Kabanata 8

169 63 44
                                    

Hurting
Kanina pa ako kinakatok ni Nana Sela, kaharap ko ngayon ang salamin, namumugto na ang mga mata ko sa kaiiyak. Na missed ko tuloy si mommy.

I want some companion, someone to talk to, sa tingin ko alam kung O.A. na ako, but that's what I'm feeling right now. Alam kung, mas may malala pa sa problema ko. But I can't help it.

I just can't help my emotion, emotional lang talaga ako. Nagpasyahan kong ayusin ang sarili, naligo ako at pagkatapos ay nagbihis ako ng white floral dress.

Lumabas ako ng kwarto na parang walang nangyari, pagkababa ko sa may hagdanan, napansin ko si Rudy na nakaupo sa may sala habang nanonood ng t.v.

Tutok na tutok ito sa pinapanood, umupo ako sa katabi nitong sofa at tumikhim, agad naman itong napalingon sa akin.

"Bakit ka na naman nandito?" May diin kong tanong dito. Naiinis pa kasi ako dito.

Imbes na sagutin ako, kinuha nito ang remote ng flat screen tv namin at nilakasan ang volume nito. Napasulyap naman ako sa tv.

Parang may kung anong lumukob sa akin, na hindi ko maipaliwanag, sakit na may pinaghalong kaba. Kitang kita ko kung paano kasaya ni Gabriel. May kasama itong magandang babae, ayon sa balita girlfriend daw nito ang babae.

Romelle Fuentebella ang totoo nitong pangalan, isang mayamang negosyante pala ito.

Hindi naman ako updated sa mga business bachelor's kahit nasa larangan ang pamilya ko sa business.

Nasa maynila ang binata, ito ang nagmamay-ari ng lahat ng Shipping Lines sa Pilipinas at meron din sa ibang bansa.

Napaka gwapo nito sa soot nitong black suit, his clean cut hair. His smiles, especially those lips. Na minsan na niyang natikman.

Hindi ko na tinapos ang balita, instead, tumayo ako at tinungo ang kusina, I'm starving already. But ang totoo, labis akong nasasaktan sa nalaman, na para nalang bula na naglaho ang taong minahal ko.

"Calla! Si Rudy na may halong pag-aalala sa boses.

"Please, leave me alone". Mahina niyang sabi dito.

Walang nagawa ang binata, kundi sumunod sa dalaga. Tumango ito bilang pagsang-ayon at tumalikod na, naiwan siyang nanghihina.

Hindi madaling tanggapin ang pangyayaring nakalimutan siya ni Romelle/Gabriel. Kung isa itong business man, may tendency na magkikita ang mga landas nila.

Hanggang ngayon tulala parin ako, nandito ako sa may garden, feeling sad, I don't even know kung anong dapat kong gawin. Ang mag-move on nalang siguro.

My phone ring, si Kuya Clark ang caller, agad ko rin itong sinagot.

"Yes kuya! Ako.

"Just checking on you, how are you, May narinig akong broken hearted ka raw," medyo may kunting tawa na tanong ni kuya sa akin.

"Kuya naman, who told you by the way."

"Secret—??, mommy misses you already. Kung may time ka raw, pasyal ka dito."

"I will kuya, but hindi mo sinagot ang tanong ko." May tampong sabi ko dito, sigurado akong si Rudy ang nagsabi dito.

Wala naman akong ibang pinagsabihan maliban kay Aling Melinda at Nana Sela.

"Hmmm, I gotta hang up now sis, may ka meeting pa ako ngayon, kakausapin ko pa si Mr.Fuentebella. Love you sissy, take care, bye bye. See you!!"  Sabi nito at pinutol na ang kabilang linya.

Wait-Fuentebella, imposible naman siguro, dahil marami namang Fuentebella sa mundo. Naiiling na lamang ako.

Itinoon ko ang pansin ko sa aking laptop, nang may maisip, nag log in ako sa aking facebook account, and I try to search for Romelle Fuentebella.

Ang daming lumabas na Romelle Fuentebella, I scroll down slowly the arrow, until I found his profile picture. In a relationship ang status nito, and it's really hurt me big time.

I click all the images on his photo, there,  I found all the pictures of the both of them together, in all another country, isang larawan na magkasama sila ay isang punyal na sumasaksak sa aking puso.

Napalunok ako na tila ba may bumabara sa aking lalamunan na sakit patungo sa aking puso. Inisa-isa kong tiningnan ang mga kuha ng dalawa, mga old pics, and there's also a recent pics of them.

Hindi ko namalayang tumulo na pala ang aking mga luha, marahas ko itong pinahid. Sa ganon akong akto napansin ni Rudy. Seryoso ang mukha nito habang nakatingin sa akin.

Umupo ito sa katapat kong mesa at napatingin sa laptop ko, halata sa mukha nito ngayon na may sasabihin, bagkos pinili nitong isinirado ang aking laptop. At hanggang sa binasag nito ang katahimikan.

"Nasasaktan ka na nga, nakuha mo pang tingnan. Don't you get it?, he doesn't remember you Calla! , alam kong may amnesia siya,  Narinig ko sa mga trabahador." Galit na nitong sabi sa akin.

Hindi ako nagpatinag sa galit nito, tatayo na sana ako ng magsalita ito.

"Diyan ka magaling, umiiwas. Why don't you accept the fact that he never loved you!!"

Parang sinuntok ang puso ko sa mga binitiwang salita ni Rudy sa akin, pinipigilan ko ang sariling wag sampalin ito habang kaya ko pang magpigil.

"Pupunta ako nang maynila. I'll chase him". Sagot ko dito at padarag na tinulak ang upuan, nagngingitngit ako sa inis.

Hindi ko na, nakikilala ang sarili ko. Basta ang alam ko ayaw kung may nagsesermon sa akin.

Gagawa ako ng paraan para maalala niya ako. Buo na ang desisyon ko. Uumpisahan ko ito bukas, total papupuntahin na naman ako ni mommy sa maynila.

Rudy
"Calla!! Tawag niya sa dalaga, naiiling na lamang sa inasta nang dalaga. Hindi man lang siya nilingon nito, kundi nagpatuloy lang ito sa paglalakad. Napasabunot siya sa sariling buhok, at kinuha ang cellphone para tawagan si Mike, looks like this brat is so hardheaded.

But he secretly inlove with Calla, mukhang mahihirapan siya rito. Isa pa ang ipinagtataka niya ay ang kapatid nitong si Mike.

Minsan naisip niyang may gusto ito kay Calla. Tsk! Tsk! Damn it!!

Calla
Dumiretso na ako sa veranda, para magpalamig ng ulo. Nagpahanda ako ng pagkain kay April, isa sa mga serbedora namin, mas matanda ito sa akin ng dalawang taon.

Hindi naman nagtagal at dumating na rin ang aking pagkain, ngumiti ako dito, at nahihiyang gumanti rin naman ito sa akin ng tipid na ngiti.

Maganda ito, makinis at morena rin, may mahaba itong buhok na ang kulot ay nasa baba nito. She's a shy type girl, balita ko palaging naiinis si Kuya Clark dito.

Lihim naman akong napangiti sa naisip, mabait naman si April at maganda, at mukha rin itong matalino. Nagpaalam na rin ito sa akin pagkatapos mailapag sa mesa ang pagkain ko.

Chasing Him (Under Major Editing)Where stories live. Discover now