Kabanata 16

152 80 26
                                    

Mike Janiero
Hindi ko maintindihan ang sarili, labis akong naiinis nang biglang nagsusuka ang aking kapatid, f-k!!. Tatamaan sa akin ang kung sino mang nakabuntis nang kapatid ko.

Napasabunot ako sa sariling buhok habang hinihintay ito, na kasalukuyan ngayon na nasa loob nang kwarto nang Dr.

Ilang taon ko nang pinipigilan ang hindi ko maintindihang nararamdaman simula nang mga bata pa lang kami, I remeber the first time I laid my eyes on her.

When she was still a baby, her smile makes my heart beating fast. Sa mura kong edad, hindi ko pinapansin iyon, hanggang sa dumating ang araw na mas lalo itong yumayabong, and only God know's how its slowly killing me.

I'm inlove with my sister, parang gusto ko itong alagaan nang unang dumating ito sa mansion, ito ang nagbigay kulay sa aking ina, nakita ko kung paano ito kasaya nang makita nito ang isang napakagandang bata na nakapaloob sa isang basket.

Na nakita daw nang mga katulong sa labas nang aming gate. Kaya noon ipinangako ko sa aking sarili na poprotektahan ko ito, at aalagaan nang buong puso, Until years goes by.

I've never expected na mas lalo pala akong mahuhulog dito, pero alam nang Dios kung gaano ako nagdusa at nagpigil, lumaki itong mas lalong gumanda, her white fair skin, her angelic face, and those lips, as red as blood.

At ang alindong nitong pilit kong iwinawaksi sa tuwing nakikita ko itong nakasuot lang nang mga seksing mga damit. Kaya nga kumuha ako nang sariling unit para makaiwas dito, I bed a lot of women, but ni isa wala akong seneseryoso.

Hanggang ngayon binata pa ako, hindi ko na alam kung anong dapat kong gawin, ang umaktong normal sa harapan nito ay labis na nagpapahirap sa akin.

Flashback

"Rudy anong balita?" Tanong ko sa kabilang linya.

Nagpakawala muna ito nang marahas na hininga bago sinagot ang tanong ko.

" She's inlove to someone, the Gabriel boy, I guess one of the worker here, base on his image."

"What!! Bantayan mo siya na hindi makalapit kay Calla!! Singhal ko dito.

"Tsked.tsk.tsk. she's so stubborn Mike, looks like inlove yata sa gagong iyon!! And honestly, I'm jealous!!

Maya-maya'y tugon nito, ramdam ko ang frustration sa boses nito, umigting naman ang panga ko sa inamin nito sa akin.

"Don't you dare Valderama!! Back off!! Galit na sigaw ko dito.

"What??!! takang tanong naman nito.

"I said back off, or else I'm gonna wring your neck!! Banta ko dito at pinutol na ang tawag.

Pinaimbestigahan ko agad ang Gabriel na sinasabi nito, ayon sa mga resourses ko Romelle Fuentebella ang totoo nitong pangalan. Nalaman ko ring naholdap daw ito at binugbog at nagkaroon nang amnesia, may naiwan itong girlfriend na nagmamay-ari nang isang kilalang flowershop sa Baguio.

Nagpadala agad ako nang tauhan par palayasin ang taong iyon doon. Pero nang pumunta doon ang mga tauhan ko ay wala na daw ito doon, lihim naman akong nagpasalamat.

At hanggang sa isang araw nga ay narinig ko mula sa labas nang kwarto ang usapan nina mommy at daddy, may babae daw na nagngangalang Renrose Lim na pumunta daw sa opisina at nagsasabing ito daw ang kapatid ni Calla, naikuyom ko ang aking kamao sa nalaman, mabilis na tinungo ko ang sariling kwarto at dinial ang numero ni Clark.

"Kuya!! Napatawag ka?" Tanong nito sa akin.

"May kilala ka bang Renrose Lim??"

Natahimik ang kabilang linya at kapagkuwan ay narinig kong nagpakawala muna ito nang malalim na buntong hininga bago sumagot.

"May ka meeting akong nagngangalang Romelle Fuentebella, at may babae itong kasama na girlfriend daw nito, hindi ako sure, mukhang fiancee yata and her name is Renrose Lim. Honestly kuya she looks like Calla, she' pretty too. They are look a like."

Malalim na napaisip ako sandali, nagpaalam na muna ako sa kapatid at pinatay ang kabilang linya. So meaning may kaya ang pamilya ni Calla, Lim, Lim. I hear about Kervy Lim, the CEO of Laverda Airlines.

May posibilidad bang konektado si Renrose Lim at Kervy Lim? Muli kinuha ko ang sariling cellphone, at tinawagan ang isang detective. I need some information about this two. Renrose Lim and Kervy Lim.

Nakaramdam ako nang uhaw, lumabas mula ako sa kwarto at napansin ko pagkababa ko sina mom, at dad. Parang may pinag-uusapan ito, nang maramdaman nang mga ito ang presensiya ko, mabilis na tumahimik ang mga ito nang lumapit ako sa gawi ng mga ito.  Kunot noo akong tumitig sa kanila, nang nagtatanong ang mga mata.

"May problema ba dad?" Si mommy ang sumagot sa akin.

"No son, I'm just misses our princess, napag-usapan namin nang papa mo na papuntahin dito ang kapatid mo, nang hindi naman mabagot iyon doon sa Hacienda natin."

Napahawak ako sa aking baba na mukhang nag-iisip.

"Alright mom, I'll tell Clark to make some calls to Calla."

Saad ko kay mommy, napasulyap ako kay dad, at tumango lang ito sa akin.

"Thank you son!  Si mommy at ngumiti sa akin.

Pero alam kong may iba itong problema, at iyon ang dapat kong alamin.

Kinabukasan magkasama kami ni Clark na pumunta sa isang restaurant,may meeting kasi itong muli sa nagngangalang Romelle Fuentebella.

"Breakfast muna tayo Kuya, mukhang napa aga yata tayo." Si Clark.

Tango lang ang naging tugon ko dito. Magkasabay na pumasok kami sa loob nang restaurant, hindi naman lingid sa amin ang mga babaeng napapatingin sa amin.

Nakakalokong nagkatinginan na lamang kami nang kapatid. Akmang uupo na sana ako nang hindi sinasadyang mapasulyap ako sa unahang mesa at nakita ko sina mommy at daddy na may dalawang taong kausap, kunot noong lumapit ako doon.

Hindi ko na pinansin ang pagtawag nang kapatid kong si Clark, naikuyom kong ang kamao nang makitang umiiyak ang aking ina.

"Kuya where are you going?"Tawag ni Clark sa akin.

Dirediretso lang ang aking lakad, hanggang sa makarating ako sa kinalalagyan nang aking mga magulang, gulat ang rumehistro sa mukha ni mommy nang makita ako nito.

Naiiling na napatakip ito sa sariling mukha at yumuko, at ang nag-aalalang mukha ni dad ang umalo dito.

"Mom!! Si Clark at mabilis na lumapit sa aming ina. Pinukol ko nang tingin ang dalawang kausap nito.

"Sino kayo!! Nagtitimping tanong ko sa dalawang tao na kaharap ko ngayon, hilam sa luha ang isang babae na kasama nito, pinukol naman ako nang lalaking kasama nito nang masamang tingin.

Niyakap nito ang magandang babae, medyo nabigla ako kanina, she look's like Calla.

"Kuya!! Siya ang sinasabi ko sayo!, please Kuya, sila ang mga kliyente ko"

Paalala ni Clark sa akin. Nagpakawala na lamang ako nang marahas na hininga at hinarap ang aking mga magulang.

"Anong nangyayari dad?, bakit umiiyak si mommy?" Tanong ko dito.

"Not now Mike, let's go sweetheart." sagot ni dad at inalalayan nito si mommy na tumayo. Nakayuko parin itong umiiyak.

"Mauna na kami Mr. Fuentebella, Ms.Lim." Paalam ni dad sa dalawa.

Naiinis naman akong sumulyap sa gawi nang mga ito na tumango lang kay dad ang nag-ngangalang Romelle Fuentebella.

"Damn it!! Mura ko sa isipan at sinundan sina dad.

Chasing Him (Under Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon