Kabanata 10

176 60 25
                                    

Shocked
Naisipan kong esurpresa sina mommy, daddy at Kuya Mike. I decided to cook for them, my specialty mechado. Nilagay ko ito sa isang tupperware para paghatian nalang rin nila.

Kunti lang ang niluto ko para naman hindi masayang, I'm so excited while walking, after I'd enter the place, binabati ako ng mga lahat ng mga tao doon.

Tango lang ang naging tugon ko sa mga ito, tiningnan ko ang aking relong pambisig, its already 11:15 perfect!!.

Agad akong nakita ng secreatarya ni kuya, nakangiti itong sumalubong sa akin.

"Mam Calla, kayo po pala, goodafternoon po! Bati nito sabay yukod.

"Same here Jeane, si kuya ba nandiyan?" Tanong ko dito.

"Yes mam, but ang sabi po kasi ni Sir, wag raw po muna akong magpapasok ni kahit sino, busy po kasi siya ngayon". Tugon nito sa akin.

"Ah ganon ba, its okay. Sina mommy at daddy alam mo ba kung nasaan sila?"

"Actually mam, kakaalis lang nila, may pupuntahan daw silang meeting." Wika nito.

Malungkot na umupo na lamang ako sa sofa sa  labas nang opisina ni Kuya Mike, ako pa yata ang nasorpresa. Nagpakawala ako nang malalim na hininga.

Agad na kinuha ko sa bag ang aking cellphone, I tried to reach my mom, pero hindi ko ito makontak. Napanguso ako, at aakmang tatayo na sana nang masagi ako nang kung sino.
"Shit!! Mura nito. Masyado akong occupied sa ibang bagay kaya hindi ko na narinig ang mura nito instead, I turn my back and walk away, pero bago pa man ako makarating sa may pinto, someone called.

I don't know kung guni-guni ko lang iyon, but his voice is so familiar, hindi na ako nag-atubili pang lumingon dahil alam kong nababaliw na ako sa kaiisip kay Gabriel, kaya kung anu-ano na lang ang naririnig ko.

"Miss!!, sigaw ng kung sino, bigla akong huminto at napahawak sa aking dibdib, at dahan-dahang lumingon sa taong sumigaw. 

I'm speechless, here is the man that I long for, a man who I loved once in my life, parang nag slow motion pa itong lumapit sa akin, ang gwapo nito sa soot nitong business suit.

"Is this yours?"
"Ikaw lang naman ang napansin kong doon nakaupo". Tugon nito at inabot ang supot na may lamang ulam para sana kina mommy. 

Tigagal akong napatingin dito, hindi agad ako nakapagsalita.

"Miss! Are you okay?!!, pukaw nito sa akin, nakatulala lang kasi ako rito. Agad naman akong nakabawi at inabot ang ibinigay nitong supot sa akin.

"Yeah! Thank you!! Tugon ko dito.

"Are you sure, you okay??, tanong pa nito sa akin.

"Of co—course! I am!! Nauutal kong tugon dito.

"Alright!!,  I have to go!

"Thanks!, mahina kong sagot, sinundan ko na lamang ng tingin ang papalayo nitong bulto.

Nanghihina akong napahawak sa aking bandang puso, hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na nagkita kami ulit, ngunit ang pinakamasakit ang iyong hindi ako nito nakikilala, o naaalala man lang.

Napakapit ako sa may railings, nang agawin ang atensiyon ko nang may tumawag sa aking pangalan. Si Kuya Mike, habang papalapit sa akin, marahas kong pinunasan nang aking palad ang masaganang luha mula sa aking mata.

"Hey!,Why are you here?, Tanong ni Kuya sa akin habang hindi ako makatingin dito nang diretso. Nakayuko lang kasi ako, ayaw kong makita nito ang mga mata kong nais na namang umiyak.

Ngunit mabilis si Kuya, iniangat nito ang aking baba at pilit na hinuhuli ang aking mga mata.

"What's wrong princess?? Malumanay nitong tanong, bakas sa boses nito ang pagaalala.

"Nagtampo lang ako, sabi kasi nang sekretarya mo ayaw mo daw magpapasok nang kahit na sino." Pagsisinungaling ko dito, na hinihiling ko na sanay effective.

Ngunit matiim lang itong nakatingin sa akin na waring nagoobserba sa bawat kilos ko.

"Don't lie to me, tell me princess, why are you crying. I'm here to listen, I'm your brother. Lets go inside."
Tugon nito at inalalayan ako nito sa loob nang opisina nito.

Tahimik akong sumunod sa kapatid. Pumasok kami sa opisina nito at naupo ako sa sofa, naupo naman ang kapatid ko sa katapat na sofa.

"May dala akong ulam para sana sa inyo nina mommy, but your secreatary told me that your busy." Napanguso kong tugon dito.

"Hindi ka man lang kasi tumawag or text para man lang nasabihan ko narin sina mommy." Pagpapaliwanag ni kuya sa akin.

"I just try to surprise them sana kuya, ba't ako pala ang nasorpresa." Malungkot kong sagot dito.

Ngumiti si kuya and tapped my shoulder, at ginulo nito ang aking buhok, napasimangot naman ako sa ginawa nito, at tinampal ang kamay nito, pinagtagpo ko ang aking kilay sa inis dito.

"Silly girl!!  Kapag kuwan sabi nito sa akin at tumayo at kumuha nang dlawang pinggan na may kutsara at tinidor.

"At nasaan naman ang kanin natin aber???!! Tanong ko dito.

Iminuwestra naman nito ang maliit na dirty kitchen na nasa may gilid nang opisina nito at may maliit na rice cooker doon, namangha naman ako doon.

Sa tingin ko sadyang pinalagyan ito ni Kuya, well kung sabagay kilala itong kuripot sa aming tatlong magkapatid.

Magana kaming sabay na kumakain ni kuya sa luto kong mechado, napatingin ako dito nang akmang isusubo na nito ang aking niluto, napasulyap naman ito sa akin at kumindat.

"What's the sudden expression my princess? Nag-aalala ka bang masarap ba o hindi ang niluluto mong mechado?" Nakakalokong tanong ni kuya sa akin. Itinirik ko nalang ang mata ko dito at sinipa ko.

"Ouch!! just kidding !! Hiyaw nito at mabilis na sinubo ang mechadong kanina lang ay nasa kutsara nito.

"How is it Kuya?!, excited kong tanong dito. Bigla namang ngumiwi ang mukha nito, hinampas ko na ito sa braso.

"Ouch naman !! Kanina ka pa ha, nagiging sadist na yata ang kapatid ko sa pananakit sa akin." Turan nito na hinimas-himas pa kunwari ang hinampas kong braso.

"Sus!! O.A. mo na kuya ha!, sasabunutan na talaga kita pag hindi ka pa magseryoso diyan!" Pinukol ko ito nang nagngangalit kunwari ng tingin.

"Alright!, hmmm—it taste good, pwede na—." Turan nito at hanggang sa unti-unti itong naubos namin. Malakas na burp ang pinakawalan ni kuya na ikinangiwi ko.

"Wala bang excuse?!! yucks kuya!! Maarte kong sabi dito at mabilis na tumayo para maghugas ng kamay.

"Calla, itong mga plato hugasan mo na rin ito ha."  Utos ni kuya sa akin.

Mabilis na nagpunas ako nang kamay at bumelat dito at mabilis na iniwan ito sa loob ng office nito. Natatawang napasapo ako sa aking tiyan pagkalabas ko, napansin naman ako ni Jane na secreatary ni Kuya.

"Nandiyan kana pala mam Calla." Nakangiting sabi nito sa akin.

"Oh hi, I'm sorry, natatawa talaga ako kay kuya." Sabi ko dito na sapo parin ang tiyan, at nagpaalam narin dito.

Mabilis na pumunta ako sa labas at nag-aabang nang taxi pauwi sa amin, itetext ko nalang siguro si kuya Mike mamaya paguwi ko sa bahay.

Hindi naman nagtagal ay may huminto ring taxi, mabilis na pumasok ako sa loob at sinabi ang aking address. Kung kanina ay masaya ako, nang hindi sinasadyang sumagi na naman sa isip ko ang tagpo kanina.

Isinandal ko ang aking likod sa backrest at nagpakawala nang isang malalim na hininga. At parang tangang pilit inaalis sa isipan ang tagpong iyon. Its hurts me big time.

Chasing Him (Under Major Editing)Where stories live. Discover now