Save The Best For Last [Publi...

By asherinakenza

4.7M 100K 9.4K

Friend zoned. Hindi na bago kay Tom Andres Santos ang salitang yan, sa dalawang beses na nagmahal siya ng tot... More

Save The Best For Last
STBFL: Prologue
STBFL: Chapter 1
STBFL: Chapter 2
STBFL: Chapter 3
STBFL: Chapter 4
STBFL: Chapter 5
STBFL: Chapter 6
STBFL: Chapter 7
STBFL: Chapter 8
STBFL: Chapter 9
STBFL: Chapter 10
STBFL: Chapter 11
STBFL: Chapter 12
STBFL: Chapter 14
STBFL: Chapter 15
STBFL: Chapter 16
STBFL: Chapter 17
STBFL: Chapter 18
STBFL: Chapter 19
STBFL: Chapter 20
STBFL: Chapter 21
STBFL: Chapter 22
STBFL: Chapter 23
STBFL: Chapter 24
STBFL: Chapter 25
STBFL: Chapter 26
STBFL: Chapter 27
STBFL: Chapter 28
STBFL: Chapter 29
STBFL: Chapter 30
STBFL: Chapter 31
STBFL: Chapter 32
STBFL: Chapter 33
STBFL: Chapter 34
STBFL: Chapter 35
Save The Best For Last: Finale
Save The Best For Last: Epilogue
STBFL: SELF PUBLISH!

STBFL: Chapter 13

101K 2.5K 170
By asherinakenza

STBFL: Chapter 13

Vanalein Rhyme Romeo

Huminga muna ako ng malalim bago ko tuluyang pinihit ang door knob ng office ni Andres, kaagad bumungad saakin ang ngiting ngiting mukha niya. Padabog akong naglakad palapit sakanya na mas lalong naghatid ng ngiti sa labi niya.

"Kainis." Bulyaw ko sakanya, napansin kong magsasalita na sana siya pero natigilan kaming pareho nang biglang lumabas sa mini kitchen niya yung lintik na secretary niya na mas maikli pa ang suot saakin, siya yung dating kalampungan ni Andres!

Nakaramdam ako ng pagkainis sakanya at sa babaeng higad na ito.

"Here's your coffee Sir." Malambing na sabi nito.

"Thanks Yza." Nakangiting sabi ni Andres, tumango lang si Yza at naglakad na palabas ng office, pinagtaasan ko siya ng kilay na hindi manlang niya pinagbigyang pansin.

"Ang kapal ng mukha mo." Bulalas ko sakanya, "What?" Kunot noong aniya.

"May fiancee ka na nga at lahat ganyan ka pa umasta, nakikipag landian ka sa secretary mo." Sermon ko sakanya na naghatid ng kakaibang ngiti sa labi ni Andres.

Sandali siyang humalakhak ng mahina, "Wala akong ginagawa Vana." Sagot niya saakin, naglakad ako padabog patungo sakanya at binato ko siya ng mga papel na nasa table niya!

Naiinis ako sakanya! Ang kapal ng mukha niya! "Vanalein!" Hiyaw niya saakin, tinignan ko siya ng masama at hindi ko alam kung bakit bigla ko nalang ikinuyom ang kamao ko sa sobrang inis sakanya.

Gusto ko siyang sapakin, gusto ko siyang saktan! Ano bang nangyayari saakin?!

"Ahh!!" Sigaw ko na punong puno ng galit at inis atsaka nagmartsa na ako palabas ng opisina niya!

Pagkatapos niya akong halikan? Makikita ko nanaman na kasama niya yung Yza kung tawagin niya? Ano yun? Hahalikan niya lang ako dahil gusto niya? At hahalikan niya rin yung isa kapag gusto niya rin? Bwisit na mga lalaki ito pare pareho lang naman sila eh!

Pinagpipindot ko yung elevator at kulang nalang masira ito dahil sa kahahampas ko! At nang sa wakas ay bumukas na ito mabilis akong sumakay, unti unti nang sumara iyon pero may pumigil non. Sandali siyang nakipag sukatan ng tingin saakin bago siya tuluyang sumakay din.

"Get out Andres!" Sigaw ko sakanya, pero hindi niya ako pinansin, sa halip ay pinindot na niya pasara ang elevator.

Tumigil pa sa 10th floor ang elevator, bumukas iyon at bumulaga saamin ang napakaraming staff ni Andres. Natigilan silang lahat dahil titig na titig sakanila ang amo nila, marahan na isinara ni Andres ang elevator.

"Bakit hindi mo sila pinasakay?!" Galit na sigaw ko sakanya, pero hindi nanaman niya ako sinagot. "Andres!!"

"Dahil ayokong may iba kang katabi kahit sa elevator, sinabihan ko na yung mga staff na kapag nakita ka layuan ka!" Giit niya na nagpaawang sa bibig ko.

Tumikhim ako at sinagot siya, "Eh bakit ikaw? Bakit mo ako tinatabihan?" Bawi ko sakanya.

Lumingon siya saakin, "Fiance mo ako. Kaya kahit saan pwede kitang tabihan." Nag init ang mukha ko! Kahit saan? Pati sa....sa upuan? Napaka nitong si Andres!

Dumating na sa parking area ang elevator kaya naman kaagad niya akong hinila palabas, "Hoy, akala mo ba bati na tayo?" Sigaw ko sakanya atsaka hinila ko pabalik ang kamay ko.

"Kaya nga makikipagbati ako sayo Love. Tara na." Aniya.

"Ayoko! Akala mo ba ganun lang kadali yon? Kapal mo ha!" Bulyaw ko sakanya atsaka nauna akong naglakad pero hinila niya pa rin ako at pilit pinasakay sa kotse niya.

Sumunod siyang sumakay at mabilis na pinaharurot ang sasakyan niya.

"Ayoko na Andres, ayoko nang maging fiancee mo." Pagmumukmok ko, narinig kong ngumisi siya. "Nag iyak iyakan nanaman ang bata." Bulong niya.

"Don't worry, ako lang naman ang tatagal diyan sa katopakan mo sa buhay." Natatawang dagdag niya, pinaghahampas ko siya sa braso niya dahil sa kakapalan ng mukha niya. Bwisit na Andres ito!

Bigla siyang huminto sa tapat ng isang grocery store. "Dito ka lang, sandali lang ako." Sabi niya atsaka tumakbo na siya palabas.

Pinaglaruan ko nalang ang cellphone ko habang hinihintay ko si Andres, nang biglang nag pop na nagtext si Bea.

From: Bea

Friend, kumusta? Kasama ko si Stephen ngayon, pinapakumusta ka. Hindi daw siya makapasok sa bahay niyo dahil ayaw ng guard niyo.

Napakunot ang noo ko, kaagad akong nagreply sakanya.

To: Bea

Okay lang ako, bakit naman ayaw siyang papasukin ng guard? Pag aari ba ng guard namin yung bahay namin?

From: Bea

Hahaha! Gaga! May kautusan daw yung fiance mong hindi pa rin namin kilala hanggang ngayon na i-banned ang lahat ng bibisita sayo, kaya friend maski kami ni Jhomarie hindi kami makabisita sayo.

Parang umakyat ang lahat ng dugo ko sa ulo, bawal ang may katabi? Bawal ang bisita? Ano bang trip niya?

Maya maya pa ay bumalik na ulit siya, ang dami niyang bitbit, binatuhan niya ako ng isang kulay blue na Doritos. Binato ko pabalik sakanya iyon at tinignan ko siya ng masama.

Ngumisi lang siya at sumakay na ulit, hindi ko nagugustuhan ang ginagawa ni Andres. Tahimik lang naming tinahak ang daan na sa tingin ko ay papunta sa bahay niya.

Ilang sandali pa ay nakarating na kami doon, mabilis niyang hinubad ang suot niyang uniform sa trabaho at bumulaga nanaman sa harapan ko ang six packs abs niya. Akala ba niya madadala niya ako sa ganyan? Hindi! Dahil naiinis pa rin ako sakanya.

Kinuha niya ang apron na nakasabit doon sa may drawer sa kusina at isinuot niya iyon, itinali niya sa likod yon at ang sunod na ginawa niya ay naghugas siya ng kamay.

Umupo lang ako sa may prep station ng kusina niya, sa ginagawa niya ngayon tingin ko mag be-bake siya.

Pinagmasdan ko siya habang seryoso sa ginagawa, galit na galit yung biceps niya tuwing ikikilos niya ang braso niya. Nakikita ko pa rin yung abs niya dahil umaangat yung gilid ng apron niya at halos mapaubo ako nang makita kong may kaunting buhok sa may pusod niya!

Narinig kong ngumisi siya, "May tubig sa ref, naiinitan ka ba Vanalein?" Pang aasar niya saakin, tinignan ko siya ng masama atsaka kinuha ko ang isang flour doon at binato ko sakanya! Sumabog iyon sa apron niya.

Pero hindi manlang siya nainis saakin dahil nagkalat ako sa bahay niya, "Come on, mag dedeny ka pa nakita ko naman kung paano mo ako pagmasdan. It's alright pagkatapos ng kasal natin sayong sayo naman lahat 'to." Aniya na mas lalong nagpapula sa mukha ko!

"A..as if naman na may kasalang magaganap?! FYI, two months lang ang usapan." Bulyaw ko sakanya, napapitlag ako nang ibagsak niya sa island ng kusina niya ang ilang gamit.

Namayani ang katahimikan saaming dalawa at napansin ko ang pagliligpit niya. Biglang nanuyo ang lalamunan ko dahil nang mapagmasdan ko ang mukha ni Andres kitang kita ko ang galit doon.

Ang bilis ng tibok ng puso ko, hindi ko alam kung bakit. Mabilis akong pumunta sa may terrace at hinalungkat ko ang maliit kong bag, at nang makita ko ang isang pack ng yosi ko kumuha ako ng isa non at sinindihan. Ganito naman ako, sa tuwing nakakaramdam ako ng kaba idinadaan ko sa yosi, nakakatatlong hithit palang ako non pero may humila na kaagad non.

"Nasa pamamahay kita, hindi ako pumapayag na may nagyoyosi dito." Malamig na sabi niya saakin, hindi ako makalunok ng maayos dahil kahit anong gawin kong pag intindi sa tono ng pananalita niya alam kong may galit doon.

Umakyat na siya sa taas at napalundag ako nang marinig ko ang pagtalpak niya ng pinto.

Damn it Rhyme, hindi ka kasi nag iingat sa bawat sasabihin mo.

__

Sumagi sa isip ko na umuwi nalang sana pero doon ko lang naalala na wala akong kapera pera, hinatid lang ako kanina ng driver namin papunta sa opisina ni Andres.

Tinawagan ko ang Kuya Kiel ko para sana magpasundo pero natigilan din ako, iistorbohin ko nanaman ba si Kuya? Huminga ako ng malalim at tumingin sa itaas, "Galit ka bang talaga?" Bulong ko.

Umupo ako sa mahabang sofa at nagcellphone na lang doon, hindi pa rin ako mapakali. Hanggang ngayon sumasagi pa rin sa isip ko ang galit na mukha ni Andres.

Sinubukan kong ihakbang ang paa ko sa hagdan pero napipigilan ako ng takot at hiya. Ginulo gulo ko ang buhok ko, "Naman kasi, bakit ba ganito ang nararamdaman ko?" Para na akong baliw, panay ang kausap ko sa sarili ko!

Biglang may sumagi sa isip ko, sabi niya kanina makikipag bati siya saakin diba? Kaya ba bumili siya ng ingredients para sa pag-be-bake? Dapat ba makikipag bati siya saakin sa pag gawa ng cake?

"Ang galing mo talaga Vana!" Sigaw ko at tumakbo ako papunta sa kusina, magluluto nalang ako ng dinner namin! Makikipag bati na ako sakanya, para naman makauwi na ako!

Tumingin ako sa ref niya ng kung anong pwedeng lutuin, actually maraming stock yun nga lang hindi ko alam kung paano lutuin ang mga yon. Napatingin nanaman ako doon sa itlog, ito nanaman ba ang iluluto ko? Nakakainis. Kailangan ko na talagang matutong magluto.

"Sorry dear eggs, ipiprito ko nanaman kayo." Bulong ko at pikit mata akong kumuha ng apat na itlog.

