Kabanata 50

116 52 56
                                    

Hate
"Mike please, listen to me first. I beg you Mike please." Lumuluha kong pakiusap rito. I know na ganito ang magiging reaksiyon niya.

Pero mas malala pa pala ito sa iniisip ko. Lumapit ako rito ngunit umatras lang ito. Tila parang nandidiri ito sa akin. And it hurts me even more.

Kung si Clark nga galit sa akin, how much more si Mike pa kaya? Sana hindi ako naging kampante sa pakikipag-usap kay mommy.

"Your a certified lier!" Sigaw nito.

"Sorry!" Saad ko sabay takip sa aking mukha ng dalawa kong kamay. At humagulhol ako ng iyak.

Narinig ko ang papalayong yabag nito. Then the loud slam of the door followed. Napatayo ako at tiningnan kung ano iyon.

Ganon nalang ang panlulumo ko ng makitang sinira nito ang pintuan niyon. At dire-diretso lang ang lakad nito.

"Mike!" Tawag ko rito. Bagkus ay hindi ako nito pinakinggan. Mas lalong bumilis pa ang lakad nito, pero hindi ako sumuko. Sinundan ko pa rin ito.

Hanggang sa makarating kami sa parking lot. Akmang hahawakan ko ito sa braso nang umiwas ito sa akin.

"I don't want to see your face again! Leave and don't ever come back!"  Matigas nitong saad. Napansin ko ang pagkuyom ng kamao nito.

"Please! Listen to me first Mike." Sumamo ko rito.

"I said leave!!" Sigaw nito sa akin.

Pero hindi ako nagpatinag, I need to be strong and fight for my love. I love Mike with all my heart, mind and soul. I can't live without him.

Kahit anong mangyari, wala sa bukabularyo ko ang sumuko. Ipaglalaban ko ang pag-ibig na ako mismo ang sumira.

Tinulak ako nito na halos mapasubsob ako sa sementadong lugar. At mabilis na man itong pumasok sa sarili nitong kotse.

Napangiwi pa ako ng maramdaman ang hapdi sa kamay ko. Nagmamadaling pumara ako ng taxi para sundan si Mike.

Mabuti na lang at nakasakay agad ako ng taxi. Pinasundan ko agad ang kotse nito. Abut-abot rin ang aking kaba. Natatakot ako sa posibleng mangyari.

Lihim akong nagdadasal sa Dios na sana hindi ito mabangga. Hindi ko mapapatawad ang sarili, kung may mangyaring masama sa mahal ko.

Huminto ito sa isang bar. Nanlaki ang mata ko, hindi ko pa na man ugali ang pumasok sa loob ng bar. Nahihilo kasi ako sa mga usok ng sigarilyo at nahihilo ako sa mga neon-lights.

Nagbayad na ako sa taxi driver, at nagmamadaling bumaba. Sinundan ko ito hanggang sa loob. At sumalubong sa akin ang mga usok ng sigarilyo. Mga mata ng mga lalaking malagkit kong makatingin. At sa mga babaeng halos kita na ang kaluluwa sa maiksi nitong mga damit.

Malakas ang tugtugan ng musika na halos mabingi ka na. Dagdagan pa ng mga nakakahilong ibat-ibang kulay ng mga disco lights.

Kumunot ang noo ko ng hindi ko na makita si Mike. Sa dami ba na man ng tao rito. Tiyak akong mahihirapan ako sa paghahanap rito.

Naglakad ako ng naglakad, nang may biglang lumapit sa akin na dalawang lalaki. They're both goodlooking but wala sa kanila ang atensyon ko.

Nag-excuse ako sa dalawa sa magalang na paraan. Lubos na man akong nagpasalamat ng pakawalan ako ng mga ito. At muli ay inilinga ko ang aking tingin sa loob ng bar.

Hinahanap ng mga mata ko si Mike at lihim na nananalangin. Hindi pa na man ako sanay sa bar. At higit sa lahat baka atakihin ako ng aking hika. Dahil sa mga usok ng sigarilyo. Napaubo ako at napahawak sa sariling dibdib.

I need to find him, naglakad uli ako ng hilahin ako ng kung sino. Nagulat ako roon. Pumiksi ako sa panauhin ko. Mukhang lasing na rin kasi ito.

Mabilis na iniwan ko ito at binilisan ang lakad. Kasabay ng pagkabog ng aking dibdib. Mukhang nanganganib ang buhay ko rito. Pansin ko rin na takaw atensiyon ako.

Pumunta ako sa unahan, at sa wakas nakita ko rin si Mike. Nakaupo sa may couch na pinalilibutan ng mga babae. Imbes na masaktan ako, ay hindi ko iyon naramdaman.

Ang dalawang babae ay nakaupo sa kandungan nito, ang isa ay sa kaliwa. Ang isa na man ay sa kanan. Na hinimas-himas nong isa ang dibdib ni Mike. At ang isa ay sa braso nito.

Lumapit ako sa mga ito, at sinadya ko talagang sa harapan mismo ni Mike tumayo. Medyo nagulat ang dalawang babae at pati na rin si Mike, ngunit agad rin na nakabawi ang mga ito.

"Get lost!" Asik ko sa mga babae at pinukol ko ang mga ito ng matatalim na tingin. Umismid ang isa sa akin, ang isa na man ay tumikwas lang ang isang kilay. Mabuti na lang at umalis ang mga ito. Naiiling lang si Mike na nakatingin sa akin. At mabilis na kinuha ang maliit na baso na may lamang alak.

Inagaw ko ito dito at ako na mismo ang uminom doon. Napangiwi pa ako at napa-ubo. Damn!! Yan kasi, kahit hindi na man kaya. Sita ng aking isipan.

Naramdaman ko ang pag-ikot ng aking paligid. Napahawak ako sa aking sentido. Ikinurap-kurap ko ang aking mata. Bakit parang tila yata umaalon-alon ang aking paligid.

Grabe na man pala ang tama ng alak na ito. Nang bigla kong maramdaman ang pag-uga ng aking kinauupuan. Napalingon ako sa taong katabi ko.

At nagtama ang aming tingin. Ngumiti ako rito. He put the strands of my hair in my ear. Then he gently caressed my face. At dahan-dahan nitong inilapit ang aming mukha.

Kasabay ng paghinto nang aking hininga. Ay naririnig ko ang bawat pitik ng aking puso. Na halos mabingi na ako sa lakas ng tibok nito, sabayan pa ng tugtugan sa dance floor.

"Please! I'm begging you." Usal ko rito.
"You hurt me too much Calla, how can I forgive you? Its such a long lonely times Calla." Mahinang sagot nito na may halong panghihinayang.

"Alam mo ba kung anong mas masakit?" Sabi nito na halata sa mukha ang sakit.

Napayuko ako, hindi ko kayang makita itong nasasaktan at nahihirapan. How selfish I am. I didn't expect this to happened.

Wala akong naisagot kundi hikbi lamang. Tears keep running from my eyes. I can't look at him straight. Guilt was all over me.

Muli ay narinig kong nagsalin itong muli ng alak, dinig ko ang bawat taginting ng baso. At bawat lagok nito. Gustuhin ko mang pigilin ito ay hindi ko na lamang ginawa.

I wait for his forgiveness, kahit man gaano pa ito katagal. Mananatili akong maghihintay, katulad ng paghihintay niya sa akin.

Mapait na napangiti ako bigla. Ini-angat ko ang tingin. At nakita ko kung paano nilagok ng sunod-sunod ni Mike ang bawat basong sinasalinan nito ng alak.

Naramdaman ko ang tila hirap sa paghinga, napasapo ako sa aking dibdib at ginawa ang exercise na tinuro ng Dra. sa akin.

No please, not this time. Ayaw kong maging pabigat pa rito. Please God. I close my eyes and pray silently.








Chasing Him (Under Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon