Kabanata 22

137 74 22
                                    

Adventure
Dinala ako ni Kuya sa Adventure Mini Island. Takot pa naman ako sa height's gosh! Nalula ako sa aking nakita, paano kung mahulog ako dito.

Siguradong patay ako, ang bwiset kung kapatid tinawanan lang ako, nahampas ko tuloy ito.

"Hey! don't be scared, I'm here!"Biro nitong saad sa akin.

Umirap lang ako dito, at kinausap ko ang nag-aasist sa amin.

"Ate, sigurado ho ba kayong hindi ako mahuhulog nito?" Kinakabahan kong tanong rito.

"Sure na sure mam, wag po kayong mag-alala, hahawakan naman po kayo nang boyfriend niyo."

"Naku ate, nagkakamali po kayo—."

Hindi ko na natapos ang sasabihin nang hinatak ako ulit ni Kuya, tila nanginginig ang buo kung kalamnan nang nasa ere na kami, ipinikit ko ang mga mata, ayaw ko sanang pumayag, pero mapilit ang damuho kong kapatid, kinonsensiya pa ako.

"Come on open your eyes princess, the view is wonderful!" Bulalas nito.

"No!! I'm scared Kuya!! Hiyaw ko dito.

Pinisil nito ang aking kamay, at naramdaman ko ang hininga nito sa aking tainga na nagdulot nang libo-libong kiliti sa akin, napalunok tuloy ako nang wala sa oras.

"You will regret it, just open your eyes baby." Samo nito sa akin.

Tila naman para akong dinuduyan sa tawag nito sa aking baby, gosh!! Lihim akong kinikilig. Juice ko!!

"Ayaw!! Nakasimangot kong saad dito.
Naramdaman kong unti-unting humigpit ang hawak nito sa akin, at doon ko na dahan-dahang binuksan ang aking mga mata, tama nga si Kuya, napakaganda nga ng mga nadadaanan namin, feel ko tuloy ako si darna. Nakasakay kasi kami sa zipline.

"I told you." Saad nito.

Napasulyap ako dito, kanina pa pala ito nakatitig sa akin, naging akward tuloy, ako ang unang bumawi sa titigan namin, at ibinaling ang tingin sa mga nadadaanan naming ibat-ibang talon, nadaanan namin ang dagat.

At ang highway, how creative the people is, at naisipan nila ang bagay na ito. Parang feeling mo tuloy na para kang totoong lumilipad. Hanggang sa makarating kami sa dulo ay walang humpay ang aking pagkamangha, hanggang sa sumakay kami ni Kuya nang ibat-ibang adventures.

Nakapag scuba diving kami, nong una takot ako, baka kasi sunggaban ako bigla nang shark, tulad nang napapanood ko sa mga movies, but when the divers, assist us under the clear and blue ocean, nawala ang takot ko nang makita ang ibat-ibang klase ng mga isda, mga coral reefs at ibat-ibang nasa ilalim nang dagat.

Nahawakan ko pa ang napakalaking pawikan, at ang malaking butanding na kasing laki nang barko, maraming turista akong nakikita, at may mga artista rin, until napunta kami sa board surfing, araw kasi nang summer at dinadagsa ang beach.

Tulad nalang nang mga turista at mga bakasyonista, Kuya guide me how to use the surfboard, una ipinakita niya sa akin kung papaano, napaismid pa ako nang magyabang ang bruho.

Pero imbes na makinig dito ginaya ko nalang ang isang turista na nakadapa lang sa kanyang surfboard at hinhintay ang paghampas nang alon dito.

Napakasaya nang bonding namin ni Kuya, hanggang sa gumabi ay hindi problema kung saan kami mag-stay mukhang pinaghandaan talaga nito ang aming bonding.

Na lihim naman akong kinikilig at pilit ring nilalabanan ang sariling damdamin. May disco, sa beach, pero pinili lang namin ni kuya na magburn-fire.

Nakatingin kami ngayon sa madilim na dagat, at uminom rin ito nang kunting alak, gusto ko sanang uminom pero hindi ako nito pinayagan.

Kung iisipin siguro, mapagkamalan kaming mag-syota. Isinandal ko ang aking ulo sa balikat nito.

"Kuya mamimis kita." Saad ko dito.

"I'm gonna missed you more
princess."  Tugon naman nito.

At iniharap ako nito sa kanya, gamit ang mga kamay nito na nakahawak sa aking baba, nakita ko ang kalungkutan sa mga mata nito, at ngumiti nang tipid sa akin.

Hanggang sa bumaba sa mga labi ko ang titig nito, napalunok tuloy ako, gosh heto na ba? Hahalikan na niya ako! Dinig ko ang pagkabog nang aking puso, para na yatang lalabas ito, naramdaman ko pa ang panginginig ko.

Ang dalawa kong kamay ay nakatukod na sa buhanginan, until he cupped my face, with his both hands, pigil ko ang hininga nang unti-unting lumapit ang mukha nito sa mukha ko.

At hanggang sa ilang pulgada nalang ang layo nang mga mukha namin, at unti-unting bumaba ang mukha nito sa aking labi, and I close my eyes, and parted my lips, ilang segundo siguro akong naghintay.

Pero walang labi na lumapat sa mga labi ko, sa halip ay nasa noo ko ito humalik, lihim naman akong nabitin, sheett!! Akala ko pa naman!! Bwisit!!!

At nagpakawala ako nang marahas na hininga, Kuya hug me tight, naramdaman ko ang ilang butil na luha sa aking balikat, umiiyak ba ang kapatid ko?? Hinaplos ko ang likod nito, at inilagay sa aking balikat ang ulo nito.

"Hush—Kuya, wag ka namang umiyak oh, ayaw kong mahawa, magkikita rin naman tayo, bilisan mo lang doon." Saad ko dito. At kumalas ito nang yakap sa akin.

"I love you." Parang baliw na sabi nito sa akin, na may bakas ng luha ang mga mata habang  nakangisi pa sa akin.

"I love you more Kuya." Biglang nawala ang ngiti nito nang marinig ang huling sinabi ko.

"Its getting late, lets go princess."

Saad nalang nito sa akin, hindi ko alam kong ano, pero iba ang pagkakarinig ko sa salitang i love you nito, parang patungkol talaga sa akin.

O di kaya'y naghahasulinasyon lang ako. Magkasabay kaming tumayo, at naglakad pauwi sa kwarto kung saan kami mag-stay ni Kuya.

Nakasunod lang ako kay Kuya, lumningon ito sa akin at iginiya ako sa kwartong gagamitin namin, malawak ito at may dalawang king size bed, mabuti naman, hindi ko yata kayang magkatabi kaming matulog.

Pinapili ako ni Kuya kung saan daw ako, mas pinili ko ang malapit sa aircon,  may minibar, at may isang flatscreen tv at small dirty kitchen, may dalawang banyo rin at isang walk in closet.

At may malaking sofa, at may ref. Nagpaalam muna ako rito na maligo, kinuha ko ang isang roba na nakalatag sa kama, nagpaalam naman ito na may pupuntahan lang, tumango lang ako dito.

Pagkapasok ko sa banyo ay nagbabad agad ako sa bathtub. Nanunuot sa aking ilong ang napakabangong bodywash na ginamit ko ngayon, its cucumber with shea butter.

Nilaro-laro ko ang mga bula, at napasulyap ako sa salamin, my beautiful face, at biglang naalala ang tagpo kanina, napasimangot naman agad ako, kainis nga eh, nandoon na sana eh.

At isinaboy ko ang tubig sa salamin na waring inaaway ko ang sariling repleksyon. Oh come on Calla, don't be stupid!! Ang landi mo rin ano? Paano kung ikaw lang ang nagmamahal so ikaw lang din sa huli ang masasaktan!! Gosh!! Isip-isip din pag may time!! Saad nang baliw kong isip.

Kunot noong tumayo ako, mula sa bathtub, tiningnan ko ang sariling kahubdan, I'm sexy, at makinis umikot pa ako at pinagmasdan muli ang aking alindog, at parang baliw na ngumiti, mabilis na kinuha ko ang aking roba at lumabas na.

Helo reader's, sana nag-enjoy kayo sa chapter na ito, don't forget po to leave some comments and votes. Thank you po. God bless.

Chasing Him (Under Major Editing)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora