Kabanata 12

175 85 25
                                    

Lies

Kuya took me to his unit instead, first time kong makapunta dito, it's kinda big and wide, but so trashy sobrang kalat gross!!

Yucks! naman itong kapatid kong ito.

Napangiwi ako.

"Kuya naman maglinis ka naman dito, reklamo ko."

"I'm sorry princess, don't worry pupunta naman dito si Aling Marta mamaya, to clean this mess." Tugon nito at tinungo ang bar counter, nagsalin ito nang alak at agad na nilagok.

Napasulyap naman ito sakin at itinaas ang kopitang wala nang laman. Napataas ang kilay ko sa tinuran nito at mabilis na lumapit dito. Umupo ako sa katabi nitong stool at humarap dito sa seryosong aura.

"What?! Si Kuya na seryoso ring nakatingin sa akin. Habang sinasalinan nang alak ang kopitang hawak.

"I want the truth Kuya, gusto kong malaman."  Ang kaninang matapang kong aura ay napalitan nang kalungkutan.

"Wala ako sa lugar na magsabi sayo." Sagot nito at umiwas nang tingin sa akin.

"Bakit mo naman kasi ako hinila kanina, eh di sana nalaman ko na kanina pa." Inis kong sabi dito.

"Your not ready yet to face the consequences."

"Wag mo akong pangunahan Kuya dahil may sarili akong desisyon at karapatan ko ring malaman ang
totoo."

"Maraming magbabago kung sakaling malaman mo princess, at mas lalong maaapektuhan doon si mommy." May pait sa boses na sabi nito sa akin.

"Kuya please, nakikiusap ako, tell me the real truth, nagmamakaawa ako Kuya."  Sumamo ko dito at hinawakan ang dalawang kamay nito. Pero tumigas lang ang anyo nito.

"No!! Sige na magpahinga ka na muna. May isang kwarto ako doon sa katapat nang kwarto ko." May diin nitong utos at mabilis naman akong tumalima. Marahas akong tumalikod at iniwan ito doon.

Maaliwalas ang kwarto na inuokopa ko, may sarili itong bathroom, t.v at may mga closet din, I open the closet at namangha nang makita na puro damit pambabae ang nandoon.

Napairap naman ako pagkalaunan, boys are always be boys! Hump!. Kung sabagay, tinaguriang playboy ang dalawa niyang kapatid, parang damit lang kung magpalit nang girlfriend.

Nagdadalawang isip ako kung gagamitin ko ba ang mga ito, may mga underwear din at bra's. Hanep rin itong si kuya e-noh?, ready lagi, tsked.

Inamoy-amoy ko pa, mukha namang hindi pa ito ginagamit, naghalukay pa ako baka sakaling may makita akong pajama's, hindi nga ako nagkamali at may nakita rin ako.

Kumuha ako nang isang underwear at mabuti nalang din at may isang t-shirt na hanggang hita ko at iyon na lang din ang ipartner ko dito sa pajama ko. Tinungo ko na ang banyo at nagbabad sa bathtub nang ilang minuto.

30 minutes later...
Sinoot ko ang roba, lumapit ako sa nakalatag kong damit sa kama, na kinuha ko kanina. Mabilis ang kilos kong sinoot ang mga ito at agad na sumampa sa kama.

I hug the pillow and let out a heavy sigh. I close my eyes, pilit na nirerelax ang sarili sa mga panibagong haharaping mga hamon na hanggang ngayon ay gumugulo sa aking isipan.

Renrose (POV)

Lihim akong nasaktan nang makitang tumatakbo palayo ang kapatid kong kaytagal kong hinanap, nararamdaman ko ang bigat sa dibdib nito, napasapo ako sa may bandang puso ko, dinaluhan naman agad ako ni Romelle, my boyfriend in more than 2 years. Inalalayan akon nitong umupo muli sa sofa.

"Ms. Lim I'll apologize sa ginawa nang mga anak ko, I'm so sorry." Malungkot na tugon ni Mr. Janeiro na kasalukuyang hinahaplos nito ang likod nang asawang umiiyak.

Oo, ako si Renrose Lim, the older sister of Calla Janeiro, sila ang kumupkop sa aking kapatid. Iniwan ito ni nanay noong sanggol pa lang ito, wala kaming pera at may sakit ako sa puso noon.

Kaya kahit masakit sa loob ko sa desisyon naming iyon, ginawa parin namin na sa tingin namin ay tamang gawin, ang iwan sa gate nang mansion nang mga Janeiro ang aking kapatid.

Saka muna kami umalis nang kinuha ito nang mga katulong at ipinasok sa loob, nasaksihan ko kung paano nasaktan ang aking ina. Ang bawat hikbi nito ay parang punyal na tumutusok sa aking puso.

At mula noon mula sa malayo lihim naming inaabangan ang aking kapatid, hindi kami kailan man nagsisisi sa aming desisyon. Ang makitang namuhay na may katiwasayan at may buong nagmamahal dito ay sapat na sa amin.

Hanggang sa dumating ang dagok nang aking buhay, nagkasakit si nanay at hindi rin nagtagal ang buhay nito at agad din itong binawi sa akin nang Dios.

Mabuti nalang at may mag-asawa ring mayaman na kumopkop sa akin, binihisan at pinaaral ako nang mga ito, at laking pasasalamat ko sa Dios dahil pinalasap ako nang mga ito nang pagmamahal nang tunay na mga magulang, lalong lalo na ang daddy Eddy ko na tinuri akong totoong anak.

At mommy Merlin na lubos akong minahal. Ang problema ko lang naman ay ang stepbrother kong kinamumuhian ako nang sobra.

Until one day, I found Romelle Fuentebella. Nagkakilala kami sa ospital nang minsang naospital ako, cancer survivor si Romelle, may tumor kasi ito dati sa utak, sa awa at tulong nang Dios naka survive naman ito.

At hanggang sa lumalim ang aming pagkakaiibigan, its just a long distance relationship, iyon ang meron kami. Pinaplano pa lang aming kasal, but sad to say hindi ko masabi-sabi dito ang isang pagkakamaling hindi ko sinasadya at kusang naramdaman ko na lamang. I'm inlove to someone who hate me the most.

Hi readers, well abangan niyo nalang ang kwento ni Renrose Lim na pamamagatan kong (The One Who Hate me)

Calla
Maingay ang alarm, nakapikit ang aking mata na pilit inaapuhap ang nagiingay para patahimikin. Nang hindi sinasadyang nasagi ko ang vase at malakas na naglikha ito nang ingay, kung kanina ay antok na antok pa ako, ngayon ay napalitan ito nang pagkagulat.

Napabalikwas ako nang bangon at sinilip ang wasak na vase, naiiling na tumayo ako para linisin ito. "Calla naman eh, so careless, yan tuloy nakabasag ka. Sita ko sa sarili at mabilis na hinanap ang walis at dustpan.

"Calla!! Are you okay?! Sigaw ni kuya mula sa labas nang aking kwarta.

Imbes na sumagot ay hindi ko ito pinansin, nagpatuloy lang ako sa paghahanap nang walis, hanggang sa matagpuan ko ito sa may gilid lang pala nang pintuan sa cr.

Kinuha ko ito at winalis ang basag na vase. Pagkatapos ay gumapang ulit sa kama, inaantok pa kasi ako. At muli ay nakatulog ako. Hindi ko na alam kung nakapasok ba si Kuya sa loob o wala, all I want right now is to take some rest.

Chasing Him (Under Major Editing)Where stories live. Discover now