Kabanata 18

147 80 22
                                    

Angry
Hindi ko mapigilang magalit, dahil sa galit ko ay ibinato ko ang remote nang flatscreen tv namin. Pinukol ko nang matatalim na tingin.

Ang dalawang taong naging dahilan nang paghihirap ko ngayon, mas lalong yumabong ang pinipigilan kong galit para sa mga ito.

Naikuyom ko ang dalawang kamao at mabilis na iniwan ang sala. Akmang papanhik na sana ako sa taas nang tawagin ako ni daddy.

"Anak! Si dad at nakatitig lang ito sa akin, napalingon naman ako dito, at lumapit dito para humalik sa pisngi nito, bakas sa mukha nito ang pag-aalala sa akin.

"Daddy." Tugon ko at mabilis na napayakap ako rito, at hindi ko napigilan ang sariling mapaiyak na naman.

Humagulhol ako sa balikat ng aking ama, narinig ko pa ang sunod-sunod nitong pagpakawala nang buntong hininga. Hinaplos-haplos nito ang aking buhok at maingat na hinagod ang aking likod.

"Were so sorry sweetheart."  Saad ni dad sa malungkot na boses.

"Wala kayong kasalanan dad, maswerte parin ako dahil kayo ni mommy ang nag-alaga sa akin."

Kumalas ako nang yakap dito, at naluluha parin na hinarap ko ito, halo-halo ang nararamdaman ko ngayon, sakit at galit sa dalawang taong nagdala nang pasakit sa aking tahimik na buhay.

"Iha, sana wag kang magtanim nang galit sa totoo mong kapatid, may malalim siguro silang dahilan kaya nagawa nila iyon, pakinggan mo muna sana ang kapatid mo, katulad mo ay nagdusa din siya."

Malungkot na saad ni dad sa akin, at muli ay niyakap ako nito at hinalikan sa aking noo, nagpaalam muna ito sa akin bago tumalikod.

Nagpatuloy ako sa pagpanhik sa taas at tinungo ang sariling kwarto, mabilis na isinara ko ang pintuan nito at pabagsak na sumampa sa malambot kong kama.

Doon ko lahat ibinuhos ang sakit na matagal ko nang kinikimkim, no one knows I'm hurting too much, naging mabait naman ako kina mommy at daddy pero bakit ganito.

I'm emotionally, physically hurting, ang kapatid kong girlfriend pala nang taong minahal ko minsan ay hindi ko matanggap, ni hindi man lang ako nito naalala, ang dami ko nang hinaharap na pasakit, hanggang kailan ba ito matatapos?

Narinig kong may kumatok mula sa labas nang aking kwarto, ngunit hindi ko ito pinansin, ang gusto ko lang ngayon ay ang mapag-isa muna. Gusto kong mag-isip nang maayos.

Patuloy parin ang katok nito, ibinaon ko ang mukha sa aking unan at tinakpan ko ang aking tainga.

"Calla!! open up!!" Tinig iyon ni Kuya Mike, na waring galit pa yata, istorbo din itong isang ito noh!, tsk.

Tumayo ako sa kama at binuksan ang pintuan nang aking silid, bumungad sa akin ang nakakunot nitong noo, pero infairness ang gwapo parin, ani nang isip ko.

Ipinilig ko ang ulo dahil sa kalokohang naiisip, dirediretso lang itong pumasok sa loob nang aking kwarto at matiim na nakatitig sa akin,

"Why are you crying?" Puna nito sa akin. Bigla ko namang iniwas ang tingin dito at lumapit sa aking kama at doon umupo.

"Its non of your business Kuya." Balewalang sagot ko dito. Ngumisi lang ito na parang nanunuya at umiiling-iling.

"Nang dahil ba sa Romelle na iyon." Agad na tugon nito sa akin.

Gulat namang napatingin ako dito pero agad ring nakabawi sa pagkagulat nang maalalang wala naman itong alam sa nangyari sa kanila ni Gabriel noon.

"At ano naman ang pakialam ko sa taong iyan?" Sagot ko dito na hindi parin makatingin nang diretso sa kapatid. Nakatitig lang ito sa akin na waring inoobserbahan ang bawat kilos ko. Pinukol ko naman ito nang matalim na tingin. 

"Huwag ka ngang magpatawa Calla, kahit wala ako sa hacienda alam ko ang bawat nangyayari at ang mga galaw mo."

Medyo iritadong saad nito sa akin nang kapatid na tila nagpipigil nang galit. Humugot muna ako nang malalim na hininga bago magsalita.

"So alam mo pala nang may muntik nang mangyari sa amin nang Gabriel na iyon??" Nanunudyo kong wika dito, hindi ko alam kung bakit iyon ang lumabas sa bibig ko, dapat sana ako lang ang nakakaalam noon.

Umigting ang panga ni Kuya at mabilis na lumapit sa akin, iniangat ko ang tingin dito dahil nakaupo ako sa kama at siya naman ay nakayuko na nakatingin sa akin.

"Anong sabi mo!!" Tanong nito sa akin na bakas sa mukha nito ang pinipigilang galit, pigil hiningang napatitig ako dito, biglang binundol nang kaba ang aking dibdib.

Ilang pulgada nalang yata ang layo nang mga mukh namin, gustuhin ko mang ibaling sa ibang direksyon ang aking tingin, pero parang nahipnotismo ako sa mga titig nitong tumatagos sa buong kong pagkatao.

"Mam Calla!!" Tawag nang kung sino.

Mabilis na lumayo si Kuya sa akin, tinapunan muna ako nito nang nagbabagang tingin bago nilisan ang aking silid, kinakabahang napahawak ako sa aking dibdib at tuluyan na itong lumabas sa aking silid.

Ano iyon??, hindi ba ako nagkakamali??, tanong ko sa sarili. Impossible!! No!!!sigaw nang baliw kong utak.

"Mam, heto na po iyong merienda niyo, ipinadala nalang ni Sir Clark dito, bigla daw po kasi kayong nagwala kanina sa salas sabi ni Ella, natatakot po siyang pumasok dito, kaya ako nalang po ang nagdala nito rito." Mahabang saad nito sa akin at yumuko.

"Thank you!" Tipid kong tugon naman dito. Kinuha ko ito at inilapag sa bedside table ko. Nakatitig lang ako sa aking pagkain.

"Tititigan mo lang ba iyan princess?" Pukaw ni Kuya Clark sa akin at nakangiting pumasok sa aking kwarto.

Isang tipid na ngiti lang ang naging tugon ko rito, naaalala ko pa dati, mas unang naging close ko ito kaysa kay Kuya Mike.

"Wala yata akong ganang kumain kuya."  Saad ko dito.

"You have to eat princess, Kuya Mike told me na may hyperacidity ka raw, so you have to eat in time, and don't ever skip your breakfast,lunchtime and dinnertime, okay?" Mahabang litanya nito, kinuha nito ang aking pagkain sa bedside table at ibinigay sa akin.

"Nakikiusap ako princess, kumain kana." Pakiusap nito sa akin, nag puppy eyes pa si Kuya.

Natatawang hinampas ko ito sa braso at kunwari nasaktan daw ito, natatawang nakatitig lang ako dito.

"Sige na nga!

Narinig ko pa kung paano ito nagpakawala nang marahas na hininga at nakangiting nakatitig sa akin.

"Gusto mo tulungan kitang ubusin iyan?"  Biro nito sa akin.

"Loko-loko ka Kuya!" At kapwa na kami nagkakatawanan.

Minsan man may mga tao paring kinasangkapan nang Dios para ako ay patawanin, and Kuya Clark never failed for making me laugh, and I'm comfortable when I'm with him.

Chasing Him (Under Major Editing)Where stories live. Discover now