Kabanata 28

109 56 15
                                    

Broken
Naguguluhan parin ako hanggang ngayon sa pinagtatalunan ng dalawa kong kapatid, hindi ako kumbinsido sa sagot ni Kuya Clark kahapon.

Mabait si Maurine, at hindi ko maitatanggi iyon. Magaan ang loob ko rito, but hindi ko talaga mapigilan ang lubusang masaktang muli. Tila hirap na hirap na ang kalooban ko. Gusto kong isigaw ito para naman kahit kunti gumaan ang dinadala kong, hindi ko alam kong kailan ako ganito.

Nagpaalam muna ako kina mom, at dad, sinabi ko nalang na maglibot-libot lang ako sa hacienda. Kasalukuyang nag-uusap ang mga ito , ngunit agad ding huminto nang makalapit na ako sa mga ito.

I kissed mom's cheeks then to dad. Ilang araw ko ng iniiwasan si Mike, at ramdam kong nahahalata na nito iyon, and its obvious, I hate him, at wala na akong pakialam sa sasabihin niya kung ano man iyon.

Maurine wave some goodbye, at ganon rin ang ginawa ko rito. Silang apat lang ang nandoon, sa tingin ko ay tulog pa si Kuya Clark. Mabilis ang lakad ko at dumiretso sa kwadra para kuhanin si Sapphire. Pinakawalan ko ito mula sa kulungan nito.

Muli ay nakaramdam ako ng bigat sa aking dibdib, hinaplos ko ang alagang kabayo.

"I don't know what I'm going to do Sapphire." Parang baliw lang na kinakausap ko ang aking kabayo.

At sumampa na ako rito, tinungo namin ang talon. Muli ay itinali ko si Sapphire sa may puno.

Tinanggal ko ang aking boots, napatingin ako sa malinaw na talon. At umupo ako sa may batuhan, doon na lumabas ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Ang bigat-bigat lang talaga sa loob ko. Kailangan ko ng taong mapagsasabihan this time.

Saksi ang talon sa aking pag-iyak. At walang pasubaling tumayo ako at lumusong sa tubig. Ipinikit ko ang aking mata, at muli ay umahon mula sa ilalim, at sumigaw ako ng malakas.

Nagsiliparan ang mga ibong nandoon, at muli ay namilisbis mula sa aking mga mata ang mga luha kong wala yatang pakundangan sa pagtulo. Tama nga si mommy, we need to cry to ease the heavy feelings, that we've been suffer. Nahimasmasan ang bigat sa aking dibdib.

Narinig ko ang ingay ni Sapphire, at mula rito sa baba nakita ko si Mike, na nakatanaw lang sa akin. Bigla ay tumalikod ako rito, pero aaminin kong biglang bumundol ang kaba sa aking dibdib.

Lumangoy ako papuntang balsa, pero bago pa man ako makahuma ay may mga kamay nang humawak sa aking bewang.

"Where do you think your going?! Medyo galit na saad ni Mike sa akin.

Gulat akong napalingon rito, ni hindi ko nga alam kung paano ito kaagad nakarating sa pwesto ko, ganon ba talaga ito kabilis??

"Let go of me! Asik ko rito.

Pinukol ko ito ng galit na tingin.

"Ilang araw mo na akong iniiwasan?, may problema ba tayo?" Tanong nito sa akin.

Hindi ko maapuhap kung anong idadahilan rito, gosh! Juice ko, tingin ko na trap ako rito.

Ngayon ko lang ulit ito natitigan sa malapitan, mas lalo itong gumwapo sa paningin ko. Those chest na kay lapad na para bang kaysarap sumandal doon, ang matangos nitong ilong, mga matang kasing itim ng gabi at mga labing manipis nito na tila mamulamula ay para bang nang-aakit na ito ay halikan.

"Shitt!! Answer me Calla!! May diing pukaw nito sa himahinasyon ko.

Gulat naman akong nakabalik sa reyalidad. Napalunok ako at dahan dahang tinanggal ang mga kamay nito mula sa aking bewang, pero mas lalo nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa akin, wala akong kawala. Naiilang na ako sa mga titig nito.

