan." Seryosong banta ni Bambam. Inirapan naman sya ni krystal.

"Bambam.. krystal.. A-anong ginagawa nyo?" mukhang natauhan na si Dasuri sa nangyayari.

"Wag ka ngang umacting na parang prince charming nya. Nakakairita." Sabay hila nya sa kamay nya.

"At ikaw? Painosente ka pa kunwari but deep inside you are a sht. Kunwari walang alam pero malandi naman talaga." Inis nitong sabi kay Dasuri.

"H-hindi yun totoo." Mangiyak-ngiyak na sabi ni Dasuri.

"Oh c'mon! anong tawag mo sa ginagawa mo kay bambam? Nilalandi mo sya diba?!" tuluyan nang umiyak si Dasuri.

"Stop it krystal." –ako.

"Dasuri.." –Soyeon.

"See? Pati ang mga kaibigan ko inaagaw muna. Malandi na nga mangaagaw pa." sigaw ni Krystal.

"Sumosobra kana." -Bambam

"Wtf Bambam! Ako pa ngayon? Ako pa? eh sya nga yung mangaagaw. Sya yun! Sya!" sinugod nya si Dasuri para sabunutan.

"Mangaagaw ka! Malandi!" pilit naming syang nilalayo kay Dasuri.

"TAMA NA KRYSTAL!!" napahinto naman si krystal dahil sa pagsigaw ni Bambam.

"Maguusap tayo." hinila nya si krystal at saka sila lumabas ng room.

"Ok ka lang ba Dasuri? Pagpasensyahan muna si Krystal." Inayos ko yung nagulong buhok ni Dasuri.

"O-ok .. lang... ako." Ano ba kasing problema ni krystal. Hindi naman talaga sya ganyan eh.

**

KRYSTAL POV

 

"Bitawan mo ko!" binitawan naman nya yung braso ko. Dinala nya ko sa roof top ng school.

"Ano bang problema? Bakit ka ba nagkakaganyan?" mahinahon nyang tanong. Pero alam ko.. galit sya sakin.. hindi nya maitatago yun.. kilala ko sya. Kilalang-kilala.

"Hindi mo ba talaga alam ang dahilan? Bulag ka ba?" naiinis ako sa kanya. Pero mas naiinis ako sa sarili ko.

"Walang patutunguhan ang usapang to.. aalis na——"

"MAHAL PA DIN KITA BAMBAM!!" napahinto sya dahil sa pagsigaw ko. Tinignan nya ko sa mata.

 "H-hindi ba.. pwedeng.. tayo na lang ulit?" hindi ko na napigilan. Umiiyak na ko. Ayoko nang magpanggap.. ayoko nang itago yung nararamdaman ko. Mahal ko pa din sya.. mahal na mahal.

"Eto ang gusto mo diba? Sinusunod ko lang.." nanlambot ang tuhod ko sa mga sinabi nya. Hinayaan ko syang iwan ako habang umiiyak. Kasi tama sya.. eto yung gusto ko.. kaya bakit ako iiyak?

©Rakki_Asteri11

AllRightsReserved2015

Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

63.8K 2.1K 27
Book two of Room Of Perverts Date Written: October 12, 2018 Date Finished: June 11, 2019
78.2K 1.7K 56
Must be love goes on. MJ or Michael Jerome is ordinary boy from nowhere. Para sa kanya ang first priority niya ay makapagtapos ng pag-aaral at ma-ia...
85.8K 2K 49
Si Ryan Daniel Chua ay isa sa kinatatakutan ng lahat ngunit kinakikiligan din sa kanilang campus. Si Ashlyn Monteverde naman ang babaeng mahuhulog sa...
48.7K 1.8K 52
" Ang galing galing lang ng tadhana no? yung pagtatagpuin kayo ng taong di mo kilala, yung nakakaaway mo, yung kagalit mo, at yung lagi kang iniinis...