Kabanata 20

157 78 10
                                    

Responsible
Nasa opisina ako ngayon ni dad, may meeting sila sa conference room at ngayon ay ako lang ang nandito, tanaw ko mula rito ang mga naglalakihang buildings.

Gawa sa glass wall ang opisina ni dad, may sarili rin itong banyo, flatscreen tv, may malaking sala, may ref, kompleto na kung baga.

Wala akong alam sa business, hindi ko rin kasi ito hilig, mas gusto ko pang manatili sa hacienda. Gusto kong magmove on na nang ganap.

At kalimutan ang taong minsan kong minahal, nakakatawa nga dahil sa maikling araw na iyon natuto akong umibig, naiiling na lamang ako.

humugot ako nang malalim na buntong hininga, hindi naman kasi ako ang tipo nang babae na mahilig sa mga lakwatsa dito, gala doon, party dito, party naman doon, lumaki ako na laging nakikinig kay mommy.

I'm trying my best to be prim and proper, ngunit alam ko mismo sa sarili ko na may pagkapilya ako. Naalala ko pa noong una naming encouter ni Gabriel.

Napangiti ako sa naalala. Naputol ang pagmuni-muni ko nang bumukas ang pintuan nang opisina ni dad, at iniluwa doon sina mommy at daddy.

Bakas sa mga mukha nang mga ito na parang may problema, nang mapansin nila ako ay pilit na ngiti ang ipinakita ni mommy sa akin, ganon din si daddy. Lumapit ako sa mga ito at napayakap.

"Mom, dad, may problema ba?" Tanong ko sa mga ito.

"Wa—wala naman anak."  Si mommy na medyo nauutal pa.

"Its fine sweetheart, wala namang naging problema." Si dad na ngumingiti pa.

Alam kong may problema, pero hindi lang nang mga ito sinasabi sa akin. Ang plano ko sanang magpaalam sa mga ito na babalik na ako nang hacienda ay hindi ko nalang tinuloy.
Mukhang may bago na naman kaming kahaharapin na problema.

"Mommy daddy, mauna na po ako." Paalam ko sa mga ito, tumango lang ang mga ito sa akin, humalik muna uli ako sa mga pisngi nang mga ito bago nilisan ang opisina ni dad.

Pumunta ako sa opisina ni Kuya Clark, pero sabi nang secretarya nito ay may importante daw itong pinuntahan, wala akong choice kundi ang puntahan si Kuya Mike.

Pero ganoon rin wala rin ito sa opisina nito may importante daw rin itong pinuntahan.

"Jean, may problema ba sa kompanya?" Seryosong tanong ko dito, hindi naman ito makatingin sa akin, ngunit pilit kong hinuhuli ang tingin nito.

"Look at me Jean, ano ba! Kinakausap kita nang maayos!"
Galit ko nang tugon dito at tinampal ang mesa nito.

Lahat nang empleyado ay nakatingin na sa aming gawi, pero wala akong pakialam, ang mahalaga sa akin ay malaman ko kung anong dahilan at bakit parang may problema akong naramdaman sa kompayang ito.

"Pasensiya na mam Calla, pero wala po talaga akong alam mam." Nakayuko nitong saad sa akin.

"That's bullshit!! Sekretarya ka ngunit hindi mo alam?? Ano naman pala ang silbi mo kung gayon!!" Singhal ko dito.
"Sorry maam." Nanginginig nitong sagot sa akin. Napahilot naman ako sa aking sentido, at umupo sa swivel chair doon.

"Hindi nakakatulong ang sorry mo Jean!" May diing sabi ko dito at nagmartsa paalis doon, lahat nang madadaanan ko ay halata sa mga mukha nang mga ito ang takot.

Hindi ko lang talaga maiwasang magalit, its our company's sake, natural na magwawala ako. Huminto muna ako sa paglalakad nang biglang mag-ring ang aking cellphone.

Unknown number kaya hindi na ako nag-aksaya pang sumagot, mabilis ko itong ibinalik sa loob nang akin LouisVuiton bag. Patuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa nakalabas na ako nang aming building.

Wala pala akong dalang kotse, kinailangan ko tuloy mag-abang nang taxi, ni hindi ko nga alam kung saan ako pupunta. Pumara ako nang taxi, mabilis na pumasok ako sa loob nito at napasandal sa backseat.

Sinabi ko dito ang address na ibinigay sa akin nang kapatid, at marahas na nagpakawala nang malalim na hininga.

Agad naman akong nakarating sa aking destinasyon, bumaba ako sa Lilrose Flower Shop, ayon sa nakasulat na karatula nang isang flowershop, medyo mahaba-haba din ang biyahe ko kanina.

I tried to contact my sister pero busytone lang ang sumasagot, the place ambiance is relaxing, nanunuot sa aking ilong ang iba't ibang bango nang mga bulaklak, pumasok ako sa loob nito at sinalubong ako nang isang babae.

Medyo nagulat pa ito nang makita ako, ngumiti ako dito at ganon rin ito sa akin.

"Hello, nandito ba si ate rose." I politely ask the lady in a uniform.

"Naku maam, pasensiya na po kayo, umalis po si mam rose, nagkasalisi po yata kayo mam."  Sagot nito sa akin.

"Oh, ganon ba, sige babalik nalang ako." Sabi ko dito at tumalikod na rito. 
"Mam! Ahmm—baka gusto niyo pong hintayin si mam rose, may guestroom po kami, pwede po kayong tumuloy muna doon, hindi naman po ako nagkakamali na kayo si Mam Calla, ang ganda niyo po mam, at ang puti-puti niyo, para po kayong dyosa." Bulalas nito.

"Naku ikaw naman, salamat nalang, Oo ako iyong nawawalang kapatid ni ate noon, gusto ko sana siyang bisitahin kaya lang mukhang busy din yata siya."

"Minsan lang po talaga iyon nagagawi rito, sa martes, biyernes at linggo nandito po iyon, busy din po kasi sa kompanya nang pamilya nila."

Tumango-tango lang ako sa katiwala nang aking kapatid, nakagaanan ko na rin ito nang loob, ang init nang ulo ko kanina ay biglang napawi dahil siguro sa atmosphere nang paligid na kinaroroonan ko ngayon.

Lalo na sa malamig na temperatura, kahit buwan nang marso, kahit yata summer dito napakaginaw parin. Iginiya ako nang babaeng kausap ko kanina sa isang kwarto na sa tingin ko ay guest room.

Nagpasalamat muna ako dito, bago pumasok sa loob, malawak ang lugar at napaka feminine nang istruktura nito, lahat ay kulay pink, ang carpet na may disenyong pink rose.

Sa kama nito naman ay pink na mga unan, at ang mga disenyo ay lily flowers, pati rin ang kurtina, ang kumot. Napamangha talaga ako sa nakita, lumapit ako sa bintana at hinawi ang kurtina.

Mula rito makikita ang mga ibat-ibang tanim na mga bulaklak na mas lalo kung ikinamangha. Paborito yata nang kapatid ko ang mga bulaklak, binuksan ko ang glass window at mabilis na sinalubong ako nang malamig at napakasariwang hangin.

Sinamyo ko ito at pumikit, tila nirerelax nito ang mga senses ko. Tila nawala ang kaninang pinoproblema ko. At saka ko naalalang magtext kina mommy, at sa dalawa kong kuya na nasa bagyo ako, at sa kapatid ko na rin.

Kailangan ko lang na may makakausap, ang kapatid ko sana, kaya lang sa tingin ko ay mukhang may kinakaharap din yata itong problema.

Umupo ako sa kama at hinarap ang sariling cellphone, para magtext kay mom, at pati narin sa mga kapatid ko para ipaalam sa mga ito na nasa baguio ako ngayon.

At pagkatapos ay tinungo ko ang banyo nang kwarto, may malaking bathtub na kulay pink. Lahat yata nang nasa loob nito ay kulay pink, pati ang shower gel,bodywash,feminine wash, at etc.

The towel is also pink. Naiiling na lamang ako, at naisipang e-check ang cabinet, may mga damit, bras at underwears, mabuti naman, dahil wala pa naman akong dala ni isang gamit, dahil wala sa plano ko ang mag-stay dito, looks like I need some 1week vacation here!!

I like the place, sobra napaka relaxing naman talaga. Lalo na ang atmosphere nito. Sumisigaw nang katahimikan.

Hi reader's happy reading, hoping that your enjoying this chapter, please don't forget to leave some comments, and votes. Thank you!!
To God Always be the glory!!

Chasing Him (Under Major Editing)Where stories live. Discover now