Kabanata 51

349 55 31
                                    

Drunk
Isinandal ko sandali ang aking likod. Habang nakatingin kay Mike na sige parin sa paglagok. At nang hindi makuntento ay tinungga nito ang laman ng bote.

Napapikit ako, sa bawat hirap na naramdaman nito ay halos tripleng sakit sa akin. Mabuti na lang at hindi ako inatake ng hika.

Mabuti na lang at dala ko ang aking bag. Kinuha ko ang aking cellphone at dinayal ang numero ni mommy. At sinagot na man nito iyon.

"Yes baby!"

"Mommy! Saad ko sa pumiyok na boses.

"Where are you princess? Bakit ang ingay? Kasama mo ba si Mike?"

"Mom, he already knew it!" Sagot ko na lamang rito.

"What??! Baby nasaan kayo?! Bakas sa tinig nito ang pag-aalala sa amin.

"Nasa isang bar po kami mom, please mom I need your help."

"Alright baby! Diyan lang kayo at wag na wag kayong aalis diyan."Wika nito at pinutol na nito ang kabilang linya.

Muli ay napasulyap ako kay Mike, napasubsob na ito sa mesa. Pikit na ang mga mata nito, nakatulog na pala ito sa kalasingan.

Nilapitan ko ito at inayos ang buhok na ngayon ay sabog na kung iyong titingnan, umupo ako sa tabi nito. At dahan-dahan kong inilagay ang ulo nito sa aking kandungan.

Hinaplos-haplos ko ang ulo nito na may pag-iingat.

I'm sorry for hurting you, and for lying you. I'm hoping someday, that you would forgive me. Kahit sabihin nang ayaw mo na sa akin, ay buong puso kong tatanggapin.

Muli na namang tumulo ang panibagong luha mula sa aking mga mata. Marahas ko agad itong pinahid gamit ang aking kanang kamay.

Nang biglang dumating si Kuya Clark, nagtama ang aming tingin ngunit ito ang unang bumawi niyon. Lumapit ito sa akin na hindi man lang umiimik. Tahimik lang ito at bahagyang naka-igting ang mga panga.

Lumapit ito sa amin ni Mike at mula sa aking kandungan ay inayos ko ang ulo ni Mike para alalayan ito na maigiya ni Kuya Clark ng maayos sa mga bisig nito.

Alam kong may tampo ito o di kaya'y galit sa akin. Umaasa akong sana mapatawad ako nito. Tulad ng pagtanggap ni dad sa akin at ni mommy. Kung pwede lang sana.

Itinayo nito si Mike at inalalayan nito ang ang isang braso na mailagay sa balikat nito. Akmang tutulong sana ako ng magsalita ito sa may diing boses.

"I can manage this." Saad nito na hindi parin tumitingin sa akin.

"Kuya, I'm sorry." Mahinang usal ko rito.

Ngunit hindi pa rin ito tumitingin sa akin. Nakakunot lang ang noo nito at salubong ang mga makakapal na kilay.

"Baby!" Si mommy at biglang lumapit ito sa akin sabay yakap, ramdam ko ang pag-aalala nito sa akin. Nakasunod lang dito si dad at ngumiti sa akin ng tipid.

"Mommy!" Ako at yumakap rito.

Nasundan ko nang tingin ang papalayong bulto ng dalawa, may nag-aasist na nitong dalawang bouncer daw yata ng bar. Ayon ni daddy.

"Come on baby, dad! let's get out of here!" Si mommy sa nagmamadaling boses at hinila ako nito, samantalang lutang parin hanggang ngayon ang aking diwa.

Hanggang nakasakay na kami ng kotse nina mommy, ay nakatulala pa rin ako. Walang ibang ginawa si mommy kundi papanatagin ang loob ko.

Pagkarating na min sa bahay ay hinatid agad ako nina dad at mommy sa kwartong matagal ng inihanda ni mommy para sa akin. Lihim kong hinahanap ang dalawa na sina Mike at Kuya Clark, pero hindi ko ito nakita kanina pagkapasok na pagkapasok ko sa bahay.

Mom and dad kissed me on my cheeks and forehead before leaving. Napangiti ako ng tipid sa tinuran ng mga ito. Gusto sana ni mommy na samahan ako. But I refused.

Napansin kong may binulong si dad kay mommy. At saka na man napagdesisyunan ni mommy na iwan na muna ako, para daw makapagpahinga na ako.

Humugot ako ng marahas na hininga at napayakapa sa kulay pink kong  unan. Inilibot ko ang paningin sa kabuuan ng aking kwarto. I missed it here. Gustuhin ko mang ngumiti, pero hindi ko magawa, dahil sa bigat ng dibdib na nadarama ko ngayon.

Nasaktan ko ang dalawang lalaking naging bahagi ng aking buhay. Alam ng Dios na labis akong nagsisisi roon. At now I realized, na iyon na yata ang malalala kung nagawang pagkakamali. Ang pagiging selfish.

Ngunit buo na ang desisyon ko na harapin ang lahat ng ibubunga nito. I know it hurts me. But I need to be strong, this is my fault. So be it.

Nakarinig ako ng katok mula sa labas ng aking pinto. Tumayo ako at lumapit para pagbuksan ang aking panauhin.

Bumungad sa akin si Kuya Clark. May dala itong tray na may lamang pagkain. Niluwagan ko ang aking pinto para makapasok ito.

"You must eat in time." Maikling saad nito sa akin at inilapag nito ang tray sa aking kama.

Akmang pipigilan ko sana itong umalis, ngunit hindi ko tinuloy. I'm afraid na baka katulad ni Mike, ay magalit ito sa akin ng labis.

"Kuya, thank you." Pumiyok ang boses ko. Ramdam ko ang panunubig ng aking mga mata. At naikuyom ko ang aking mga kamao. Hindi ko talaga makontrol ang pagiging iyakin ko.

Hindi pa man ito tuluyang nakalabas ng aking pintuan, ay bumalik ito at marahas ako nitong niyakap. Gulat man pero buong puso akong gumanti ng yakap rito.

Ramdam ko ang pagkasabik nito, ang pag-ibig ng isang kapatid. Tila nagulat pa ako ng maramdaman ang butil ng mga luha nito sa aking balikat na walang pakundangang nagsipatakan.

Kapwa kami lumuluha ng tahimik ni Kuya. Sigok at mahihinang hikbi ko lang ang naririnig ko. Pinilit kong wag humagulhol ng iyak.

I feel his hands gently caressing my hair. I missed Kuya Clark. God knows how much I wanted to tell him the truth, ngunit pinapangunahan lang talaga ako ng takot at pangamba.

"Princess, our princess. Your back. I'm so sorry. I just can't believe it. And its hurts me princess. I hope you won't ever do this again. Its badly hurt us specially mom and dad." Mahabang wika nito at muli ay napayakap ito sa akin ng mahigpit.

"Get off your hands at her! Damn it Clark!! Sigaw ni Mike na ngayon ay naka-topless pa ang loko sabay hagis sa dala nitong unan kay Clark sapul sa mukha.

"What the hell kuya! I just want to hug our princess! Tsk!" Si Clark.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 08, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Chasing Him (Under Major Editing)Where stories live. Discover now