Kabanata 6

171 65 58
                                    

Jealousy
Tinulungan ako ni Gabriel sa pag-aayos ng aking damit. Hindi parin ako makatingin dito, nahihiya ako sa nangyari kanina, baka isipin nitong malandi akong babae.

Calla!! Where are you!! Tawag ni Rudy, tama nga ako, si Rudy nga ang tumatawag.

Tinulungan ako ni Gabriel sa pagtayo, hinawakan ako nito sa beywang at siko para suportahan ako sa pagtayo.

"Kailangan ko ng magpakita kay Rudy". Tugon ko kay Gabriel, agad namang nagsalubong ang dalawang kilay nito, kasabay nang pagkunot nang noo nito, at umigting ang panga.

"Who is he?, tanong nito na nakakunot parin ang noo.

"My bestfried, kababata ko rin siya mula pa noong mga bata pa kami. Sa tingin ko, pinahahanap na ako sa mansiyon."

Bagkus ay hindi ito sumagot sa akin, nakikinig lamang ito at napapatango, Sabay na kaming lumabas sa kweba, madilim na rin ang paligid. Sa di kalayuan makikita mula rito ang liwanag ng flashlight ni Rudy at ng mga kasamahan nito.

Agad naman kaming nakita nito, at mabilis na lumapit sa amin, may dlawa itong kasama, na tauhan yata ng Hacienda. Nakasakay silang pareho ng kabayo.

Nag-aalalang mukha ang mababakas sa mukha nito. Bumaba ito sa sariling kabayo at lumpit sa amin, napasulyap siya kay Gabriel na ngayo'y halata sa mukha nito na parang naiinis.

Nagtagisan ng tingin ang dlawa, wala yatang sumusuko.

"Sino siya Calla,"? Tanong nito sa akin at hinila ako nito palayo kay Gabriel.

"Rudy, he's a friend, don't worry, siya ang nakakita sa akin dito". Nakikiusap kong sabi dito.

"I see." Tugon naman nito na halata ang namumuong tensyon sa dlawa, kaya naisipan kong pumagitna.

"Gabriel salamat ulit". Sabi ko dito, may sasabihin pa sana ako ng hinila na ako ni Rudy.

" Let's go, its getting late", si Rudy. Sumunod na lamang ako dito, at maingat na pinasakay ako sa kabayong sinakyan nito.

Napasulyap akong muli kay Gabriel, habang papalayo kami dito, seryoso ang mukha nito na waring galit o selos?, o baka naman nagiilusyon lang ako, naiiling na lamang ako at ibinaling ang tingin sa aming dinadaanan.

Nakarating rin kami, nauna na akong pumasok sa loob, at hindi na hinintay pa si Rudy, nadatnan ko ang nagaalalang mukha ni Nana Sela, niyakap agad ako nito.

"Dios ko! Calla!!,saan ka ba galing bata ka, alam mo bang kinakabahan ako kanina pa." Nagaalalang medyo may sermon na sabi nito at inilagay ang kulay pink na tuwalya sa aking balikat.

"I'm sorry Nana Sela, okay lang naman po ako, don't worry, I can handle myself, I'm not a child anymore. Thank you Nana for the concern."

"Pwes! Para sa akin ikaw parin iyong alaga ko na mabait at sweet. Sige na pumanhik ka na sa taas, ihahatid ko lang ang hapunan mo". Sabi nito sa seryosong mukha.

"Opo Nana". Sagot ko naman.

Aakyat na sana ako ng tinawag ako ni Rudy, napalingon ako dito.

"Calla, wait!", tawag nito sa akin, at agad na lumapit ito, seryoso ang aura nitong nakatingin sa akin.

"I'm tired Rud, I want some rest please". Nagmamakaawang sagot ko dito.

"No!! Mawtoridad nitong tugon sa akin, kumunot ang noo ko sa inasta nito, sumibol tuloy ang inis ko.

"What??, are you serious??!! Napalakas ang boses ko, na may halong inis parin, lumapit ako dito na nakapamaywang.

"I am, now tell me kung anong namamagitan sa inyo nang Gabriel na iyon?!! ,

"Namamagitan??, are you out of your mind?, were just friends!! Mali na ba ngayong makipagkaibigan.?, At sino ka ba, at parang umasta ka ei parang nagseselos na boyfriend!!"

Bigla namang natauhan ang binata sa sinabi ng dalaga, pumikit si Rudy, at hinilot ang sariling sentido.

"I'm sorry, I'm just concern Calla." Malumanay na nitong sabi sa akin.

"Your kuya's told me to watch you. I'm responsible for your safety, because they trust me. I'm really sorry." Nakayuko nitong sabi sa akin.

"I can handle myself." Inis na tugon ko at tinalikuran na ito, malalaking hakbang ang ginawa ko.

Sa bathtub ako dumiretso, I just want to relax, to release my stress. Narerelax ako sa maligamgam na tubig na bumabalot sa aking katawan at ang mabangong amoy ng shower gel ko.

Pumikit muna ako, at biglang naaalala ang tagpo kanina sa kweba. Idinilat ko nalang ulit ang aking mga mata, at pilit na inaalis sa isip ang tagpong iyon.

Nang matapos, kinuha ko ang roba at binalot sa aking katawan, nakita ko sa bedside table ang pagkain na siguro inihanda ni Nana Sela para sa akin.

Nagbihis na rin ako ng pampatulog na damit, kinain ko na rin ang aking hapunan, pagkatapos ay lumapit ako sa may bintana, hinawi ko ang kurtina at sumilip sa labas. Dumidilim na rin.

Hanggang sa naisipan ko na ring matulog na, hininaan ko muna ang aircon, pagkatapos ay sumampa na ako sa kama, niyakap ko ang aking unan at pumikit na.

Kinabukasan dumating si kuya Clark. Nakaupo ako ngayon sa may sala nanonood nang t.v. humalik muna ito sa aking pisngi at umupo sa aking tabi.

"How are you?, bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag namin, nagaalala sina mommy at daddy."

Doon naman ako napatapik sa noo ko na ipinagtaka naman ni kuya.

'Hey! don't hurt yourself."

"Sorry kuya, I forgot to check my cellphone, medyo busy lang sa hacienda". Sagot ko dito.

Bigla namang tumaas ang gilid ng labi nito, at ibinaling ang tingin sa pinapanood kong Tom & Jerry.

"Youre too old, for this kind of kidshow Calla."

"I like it kuya, I don't care, I'm just enjoying of what I've been watching."

"tsk! Si kuya, at tumayo na ito.
"I'll go now upstairs, I need some
rest."
Sabi nito sa akin, tango lang ang sagot ko dito.

Pagkatapos kung manood ang cartoon shows, nagpasya na akong pumunta sa may palayan. I wear my boots this time, dahil maputik ngayon ang lupa sanhi ng ulan kahapon. Hindi muna ako sumakay kay Sapphire. Instead naglakad nalang muna ako.

Lahat ay bumabati sa akin ng dumating ako, binati ko rin sila ay ngumiti, kinukumusta ko kung may mga peste bang naninira nang palay.

"Wala naman po Senyorita, may pesticide naman pong ginagamit, every once a week po.

"Mabuti naman po kung ganoon. Sagot ko at nilakad ang patungo sa mga pananim na mga pechay. Mabuti nalang at wala ring problema.

Lihim na hinahanap ng mga mata ko si Gabriel, pero hindi ko napansin ito ngayon, Nasaan kaya iyon?, ani ng isip ko. Gusto ko sanang magtanong pero masyadong obvious naman yata ako. Sinarili ko na lamang ang paghahanap.

Pumunta ako sa may mga gulayan, ganon parin pagkakita ng mga trabahador binati nila ako, at ganon din ang iba, ang ibang nagchichismisan ay biglang naghiwalay at mabilis na pumunta sa kani-kanilang pwesto. Lihim tuloy akong naiiling sa mga ito.

Chasing Him (Under Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon