Kabanata 45

96 46 13
                                    

Together
Nasa garden kami ngayon ni Mike. Nakahiga sa bermuda grass, tila parang tambol ang bawat pitik ng aking puso. Masaya ako at nagkasama kami ngayon.

Kapwa kami nakatanaw sa mga bituin, tears keep running down my face, habang kinukwento nito ang mga memoryang magkasama kami noon.

Napakagat ako sa sariling labi habang ang dalawang kamay ay nakapatong sa aking tiyan. Kung pwede ko lang sanang aminin ngayon.

"She's so sweet, I love her with all my heart, wala na akong mamahalin pang iba Astraea kundi siya lang." pukaw nito sa akin. Na ang tingin ay nasa mga butuin.

The cold wind blew, mula sa puno ng calatchuchi nangahulog ang mga bulaklak nito papunta sa aming kinaroroonan. Nakikiramdam lang ako kay Mike at nakikinig.

"I'm sorry kung naiiyak ka sa mga kwento ko, I just need someone companion, wala akong ibang mapagsabihan. Para kasing sasabog na ako kung hindi ko ito mailalabas. I owe you Astraea". Saad nito. Napalingon ako rito na ang tingin parin ay nasa mga butuing nagkikislapan sa langit.

"Okay lang, I'm always here to listen."
Sagot ko rito at muli ay ibinaling ang tingin sa kalangitan. Pasimple kung pinahiran ang mga matang may bakas na luha at napangiti.

"Mike!! Matinis na sigaw ng isang babae. Nagmamadaling napabalikwas ako ng bangon at napalingon sa kinaroroonan nito.

Nagmamadali itong lumapit sa amin na may nagbabagang galit sa mga mata, kasabay ng pagtikwas ng isang kilay nito.

Napansin ko ang paglahad ng mga palad ni Mike sa harapan ko, hindi na ako nag-abala pang tumingin sa mukha nito at agad na inabot ang mga kamay nito para ako ay mapatayo.

Nagulat pa ako nang ayusin nito ang buhok ko na nakatabing sa mukha ko at saka inilagay sa gilid ng aking tainga, napatitig ako rito at tipid na ngumiti.

Hes dark deep eyes intensely looking at me, at mukhang natauhan ito bigla at binawi ang tingin nito agad sa akin. At nakarinig kami ng isang malakas na tikhim.

The girl on her sophisticated aura mockingly smiled at me. At parang linta lang na bigla nalang kumapit sa braso ni Mike na bakas sa gwapo nitong mukha ang pagka-irita.

"Nandito ka lang pala, and—kasama mo pa ang babaeng ito?!" wika nito na bakas sa boses ang inis.

"Astraea! Her name is Astraea, si Mike at nakangiting napatingin sa akin. Tila naman kinilig ang puso ko sa tinuran nito. At napangiti narin lang ako.

"Hmm—! Let's go Mike, Tita was looking for you! And you, Oh! Astraea right? Excuse us for a while!" Bye! Maarteng turan nito at hinila na nito si Mike, bumaling pa itong muli sa akin at pinukol ako nito ng matalim na tingin.

Aktong lilingon pa sana sa akin si Mike nang hawakan nito ng babae ang baba nito at hinarap dito. Naiwan akong naiiling na lamang at inayos ang sariling buhok pati ng aking damit.

Umalis na rin ako doon at tinungo ang pinagdausan ng event, nang makarinig ako na may nagtatalo sa may kabilang pasilyo.

"How could you do this to us! For how many months you've hide her!! Don't you know how it feels Minda!" narinig kong saad ni dad, at hindi ako nagkakamali doon its daddy and tita minda who are talking.

"I'm so sorry Mr. Janeiro, nagawa ko lang naman iyon dahil natatakot akong mag-isang muli, please huwag muna sana itong malaman ng iba lalong-lalo na sa asawa mo." narinig kong pagmamakaawa nito kay daddy.

Tila naman para akong bato roon na nanigas sa kinatatayuan. Nag-uunahang tumulo ang aking mga luha. Mabilis na napatakip ako sa aking bibig para hindi nila ako marinig, at hindi ko na nakayanan ang bugso ng aking nararamdaman.

I run fast as I could, hindi ko alintana ang sakit sa aking talampakan. Wala sa sariling tumakbo ako, may narinig pa akong may tumawag sa akin but I'd never waste my time, I just keep on running I don't even know where should I go.

Nang makita ko ang kwadra, naisip ko si Sapphire. Papalapit ng papalapit na ako doon ng biglang napahinto ako. No! Ang balak ko sanang sakyan si Sapphire ay hindi ko na tinuloy magtataka sila sa akin.

At doon na lamang nanghina ang aking tuhod at napasalampak ako sa may damuhan. Sapo ang aking mukha at humagulhol ng iyak. May narinig akong mga yabag.

Pero natatakot akong mapag-sino ang mga ito. Then I heard tita Minda's cracked voice. Naramdaman ko ang mahigpit nitong yakap.

"I'm sorry iha, natalo lang ako ng aking konsensiya. Ayaw kong nakikita kang nasasaktan, patawarin mo sana ako." hagulhol na saad nito sa akin.

"Calla!!" dad's broken voice called me, dahan-dahan akong lumingon rito. His eyes were blood shot! I saw how his tears keep on flowing like a waterfalls.

Wala akong sagot na maapuhap para rito. Nakatitig lang ako rito, habang dahan-dahan itong lumalapit sa akin. Nakita ko ang pait sa mga mata nito at labis na pagdurusa.

"Princess, I'm so sorry! Sa wakas ay saad nito at inisang hakbang lang nito ang pagitan namin at ikinulong ako nito sa matipuno nitong braso.

Ramdam ko ang pagmamahal nito, at humagulhol ito ng malakas. Napapikit ako, tila parang may bumikig sa lalamunan ko ng marinig ko ang hagulhol nito. I'm hurting seeing my dad crying.

At buong puso ko itong niyakap, I missed him too. Kahit masakit ang ginawa niyang pagpapaalis sa akin noon, na siya ring naging dahilan na umalis ako ng mansion.

Hanggang ngayon hindi ko parin alam kung bakit, at anong rason ni dad noon. Gustuhin ko man itong tanungin pero pinipigilan ko nalang muna ang sarili, saka na siguro kapag okay na ang lahat.

"Dad—" mahinang saad ko rito.

Kumalas ito ng yakap sa akin at hinawakan nito ang magkabila kong pisngi at napapangiti ito sa akin.

"Your eyes were still there princess, mukha lang ang nagbago sayo, hindi ko akalaing hanggang ngayon iyakin ka parin." may pagbibirong turan ni dad sa akin.

Kung alam mo lang dad, kung ilang baldeng luha ang naubos ko, sa isipan ko lang iyon.

"Dad!—" maktol ko rito at niyakap ako nitong muli at ganon rin ako rito.



Chasing Him (Under Major Editing)Where stories live. Discover now