YOU ARE MY FIRST AND LAST (CO...

By LhanzArtemis

13.4K 415 3

Teaser: Vhanezza Laureanne Marquez hated Kristofer Lawrence Lee the very first time she met him. Maliban kasi... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chaper 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65 - Finale

Chapter 55

132 4 0
By LhanzArtemis

YOU ARE MY FIRST AND LAST
by: Lhanz Artemis

Chapter 55

"Mommy.." nakanguso at tila problemadong lumapit sa kanya si Gray nang makita siya nitong nagpapahangin sa veranda.

"Yes baby?" nginitian niya ito.

Tila malapit na itong maiyak nang yakapin siya nito.

"I have a problem."

Kumunot ang noo niya. " What is it?" nagtatakang tanong niya at tinapik-tapik niya ang ulo nito. Tiningala siya nito.

"Kasi.." napanguso ito. "Kanina, our teacher asked the class. Sino daw may love ng music?"

Pumasok na kasi ito sa school kanina.

"And?" napapangiti na lang siya habang nakikita niya ang facial expression nito habang nagkukwento ito. Ang cute cute kasi nito lalo na at napapanguso pa ito.

"I raised my hand kasi di ba.. I love music."

Napatango siya. Sang-ayon naman siya sa sinabi nito dahil totoo naman iyon. Sa murang edad nito ay magaling itong kumanta.

"Ako lang nag-raised ng hand mommy."

"Eh?" napamaang siya. Ang tapang naman ng anak niya. Natawa na lang siya.

Napatango ito. "Tapos yun, our teacher requested me to play piano tomorrow."

"What?" nanlaki ang mga mata niya. Doon na pumalahaw ng iyak ang anak niya. Pinatahan niya ito. "Sshh.. Don't cry na.." Kaya pala noong sinundo niya ito ay napakatahimik nito at tila malalim ang iniisip. Ngayon ay alam na niya ang dahilan. "Dapat sinabi mo kay teacher na hindi ka marunong mag-play ng piano."

Napanguso ito. "Eh kasi.." napayuko ito at nilaro-laro ang mga daliri.

Tumaas ang kilay niya. That gestures of him. There's something he's not telling her.

"Are you hiding something from me baby?"

Napanguso ito. Iniiwas nito ang tingin. He seemed guilty. Mukhang may ginawa yata ang anak niya.

"What is it baby? Come on, tell it to mommy."

"Kasi.. there's this pretty girl in class with big brown eyes and black shiny long hair."

Kumunot ang noo niya sa sinabi nito. Diyata't nagkakacrush na ang anak niya. Jusmio!

"I heard her said that she like guys who are good in playing piano because she's a singer."

Natiplak na lang niya ang noo nang wala sa oras. Kaya pala hindi ito nagreklamo sa teacher nito. Hindi na siya magtataka. Diyata't gusto nitong magpakitang gilas sa batang babaeng tinutukoy nito.

"Mommy.." naluluhang napatitig ito sa kanya. "Ayokong mapahiya sa kanya bukas. Help me mommy."

Napakamot siya sa ulo nang wala sa oras. "Don't tell me, you like that girl?"

"I.." nakangiting napatango ito. "I like her mommy."

"Ang bata-bata mo pa lang anak. Jusko!" napabuga na lang siya. Iba na talaga mga kabataan ngayon.

"But mommy please! Help me na please!" nagmamakaawang niyugyog siya nito sa balikat. Tila nagpapacute pang ngumiti ito sa kanya. Nagpuppy eyes pa ito.

Napabuga siya. He really know her weakness. And as if naman kasi matitiis niya itong pogi niyang baby.

"So, what do you want us to do then?" nakangiting pinisil niya ang pisngi nito. Nagliwanag ang mukha nito sa sinabi niya.

"Do you know someone who plays piano?"

Kung marunong lang sana siyang tumugtog niyon ay hindi na siya mamomroblema kaso, music is not her forte. Nag-isip siya at pilit na inalala kung may kilala siyang marunong tumugtog ng piano. Kung pupunta naman kasi sila sa mga tutorial institution ngayon ay masyadong late na. Hapon na rin kasi.

May isa siyang kilala na magaling magpiano. But she doubt if magpapaturo si Gray dito. Knowing how much he dislikes him.

"I know someone who can play piano but you don't like him baby. So I doubt if you want to be with him for how many hours."

Kumunot ang noo nito. "Sino mommy?"

"Your Tito Kristof."

"Ayt! Same kayo ng sinabi ni Lolo."Napanguso ito. Tila nadismaya pa ito sa narinig na pangalan. Sandali itong natahimik.

"So, sinabi mo na kina Lolo mo ang tungkol dito?" tanong niya.

"Yeah." Tumango ito. "Magaling ba talaga siya magpiano mommy?" tanong nito pagdaka.

Napangiti siya nang maalala niya kung gaano ito kagaling tumutog ng gitara at piano noong mga bata pa lang sila. She can't deny it, but Kristof is one of the most talented guy she ever met.

"Yes, he even knows how to play guitar. He can even sing very well. He's very talented actually."

"Talaga?" namilog ang mga mata nito. Nakangiting tumango siya. "But I don't like him." Sumimangot ito pagdaka. Bipolar talaga itong anak niya. Napailing-iling siya.

"Ano bang pinagtatalunan niyo diyang mag-ina?" natatawang tanong ng dad niya.

Sabay silang napalingon ni Gray sa kanyang likuran. Natigilan siya nang makitang hindi ito nag-iisa. Kasama nito si Kristof na nakangiting nakamasid sa kanila ni Gray habang nakasandig sa pinto nang nakahalukipkip.

"Hi.." nakangiting kumaway ito sa kanila.

"Hmmp!" inirapan ito ni Gray. Maging ito ay napahalukipkip na. "What are you doing here Mister uncle?" pagsusungit nito.

"Napadaan lang at napadalaw," nakangiting sagot nito. "Habit ko na kasi ang pumunta dito after my work."

"K, you can go home na," bulong ng anak niya na muntikan na niyang ikabunghalit ng tawa. Nakakatawa kasi magtalo ang mga ito. Mga pabebe.

"And one more thing, I think I heard my name," dugtong ni Kristof na ikinatahimik nilang dalawa. "Do you need my help?"

"No!"

"Yes!"

Halos ay magkasabay na sagot ni Gray at ng Dad niya.

"Lolo!" maktol ni Gray at pinanlakihan pa ng mga mata ang dad niya na ikinatawa naman ng matanda.

"I'm just trying to help you kiddo," anang dad niya. Binalingan nito si Kristof na matamang nakikinig naman. "Since nandito ka naman na hijo, I'm asking you to help that young man." Itinuro nito si Gray na napasimangot na.

"Sure Tito."

"Ito kasing binata namin, nagpapakitang-gilas sa kaklase niya na crush niya," natatawang kuwento ng dad niya.

"Oh.." bahagyang natawa si Kristof. Ikinuwento ng dad niya ang nangyari sa school ni Gray kanina. Natatawa na lang ang binata.

"Aiyysshh.." naiinis at napapabulong na lang ang anak niya. He even gave them a deadly glare na hindi naman pinansin ng dalawa.

Nang matapos ay natatawang hinarap ni Kristof si Gray.

"So, you want to learn how to play piano? Come on, follow me," nakangiting yaya nito.

Inirapan ito ni Gray.

"Ayoko nga."

"Bahala ka. Ikaw din hindi ka na magugustuhan ng crush mo." Pagkasabi nito niyon ay dahan-dahan na itong naglakad palayo.

Walang nagawa ang anak niya kundi ang sumunod dito. Naiiling na sinundan niya ang mga ito. Pinigil niya ang sariling matawa nang makitang sa tuwing lilingon si Kristof upang tingnan kung sumusunod si Gray ay humihinto naman ang bata at kunwari ay iba ang ginagawa. Nang makalabas sila sa gate ay nakita niyang lumingon ulit si Kristof kay Gray ngunit agad na nagtago ang anak niya sa mga halaman. Napangiti na lang siya. Mukha kasing timang ang mga ito. And they really look so cute to watch.

Nang pumasok si Kristof sa gate ng bahay ng mga ito ay dahan-dahan lang na sumunod si Gray dito habang siya naman ay nasa likuran lang nito.

Ilang sandali pa'y nakapasok na sila sa bahay nina Kristof. Wala siyang nagawa kundi ang ilibot ang tingin. Matagal na panahon na rin nang huli siyang makapasok doon. At hindi niya maikakailang namiss din niya ang bahay na iyon. Hanggang ngayon ay napakaganda pa rin ng bahay na iyon.

Sinundan niya ang dalawang tinatahak ang daan patungo sa music room ng bahay nina Kristof. Nauna sa loob si Kristof. Mula sa nakaawang na pinto ay sumilip si Gray at ganon na lang ang pamimilog ng mga mata nito sa nakita.

"Wow! Ang daming instruments!" buong pagkamanghang pumasok ito sa loob at awang ang mga labing inilibot ang tingin. "Is this all yours mister uncle?" hindi makapaniwalang tanong nito.

"Yeah." Nakangiting binuksan ni Kristof ang puting piano nito na ginagamit nito sa pagtugtog noon. Hanggang ngayon ay mukhang bago pa din iyon sa sobrang kintab. Umupo ito sa upuang nasa harap niyon at pagkuwa'y nagsimulang tumugtog doon.

"Wow!" manghang-manghang lumapit si Gray dito. Tila sa isang iglap ay tuluyan na nitong nakalimutan ang galit nito kay Kristof. Namimilog ang mga mata at buong paghangang pinanuod nito kung paano pindutin at laruin ni Kristof ang mga tiklado niyon. "Ang galing!" pumalakpak pa ito.

"You want to try?" nakangiting napatingin ito kay Gray habang pumipindot sa piano.

"Yes! Yes! Please!"

"Then come and sit beside me." Bahagyang tinapik ni Kristof ang tabi nito. Agad namang tumalima ang anak niya dahil na rin sa matinding excitement. Sinimulan na nitong turuan si Gray ng mga keys na kailangan nitong imemorize.

Nakangiting pinanuod na lang niya ang dalawa at napasandig sa may hamba ng pinto. Now, Kristof just found out how to tame her son.

And upon watching them happily playing the piano caused a baggage of sadness inside her chest. Kung sa ibang pagkakataon lang siguro, kung mas pinili lang niyang manatili sa tabi ni Kristof, siguro ay masaya na silang namumuhay kasama ang anak nila. At habang nakikita niya kung paano titigan ni Kristof ang anak niya habang tinuturuan nitong magpiano ay kababakasan ito ng matinding tuwa. Tila may kumurot sa puso niya. Something inside her pained.

Because she knew, Kristof will be a good dad to his child. That was one of his dreams. Pangarap na ipinagkait niya dito nang pinili niyang iwan ito.

_ _ _ _ _ _ _

"MISTER uncle!"

Naalimpungatan siya nang marinig ang malakas na sigaw ni Gray. Humahangos na sumampa ito sa kama niya at niyugyog siya sa balikat.

"Mister uncle wake up!"

"Why?" Pupungas-pungas na bumangon siya.

"We will go to my school na po."

"Huh?" napamaang siya sa sinabi nito. Mukhang hindi pa gaanong nagising ang utak niya mula sa pagkakagising.

Napanguso ito. "Di ba sabi mo po yesterday sasamahan mo ako sa school? Kasi nga di ba I'll play piano today?"

Tila nagising naman ang mga ugat niya sa katawan at ang utak niya nang maalala iyon. "Oh geezz.. Oo nga pala, wait maliligo lang ako." Agad niyang tinungo ang banyo.

"Faster! I hate waiting mister uncle!" Hindi pa man din siya nakakapagsimula ay narinig niya ang malakas na pagsigaw nito.

Natawa at napailing na lang siya sa pagiging bossy nito. Habang naliligo siya nang mga oras na iyon ay napapangiti na lang siya. Hindi kasi niya lubos akalain na nang dahil sa marunong siyang tumugtog ng piano ay napaamo niya ang mailap na batang iyon nang ganon kabilis. Simula kahapon ay hindi naman siya nito sinimangutan at sinungitan. Gray became nice to him now. And the way he talked to him yesterday, it's too obvious that he became fond with him. At nagpapasalamat naman siya ng sobra doon dahil alam niyang hindi na siya gaanong mahihirapan pa na bawiin si Zean kay Austin.

At ngayon nga ay pinuntahan pa siya nito sa bahay at kwarto niya para lang gisingin siya. Kung noon ay ayaw siya nitong makita, makausap at makasama, ngayon naman ay iyon ang ginagawa nito. And he's really happy with that.

Nang matapos siyang maligo ay lumabas na siya ng banyo habang tinutuyo ang buhok. Naabutan niya ang bata na tahimik na nakahiga sa kama niya habang tulalang nakatitig sa kisame.

"Kumain ka na ba ng breakfast mo?" usisa niya dito habang nagpapalit siya ng damit.

"Yes."

"That's good para hindi ka mawalan ng focus mamaya kapag tumutugtog ka na," nakangiting sagot niya.

Hindi siya nito sinagot. Mahabang katahimikan ang namagitan sa kanila na ito mismo ang bumasag.

"Mister uncle, can I ask you a question?"

"What is it?" nagtatakang sinulyapan niya ito sa salamin na nasa harap niya. Nakaupo na ito ngayon at nakatingin sa kanya.

"You told me yesterday that.. That song you taught me, you made it right?"

"Yeah.. I made it." Nakangiting napatango siya.

"You even told me that you wrote that song for a girl, right?"

Sa ikalawang pagkakataon ay muli siyang napatango. "Yes."

"That girl.. You said, she left you, right?"

"Yes.." mahinang sagot niya.

"Do you miss her?"

"So much.."

"Do you love her?"

Napahinto siya sa paglalagay ng coat niya nang marinig ang tanong nito. Nakangiting hinarap niya ito at nilapitan ito. Lumuhod siya sa harap nito upang magpantay ang mukha nila.

"Yes, I do love her."

"Do you love her that much?"

Tumango siya at buong sinseridad na tinitigan niya ito ng tuwid sa mga mata.

"So much that I could give up everything just to have her in my life. So much that even in my sleep, what I only see and dream is her. So much that even my heart will be in extreme pain if I can't be with her. So much that even my soul dies if I lost her. She's my light, my happiness, my life and my everything."

Halos ay hindi na niya napigilan ang sarili na maging emosyunal nang sunud-sunod na pumatak ang luha niya dahil sa samu't-saring emosyong nararamdaman niya.

Inabot nito ang pisngi niya. At gamit ang maliliit nitong mga daliri ay pinahid nito ang mga pumapatak niyang luha sa pisngi niya.

"Does it hurt?"

Lalong lumala ang sakit na nararamdaman niya sa tanong nito. Sunud-sunod siyang tumango habang umiiyak sa harap nito.

"Yes.. It hurts so much that it's almost killing me everyday every time I miss her."

Gray tapped his head. "That song tells how much you love her. It's one of the most beautiful song I ever heard in my life." Nginitian siya nito. "She may not hear that song but I promise you Mister Uncle, I'll play it the way how it supposed to be, so that all people who will hear that song today will know how wonderful your love is for her."

Tila may humaplos sa puso niya sa mga binitiwan nitong mga salita. Lumuluhang niyakap niya ito.

"Thank you, baby Gray.."

_ _ _ _ _ _ _

"GRAY!"

Napangiti siya at kinawayan ang anak nang makita niyang hinihintay siya nito sa entrance ng auditorium ng school nito. Halos ay paliparin na niya ang sasakyan niya kanina makapunta lang agad doon. May pinuntahan muna kasi siya bago siya nagtungo doon. Tutal ay hindi siya ang naghatid dito kanina dahil pinipilit nitong si Kristof daw ang kasama nitong pupunta doon dahil manunood din ang binata sa performance ng anak niya na itinuro nito kagabi. Tila biglang bumilis ang tibok ng puso niya nang maalala ito. Pasimple naman niyang hinagilap ng tingin ang binata at nakita niya itong may kausap sa cellphone nito. Hindi niya maintindihan ngunit nakaramdam siya ng matinding pagkayamot sa nakita.

She rolled her eyes. Ano nga ba namang pakialam niya kung sino ang katawagan nito. Napabuga na lang siya at napagpasyahang huwag itong pansinin.

"Mommy!" tuwang-tuwang tumakbo palapit sa kanya ang anak at niyakap siya. "I thought, you're not coming." Nakangusong sabi nito.

"Why should I miss the performance of my baby?" Napangiti naman ito ng matamis sa sinabi niya. Hinalikan niya ito sa pisngi.

"Gray! Come on! Let's start now!" tawag ng teacher nito na si Miss Emelyn nang sumilip ito sa pinto ng auditorium. Napangiti naman ito nang makita siya. "Good morning Ma'am Zean!" nakangiting bati nito at nilapitan siya. Tumakbo na papasok sa loob si Gray. Mukhang excited yatang tumugtog ang anak niya.

Nangingiting napailing-iling na lang siya at napatingin sa papalapit na guro.

"Good morning din Teacher Emelyn." Nginitian niya ang mabait, palangiti at napaka-approachable na guro ni Gray. "You know what, I was really shocked yesterday when he told me that he'll play piano today," natatawang kwento niya. "He's good in singing but honestly, he doesn't know how to play any musical instruments."

"What?" halos ay nanlaki ang mga mata nito sa matinding gulat.

Natawa siya sa naging reaction nito.

"Omg! Ma'am Marquez I'm really sorry po, hindi ko alam. Hindi rin naman po kasi niya sinabi sakin na hindi siya marunong." Halos ay magkandaugaga na ito sa paghingi ng paumanhinsa kanya.

"It's okay." Nakangiting tinapik niya ito sa balikat. "Nagawan naman namin ng paraan. Mabuti na lang at may kakilala akong marunong magpiano. Kaya hayun nagpaturo na siya kagabi."

"Hala pasensiya na po talaga sa abala.." halos ay maluha-luha na ito.

"It's okay, actually I should be thankful because you opened a door for him. He loves playing piano now. I think I should buy him one."

"Oh talaga po?" manghang tanong nito.

"Yeah." Nakangiting tumango siya.

"Then let's go and watch him slay."

Excited na pumasok na sila sa loob. Nang makapasok sila sa loob ay nakita niyang nagkukulitan ang mga bata sa loob ng auditorium. Pumito si Teacher Emelyn kaya naman ay agad na bumalik ang lahat sa kanya-kanyang upuan at tumahimik.

"We will start now children, so please be quiet okay?"

"Yes Teacher!" sabay-sabay na sagot ng mga ito.

Sinenyasan na ng guro si Gray na umakyat sa entablado kung saan ay may piano sa pinakagitnang bahagi niyon. Agad namang tumalima ang anak niya. Nang umupo ang anak niya sa harap ng piano ay umupo na din siya sa pinakalikurang upuan.

Ngumiti si Gray sa lahat. "This song I'm going to play is entitled "Only You", it's a song composed by Uncle Kristof, my tutor. He wrote this song for the girl he loves so much. I hope all of you will like it."

Natigilan siya sa sinabi ni Gray. So, gawa pala ni Krsitof ang itinuro nito sa anak niya. At hindi lang iyon. He wrote that for her? Tila may humaplos sa puso niya sa nalaman. Nang maramdaman niyang umupo sa tabi niya ay napatingin siya sa taong iyon at halos ay natigilan siya nang makita si Kristof. Nilingon siya nito at nginitian.

