Kabanata 15

161 77 40
                                    

Hello reader's I bearly recommend the works of kbluescript kindly support her works.Thank you guys and God bless.

"What's with that look Kuya?!

Kunot noong tanong ko dito, hinatid ako nito sa aking kwarto, unti-unting bumuti ang pakiramdam ko. Inalalayan ako nitong mahiga sa kama, at inayos ang aking ulo sa headrest nang kama.

"Its nothing."  Balewalang sagot nito sa akin, but I know na nagkakaila lang ito.

"Nagkagalit ba kayo ni Rudy, hindi ako manhid kuya, nararamdaman ko ang tensyon kanina sa pagitan ninyong dalawa."

"Magpahinga ka na." Imbes na sagot nito sa akin. Napanguso naman ako dito.

"Stop pouting princess, your not cute!!
Biro nito sa akin. Hinampas ko ito sa braso. At napasimangot na ako, mabilis na lumapit ito sa akin, at akmang hahalikan ako nito sa noo nang nagbibirong iniwas ko ang noo dito, napunta ang halik nito sa aking unan, natatawang lumayo ako rito.

Pero hinuli ako nito at ikinulong sa mga maskulado nitong braso, may kung anong kuryenteng biglang dumaloy sa akin, pero agad ko itong iwinaksi sa isipan.

Nakadagan na ito ngayon sa akin, naging akward tuloy kami, napatitig ito sa akin, at ganon rin ako, naging seryoso ang naging titig sa akin ni Kuya Mike. Naiilang na pasimple kung binawi ang tingin dito, ako na ang unang bumitaw, mabilis naman itong umalis sa pagkakadagan sa akin.

"I'm sorry-princess." 

Maya-maya'y tugon nito, kasalukuyan kong inaayos ang aking bedsheet na nagusot. Ngumiti lang ako dito nang tipid. Muli naman itong lumapit sa akin at humalik sa aking noo.

"Have some rest."  Sabi nito at umalis na sa aking kwarto.

Naiiwang napatulala ako at sinita ang sarili, saka ko lang napansin na halos hindi na pala ako humihinga. F—k no!!

Napasabunot ako sa sariling buhok, tumayo ako mula sa kama at tinungo ang banyo, I need some cold shower. Mabilis na hinubad ko ang aking damit, tinapat ko ang sarili sa shower pumikit ako at dinama ang malamig na tubig. Bigla na namang pumasok sa isip ko ang tagpo kanina, ang babae kanina, she is my sister.

Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman, magiging masaya ba ako, o mamumuhi ako dito, ilang taon ang lumipas tapos at ngayon lang ito nagpakita sa akin??! Naikuyom ko ang aking kamao.

Pagkatapos kung maligo ay isinoot ko na ang aking roba, umupo ako sa upuan at humarap sa salamin, minamasdan ko ang sariling repleksyon.

Mugto parin hanggang ngayon ang aking mga mata. Sinuklay ko ang mahabang buhok, ginamitan ko na rin nang blower para madali ang pagtuyo nito. Pagkatapos ay humarap ako sa aking walk in closet at kumuha nang susuotin.

Short shorts at off shoulder blouse ang napili kung sootin, bigla akong nakaramdam nang gutom, napahawak ako sa aking tiyan at hinimas-himas ito.

Mabilis na bumaba ako at hinanap sina mommy, tahimik ang sala.

"Aling Mars, sina mommy at daddy po?" Tanong ko sa isa sa mga katulong namin.

"Umalis po mam, nagmamadali nga po iyon sila." 

Sagot nito, tango lang ang naging tugon ko dumiretso na ako sa kusina, para kasing may naamoy akong masarap.

Nadatnan ko doon si Kuya na ganadong nagluluto. He's sexy back shout of hotness, ipinilig ko ang ulo sa iniisip, f-k, Calla kapatid mo yan, bwiset naman oh, nababaliw na ba ako?, gosh!! Erase-erase-erase.

Naaamoy ko ang amoy nang bacon, at napansin naman nito ang presensiya ko at lumingon ito sa gawi ko at pinasadahan nito nang tingin ang kabuuan ko.

Naiilang tuloy ako sa mga titig nitong tumagos sa aking kaluluwa.

"Kuya! Puna ko dito at mabilis naman itong natauhan.

At parang wala lang na kumindat pa sa akin ang loko. May kung anong nagrambulan sa tiyan ko sa pagkindat nito, irap lang ang naging tugon ko dito.

"I'm hungry!" Sabi ko dito.

Dumulog ako sa mesa at napangalumbaba, habang inilapag ang niluluto nitong bacon at egg, minamasdan ko lang ito sa ginagawa.

"Huwag kang mangalumbaba sa grasya Calla!" Sita ni Kuya sa akin, agad naman akong napatuwid nang upo.

Mabilis ang kilos nitong nilagyan nang pagkain ang aking pinggan, at pati rin ulam. Umupo ito sa tapat ko, sa totoo lang wala pa akong ganang kumain, pero sayang naman ang inihanda ni Kuya kung hindi ako kakain.

Napasulyap ako dito, kanina pa pala ito nakatitig sa akin, naiilang tuloy ako at napakagat sa pang-ibabang labi.

"Stop biting!" Saad nito sa akin na pinukol ako nang seryosong tingin.

Ibinalik ko ang atensyon sa kinakain, kahit wala akong gana, pinilit ko nalang kumain, feel ko tuloy para akong masusuka.

Hindi nga ako nagkamali at biglang bumaliktad ang aking sikmura, dali-dali naman akong pumunta sa may lababo at doon ko isinuka ang lahat kong kinain, hinagod naman ni Kuya ang aking likod.

Tila may init na nabuhay sa akin nang dumantay ang kamay nito sa aking likod, f-k ano bang nangyari sa akin? Why do I feel this strange feeling, no! Hindi pwede!! Hiyaw nang utak ko.

Mabilis na nagmumog ako at walang sabi-sabing iniwan ang aking kapatid sa kusina, dumiretso nalang ako sa aking kwarto.

Narinig ko pang tinawag ako nito, pero tila binging hindi ko na ito pinansin. Ang lakas nang tibok nang aking puso, nailagay ko ang kanang kamay sa banda kung saan naroroon ang aking puso.

Hindi ganito katindi ang nararamdaman ko noon kay Gabriel, mas malala yata ito.

Calla mag-isip ka, act like normal, boba!! No this won't happening!! Magkakagulo kami, isa akong Janeiro. Ano nalang ang sasabihin nina mommy sa akin, si dad. Kailangan kong pigilan ito, no please self.

"Calla!, open the door!! Sigaw ni Kuya Mike mula sa labas nang aking kwarto, mabilis na ini-lock ko ang aking kwarto at kinakabahang napasandal sa pintuan nito.

Huminga muna ako nang malalim para panatagin ang boses.

"Okay lang ako Kuya, lalabas din ako mamaya!" Nahihirapang sagot ko dito, at marahas na nagpakawala nang hininga. Naipikit ko ang sariling mata. Ano bang nangyayari sa akin, bakit ganito? 

"Calla!" malakas nitong sigaw, huminga muna ako nang malalim bago binuksan ang pintuan. Ang nag-aalalang mukha nito ang aking nabungaran.

Mabilis na pumasok ito sa aking kwarto at inilagay ang kamay nito sa aking noo, at sa aking leeg, mabilis na pumiksi ako nang hawakan ako nito sa aking braso, nagulat lang talaga ako, the feeling is new to me, nalilito ako sa nararamdamanko.

"I'm fine!! Gusto ko lang magpahinga!! Inis kong tugon dito. Nagtataka naman ito sa inasal ko.

"I'm your guardian here, so ako ang dapat na masunod." Nagtangis ang mga bagang nito, dama ko ang pinipigilan nitong galit.

"Why are you vomiting? Buntis ka ba Calla!! May diing tanong nito sa akin, na labis ko namang ipinagtaka. Kunot noo ko itong hinarap.

"What??!! Gulat kong sambit dito.

"I'm asking you, and answer it properly!! Damn!!"  Bulyaw nito sa akin na ikinagulat ko, kailan man ay hindi ako pinagtaasan nang boses nito noo, ngayon lang yata, and its scared me, binalot agad ako nang takot.

Mabilis rin naman nitong napansin ang mukha kong bakas sa takot at pagkabigla, kapagkuwan ay mabilis ako nitong ikinulong sa mga bisig at mahigpit na niyakap

" Shit!! I'm sorry, nabigla lang si Kuya, hush—sorry princress." Naipikit ko nalang ang mga mata at dinama ang init nang katawan nito na bumabalot sa akin, it feels like something comfortable, even if its strange. Hinayaan ko lang na yakapin ako nito.

Chasing Him (Under Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon