Kabanata 31

100 56 23
                                    

Hide
Lumabas ako ng kwarto na kinakabahan parin, parang sirang plaka na bumabalik sa balintataw ko ang halik na pinagsaluhan namin kanina.

Bumaba na ako patungong living room, I found Nana Sela looking at me seriously, lumapit ako rito at yumakap.

"Nana Sela." Nahihirapan kong saad rito.

"Iha, hindi ko alam kung nagmamalikmata lang ako noon, pero napatunayan ko na ngayon ang hinala ko." Saad nito at kumalas ako ng yakap rito, nagtataka akong napatitig rito.

"Anong pong ibig ninyong sabihin Nana?!" Tanong ko rito.

Ngumiti lang ito sa akin at hinila ako nito sa may pool, lihim na hinahanap ng mata ko si Mike.

"Nakita ko kayo ni señorito Mike iha." Tugon nito.

Gulat akong napatingin rito, kasabay ng pagtakip ng sarili kong bibig gamit ng dalawang kong kamay, at ang kabang tila tambol na lumumukob sa akin ngayon.

"Nana—"

Nanghihinang namutawi sa mga labi ko at napayakap ako rito, at siyang pagpatak ng aking mga luha. Hinagod naman nito ang aking likod.

"Wag kang mag-alala iha, tikom lang ang bibig ko. Pero sana alam niyo, kung anong kahinatnatan at maidudulot nito sa pamilya niyo." Malumanay na saad nito sa akin.

"Hindi ko na po alam Nana kung anong dapat kong gawin. Nahihirapan na po talaga ako." Wika ko, kasabay ng pagsigok.

"Minsan iha, kailangan nating magsakripisyo para sa mga minamahal natin. Pero kong sariling kaligayahan lang, hindi maganda ang hatid nito at ang maidudulot nito."

Humigpit ang yakap ko kay Nana Sela, parang pinipiga ang dibdib ko sa bawat salitang binibitiwan nito, tumatama kasi ito sa akin.

"Nana!! Calla!! Tawag nang baritonong tinig, hindi ko na kailangan pang lumingon, dahil alam ko na kung sino ito. Its Mike. Naririnig ko ang papalapit nitong mga yabag.

Kumalas na ako ng yakap kay Nana, at dali-daling pinahid ang mga luha sa mga mata. Ngumiti lang ito sa akin ng tipid.

"Alalahanin mo ang sinasabi ko iha." Tugon nito bago ako nilisan.

"Calla!!"

Si Mike at mabilis ang kilos nito, he entertwined our hands, humigpit ang hawak nito, at napatitig ako sa gwapong mukha nito.

"May problema ba?" Malumanay nitong tanong.

Umiling lang ako dito at humugot ng malalim na hininga.

"Hindi ka ba pupunta sa opisina?" Instead ay tanong ko rito.

Sumeryoso ang anyo nito, at mataman lang itong nakatitig sa akin.

"Isasama kita, let's go." Tugon nito at hinila na ako palapit sa nakagarahe nitong kotse, nagpahila naman ako.

Sumasaksak parin sa isipan ko ang mga salitang binitiwan ni Nana. Pero hindi ko rin mapigilan ang hatid na kasiyahan pag kasama ko si Mike.

Pagkapasok pa lang namin sa kotse ay marami ng gumugulo sa isipan ko. Nabigla ako ng lumapit sa akin si Mike, his eyes intensely bore mine.

Tumikhim ako, at mabilis ang kilos nito na akmang yayakap sa akin, napapikit nalang ako.

"Are you okay?" Tanong nito, at saka ko lang narinig ang pag-click ng aking sariling seatbelt.

"I am."

Nakayuko kong sagot, akala ko talaga, hahalikan na naman ako nito. Excited pa naman ako na parang hindi, ewan ko para akong baliw. Shocks Calla!!sita ko sa sarili.

Pagkatapos ay pinaandar na nito ang kotse, at isinandal ko ang aking likod at nagpakawala ng malalim na hininga.

"Is there's something bothering you?" Tanong nito.

"I'm worried— about us!!" Hindi ko na napigilan ang sarili at sinabi ko na ito dito. Ito naman ngayon ang nagpakawala nang marahas na hininga.

"Let's hide it first." Saad nito.
Napalingon naman ako rito, gumapang ang kamay nito sa kaliwa kong kamay at kinuha nito iyon at dinala sa mga labi nito upang halikan.

Napangiti ako sa ginawa nito, na para bang may humaplos sa buo kong pagkatao. I feel relieved. I'm happy being with him, at hindi ko iyon maitatanggi.

Sana ganito nalang kami lagi, na sana wala kaming masasaktan. Na sana naging okay nalang ang lahat, at wala ng problema. Isa pa sa iniisip ko ngayon ay ang kompanyang pilit sinasalba ng pamilya ko. At kung ano ang mabigat na problema nito.

Hindi naman nagtagal ay nakarating a kami sa Janeiro Groups of Company Inc. Agad na pinarada ni Kuya sa parking lot ang kotse nito, while me is hindi parin nawawala ang kabog at gumugulo sa isipan ko. Magkasabay na bumaba kami ni Mike at mabilis ang kilos na pumasok sa loob.

Bawat empleyado ay bumabati sa amin, ang iba ay napayuko, ngumiti lang ako sa mga ito. Hindi na ako magtataka kung hindi palangiti si Mike. He have this authoritive aura na pilit niyang nilalagyan ng pader ang bawat pakikitungo nito sa mga empleyado.

Strikto kasi ito pagdating sa negosyo. Ramdam ko ang panlalamig ng aking mga kamay, habang papalapit na kami sa opisina ni daddy. Alam kong nandiyan sa loob si Maurine, Kuya Clark at mommy.

Akmang hahawakan ni Mike ang kamay ko, but I refused.

"You said that we must hide this?" Paalala ko rito.

Nagpakawala ito ng malalalim na hininga, at ipinagpatuloy ang paglalakad palapit sa opisina ni dad, nakasunod lang ako dito.

Napansin ko pa na nakatingin na ito sa relong pambisig, bago kumatok sa pintuan ng opisina ni daddy. Napansin ko ang pagkuyom ng mga kamao nito.

He let out a heavy sigh again, then knock dad's office. Agad naman itong bumukas at ang magandang mukha ni Maurine ang sumalubong sa amin.

"Oh! Hi hon." Bati agad nito kay Mike, na lihim ko namang ikinainis. Duh!

Nang mapatingin ito sa gawi ko. She wave at me, at ngumiti lang ako dito ng pilit, na sinadya ko talaga.

Mukha namang napansin ito niyon at binuksan ng maayos ang pintuan, at nauna na akong pumasok sa loob, I found mom and dad sitting in the office sofa, na katapat ng sofa ni Kuya Clark.

Napansin ko ang gulat na mukha ng mga magulang ko, specially Kuya Clark's face, obviously shock, lumapit muna ako kay mommy at daddy para bumeso. At doon naman natauhan ang aking mga magulang. Halata sa mga mukha ng mga ito ang labis na pag-aalala.

"Anak, hindi ko akalaing sasama ka ngayon sa kuya mo."

Si mommy na tila natataranta. Biglang umusbong ang tampo ko para sa mga ito.

Napansin ko ang pag-tikhim ni dad, at ang pag-alo nito kay mommy, stop hiding mom, na okay lang. My conceited mind protest. Gustuhin ko mang sabihin pero hindi ko magawa.

"Ah—anak, baka gusto mong sumama sa akin, tamang-tama ngayon ang schedule ko sa foot-spa." Medyo nauutal nitong saad sa akin.

I hug mom tightly, na ramdam ko ang pagkagulat nito, I feel her body froze.

"Mommy, please, stop being like that, mom, karapatan ko ring malaman ang problema, stop protecting me, I'm not a child anymore. Mommy look, I'm a lady, a strong one."

I saw mom's face smiled at me, ganon rin si daddy, and they hug me tightly. Naramdaman ko ang unti-unting pagkawala ng mabigat na bagay na nakadagan sa dibdib ko.

Chasing Him (Under Major Editing)Where stories live. Discover now