Kabanata 7

155 65 26
                                    

Missed
Ilang araw ko na rin na hindi ko napapansin si Gabriel sa Hacienda. Ayaw ko mang aminin pero namimis ko siya. Hinding hindi ko makakalimutan ang araw na may muntik ng mangyari sa amin.

Kasalukuyan akong tumutulong sa paglalagay ng mga sibuyas sa sako ng may marinig akong nagkukwentuhan.
"Talaga?!! , so basta nalang umalis ng walang paalam?!! Grabe naman!!

"English speaking te!!, nako ewan ko lang , parang pinasukan nga ng demonyo bigla-bigla nalang nag-english!!

"Walang puso pala iyang si Gabriel no?, pero hindi rin natin masisisi iyong taong iyon. Sabi-sabi nga ng kapitbahay nila may amnesia daw iyong si Gabriel."

"Naku!! Mahirap nga iyan!.

"Hoy! Kayong dlawa, chismisan lang ba kayo lagi diyan?! Aba!! Mahiya naman kayo nandito si Senyorita. Porket mabait si mam wla na kayong galang!! Si Mang Kanor na nagsesermon sa dlawa.

Gusto ko sanang malaman kung ano ng nangyari kay Gabriel pero hindi ko alam kung saan ako magtatanong.

Mabigat ang dibdib ko, nagpasyahan ko na munang umupo sa isang upuan, I missed him. Tulala akong nakatingin sa malayo. Malalim na buntung hininga ang pinakawalan ko.

The western cold wind blew my hair, nagsilaglag ang mga tuyong dahon ng mangga sa aking paanan. Sinamyo ko ang preskong hangin. Tumayo ako at huminga ng malalim, ipinikit ko ang aking mata, relaxing myself from stress, dahil sa kaiisip sa taong mahirap hanapin.

Palaisipan parin sa akin ang mga chismis, hindi ko alam kung saan ako magtatanong tungkol kay Gabriel.  Tumayo akong muli, at kinuha ang mga sakong walang laman.

Pilit na pinipigilan ako ng mga tauhan na wag ng tumulong, but I insist to help them, I'm just bored, lonely, and empty, I missed him so badly.

Lumapit sa akin si Aling Melinda, tinulungan ako nitong maglabas ng mga sakong walang laman, para paglagyan ng mga hinarvest na sibuyas. Ngumiti ito sa akin, nagpakawala naman ako ng malalim na buntong hininga.

Bahala na siguro, siya ang susi kung nasaan na si Gabriel, I need to talk to her, sigurado naman akong meron dahil sa kanila ito dati tumira. Kahit alam kung masakit sa kanila, tulad nalang ng narinig kung chismis kanina.

"Aling Melinda, pwede po ba akong magtanong sa inyo."

"Po, sige po senyorita, ano po iyon". Sagot nito na natataranta pa.

"Totoo po ba iyong chismis, About Gabriel po."

Lumipat ang tingin ni Aling Melinda sa mga naghaharvest ng sibuyas, at pagkadaka'y humugot ng malalim na hininga.

"Ganito po kasi iyon senyorita, kahapon nag-igib lang po iyon ng tubig, ng bigla daw po itong nadulas, at nauntog ang ulo sa isang bato sa may puso. Nataranta nga po kami, nawalan po agad siya ng malay. Eh, dahil din po kapos kami para sa hospital. Sa bahay nalang namin siya muna po."

Nagaalalang nakatingin ako sa mukha ni Aling Melinda.

"Nang kinabukasan po, pagkagising bigla nalang po iyong nagalit. At nag eenglish pa nga po senyorita. Hindi niya po kami nakilalang lahat. Nanghiram pa nga po iyon ng cellphone, at may tinawagan. Maya-maya po noon, may mga lalaking nakaitim na pumasok sa bahay. At basta nalang po si Gabriel, tumayo at sumunod sa mga iyon. Noong una po nahintakutan po kami." Mahabang litanya nito sa akin.

Para akong tumigil sa paghinga, it can't be, meaning!!

Para akong sinakluban ng mundo, gusto kong maiyak, pero walang ni isang luha ang lumabas sa aking mga mata.

"Senyorita, okay lang po ba kayo?" pukaw sa akin ni Aling Melinda, napatingin naman ako dito, at pilit na ngumiti.

"Okay lang po." Sagot ko dito, seryoso itong nakatingin sa akin, na waring binabasa ang aking isip.

"Senyorita, wag niyo po sanang mamasamain, usap-usapan po sa Hacienda, ang pagiging magkaibigan ninyo ni Gabriel. At nasaksihan ko rin po, kung paano kayo tumingin sa binatang iyon. Patawad po sa aking kalapastanganan senyorita." Sabi nito at yumuko ang ulo.

"No! Aling Melinda, okay lang po talaga, wala pong problema. Ang totoo po niyan, tingin ko po i like Gabriel, I don't know po, if when did it start." Tugon ko dito, na hindi nakaligtas sa akin ang pagsinghap nito, at gulat sa sinabi ko.

"Malaking problema iyan senyorita, ibang Gabriel ang nakikita namin kahapon." Malungkot nitong saad sa akin.

Nilalaro ko ang aking mga daliri, habang nakayuko. At nagpakawala ulit nang isang malalim na buntong-hininga.

"Salamat po Aling Melinda, wag na po sanang malaman ng iba ang pinag-uusapan natin".  Saad ko dito.

Nagpaalam muna ako dito bago tumalikod at naglakad pauwi ng mansion. I need to search for him. Base sa sinabi ni Aling Melinda, sa tingin ko, may amnesia si Gabriel, na lalong nagpalungkot sa akin, parang sinaksak ng paulit-ulit ang aking puso sa natuklasan.

Napaka misteryoso ni Gabriel, kung sabagay, ayon sa naaalala niyang detalye noon ng pagkasabi ng mag-asawa sa kanya, nakita lang naman ng mga ito ang lalaki at tinulungan. Meaning, hindi taga San Fernando si Gabriel. Kinakabahan tuloy ako sa natuklasan ko.

Palaisipan sa akin ang pagkatao ng taong minsan kong minahal. Naputol lamang ang pag-iisip ko ng mapansin kong may taong papalapit sa akin, napalingon naman ako at ang nakangiting mukha ni Rudy ang sumalubong sa akin.

Nanghihinayang tuloy ako, I thought si Gabriel si Rudy lang pala, and again I let out a heavy sigh. Napansin naman ito ni Rudy.

"Hey!, is there's something wrong??, curious na tanong nito sa akin.

"Nothing! ,just don't mind me Rudy!, may naisip lang ako.

"Care to share?! Sabi nito sabay kindat sa akin, nakangiting napailing na lamang ako dito.

"Whatever!!, Pagkadakay tugon ko dito, at umupo akong muli sa may upuan. Umupo naman ito sa may batuhan, katabi ng akin.

"Thinking for someone?!! Si Rudy, at gulat na napatingin ako dito. Pero agad ko ring binawi ang pagkagulat, baka isipin niyang defensive ako. I know what he talking about. Hindi naman ako bobo para hindi malaman ang ibig sabihin nito.

"What do you mean Rudy?, seryosong tanong ko dito, napasulyap naman ito sa akin na naiiling.

"That Gabriel, Calla. Do you know where he is?! , he fooled you, he's not a worker here. Matigas nitong sabi.

"Alam ko." Agad kong sagot dito. Napatingin naman ito sa akin na nakakunot ang noo, nagsalubong ang makakapal nitong kilay na nakatingin sa akin.

"What!!!?? Malakas na sabi nito sa akin.

"Look! Rudy, I know from the start, na hindi siya taga rito". Naiinis na wika ko sa kausap na halata ang galit sa mukha nito.

Tumayo ako, at pinagpag ang aking pang-upo. Naiinis ako sa takbo ng usapan namin ni Rudy, mukhang may alam siya tungkol kay Gabriel, may feeling akong ayaw ko ring malaman.

Kinakabahan ako, bago pa man siya magsalitang muli, dali-dali akong naglakad palayo dito. I don't want to hear the exact truth. Ang daming gumugulo sa aking isip.

Agad kong pinahid ang luha na pilit kumakawala sa aking mata. Narinig ko pa ang tinig ni Rudy na tinatawag ako mula sa likuran, pero patuloy parin akong naglakad.

Lakad takbo ang ginawa ko, parang may pakiramdam akong, ayaw kong marinig ang mga sasabihin nito tungkol kay Gabriel.

Basta ang alam ko ngayon, nasasaktan ako na hindi ko alam kung bakit. Nadatnan ko si Nana Sela, nagtanong ito kung anong nangyari, bwisit kasing mga luhang ito, basta-basta nalang dumadaloy, pero hindi ko ito pinansin, bagkos dirediretso lang ang lakad ko.

Ang alam ko lang ngayon ay ang marating ang aking kwarto, para doon ibuhos ang lahat ng nararamdaman ko. Mismo ako hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin.

Chasing Him (Under Major Editing)Where stories live. Discover now