ITIM AT PULA [ ON HOLD]

By ClaraSaejo

39.7K 1K 86

Ito ay kwento ng isang lalaking tao na piniling kalabanin ang buong lahi ng mga halimaw para ipaglaban ang pa... More

Overview
Simula ng Lahat
Maia at Elyhenia
Si Lavender
Ang Mga Angkan
Messiah?
Trouble is a friend
Ang mga nilalang sa kapaligiran
Fateful Love
Pagkawala ng pag asa
Unang yugto ng umpisa
Ang nangyayari sa kapaligiran
Extra Chapter - Imahinasyon ni rhodney I
Sa loob ng kanyang munting mundo
Ang tunay na halimaw
Extra Chapter - Imahinasyon ni rhodney II
Ang tunay na halimaw II
Angelic Howl
Ang aming Unang Halik
Ang Pag-gising ng kanyang kapangyarihan
Inlove agad?
Ang Unang Ingkwentro pt.1
Ang Unang Ingkwentro pt.2
Ang Unang Ingkwentro pt.3
Ang Unang Ingkwentro End
Anong bago sa umpisa ng taon?
Tatlong Baliw
Triple Treat
Sumalungat sa kapalaran
Kaibigan
Kalaban sa dilim I
Kalaban sa dilim II
Kalaban sa dilim III
kalaban sa dilim IV
Extra Chapter - Ala ala ng Isang Tao sa Nakaraan
kalaban sa dilim V
Kalaban sa dilim VI
Royal Rumble
" Pagod na Ako"
Extra Chapter - Ang bagay na binigay mo sa akin
Katangian ng isang pinuno

Hangang sa muling Pagbangon

452 14 0
By ClaraSaejo


Sa muling pagbangon ng haring araw sa dakong hilaga ay hihigitan nito ang liwanag na ibinibigay ng buwan, mananatili ang buwan sa pwesto nito ngunit nasa anino na lamang ng naghaharing araw na nagpapaliwanag sa buong sanlibutan.

Muling sumikat ang liwanag ng umaga sa muling paglabas ng araw na nagbigay ng kulay kahel na textura sa kapaligiran.

*Liwanag residence*

Matapos lisanin ng grupo ang balwarte ng mga aswang na pinamumunuan ni narding para takasan ang naka ambang panganib dala ng mga paparating na mangangaso ay hindi nasunod ang mga napagplanuhan nila maia at elena dahil sa kasalukuyang sitwasyon.

Buluntaryo at hindi nagdalawang isip si sherly ay agad niya inanyayahan ang grupo nila maia sa kanyang lugar para makapagtago muna at maisaayos ang mga susunod na hakbang na kanilang gagawin, ipinaliwanag ni sherly na ang pagpapahinga sa kanyang lugar ang pinaka mainam na desisyon dahil sa protektado ito ng kanyang salamangka at bukod pa doon ay kilala siyang mangangaso kaya walang sino mang mangangaso ang magbabalak mag isip na pumunta sa kanyang lugar o pag isipan siya mg masama.

Hindi na nag isip si maia ng malalim at agad tinangap ang alok ng mangangaso dahil sa wala na siyang ibang pagpipilian pa dahil sa kasalukuyang nangyayari.

Bukod pa doon ay napag isipan din nila na maganda itong pagkakataon na ipaliwanag sa lahat ang kasalukuyang nangyayari lalo na kay jonathan na walang alam sa mga nangyari sa kanya sa lumipas na araw na nasa kontrol siya ng kalaban.

Naglalaway habang magkayakap na humihilik ang magkakambal na natutulog sa sahig na may kumot ay may isang dalaga na lumapit sa kanila.

"Gising na....nurse fiore"

Isang marahan na tapik ang naramdaman ni yllis mula sa kanyang balikat na gumising sa kanyang diwa, nanatiling nakapikit ang mata ay nagreklamo siya habang sinusulit ang kanyang pagkakahiga sa sahig na gawa sa tiles na kanilang nilatagan ng karton at tinulugan.

"HmHmuwag ka magulo...p..rim...natutulog..p..pa ako eh"
Wika ni yllis habang kayakap at mahimbing pang tulog ang tinutukoy niya.

Napakamot ng ulo ang gumigising kay yllis ay sinunod niya namang ginising ay ang kakabal nitong babae na tulad ng ginawa niya kanina ay tinapik niya din ng marahan ang babae.

"Ma'am fiore...gising na mag aalmusal na tayo"

"Yllis...wag ka magulo~,magiging m..milyonarya na a..ako...isang tamang sagot na lamang sa who wants to be...a..mil-"

Kumunot ang noo ng babae dahil sa kilos ng dalawa ay agad na siyang nawalan ng gana pa na gising ang kasalukuyan pang nananaginip na magkakambal.

"Sa tingin ko ay mas mainam kung hayaan mo muna sila sherly, tayo na lamang muna ang kumain.."
Mula sa kusina ng naturang bahay ay may isa pang babae ang napakita at naglakad papalapit sa living room kung saan natutulog ang magkakamabal.

"M..maliligo muna ako maia,..."
Makalmang wika ni sherly habang nakatingin pa din sa magkakambal.

"Kung ganun ay...susunod ako, hintayin na lamang nating magising ang lahat,para sabay sabay tayong makapag almusal"
Wika naman ni maia.

"......"
Nanatling nakatitig si sherly sa magkakambal na tila ba ay walang pakealam sa mundo at masayang natutulog o nagagawa pang makatulog ng mahimbing sa likod ng mga nangyari sa kanila kagabi.

Napangiti si maia sa reaction ni sherly kaya saglit niya itong nilapitan at kinausap habang Siya'y tumingin din sa magkaambal.

"Nahihiwagaan ka ba sa kanilang dalawa?"
Usal ni maia kay sherly.

Dahan dahan napatingin si sherly kay maia.

"tao sila ..tama ba?"

"Oo, normal silang tao, nakagagamit sila ng salamangka sa tulong ng kwintas na ibinigay sa kanila ni elena"

"Hindi iyon ang ibig ko sabihin maia..."

"Alam ko ang iniisip mo ngayon sherly, bakit sila nasama sa nangyayari ngayon?, Maging kami ni elena at walang kasagutan sa kung ano ang motibo nila ngunit, masasabi ko na mapagkakatiwalaan silang dalawa"

"Ang kaligtasan nila?, Hindi niyo ba naisip, nakagagamit man ng salamanka o hindi ay tao pa din sila"
Muling ibinalik ni sherly ang tingin sa magkakambal.

"Sherly, kung kilala mo silang dalawa ay tiyak mapagtatanto mo na talagang nasa personality na nila ang kinakaharap nila ngayon, ilang panganib na din ang napagdaanan nila ngunit buhay pa sila"

"Ilan pa ba, sinuwerte lamang sila maia"

"Oo, sa mga ibang pagkakataon ay masasabing sinuswerte lamang sila at nakaka ligtas sa kapahamakan ngunit kung wala ay malamang ang lalaking nagngangalang jonathan ay wala na din....diba sabi mo sa akin kagabi ay siya lamang ang kakampi mo?"

"......"

"Hindi ko alam ang ibig mo sabihin ngunit...kung ganun-"

"Sige na maia, alam ko na ang nais mo ipahatid sa akin...."
Naiinip na sa pag uusap ay biglang pinutol na ni sherly ang kanilang usapan ni maia.

"Sherly..."
Baka maka alis sa lugar si sherly ay tinawag pa siya ni maia.

"......"
Huminto sa paglalakad si sherly art saglit na tumingin sa babaeng nagtawag sa kanyang ngalan.

"Maraming salamat kagabi, at ngayon"

"Masyado pa maaga para magpasalamat"
Tipid na wika ni sherly at siya'y lumisan na sa living room.

Nanatili sa living room si maia ay inasikaso niya ang kanyang mga dala dalang kagamitan magmula nung tumakas sila ni elena sa kaharian ng silangan.

Dala din ang gamit ni elena sa bag na ipinatago nila sa mga tauhan ni narinco xing na siyang dinala din sa pagtakas.

Mga pamalit damit at kasuotan sana na gagamitin ni elena ang nadala ni maia, tuloy tuloy sa paghahalungkat sa bag ng makita ni maia ang cellphone ni yfhana sa loob kasama ng mga iba pang gamit.

"?, Ang cellphone...mabuting ma-i charge ko ito, baka kailanganin"
Wika ni maia at naghanap siya ng outlet na mapag kakabitan ng charger



**********



Isang lugar kung saan ay tila ba isang silid na napapaligiran ng liwanag.

Kasalukuyang magaan ang aking pakiramdam nang ako'y bumangon sa pagkakahiga, kakaiba ang atmospera ng aking kapaligiran na nahahalintulad sa isang panaginip, puno ng liwanag at kapayapaan sa aking damdamin.

Kelan ko na ba muli naramdaman ang ganitong pakiramdam?

Parang matagal na panahon na ahh..

Nananaginip pa ako...

".....'
Sa aking harapan ay may isang babaeng tila ba hindi ako alintana at nakatitig lamang sa bintana ng naturang silid.

Isang babaeng may balingkinitang pangangatawan na may tangkad na nahahalintulad sa akin, makintab na kayumanging balat dahil sa sinag ng araw na tumatama, buhok na may haba hangang sa kanyang balikat na kapag natapatan ng araw ay tila ba nagkukulay kahel.

Sherly?.

Walang suot na kahit ano ang babae ay kitang kita ng aking dalawang mata ang kabuoan ng likoran ng kanyang hubad na katawan na kung aking ilalarawan ay masasabi ko na nahahalintulad ang kayang katauhan sa isang dyosa.

Ngayon ko lang napansin ngunit....kakaiba ang kanyang ganda....

Habang nakaharap sa bintana at nakatalikod sa akin ay dahan dahan siya tumalikod, siya'y napaharap sa akin at ako'y kanyang tinignan na parang alam niya na ako'y kasalukuyang nakatitig sa kanyang kagandahan.

"Huh?...Oh gising kana pala?"
Ngumiti siya at hindi nagdalawang isip at siya'y lumapit sa akin.

Ang weird ng panaginip na to, hindi ko maipaliwanag pero.. parang totoo?.

Hindi maari! Hindi ako pwedeng maakit kay sherly! Si lena lang ang nasa puso ko! Kailangan ko na gumising sa panaginip na to!.

In the first place ay bakit naman napapanaginipan ko si sherly!.

Gamit ang aking kanang palad ay buong lakas ko sinampal ang aking pisngi bago pa man tuluyang makalapit sa akin ang tukso.

Teka! Hindi ako nananaginip!.

Tumingin ako sa aking harapan at nakita si sherly at ang hubad niyang katawan ng malapitan.

Ang..ang..kanyang...h..hubad..n..na..ka...ka...k-

"Te..ka..wag ka lalapit!"

Agad ako kumilos sa aking inuupuan ng hindi man lamang nalalaman na sa isa palang kama ang aking kinalalagyan.

"S...sabing wag ka lalaaaaaaaaaaa-"
Umurong patagilid para iwasan si sherly ay nalaglag ako sa sahig kung saan ay may isang matigas na bagay na tumama sa aking ulo.

Nagsasalita pa nang ako'y malaglag ay bigla ko nakagat ang aking dila na sa hindi ko maipaliwanag na nangyayari ay nagdulot sa akin ng sobrang sakit na tila ba parang may sugat na muling nabugsan.

"ArrrrrrHgggggGgg!"
Isang nakakahiyang sigaw ang aking nagawa dahil sa pinagpatong patong na sakit na aking naramdaman nung oras na iyon.

I..ito ba..ito ba ang kabayaran sa aking nakita....ang sama naman ng karma para sa isang katawan ng babae na hindi ko naman hinahangaan!.

"Anong ingay yan!"
Mula sa saradong pinto ng silid ay agad bumukas ang pinto at nakita si maia na nagmamadaling pumasok sa loob ng silid, na tulad ni sherly ay wala din kasuotan at tila ba basa pa ang kanyang buhok.

A....anong nangyayari! Bakit andaming hubad na babae sa aking harapan!, Hindi naman ito panaginip!! Diba!!.

"Nagising na si jonathan!"
Wika ni sherly kay maia na parang isang normal na casual na sitwasyon lamang ang kasalukuyang nangyayari.

Teka!.

Maia? At sherly?.

Teka teka teka!

"Dali!, Igapos siya!, "
Agad na wika ni maia kay sherly at sabay silang napatingin sa akin at naghanda.

Teekaa!!, Igapos!.

Agad ako napatayo sa aking kinalalagyan sa gulat buhat ng aking nadinig sa kanilang dalawa, napaka gulp ng aking isipan ngayon at lalo pa ito pinagulo ng dalawang babae na nasa aking harapan ngayon, bukod sa sila'y hubad na parang walang pake at hindi dapat sila magkasama sa ganitong sitwasyon.

Oo,

Dahil

Si maia ay isang aswang at si sherly naman ay isang mangangaso.

Matapos makatayo sa aking hinihigaan ay nakaramdam ako ng ginaw sa aking katawan na tila ba ay niyakap ako ng hangin sa aking kapaligiran at doon ko nalaman na maski ako pala ay walang suot suot na saplot sa katawan.

"HaaAaaahh!, Anong nangyayari!!"
Napasigaw na lamang ako na parang isang bata at nanatilinna lamang sa aking kinatatayuan.

"E..eh?"
Pagtataka ng hubad na si sherly habang nakatingin sa akin.

"...."
Si maia din ay walang kibo habang tila ba naguguluhan sa aking ikinilos.

Anong ginagawa niyo, hindi ko maintindihan.

"J..jonathan.....m..may naalala ka ba sa mga nangyari?"
Mahinahon na tanong sa akin ni maia habang nakatingin siya sa akin.

Na...nangyari? Anong pinagsasabi niya?.

Dahan dahan ako tumingin sa kanya ngunit agad ko ibinaba ang aking tingin dahil hindi ko magawang tumingin sa kanyah hubad na katawan.

Nangyari!!!.

Anong nangyari!!.

May nangyari!!.

Hubad silang dalawa..pati ako...si maia, mukang kasalukuyang naliligo bago pumunta dito sa silid!.

Anong nangyari!, O may mangyayari ba!!.

Matapos ng kaunting kaguluhan sa loob ng silid ay nalaman ko na lamang na kasalukuyan pala kaming nasa pamamahay ni sherly kung saan ay kasama din sa loob ang magkakambal na nung oras na ako'y nagising ay natutulog pa sila.

Matapos akong mapakalma ni sherly at bigyan ng napakaliit na ekaplenasyon ang kasalukuyang nangyayari ay sinabihan niya ako na magbihis na at maghintay sa sala.

At ang rason kung bakit ako hubad ay sa kadahilanan na si sherly ang nagpalit ng aking kasuotan na ayon sa kanya ay sobrang dumi ng suot suot ko kaya ako'y kanyang binihisan ng panibagong damit.

Kanino kaya tong mga damit na suot ko.. surely hindi ito kay sherly kasi kasi pang lalaki ito.

Boyfriend?.

Kapatid? Kuya?.

Sobrang labo ng aking ala ala sa kasalukuyan na tila ba ay may parang mga ala ala ang aking utak na ayaw o ayaw ipa isip sa akin, tila ba isang daanan na puno ng ulap na hindi ko matanto kung ano ang naroroon.

Hindi ko maipaliwanag ngunit pakiramdam ko ay may nagawa akong masaya dahil kasalukuyang hindi mapakali ang aking katawan, napakabilis ng tibok ng aking puso at hindi mahinto ang nararamdaman kong paglabahala.

Mukang kahit walang maalala ang aking isipan ay alam ng aking katawan ang nangyayari.

Naka upong mag isa sa sala ng nasabing pamamahay ni sherly ay isang pamilyar na mukha ang aking nakita.

"Jonathan!"
Wika niya ng may ngiti sa kanyang labi.

Nagmadali ay agad niya tinungo ang aking kinalalagyan at agad tinapik ang aking balikat.

"Si..sir fiore"
Nawika ko ng Siya'y makalapit sa akin.

"Kamusta gising mo?, Wala ka ba nararamdamang kakaiba?, Nahihilo?, Nasusuka O pakiramdam na para kang pagod nanghihina?"
Agad niya wika at bigla niya na lamang kinalikot ang aking katawan na tila ba ay binigyan ako ng physical check-up.

"Wa...wala naman sir fio-"

"Hmm?, Lets see, wala ka namang lagna-"

"Oh! Jonathan!, Good morning"
Mula sa lugar kung saan sumulpot si sir fiore ay doon din nagpakita si ma'am fiore at tulad niya ay nakangiti din siyang lumapit sa akin.

Nahihiwagaan ako.

Dahil sa kasalukuyan asta ng dalawa ay mas lalo ako kinabahan sa kung ano nga ba ang nangyari noong ako'y walang malay o hindi alam ang aking ginagawa.

Ang approach ng magkakambal sa akin ngayon ay kakaiba.

Matapos dumating ni maia sa sala ng bahay kung saan kami naroroon ay sinundan na siya ni sherly, isang normal na almusal ang aming ginawa sa hapag kainan kung saan ay wala muna nagsalita ng kahit ano pa man.

Ngunit kahit ganun na nga ay tila ba parang may mangyayari mamaya pagkatapos ng almusal.

Nagliligpit ng pinagkainan ay sinubukan ko samahan ang magkakambal ngunit sinabihan ako ni maia na manatili sa aking upuan, kaya sinunod ko na lamang siya.

Matapos ang ilang minuto ay nakabalik na ang dalawang magkakambal at ako'y tinabihan sa aking inuupuan.

Sa tahimik na liblib na bahay sa sala ay doon kami nagpulong at ikinuwento ng aking mga kasamahan ang buong nangyari noong ako'y wala sa sarili, hindi ako makapaniwala sa aking mga nalaman at nang matapos ang kanilang mga nais sabihin ay si maia na ang nagkwento.

Tungkol sa kasalukuyang nangyayari sa angkang silangan at sa kinakaharap ni elena sa ngayon.

May idea na ako dahil sa sinabi ni lee sa amin ni sherly ngunit hindi ko sukat akalain na ganito pala kalalim ang nangyayari sa kanilang angkan.

Ang ganitong responsibilidad ay hindi para sa akin.

Sigurado ba ako na dapat ay naririto ako at nakikinig?.

Anong ibig sabihin niya na pinsan ni elena na isa din saga kaagaw niya sa trono ang kumontrol sa akin.

Hindi lamang ba ang angkang timog ang kalaban?.

Mangyayari nanaman ba uli ang nangyari nung nakaraan?,.

Kakayanin ko pa ba ang ganitong responsibilidad?.

Sino ba ako sa mundong ito?.

Tila ba masusuka ay agad ako tumayo sa aking inuupuan at agad lumabas ng pinto at tumakbo palayo.

"O oy! Saan ka pupunta!"
Pasigaw na wika ni sherly sa akin.


*******


Mataas ang tirik ng haring araw kasalukuyan ako nakatayo sa lilim ng isang malaking puno na hindi ko alam ang pangalan.

Ang pinung ito ay may mga bulaklak na kulay kahel na tila ba nagniningning dahil sa sikat ng araw.

Malakas ang ihip ng hangin habang pinapasayaw nito ang mga damo sa kapaligiran at sa bawat ihip ng hangin ay nagbibigay ito ng damping masarap sa pakiramdam.

Kung ganito lang sana ka banayad tulad ng aking nakikita ang nararamdaman ko ngayon sa aking kaloob looban.....

Matapos ikwento at ibunyag ni maia sa aming lahat ang kasalukuyang nangyayari sa angkan ng silangan at sa aking mga nagawa sa mga lumipas na araw na wala ako sa aking sarili ay hindi ko nasikmura ang bigat ng aking nalaman at napatayo ako at kusa ako dinala ng aking dalawang paa sa labas ng bahay ni sherly para maka ihip man lamang ng sariwang hangin dahil sa loob ng bahay ay ako'y muntik na malunod sa bigay ng atmospera ng kapaligiran dulot sa ibinunyag ni maia.

May idea na ako sa nangyayari sa loob ng angkang silangan dahil sa sinabi sa akin ni lee, ang nasabing arrangements marriage. ngunit hindi ko sukat akalain na tatakas si elena para humingi ng tulong sa amin.

Ngunit imbes na tulong ang aking i- abot sa kanya ay naging kapahamakan pa.

Hindi ko masikmura ang aking sarili.

Alam ko na nasa kontrol ako ng kalamban nung mga oras na iyon ngunit....

Hindi ko maintindihan.

Nanatili na lamang akong nakikinig habang ipinapaliwanag ni maia ang lahat sa amin at ang mga nangyayari sa kanilang angkan na hindi sinabi ni elena.

Nakalimutan ko na din tanungin o nagawang magtaka kung bakit kasama namin si sherly ngayon at kung paano siya nasama sa aming grupo.

Sigurado ako na kasalanan ko din ito.

Ngayon ay alam na nila na mangangaso siya, at kasalanan ko din iyon malamang...

Tuloy tuloy anong binomba ng mga inpormasyon na bago lamang sa akin at wala akong kamuwang muwang ay minabuti ko na lamang muna tumakbo palabas para makahinga man lamang...

Ang bigat ah...

Responsibilidad?.

Ano iyon?.

" ..by the end of the day ay isa lamang naman akong estranghero sa kanilang angkan"
Wika ko sa sarili at nanatili akong nakatitig sa kawalan.

Tulala at walang imik ay ipinikit ko ang aking mga mata at sinubukang hindi mag isip.

Para kahit papaano ay hindi makaramdam ng bigat ang aking damdamin.

Mas mainam na na ganito.

Tahimik.

Nanatiling nakapikit ay tila ba nilamon ako ng katahimikan at kawalan.

Isang imahe ng naka ngiting babae ang aking nakita.

Isang imahe na dapat ang kanyang ngiti ay aking prinoprotektahan.

Ang babae na puno ng misteryo at kahit wala pa ako labis nalalaman tungkol sa kanya ay nagawa niyang makuha ang aking puso.

Lena.

Si lena!.

Nasa panganib si lena!!.

Hindi.

Agad iminulat ang aking mata ay agad ako kumilos para bumalik sa lugar na nais ko takasan.

Anong iniisip ko!.

Hindi dapat ako nagkakaganito!.

May mga pangako ako!.

Kasabay na realisasyon sa sarili ay muli ako nagkaroon ng lakas ng loob para magpatukoy.

Kasabay niyon ay ang pagdaan ng mga ala ala sa aking isipan ng mga aking naging kaibigan magmula nung ako'y nadawit sa mundong ito.

Ito na ang aking mundo ngayon! Hindi na ako pwede magreklamo pa!.

Mula sa aking kinatatayuan ay tila ba may nakarinig ako ng isang tunog na tila ba salamin na nabasag at matapos ng aking nadinig ay bigla na lamang may mga itim na usok na lumabas sa aking katawan.

"A..ano ito?"
Pagtataka ko habang tila ba nag e-evaporate at nalulusaw ang mga itim na usok na lumabas sa aking katawan.

Ano ang lumabas sa aking katawan?.

Kailangan ko mag madali.

Nagmamadali ay hindi napansin na may bigla na palang sumuntok sa aking sikmura na agad nagpatumba sa akin at nagpaluhod sa aking tuhod sa damuha.

"Sabi ko na nga ba eh hindi ka pa matino!, Nasa impluwensiya ka pa din ng bangungot!"
Nadinig ang boses ni sherly ay nakita ko na inihanda niya ang kanyang kamay para tawagin ang kanyang sagradong armas.

Te..te..teka... impluwensiya?!.

"Gugulpihin kita hangang malusaw at lumabas lahat ng itim na usok sa iyong katawan!"
Wika ni sherly at ang nakahanda niyang kamay ay naging isang matigas na kamao na nakatutok sa aking nguso.

Bubugbugin niya ako!.

I..itim na usok?

"teka lang sherly!, Wala na wala na yung usok! Natunaw na!"
Agad ko wika sa kanya.

"Hah?"

"May nadinig akong tila ba nabasag na tunog at matapos niyon ay lumabas na sa aking katawan ang itim na usok na binangit mo"

" Nabasag... As in salamin na nabasag?"

"Oo oo ganun"
Wika ko habang tumatango na parang isang aso.

"Ibig sabihin wala na nga ang masamang salamangka sa isipan mo"
Wika ni sherly ng may gulat sa kanyang mata.

Napagtanto siguro na wala ng panganib ay ibinaba na ni sherly ang kanyang mga nakahandang kamay.

"....."
Weeeew, sa wakas na clear din ang misunderstanding...

Nakatayo ay bigla na lamang ako sinipa ni sherly sa aking mga bola na agad nagpabagsak muli sa akin sa lupa.

A...a
Aary.,..b.b.akitm!

Pumipindig pintig na ang aking mata ng ako'y tumingin sa kanya.

"W..why?"

"Anong plano mo, wala akong ala ala na isa kang duwag"
Wika ni sherly na tila ba galit ngunit hindi ko malaman kung saan nangagaling ang kanyang galit.

"Pasensya na"

Teka! Alam niya naman na nasa impluwensiya pa din ako ng usok ah.

Pero...inaamin ko.

Napakatanga ko.

Tanga para magpadala sa salamangka ng kalaban at impluwensiyahan ang aking desisyon sa sarili.

Masakit pa din ang ibaba at nanginginig pa ang tuhod dulot sa ginawa ni sherly ay pinilit ko makatayo sa aking sariling paa.

Kinontrol ang aking mga dugo na dumadaloy sa aking katawan ay binigyang diin ko ang aking mga tuhod para makatayo.

"Pasensya na sherly ngunit kailangan ko malaman ang lahat, maari mo ba ilahad sa akin ang mga sinabi ni maia magmula nung ako'y umal-"
Wika ko kay sherly.

"Hindi na kailangan...dito na natin ituloy ang pinag uusapan kanina"
Mula sa likoran ng puno ay nadinig ko ang tinig ni maia.

Dahan dahan ay naglakad siya at nagpakita na sa aking tingin ay nasa likoran lamang ng puno ngunit hindi ko napansin.

"Ito, mukang mas magandang mag usap dito"
Sa aking tabi ay bigla na lamang sumulpot si sir fiore na agad ko ikinagulat

Ha? Ano?.

"Oo, presko eh"
Wika ni ma'am fiore na tila ba ay sumulpot na parang bula sa kawalan sa tabi ng kanyang kakambal.

"Surprised?, Ito ang aking pinagkaka abalahan ngayon jonathan, invisibility"
Wika ni sir fiore sabay ipinakita sa akin ang kanyang suot suot na relo kung saan ay may maliit na berdeng mutya sa loob.

Isa sa mga regalo ni elena sa kanila...

"Ka..kayo?"
Pagtataka ko.

"Napansin ko na na may parang mali sayo nung Ikaw ay nagising kaya sinabi ko sa kanila na mag matyag muna...hindi ako nagkamali..may natira pang salamangka ng kalaban sa iyong katawan"
Wika ni maia

"Okey kana jonathan?"
Lumapit sa akin si sir fiore at ako'y kanyang inakbayan.

"Sa tingin ko..."
Wika ko naman sa kanya.

"Ngee hindi ka pa sigurado!"
Wika naman ni ma'am fiore.

"Huminga ng malalin ay seryoso akong tumingin kay maia na nakatingin na pala sa akin.

Nabasa ni sir fiore at mam fiore ang aking nais gawin ay tumabi sila.

"Maia pasensya na sa inasta ko kanina, ngunit ngayon ay-"

"Jonathan, kung nais mo umiwas wala kami magagawa, normal lamang para sa isang tao sa iyong edad ang ganoong reaction...huwag ka mag alala, naiintindihan ko at maiintindihan din ni elena"
Wika sa akin ni maia.

Mula sa aking tabi ay tumalikod si sherly at naglakad patungo sa lugar kung saan may malaking bato at siya'y imupo.

".......nagbigay na ako ng oath kay elena, na hahaligi sa tabi niya kapag kinakailangan"

"Kung ganun..."
Ngumiti si maia sa kanyang nadinig.

", besides para saan pa ang binuo niyang grupo..ang Messiah kung hindi man lamang ito magagamit para iligtas ang pinuno...."
Pahabol ko sa kanya.

"Mesayad?"
Pagtataka ni sherly at nakita ko napangiti si sir fiore na tila ba matatawa.

"Bukod pa doon"

"Bukod pa doon?"
Wika ni maia na tila ba ay hinihintay ang aking susunod na sasabihin .

Umihip ang napaka lakas na hingin sa aming kapaligiran na tila ba ay ihip ng umpisa sa aming balak gawin.

Isang hudyat at magandang pangitain kung saan ay nagsiliparan sa ere ang mga maliliit na bulaklak na pumalibot sa aming kinalalagyan.

Sa ilalim ng malakas na sinag ng araw sa silong ng punong namumulaklak ng pula ay ako'y nagsalita.

"May importanteng dapat akong protektahan sa angkan silangan"
Wika ko ng may determinadong boses habang nakatitig kay maia.

"Hmmm...."
Mahinang wika ni sherly at siya'y napangiti.

Matapos ng kaunting pag uusap at kwentohan ay hindi na nag aksaya pa ng oras si maia at nagsagawa na ng plano para sa aming susunod na hakbang.

Ang nasabing magaganap na pag iisang dibdib ay nasa petsa ng kalindaryo kung kelan magtatapat tapat ang buwan ang sagradong puno ng angkang silangan at ang altar ng ninuno ng angkang timog.

Hindi ko gaano naintindihan ang sinabi ni maia at ang alam ko lamang ay may oras pa kami para mapaghandaan ang nalalapit na kaganapan dahil sa sinusunod na tradisyon sa pag iisang dibdib ng parehas na angkan.

Isang peligroso at mapangahas na operasyon ang aming gagawin na hinding hindi dapat ipa ubaya sa isang tulad naming grupo na nabuo lamang biglaan at kung saan ay ang bawat myembro ay tila ba pinagtagpi tagpi lamang.

Hindi kami mga propesyonal na mandirigma o ano man jan.

Maaring ang dalawa sa myembro ng grupo ay experiensado ngunit ano naman kaming tatlo.

Ngunit kahit ganun na nga ay nais ko pa din tulungan ang aking kaibigan at ang aking minamahal, ganun din ang dalawang magkakambal nais nila tulungan si elena kaya kahit alam nilang mapanganib ay kasama pa din sila at naririto sa aking tabi ngayon.

Ang plano ay magaganap sa eksaktong sampung araw magmula bukas, ang plano na ay ang magsanay muna at paghandaan ang aming gagawing pagsagip kay elena.

Sa madaling salita ay hindi kami lulusob agad agad sa mga susunod na sampung araw kundi ay maghahanda muna at saka sa ika huling araw ay doon kami aatake.

Isang all or nothing na plano na ayon kay maia ay ang pinaka mainam na gawin kapag kinunsedera ang numero namin na lima lamang.

Nagkaroon ng maraming diskusyon sina maia at sherly sa kanyang plano at ang isa doon ay ang magiging role ni sherly sa mangyayari, ipinaalala niya na hindi siya maari mangi alam sa mga aswang sapagkat Siya'y mangangaso pa din at walang kinalaman sa kahit anong mangyari sa mga aswang.

"Kung ganun...ay maari ka ba sumama sa amin para i train sila kung paano makipaglaban?"
Wika ni maia kay sherly?.

"Silang tatlo?, Hindi niyo ba sila naturuan makipaglaban?, Akala ko ba nasa proteksyon niyo ang tatlo?"

"Oo, nasa proteksyon ni elena silang tatlo at naturuan na sila makipaglaban ngunit sa paraang salamangka lamang, mas mainam kung matututo sila sa paraan kung paano makipaglaban ang mga mangangaso"
Pagpapaliwanag ni maia.

Paraang mangangaso?.

Ang paraan ng salamangka ay ang paggamit ng mga elemento sa iyong paligid para mahigitan ang iyong kalaban, tulad ng pagamit ng hangin o lupa na nasa paligid lamang, natutunan ko ang mga iyon sa kweba nung sinanay ako ni lee na gamitin ang aking salamangka , ang aking dugo, natuto akong ihulma ito ng maayos at kontrolin ito sa direksyon na gusto ko para makipag laban.

Ang paraang mangangaso....ay ang tulad kay sherly.

Isang paraan ng pakikipaglaban kung saan ay naka focus ka sa iyong armas at wala ng iba.

Isang mapaminsalang paraan ng pakikipaglaban na natunghayan ko na harap harapan kay sherly.

"Sige..walang magiging problema kung ganon..ngunit si jonathan lamang ang aking tuturuan"
Wika ni sherly.

Ako?.

"Walang problema",
Wika naman ni maia.

"Oi! Pano kami"
Pagrereklamo ni sir fiore .

" Mag focus kayo sa pagiging medic"
Wika ni sherly sa kanilang dalawa.

Nagpatuloy ang aming diskusyon hangang umabot ng maggagabi, nagpaaalam si maia at umalis para mangalap ng inpormasyon samantalang ang magkakambal naman ay nagpasyang pumunta sa pamilihang bayan para mamili ng mga kakailanganin.

Bukas ay pupunta kami sa lugar kung saan ang kanilang pinuno ay si lee, ang nag iisang lugar sa lahat ng kaharian ng silangan na walang kontrol ang pinaka angkan dahil sa pagiging sobrang tago nito sa lahat ng teriyoryo at dahil na din sa pagiging sobrang tapat ng mga tagasunod dito kay lee.

Kinagabihan.

Naka upo sa labas ng terrace ng bahay ni sherly sa tuyong damuhan ay may naglakad papalapit sa akin.

Nilinga para malaman kung sino ay nalaman ko na si sherly pala ang papalapit sa akin.

Tumabi ay umupo siya sa damuhan ilang metro lamang ang layo sa akin at kasama ko ay Siya'y tumingala para titigan ang buwan sa itaas.

Tahimik ang lugar at tanging madidinig lamang aya ang mga tinig ng mga insekto sa gabi.

Magkasama ay walang naging pangungusap sa amin, kapwa lamang namin tinitigan ang buwan na kasalukuyang ipinagmamalaki ang kanyang liwanag sa gabi.

Isang kabigha bighaning tanawin kung ilalarawan.

Kind to think of it....so dito sa lugar na ito siya nakatira huh?.

Isang babaeng not so long ago ay akala ko ay isang diligent lamang na estudyante, ang aming class president.

Ayon pala ay isa pala siyang babae na nababalotnng hiwaga.

Hindi ko maipaliwanag ngunit parang may naalala ako sa kanya...matagal na matagal na panahon na ang nakalilipas....

"Anong problema jonathan?"
Wika niya sa akin habang nakatitig pa din siya sa buwan.

"Huh?"
Matapos niya magsalita ay nalaman ko na lang na nakatingin na pala ako sa kanya at hindi na sa buwan.

"Wag mo masyado ilalayo ang titig mo sa nagpapasaya sayo jonathan, gawin mo iyon at mawawala siya sa paningin mo"
Wika ni sherly at siya'y tumayo na at naglakad paalis

Anong ibig niyang sabihin?.

Nanatili akong naka upo at muling tumingin sa buwan ngunit ngayo'y natatakpan na ito ng ulap.




********





Nagising ako sa kalampag ng pagdating ni maia sa bahay hating gabi na, nag usap sila ng saglit ni sherly at kapwa nagpahinga di kalaunan dahil sa marami pa kami gagawin bukas at halatang pagod ang bawat isa hindi sa pisikal kundi sa isipan, ako naman ay nanatiling nakadilat ang mata at hindi makatulog dahil sa halo halong nararamdaman, nagpatuloy ito ng ilang minuto ng makaramdam ako na tila ba ako'y naiihi, naiirita ay nagtungo ako sa banyo at doon umihi, napadaan sa sala matapos ay may nakita akong bagay na nakakuha ng aking atensyon.

Cellphone?.

Mula sa lamesa ng sala ay kinuha ko ang cellphone na sa aking pagkaka alala ay pagmamay ari ni sir fiore.

"Haa..naiwanan niya kanina..."
Wika ko at dinampot ko iyon at di sinasadyang nagbukas ang screen nito.

Sa screen ng kanyang cellphone ay tumambad sa akin ang napakaraming miss call galing sa school staffs at administrator.

" Hinahanap na sila ah..., Baka mawalan sila ng trabaho nito sa nangyayari.."
Wika ko at pinatay ko na ang backlight ng cellphone.

Ang dalawang iyon....

Hawak ang cellphone ni sir fiore na balak ko sana dalhin para ilapag sa kanyang tabi kung saan siya natutulog ay may naisip akong gawin bago ito isauli.

"Ma..may load kaya ito?"
Naka isip ng paraan para malaman ang kalagayan ni lena kahit papaano ay naisipan ko tawagan ang kanyang numero na ginagami niya tuwing kami'y nag uusap tuwing gabi.

Dahil kabisado ko naman ang numero ni lena ay walang problema ko itong na i dial sa cellphone ni sir fiore.

" Sana may load"
Wika ko sa sarili bago ko tinawagan ang numero ni lena.

Bumilis ang tibok ng aking puso sa aking ginawa at nakaramdam ng pananabig at may halong pagkabahala.

Hindi ko alam ang magiging results ng aking ginawa ngunit kahit papaano ay magkakaroon ako ng kaunting gabay sa aking susunod na gagawin kung ano man ang mangyari sa mga susunod na segundo.

May sasagot ba o wala.

Nagpatuloy ang aking paghihintay sa kasalukuyan kong tinatawagan ng may tila ba may madinig akong isang cellphone na nag ri-ring sa loob ng bahay.

"Hmm? Ano yun? "
Wika ko sa aking sarili.

Kahit walang hangin sa loob ng bahay ay tila ba kinilabutan ako nung mga oras na iyon.

Pinindot ko ang cancel at nahinto din ang ring ng hindi ko pa na i identify na cellphone.

"Sigurado ako na number ni lena ang na dial ko ah"

Nanginginig ang aking daliri ay muli ko pinindot ang call sa cellphone na aking hawal at ilang Segundo lamang ay tumunog na nanaman muli ang cellphone na tumutunog kanina.

Hindi maari.

Agad tumalikod at balak sana puntahan ang lugar kung saan ko nadidinig ang tunog ng bigla ko na lamang makita si sherly sa aking likoran.

Hawak hawak ang kasalukuyang tumutunog na cellphone.

Continue Reading

You'll Also Like

938K 32.9K 55
Haily Constello is an orphan who lives alone and who loves to make a mess. But an unexpected accident happened that changed her life. She got reincar...
1.6M 100K 93
After seeing her daughter taken, Claret is resolved to begin a quest to rescue Divina from the clutches of an ancient demon named Atlas, even if it c...
1M 62.4K 78
I have always seen myself as a savior from the depth of the sea--a place that I have long conquered. But when you appeared right before my eyes, I re...
4.9M 117K 46
Wild, untamed and fierce- that's Tatiana Faith Follosco. Para sa kanya, chill lang ang buhay. She loves to party with her friends and make crazy dare...