Nagsaing na muna ako sa rice cooker bago pa ako nagsimulang magprito, halos magtatalon ako dahil sa pagtalsik ng mantika sa braso ko pero hindi ko nalang pinagbigyang pansin pa iyon.

"Pwede na, kahit medyo sunod yung gilid nung puti." Nangingiting bulong ko nang matapos ko ang pagpiprito.

Naghain na ako sa lamesa at nagtimpla na rin ako ng kape, ayan may peace offering na ako kay Andres.

Narinig ko na rin ang pagtunog ng rice cooker kaya naman naghugas na ako ng kamay.

Nandito na ako sa dulo ng hagdan, huminga muna ako ng malalim bago ako tuluyang humakbang pataas.

At nang makarating na ako sa tapat ng pinto ni Andres, kumatok ako ng sunod sunod, pero walang nagbubukas. Baka tulog? Kaya naman marahan kong binuksan iyon.

"Andres?" Tawag ko, pero walang sumasagot, tumalikod ako para isara ang pinto.

"Anong ginagawa mo dito?" Napalundag ako paharap nang marinig ko ang boses niya at halos malaglag ang panga ko nang makita kong nakatapis lang ng towel ang half body niya! Tumutulo tulo pa ang buhok niya!

"Ah..eh..asdfghjkl." Halos magkandabuhol buhol na ang dila ko sa paghahanap ng tamang salitang isasagot sakanya, tinakpan ko ang pulang pulang mukha ko!

"Talikod!" Hiyaw niya na mabilis ko namang sinunod, napalunok ako ng sunod sunod! My ghad Rhyme! Bakit ba palagi mong nakikita iyon? Yung dragon sa tiyan ko nag tatumbling nanaman sa kasiyahan!

"O-okay na ba?" Tanong ko sakanya, "Uhm." Marahan na sagot niya at humarap na ako sakanya, nakapajama na siya ngayon at yung sando nalang niya ang sinusuot niya ngayon.

"Hindi ka ba marunong kumatok?" Bulyaw niya saakin, hanggang ngayon mainit pa rin ang ulo niya. "Sorry." Yun lang ang naisagot ko sakanya.

"Hindi ka pa rin umuuwi?" Iniiwasan niya ang mga titig ko kaya naman ako na ang tumitig sakanya ng mas malalim. "N-nagluto ako, p-pwede bang sabayan mo ako kumain?" Nabubulol na bulong ko.

"Hindi ako nagugutom." Sagot niya saakin at dumiretso siya doon sa laptop niya at nagtatype siya, "G-ganun ba? Si-sige." Ewan ko pero nakaramdam kasi ako ng lungkot sa hindi ko malamang dahilan.

Naiiyak ako na ewan, "A-aalis na ako." Nanginginig yung boses ko na para bang kapag pumiyok ako babagsak yung luha ko.

Marahan akong lumabas ng kwarto niya at halos sunod sunod kong pinunasan ang luha ko nang maramdaman kong bumagsak iyon.

Naglakad nalang ako palabas ng subdivision ng bahay niya, hindi ko alam kung ano ba yung pumipiga doon sa puso ko na pakiramdam ko nagiging dahilan ng pagtulo ng luha ko.

Inilabas ko ang cellphone ko at napagdesisyunan ko nalang din na tawagan si Kuya Kiel dahil madilim na rin sa daan, mag aalas otso na rin kasi.

"Bunso!" Sigaw ni Kuya sa kabilang linya, hindi ko alam pero bigla akong humikbi at umiyak ng medyo malakas. "Sht, whag happened?!" Sigaw ni Kuya.

"K-Kuya, susunduin mo ako nandito a-ako sa subdivision nila Andres." Humahagulgol na sabi ko sakanya, "Sandali bunso, h'wag kang umiyak. Calm down," Suway niya saakin pero sunod sunod na paghikbi ang nagawa ko.

"Sandali lang ha?" Paalam niya saakin at parang inilayo niya ang phone sakanya.

"Hon! I have to go!" Narinig kong sigaw ni Kuya. "What? Kakarating mo palang diba?" Boses iyon ng girlfriend ni Kuya.

"Kailangan ako ni Rhyme!"

"Kiel--" Hindi ko na hinintay pa ang susunod na sasabihin ng girlfriend niya, maling mali naman kasi na tumawag pa ako kay Kuya.

Ang tanda tanda ko na pero bakit ganito pa rin ako? Bakit tumatawag pa rin ako sa Kuya ko sa tuwing wala akong matatakbuhan. Naiinis ako sa sarili ko dahil alam kong hindi ko kayang mag isa.

Twenty five years old na ako pero ang dami ko pa ring hindi maintindihan sa buhay ko.

Umiyak lang ako ng umiyak habang naglalakad ako sa kalsada, ang gulo gulo na ng isip ko. Hindi ko alam kung ano pa bang dapat kong gawin.

Ilang sandali pa, napatigil ako nang may malakas na bumisina sa likod ko. Sasakyan ni Kuya Kiel iyon.

Kaagad siyang bumaba at kinulong ng palad niya ang magkabilang pisngi ko. "What happened?!" Nag aalalang tanong niya saakin, umiling iling ako.

"S-sorry, sorry kung naistorbo kita." Humihikbing paumanhin ko sakanya, hinila ako ni Kuya para yakapin.

"Tsk, kapatid mo ako Rhyme, paano nalang kung may nangyari sayong masama?! Ang dilim dilim na dito." Sermon niya saakin at hinila na niya ako pasakay ng kotse niya.

Mabilis niyang pinaharurot ang sasakyan niya, hanggang kailan ba ako dedepende kay Kuya? Hindi na nga siya makapag asawa dahil saakin.

"I..I'm sorry Kuya." Humihikbing bulong ko. "It's alright." Sagot niya saakin.

Tahimik lang kami ni Kuya sa sasakyan, alam kong gusto niya akong tanungin pero hindi na siya nagsalita pa. Wala na rin akong lakas para ikwento sakanya ang mga nangyari.

"Kumain ka muna." Suway saakin ni Kuya nang makita niyang paakyat na kaagad ako, "W-wala akong gana Kuya." Sagot ko sakanya.

Kaagad akong humiga sa kama ko at panay ang hampas ko sa dibdib ko, ano bang nangyayari saakin? Bakit ayaw pa rin matanggal nung kirot?

Ipinikit ko nalang ang mata ko na panay pa rin ang pagtulo ng luha.

___

"Ms.Rhyme..." Marahan kong iminulat ang mata ko nang marinig kong may mahihinang katok sa pinto, medyo naniningkit ang paningin ko dahil siguro namamaga ito sa pag iyak.

Tumayo ako at binuksan ko ang pintuan, bumulaga saakin ang isang maid namin na halatang kagagaling lang sa pagtulog.

"Bakit?" Pagsusungit ko. "Ah, eh Ma'am, may bisita po kasi kayo." Kinakabahan na sagot niya saakin, tumingin ako sa wall clock ng kwarto ko, alas tres na ng madaling araw.

Napansin kong medyo nakaawang ang pinto ng kwarto ni Kuya Kiel, magkaharap lang kasi ang kwarto namin. "Look, I'm sorry, kailangan ako ni Rhyme."

"Isara mo yung pinto ng kwarto ni Kuya." Utos ko, nakakaramdam ako ng galit sa sarili ko, hanggang kailan ba makikipag talo si Kuya sa girlfriend niya dahil saakin?

"Miss, yung bisita niyo po." Tumingin siya sa may hagdanan kaya naman sumilip ako doon, halos magwala ang kaliwang bahagi ng dibdib ko nang makita ko siya, nakasuot siya ng kulay puting tshirt at pants, may dala dala rin siyang maliit na kahon. Sobrang lalim ng titig niya saakin na para bang may gusto siyang sabihin.

Inirapan ko siya atsaka pumasok na ako sa kwarto ko, pero narinig kong sumunod siya saakin.

Marahan niyang isinara ang pinto atsaka naupo siya doon sa gilid ng kama ko, nagtalukbong naman ako at ipinikit ko ang mata ko. Hindi ako nagsalita, ayokong ako pa ang maunang kakausap sakanya dahil ginawa ko na kanina yon.

"I'm sorry." Narinig kong bulong niya pero hindi ko pinansin iyon, "Hindi dapat kita hinayaan umalis kanina." Dagdag pa niya, marahan kong iminulat ang mata ko pero nanatili akong nakatalukbong.

"Pero, paano ka mag-go-grow kung hindi kita pababayaan na gumawa ng sarili mong desisyon?" Ramdam ko sa boses niya ang pagkabahala.

Hindi pa rin ako umimik, "Vanalein.." Bakit ba sa tuwing tatawagin niya ako sa pangalan ko iba ang pakiramdam?

Marahan niyang hinila ang blanket na nakabalot sa katawan at mukha ko, ramdam ko ang malalim na titig niya saakin. "Nagluto ako kanina, alam ko simpleng luto lang yon, pero tinanggihan mo." Simula ko, doon lang ako nakatingin sa paa ko.

"I..I know, I'm sorry." Bulong niya, huminga siya ng malalim.

"Hindi ko lang talaga nagustuhan yung sinabi mo na ayaw mo akong pakasalan." Bulong niya.

"Para kasing isinampal mo na rin sa mukha ko na ayaw mo akong makasama habang buhay, dahil hindi mo lang alam, pero pinapangarap ko na ngayon na ikaw yung makakasama ko." Litanya niya na nagpawala lalo sa kaliwang bahagi ng dibdib ko, napasinghap ako nang pagsalikupin niya ang daliri naming dalawa.

"Nagalit ako oo, dahil ayokong maririnig mula sayo na ayaw mo saakin. Tinanggihan kita kanina sa niluto mo dahil gusto kong makita yung mararamdaman mo kung sakaling ako naman yung tatanggi sayo."

"And fck..dahil alam kong napaiyak kita." Bulong niya, hinila niya ako para umupo, pilit kong iniiwasan ang mga titig niya pero hinawakan niya ang baba ko at pinagtagpo niya ang mata naming dalawa.

"Mahal kita kaya gusto kong matuloy yung kasal, hindi pa ba sapat na dahilan yon para h'wag mo na akong iwanan after two months?" Bulong niya habang titig na titig sa mga mata ko, nanginginig ang lalamunan ko sa hindi ko malamang dahilan, hindi ko magawang magsalita dahil sa lalim ng titig niya saakin.

"Let's just forget about the agreement of our parents." Aniya. "Panahon na rin para tayong dalawa yung magdesisyon ng para saatin, come on Vanalein, nasa edad na tayong dalawa." Desperado ang boses niya at puno ng takot iyon na kapag tumanggi ako mababasag ko siya.

"Andres, hindi ko kasi alam kung ano ba talagang nararamdaman ko. Wala akong ideya kung bakit ako nagagalit sayo sa tuwing nagtatalo tayo." Sa wakas nakabuo na rin ako ng salita.

Huminga siya ng malalim at napapitlag ako nang yakapin niya ako ng mahigpit. "Hayaan mo lang yang pakiramdam na yan, gamitin natin yung two months na binigay saatin para mas kilalanin pa natin yung isa't isa."

"But promise me na hindi mo ako tatakbuhan sa loob ng dalawang buwan." Bulong niya, hindi ako makapagsalita sa tuwing siya na yung magsasalita,mahirap basahin ang isang Tom Andres Santos, mahirap suwayin, mahirap talunin.

Humiwalay siya sa pagkakayakap saakin at sa pangalawang pagkakataon siniil niya ako ng isang marahan na halik na nagpapikit sa dalawang mata ko, napakapit ako sa kamay niya ng sobrang higpit at kasunod non ang marahan na pagtugon ko sa halik niya.

Hindi ko maipagkakaila na magaling humalik si Andres, nadadala niya ang buong emosyon ko sa tuwing igagalaw niya ang labi niya. Humaplos ang kamay niya sa braso ko at nagtaas baba.

Bago pa man ako dalhin ng emosyon ko sa kung saan, siya na rin ang pumutol ng halik naming dalawa.

"I love you." Bulong niya at muling hinalikan ang tungki ng ilong ko.

"Siya nga pala." Biglang sabi niya at inabot niya yung box doon sa bed side table ko, marahan niyang binuksan iyon at parang kumalam ang tiyan ko nang makita ko ang blueberry cheesecake doon.

"Peace offering for my love?" Natatawang aniya, hinampas ko ang dibdib niya. "Ang korni mo talaga!" Sigaw ko sakanya.

"It's alright, basta bati na tayo."

