Chasing Him (Under Major Edit...

By Lovelyjamero28

8.5K 3.3K 2.4K

(Hacienda Janeiro) Love that would break some rule if it were pursued. In reality, the love itself is not for... More

Chasing Him
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Images
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51

Kabanata 38

109 47 9
By Lovelyjamero28

Cries
Hindi ko alam kung gaano kami katagal sa loob ng kotse ni Cresiah, kapwa kami nag-iiyakan, iyakin din kasi ang bruha na ito.

Nagyakapan lang kami pareho, natitiyak kong namamaga na ang mga mata ko sa kaiiyak.

"Ilabas mo lang iyan Ash, para naman mahimasmasan ka, mabigat sa dibdib pag hindi mo iyan inilabas".

"Naaawa ako kay mommy Cres, pag nagpakilala ba ako sa kanila tatanggapin pa nila ako? Ito na ba ang tamang panahon na magpakilala ako Cres?" mahinang usal ko rito, na tila nahihirapan ako.

"Let's consult Tita Minda first Ash, may karapatan din siyang magdesisyon, binago niya ang pagkatao mo, baka sisihin pa siya ng mga magulang mo kung sakali."

"Do you think, mamahalin parin ba ako ni Mike?, sa tingin mo rin ba, matatanggap na kami ni daddy?, but the question is—mahal pa kaya ako ni Mike?" napasigok kong wika sa kaibigan.

"We can figure it out, when the time comes na ipapakilala ka ni Tita Minda sa kanila, but sa tingin ko, baka masaktan mo rin sila, dahil hindi ka agad nagpakita at nagpakilala agad, its been 6months Ash, para mo narin silang ginawang tanga, hinayaan mong isipin nilang patay ka na. I just told you the tendency, sa magiging reaction nila, specially, ikaw ang dahilan sa pagka-miserable ni Mike, at sa mommy mo, I'm just stating the fact, I'm so sorry, but I just want you to realized the consequences na naidulot sa pagkawala mo. Malungkot na litanya ni Cresiah sa akin.

Ngayon ko lang narealize iyon, kung hindi pa ito pinaalala sa akin ni Cresiah. Hindi ko rin iyon maiisip.
Oh dear God, I'm not okay, I'm not myself, I'm drained, please calm my mind, please heal my heart, and takes my worries away. Ani ng gulo kong isipan.

"We need to go home, I'm gonna drive you home, baka atakihin ka na naman ng hika mo, then tell me about everything, sa pagkikita niyo ng Mike na iyon, but to tell you honestly, I feel something strange, sa pagkikita niyo, the way he looked at you. Hindi ako sigurado Ash—, but I feel something weird, about his stares". Kunot noong saad ng kaibigan ko.

Medyo binundol ako ng kaba, pero binalewala ko lang iyon. Naramdaman ko ang pagpisil ni Cresiah sa mga kamay ko, at ngumiti ako rito. She just tapped my shoulder, and then she position herself at the driver seat.

Nasa backseat lang ako ng kotse nito. Inabala ko nalang ang sarili sa pagtanaw-tanaw ng mga tanawin na nadadaanan namin. Napabuntong hininga na lamang ako. Kailangan ko ng makausap si Tita Minda, I need to faced my true family. How I really want to hug my mom. Hmmm—, talaga?? How about Mike?, I know you misses him more Calla, or may I say Astraea. Sabi ng isip ko.

Nang makarating na kami sa bahay, hindi na tumuloy pa si Cresiah dahil may iniuutos daw ang ina nito. Humalik muna ako sa pisngi ng kaibigan bago tuluyang bumaba sa kotse nito.

Pumasok na ako sa loob at nadatnan ko roon si Tita Minda, kausap nito ang mga kaibigan nito. Lumapit ako rito at humalik sa pisngi nito.

"How are you iha", nakangiting tanong nito sa akin.

"I'm fine Tita, just take your time to your amiga's". Nakangiting saad ko rito.

"Magpahinga ka na, ipapadala ko nalang kay Aling Esther ang hapunan mo." saad nito, muli ay napangiti ako rito at sa mga amiga nito.

Pumanhik na ako sa taas, pumasok agad ako sa aking silid at mabilis na tinungo ang banyo, I need to refreshen myself. Sa banyo na ako naghubad ng aking damit at dumiretso akong nagbabad sa aking bathtub.

Naalala ko si mommy, parang sinakal ang puso ko at naglandas ang aking mga luha, mula sa aking mga mata. Napasabunot ako sa sariling buhok at humahagulhol ng iyak. How I missed my mom.

Hinahabol ko ang hininga, at nagmamadali akong umahon sa bathtub, dahil sa pagmamadali ko, ay hindi na ako nag-aksaya pang ibalot ang sarili sa aking roba, tinungo ko ang aking writing desk.

Doon ko kasi naaalalang inilagay ang aking spray. At hindi nga ako nagkamali at nakita ko agad iyon at nagmamadaling ng-spray. Hanggang sa naging normal na nga ang aking hininga.

Hindi ko alintana ang aking kahubdan, napaupo ako sa aking kama, kahit pa nga tumutulo pa ang tubig na nagmumula sa aking buhok, kinuha ko ang kumot at itinakip sa sariling kahubdan, at napayakap ako sa sarili.

Tears keep falling down my face, ang mukha ni mommy ang laging nakikita ko, hanggang sa napahagulhol na ako ng iyak.

"Mommy—mommy—mommy—" malakas na hagulhol ko, I just can't help it, I'm so worried about her. Narinig ko ang malakas na kalabog ng aking pintuan. Pero hindi na ako nag-aksaya pang tingnan kung sino ito.

I'm feeling helpless, I'm tired of crying, I'm so tired of everything. Naramdaman ko na may yumakap sa akin. I know its Tita Minda.

"Hush—Ash, please don't cry, I'm here sweetheart." Alo nito sa akin.
Naramdaman ko ang mahigpit nitong yakap sa akin.

Hindi ako umimik, ang gusto ko lang ngayon ay umiyak ng umiyak, gusto kong ilabas ang lahat ng bigat na nakadagan sa dibdib ko.

Naramdaman ko ang paghagod ni Tita sa likod ko, hinayaan lang ako nitong umiyak, na ipinagpasalamat ko naman. At napasigok ako, muli ay tumulo na naman ang panibagong luha mula sa aking mga mata.

"Calla—sambit nito sa totoo kong pangalan, she used to call my real name pag kami lang dalawa.

"Tahan na iha", nahihirapan nitong tugon sa akin. At saka ko nadama ang mahigpit nitong yakap.

"I'm so sorry iha, kung makasarili ako, natatakot lang naman akong mamuhay mag-isa, matanda na ako at wala na akong kamag-anak pa, anong silbi ng mga bagay na meron ako, kung wala naman akong matatawag na pamilya," mahabang sabi nito at napaangat ang tingin ko rito, tila naantig ako sa nilalabas nitong damdamin.

Tita Minda is a quiet woman, who always plaster a genuinely smile on her lovely face. Hindi ko akalaing masasabi ito sa akin ang nilalaman ng puso nito, gosh ! Hindi ko kasi alam. Naipikit ko ang mga mata at muli ay idinilat ito.

Nagpalit kami ngayon ng posisyon, ako na ngayon ang umalo rito, may tinatago rin pala itong takot, I just can't believe it lang kasi. All this time ang alam ko lang wala itong problema, maganda naman ang takbo ng business nitong surgeon clinic.

"Tita I'm sorry, hindi ko po alam, hindi ko po kayo iiwan, pangako ko po iyan sa inyo". Medyo pumiyok ang boses ko, at napalunok ako. I caressed Tita Minda's hair and hug her tightly.

"I'm so sorry Calla kung kinunsinti kita, sana ipinakilala nalang agad kita sa mga magulang mo, hindi ka na sana nahihirapan ng ganito, natatakot lang talaga akong mag-isa. Mahinang saad nito na bakas sa tinig nito ang pagsisisi.

"No Tita, please don't say that." sabi ko at niyakap itong muli.

Napukaw ang aming atensiyon ng bumukas ang aking kwarto, mula doon ay pumasok si Aling Esther na may dalang tray, na sa tingin ko ay ang aking hapunan.

Tahimik lang itong pumasok, kumalas naman ng yakap sa akin si Tita at pinahiran nito ang mukhang may mga luha.

"I need to go Calla, kumain ka muna, pasensiya kana kung naging emotional si Tita, hindi ko lang talaga mapigilan, just fix yourself iha. Tugon nito at humalik muna ito sa pisngi ko, bago nilisan ang aking kwarto.

Ngayon ko lang napansin na wala pala akong saplot kahit isa, tumayo ako sa kama at kumuha ng underwear at nighties sa aking walkin-closet. Nagbihis agad ako at kinuha ang tray, sumampa ulit ako sa kama at doon na lamang kumain.

Narinig kong tumunog ang aking cellphone, kinuha ko ito mula sa aking katabing bedside table, I saw Cresiah's name in my caller I.D.
I swipe it, and answered her call, narinig kong bumuntong hinga ito sa kabilang linya.

"What's the problem Cres,"tanong ko agad rito.

"How are you Ash",imbes ay tanong nito sa akin, hindi man lang nito sinagot ang tanong ko, pero alam kung may problema, hindi nga lamang nito sinasabi.

"Damn it! Anong problema!"asik ko rito, ganito talaga ako, ayaw ko lang na naglilihim ito sa akin.

"Calm down, sasabihin ko pag-nagkita na tayo, take it easy" saad nito, pero ramdam ko talagang may hindi ito sinasabi sa akin.
Hinarap kong muli ang aking pagkain, and I loudspeak my cellphone, so thats Cresiah could heard me.

Cresiah Datsun
I'm lying in my bed, I heard a knock on my door, I know its mom. Tumayo ako at binuksan ang aking pintuan. Seryoso lang ang tinging ipinukol nito sa akin.

"Did you packed your things already?"tanong nito sa malamig na boses.

"I'm done mom", mahina kong usal na may bahid ng lungkot.

"Good!" maikling sagot nito, at tuluyan na itong tumalikod.

Bumalik ako sa aking kama, kinuha ko ang aking netbook Voodoo Envy H171, na regalo ni dad sa akin noong birthday ko. Dad is dead noong nakidnap ako 10 yrs.ago.

I'm gonna missed Astraea, she's a friend who I trusted the most, mapili kasi ako sa kakaibiganin. Kinuha ko ang aking cellphone at tinawagan ito. I need to talk to her right now. My life is in danger.

Humugot ako ng malalim na buntong hininga, at bigla kong narinig ang boses ng kaibigan, medyo nagulat ako roon, nawala lang kasi ako sa focus kaya hindi ko napansin na nasagot na pala nito ang kabilang linya.

"What's the problem Cres", bungad na tanong nito sa akin. Naipikit ko ang sariling mga mata at napalunok. Mga ilang minuto rin akong natahimik.

"How are you Ash" instead, ay inilihis ko ang usapan.

"Damn it! Anong problema!" asik nito sa akin sa kabilang linya.

"Calm down, sasabihin ko pag-nagkita na tayo", take it easy". saad ko rito.

"I want you to tell me right now", saad nito sa akin.

"Maybe tomorrow, oh my gosh! May inutos pala si mom sa akin, I need to hang-up the call Ash, bye love you!" alibi ko rito at ini-off ng madalian ang aking cellphone.

Alam kong mamimilit ang bruhang iyon, hindi iyon titigil pag hindi nito nalalaman ang gustong malaman. Napasabunot na lamang ako sa sariling buhok.

End of Cressiah's POV

Continue Reading

You'll Also Like

71.4K 53 41
R18
373M 9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
176K 3.3K 48
What if your escape turns into a reason why you need to escape? Hera Ivory Levine, an academic achiever crossing paths with Eros Vergara whose academ...
1M 33.3K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...