Kabanata 27

123 58 8
                                    

News
"Mam Calla, dumating na po ang daddy at mommy niyo." Tawag sa akin ni Mang Kanor. Kasalukuyan akong nandito sa may pinyahan.

Mabilis ang bawat kilos ko at muli ay sumakay ako kay Sapphire. Kuya Clark told me yesterday, that there's some important matters to discuss, nakakunot ang aking noo na pumasok sa loob, my mom smiled at me happily, ganon rin ako dito. Nagbeso muna kami, at kapwa naupo sa sofa.

Mula sa hagdan bumaba ang bagong paligong si Kuya Clark. Hindi ko maipagkakailang gwapo rin ito, matikas at tama ang tindig, alam kong dati pa ay marami ring babaeng nagkakandarapa rito.

Seryoso lang ang mukha nito, na nakatingin sa amin. Tumikhim muna ito bago nagsalita, napansin ko ang bawat binibitiwang buntong hininga ni dad, at hindi naman ako manhid na hindi ko maramdamang, problema na naman itong kakaharapin namin.

Before I proceed, umpisa ni Kuya, dumako ang seryoso nitong tingin sa akin, at matapang ko naman itong tinitigan. Alam kong may problema, pero bakit hindi nila masabi-sabi nang diretso.

"Go on Kuya, may hinihintay pa ba tayo para hindi mo umpisahan?"

"Excuse po Mam Clara, señior Marvin, nandito na po si señorito Mike kasama ang girlfriend niya."

Agaw atensiyon nang isang katulong namin, parang sasabog sa sakit ang aking puso, sa nalaman, wow! girlfriend?? Tindi rin, ba't hindi ako na-ninform?? Really huh!!

Asik nang isipan ko, napalunok ako at parang may kung anong dumagan muli sa dibdib ko, napasulyap ako sa kapatid kong nasa katapat ko, si Kuya Clark na matiim ang bawat titig nito sa akin na parang inoobserbahan nito ang bawat kinikilos ko. Napairap tuloy ako rito.

Hindi naman nagtagal ay dumating na ang taong lihim kong namimiss, at ang masaklap pa, may girlfriend na  pala ito, and its hurts me big time again!

Wala na bang mas malala pa rito?! Pilit kong pinatatag ang sarili, kunwari masaya ako. Nakakapit sa mga braso nito ang girlfriend nito, the girl looks stunning on her royal blue dress na hanggang tuhod, her brown golden hair suits her perfectly, wala akong maipintas sa maganda nitong mukha, a royal beauty.

Nakaramdam tuloy ako nang panliliit sa sarili, ngunit hindi nakaligtas sa akin ang matamang titig ni Mike sa akin. Tingin pa lang nito ngayon sa akin ay naghahatid na ito sa akin nang libo-libong kuryente na hindi ko kailanman naramdaman dati.

Lumapit ito sa amin, nakangiti lang ang maganda nitong girlfriend kuno, looks like close na ito nina mommy, lihim tuloy akong nagtatampo sa mga ito, so ako lang pala ang hindi nakakaalam?

Well nice to know that, kung sakali mang ganoon. Humahalukipkip ako at hindi ko mapigilang magpakawala nang malalim na hininga.

Nalaman ko na matagal na pala itong kilala nina mom at dad, especially pati si Kuya Clark, pero ngayon lang ng mga ito nakita nang personal. How amazing right?!!

Bigla ay nakaramdam ako nang kirot, but still I manage to ignore it, and made a poker face to everyone. Deep inside me is dying, but I know that I'm strong enough for this kind of situation.

Naranasan ko na ito kay Gabriel noon, pero sa tingin ko rin mas matindi itong ngayon. Napatingin si Maurine sa akin, her brown eyes meet mine, ngumiti ito sa akin at bumeso. Bumeso rin naman ako dito.

"I never thought that your much more gorgeous in person Calla!" Bulalas agad nito sa akin.

Ang kaninang tampo ko sa mga magulang ay biglang nawala nang dahil sa narinig ko sa taong kausap ko, hindi ko tuloy maiwasang mamula. Sigurado akong namumula na ang dalawa kong pisngi sa sinabi nito.

"Hindi naman siguro, medyo nahihiya kong sabi rito."

"I'm not kidding, and I'm true to my words." Tugon nito na bakas sa mukha nito ang walang halong pagkukunwari.

Hindi ko alam, pero magaan ang loob ko rito, batid ko sa kilos nito na gusto nitong maging close kami.

"Oh thank you Maurine."

"Its my pleasure Calla."

Ramdam ko ang titig ni Mike sa akin mula sa gilid nang aking mata. Napansin ko na magiliw si Maurine kausap, para bang natural lang ang bawat kilos nito, na madaldal talaga ito.

Napansin ko rin na napapatawa sina mommy, at dad rito. At hanggang sa naramdaman ko ang pagkawala nang dalawa kong kapatid, mukhang may pag-uusapan ang dalawa.

Napansin ko ang pagpasok nang mga ito sa library. Nag-excuse muna ako kay dad, mom at Maurine na mag-cr lang ako. Tinungo ko ang cr, pagkapasok ko pa lang, napasandal agad ako sa pintuan nito.

Ang kaninang sama ng loob ko ay malaya kong pinalaya, mabigat na kasi sa dibdib, at hindi ko na yata kakayanin. Tears keep falling down my face.

Hinayaan ko lang ang mga ito hanggang sa gumaan ang pakiramdam ko, I let out a heavy sigh at lumapit sa salaming naroon.

Napatitig ako sa sariling repleksyon, namumula tuloy ang dulo nang aking ilong, mabilis na binuksan ko ang gripo at napahilamos sa sariling mukha.

Muli ay minasdan ko ang aking mukha, hindi ba nila alam na nagtatampo ako, at nasasaktan ang puso ko? Gusto ko mang sumigaw pero hindi pwede, nagre-touch na lamang ako, para hindi mahalata na galing ako sa pagiyak.

Light make-up lang ang inilagay ko, natural foundation lang, at kung kanina ay pink lipstick ang gamit ko, naisipan kong gamitin ang pula, para naman hindi ako mukhang mahina sa paningin nang pamilya ko, I need to be strong.

Mabuti nalang at natabunan ng aking foundation ang pamumula ng ilong ko. Kung hindi baka mag-aalala na naman sina mommy at dad sa akin. At sangkaterba na namang tanong ang itatanong nang mga ito.

Akmang babalik na sana ako sa sala nang makarinig ako nang malalakas na sagutan sa library room. Kunot noong lumapit ako sa pinto, kakatok na sana ako nang pigilan ko ang sarili. At naisipan na lamang na makinig. Idiniin ko ang tainga sa pintuan nang library.

"F—k you Kuya!! I told you to wait, pero anong ginawa mo!! Akala mo hindi ko alam!! Lokohin mo sila pero wag ako puta!!"

Napasapo ako sa sariling dibdib, anong nangyayari? Hindi ba nila alam na baka marinig sila nina mommy?

"Damn it Clark!! Kulang ka nang impormasyong ibinigay!!" Boses iyon ni Mike.

Nang hindi ko na mapigilan ang sarili, mabilis ang kilos ko na binuksan ang pintuan nang library room. Kapwa gulat ang mababanaag sa mukha nang dalawa na waring nakakita nang multo.

"Kanina ka pa ba diyan princess." Si Kuya Clark na bakas sa mukha ang pagkagulat.

"Nope kuya, bago lang, I heard from the outside na may parang pinagtatalunan kayo so I decided to intrude, I'll apologize for that, may I know kung anong pinagtatalunan niyo??" Tanong ko rito.

Ni hindi ko parin tinitingnan si Mike, napansin ko ang pag-igting nang mga panga ni Kuya Clark. Napatitig ito sa akin at ganon rin ako dito, lumapit ito sa akin at inakbayan ako.

"Let's go, don't mind that, may hindi lang kami napagkasunduan ni Kuya." Saad nito, at nilisan na namin ang library.

Chasing Him (Under Major Editing)Where stories live. Discover now