Kabanata 38

109 47 9
                                    

Cries
Hindi ko alam kung gaano kami katagal sa loob ng kotse ni Cresiah, kapwa kami nag-iiyakan, iyakin din kasi ang bruha na ito.

Nagyakapan lang kami pareho, natitiyak kong namamaga na ang mga mata ko sa kaiiyak.

"Ilabas mo lang iyan Ash, para naman mahimasmasan ka, mabigat sa dibdib pag hindi mo iyan inilabas".

"Naaawa ako kay mommy Cres, pag nagpakilala ba ako sa kanila tatanggapin pa nila ako? Ito na ba ang tamang panahon na magpakilala ako Cres?" mahinang usal ko rito, na tila nahihirapan ako.

"Let's consult Tita Minda first Ash, may karapatan din siyang magdesisyon, binago niya ang pagkatao mo, baka sisihin pa siya ng mga magulang mo kung sakali."

"Do you think, mamahalin parin ba ako ni Mike?, sa tingin mo rin ba, matatanggap na kami ni daddy?, but the question is—mahal pa kaya ako ni Mike?" napasigok kong wika sa kaibigan.

"We can figure it out, when the time comes na ipapakilala ka ni Tita Minda sa kanila, but sa tingin ko, baka masaktan mo rin sila, dahil hindi ka agad nagpakita at nagpakilala agad, its been 6months Ash, para mo narin silang ginawang tanga, hinayaan mong isipin nilang patay ka na. I just told you the tendency, sa magiging reaction nila, specially, ikaw ang dahilan sa pagka-miserable ni Mike, at sa mommy mo, I'm just stating the fact, I'm so sorry, but I just want you to realized the consequences na naidulot sa pagkawala mo. Malungkot na litanya ni Cresiah sa akin.

Ngayon ko lang narealize iyon, kung hindi pa ito pinaalala sa akin ni Cresiah. Hindi ko rin iyon maiisip.
Oh dear God, I'm not okay, I'm not myself, I'm drained, please calm my mind, please heal my heart, and takes my worries away. Ani ng gulo kong isipan.

"We need to go home, I'm gonna drive you home, baka atakihin ka na naman ng hika mo, then tell me about everything, sa pagkikita niyo ng Mike na iyon, but to tell you honestly, I feel something strange, sa pagkikita niyo, the way he looked at you. Hindi ako sigurado Ash—, but I feel something weird, about his stares". Kunot noong saad ng kaibigan ko.

Medyo binundol ako ng kaba, pero binalewala ko lang iyon. Naramdaman ko ang pagpisil ni Cresiah sa mga kamay ko, at ngumiti ako rito. She just tapped my shoulder, and then she position herself at the driver seat.

Nasa backseat lang ako ng kotse nito. Inabala ko nalang ang sarili sa pagtanaw-tanaw ng mga tanawin na nadadaanan namin. Napabuntong hininga na lamang ako. Kailangan ko ng makausap si Tita Minda, I need to faced my true family. How I really want to hug my mom. Hmmm—, talaga?? How about Mike?, I know you misses him more Calla, or may I say Astraea. Sabi ng isip ko.

Nang makarating na kami sa bahay, hindi na tumuloy pa si Cresiah dahil may iniuutos daw ang ina nito. Humalik muna ako sa pisngi ng kaibigan bago tuluyang bumaba sa kotse nito.

Pumasok na ako sa loob at nadatnan ko roon si Tita Minda, kausap nito ang mga kaibigan nito. Lumapit ako rito at humalik sa pisngi nito.

"How are you iha", nakangiting tanong nito sa akin.

"I'm fine Tita, just take your time to your amiga's". Nakangiting saad ko rito.

"Magpahinga ka na, ipapadala ko nalang kay Aling Esther ang hapunan mo." saad nito, muli ay napangiti ako rito at sa mga amiga nito.

Pumanhik na ako sa taas, pumasok agad ako sa aking silid at mabilis na tinungo ang banyo, I need to refreshen myself. Sa banyo na ako naghubad ng aking damit at dumiretso akong nagbabad sa aking bathtub.

Naalala ko si mommy, parang sinakal ang puso ko at naglandas ang aking mga luha, mula sa aking mga mata. Napasabunot ako sa sariling buhok at humahagulhol ng iyak. How I missed my mom.

Chasing Him (Under Major Editing)Where stories live. Discover now