"Ano ba!! Pakawalan mo ako sabi!! Hayaan niyo ako!!" Sigaw ko rito.

Napalunok ito at mabilis na ikinulong ako nito ng yakap, nakaramdam ako ng gaan sa loob ko, ng maramdaman ang yakap nito.

"I'm tired!!

Wala sa sariling sabi ko rito. Kumalas ito ng yakap sa akin at tumitig sa mga mata ko.

"Tell me, ano bang problema, bakit mo ako iniiwasan? Please princess." Sumamo nito sa akin.

Ngumiti lang ako ng tipid rito at napailing. I can handle this, hangga't kaya ko pa, ayaw kong maging dahilan, sa pagkasira ng relasyon niyo ni Maurine, its better na ako nalang ang masaktan.

"I'm sorry Kuya, hindi ko lang maintindihan ang sarili, alam kong may problema sa kompanya, but why didn't you all told me."

Rason ko dito, pero totoo namang nagtatampo rin ako, hinawakan nito ang magkabila kong pisngi at sumilay ang nakakainlove nitong ngiti, marahas na napayuko ako kunwari.

I need to fight this feeling, kung hindi baka ako pa ang dahilan ng pagkasira nila ni Maurine, at hindi iyon ikalulugod nina mommy.

Iniangat muli ni Mike ang aking baba, at nagtama ang aming tingin. Ngumiti ako rito, at ako na ang siyang unang umiwas rito. Nagpakawala ito nang buntong hininga.

"I didn't know na may talon rito, kung hindi kita nasundan malamang hindi ko malalaman ang lugar na ito."
Sabi nito na nakatingin sa talong rumaragasa ng tubig.

"Matagal ko ng alam ang lugar na ito, I love this place, its so relaxing, and I found peace in here." Saad ko rito.

Batid ko na napatitig ito sa akin, but I'll manage not to look at him, pinanatili ko ang tingin sa talon. Then I feel his hands, in my hand, at parang napapsong umiwas ako roon.

Alam kung mababakas sa mukha ko ang pagkagulat, tunay na hindi ko napaghandaan iyon. Nalipat ko ang tingin rito, at nagkatitigan kaming muli, I hug my hands near in my chest,  His eyes bore to mine seriously.
"So you feel it too, that electrifying things." Kunot noong saad nito sa akin.

"What do you mean?" Kunwari tanong ko rito.

Hindi ko pwedeng aminin rito ang biglang nanulay na kuryente sa katawan ko. No! not this time.

"Stop pretending Calla that you don't feel it!!" Galit nitong sabi sa akin.

"What!! Hindi ko alam ang sinasabi mo KUYA!! nagulat lang ako kanina at hindi ako nagkukunwari!! At ano namang rason ko para magkunwari?"

Pinanindigan ko na ang pagsisinungaling, I need to convinced him. Gosh! Sana maniwala ang mokong na ito.

Nakita ko kung paano naikuyom nito ang sariling kamao, at ang bawat pag-igting ng mga panga nito. Pinukol ako nito ng seryosong tingin. Umirap lang ako rito at mabilis na umalis sa tabi nito. Naramdaman ko nalang ang pagsunod nito mula sa aking likuran.

Lumapit na ako kay Sapphire, at saka ko napansin ang isang kabayo na pagmamay-ari ni Mike, akmang sasampa na sana ako sa aking kabayo ng muli ay maramdaman ko ang mga braso nito sa aking bewang.

Naipikit ko nalang ang sariling mata, may kakaiba itong hatid sa akin. But my mind, contradict my feelings, maghunos dili ka Calla! Sita ng aking isipan. Idinilat ko ang aking mata at lumingon rito.

"Salamat Kuya." Tugon ko rito nang tuluyan na akong makasakay kay Sapphire, agad ko itong pinatakbo sa mabagal na paraan.

Chasing Him (Under Major Editing)Where stories live. Discover now