"Hindi pa tayo magbabati hangga't hindi mo tinatanggal sa trabaho si Yza!" Sigaw ko sakanya, humalakhak siya. "Alright, hindi ko siya tatanggalin sa trabaho, ililipat ko lang siya sa ibang department."

"What?!" Hiyaw ko sakanya.

"Vanalein, hindi ako nagtatanggal basta basta ng staff lalo na at wala namag ginagawang mali sa trabaho." Paliwanag niya na nagpakunot sa noo ko.

"Meron siyang ginagawa! Ginagapang ka niya!" Hiyaw ko sakanya na nagpapula sa mukha ko at nagpahalakhak sakanya.

"Jealous?" Napapitlag ako nang halikan niya sandali ang labi ko.

"Be my secretary, para bukas na bukas ililipat ko na siya sa ibang department." Aniya na nagpalaki sa mata ko.

"Ayokong magtrabaho!" Bulyaw ko sakanya.

"Come on, you're twenty five years old. Panahon na para kumita ka ng sarili mong pera, at least hindi ka na hihingi sa Dad mo." Suway niya saakin.

Napatigil ako, alam ko naman yun eh. Alam kong hindi na dapat ako umaasa kay Dad sa edad kong ito.

"Bakit mo kasi kahalikan noon yon?" Bulong ko.

Para naman siyang nahiya, "Sorry." Paumanhin niya.

"Hindi ko rin naman alam, siguro stress na stress lang ako nung panahon na yon. Atsaka isa pa, hindi pa kita ganun kagusto noon. Isang beses lang naman nangyari yon, hindi na naulit pa." Paliwanag niya.

"Kasalanan ko rin naman yun, ako yung humila sakanya." Bulong niya na nagpaawang sa bibig ko.

"Ibig sabihin tuwing ma-stress ka manghihila ka ng babae para halikan mo?!" Naiinis na sigaw ko sakanya atsaka hinampas ko siya.

"No! Vanalein, that was the first and last time na ginawa ko yun sa hindi ko naman kadate."

Nanlaki ang mata ko.

"Andres...virgin ka pa?" Nanlalaki ang mata ko sa pagtatanong.

"What the hell?" Kunot noong sigaw niya.

"Virgin ka pa?!Wala ka pa talagang sex life?!" Pang aasar ko sakanya.

"I'm not! Vanalein! Gusto mo bang subukan?" Naiinis na sagot niya saakin, "I'm not virgin anymore damn it." Galit nanaman ang boses niya.

"Bakit ang pikon mo Andres?" Pang aasar ko sakanya.

"Hindi ako napipikon, kakaiba kang babae ka, pati sex life ko pinupuna mo. Baka makita mo ang hinahanap mo kapag sinubukan ko sayo." Panunuya niya atsaka tumayo na siya.

Napalunok ako ng sunod sunod, iniinis nanaman niya ako.

"Halika na, kainin mo na 'tong ginawa kong blueberry cheesecake." Suway niya saakin.

Bigla kong naalala si Mama, tuwing malungkot kasi ako ginagawan niya ako ng blueberry cheesecake at napaka sarap non. Mahihigitan kaya iyon ng gawa ni Andres?

Hinawakan na niya ang kamay ko para lumabas na sa kwarto ko.

Hindi ko alam kung anong mayroon saaming dalawa ni Andres, pero isa lang ang nasisigurado ko ngayon.

Nawala yung kaninang pumipiga sa kaliwang bahagi ng dibdib ko ngayong kasama ko na siya...

****

A/N: Waaaa sorry! Bihira kasi ako sapian ni Andres. Hahaha sorry na. Thank you sa mga matiyagang nagihintay ng updates!

Love lots

Ate Ash.

Continue Reading

You'll Also Like

17.9M 37.4K 7
#StanfieldBook3: Sage Steele Shakyra Noelle Lagdameo wants to know the memories her brain had refused to re...
4.7M 191K 39
Cecelib x Race Darwin x Makiwander Temptation Island's Monasterio Legacy
2.1M 9K 14
Sam and Brye used to be madly in love with each other. Hindi importante na kapos sila parehas sa pera, kasi para sakanila sapat na ang isa't isa. Per...
54.5K 4.3K 15
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...