"I made that song for you five years ago. I taught him that piece so that whenever he plays that song, you will remember that it's only you whom I love the most."

Tila may dumagan sa dibdib niya sa sinabi nito. Ginawa nito iyon kahit na iniwan niya ito. Ginawa nito ang tugtog na iyon para maipadama nito kung gaano pa rin siya nito kamahal sa kabila ng sakit na ibinigay at ipinaramdam niya dito. Tila may mabigat na bagay ang dumagan sa dibdib niya sa nalaman. But at some point, deep inside her is happy because he never hated her despite of everything.

Nang magsimulang tumugtog si Gray ay napatingin siya sa harap. At pakiramdam niya'y para siyang idinuduyan dahil sa napakagandang tugtog na naririnig. She never imagined that Kristof can do a beautiful song like that for her.

Nang mga oras na iyon ay tila nalulunod siya sa samu't-saring emosyong nararamdaman nang mga oras na iyon. Ng saya.. Ng lungkot.. At ng panghihinayang. Binubuwag ng tugtog na naririnig ang lahat ng sakit na naramdaman niya nitong mga nakalipas na taon. Sa tulong ng tugtog na iyon ay unti-unti siyang bumalik sa nakaraan at bumalik sa masasayang alaala nilang dalawa. At ngayon nga ay wala siyang ibang maramdaman kundi matinding pangungulila. She missed the old times.. She missed the old her.. And she missed the old them..

Hindi na niya napigilan ang pagdaloy ng mga luha niya.

"K-Kristof.." mahinang sambit niya sa pangalan nito at pasimpleng pinunasan ang mga tumutulong luha. Kumikirot ang dibdib na nilingon niya ito. At parang gusto niyang magsising tiningnan pa niya ito nang makita niyang lumuluha din ito.

Why does saying his name hurt so much? Why does looking at him hurt so much? And why does watching him cry that way hurts so much that it kills her more?

"I'm sorry, I can't helped myself to get emotional.." pilit itong ngumiti at pinahid ang basang pisngi. Tumayo na ito. It seems like hindi na nito kaya pang manatili doon.

"B-Bakit?" Tumigil ito sa paghakbang nang marinig ang tanong niya. Tila may bikig sa lalamunan niya ngunit pilit niyang tinanggal iyon at tinatagan ang loob. "B-Bakit?.. Why do you still love me despite the hurt I gave you?" naluluhang tanong niya dito.

Nilingon siya nito at nginitian.

"Remember what I told you before when we climed at the Lourdes Grotto?" paalala nito sa nakaraan. Kumirot ang dibdib niya nang maalala niya iyon. "I wasn't wrong when I told you that both of us will be tested by a lot of challenges. I even told you before that maybe we will struggle hard and get tired because of those challenges, but I wished and hoped that no matter how many times we get tired, none of us will give up. But you did." Napangiti ito ng malungkot. "Kung nagawa mong bumitaw noong napagod ka sa atin, naisip ko na I will not do the same dahil hindi iyon ang ipinangako ko sayo. Hanggang ngayon, patuloy ko pa ring paninindigan at gagawin ang mga ipinangako ko sayo. Nagawa mo man akong iwan noon, hanggang sa huli Zean, ikaw pa rin ang pipiliin ko."

Continue Reading

You'll Also Like

142K 2.7K 55
Mabait, Matalino, Mapag mahal, Sweet Ganyan niya i-describe Gabriel, her Kuya's best friend. When he asked her to be his girl, hindi na siya nag...
52.7M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
83K 1.3K 22
Pinili kong IWAN siya.. Pinili kong SAKTAN siya.. Pinili kong PROTEKTAHAN siya... Pero sa pagproprotekta ko sa kanya.. NAWALA siya sa akin.. ** 4 yea...
87.9K 1.6K 69
He took my greatest love. Now he's taking my heart. He's taking all of me and made me his. But I won't. I will make him mine.