Kabanata 3

202 76 232
                                    

Muling Pagkikita
Nagpasya akong puntahan ang mga hayop sa farm, may bagong panganak na kambing daw kahapon. Sa aking  pagdating ang sabi ng veterenarian okay lang daw ito. Mas minabuti kong patingnan ito para makaiwas sa sakit.

Ang mga baka, manok, itik, lalo na ang baboy ay pinasuri ko na lang din, para iwas suliranin pag may namatay na naman. Last year kasi maraming namamatay na hayop, dahil sa maginaw na temperatura nang panahon.

Sumakay ako ulit kay Sapphire para puntahan ang mga niyog, saging, mais, tubo, pinya, mangga, at iba pa. Maraming tauhan na man doon, dahil buwan ngayon nang Enero na siyang tag ani nang tubo dito sa amin.

Lumapit sa akin si Mang Kanor, na tagapamahala nang aming mga pananim, bumati muna ito sa akin sabay yuko.

"Senyorita magandang hapon po!

"Magandang hapon din po Mang Kanor, kumusta na man po ang mga pananim?"

"Mabuti naman po, sa ngayon hinaharvest po nang mga trabahante  ang mga tubo."

"Mabuti na man po kung ganon."

Malawak ang Hacienda Janeiro, makikita dito ang mga ibat-ibang hayop, mga puno, mga prutas at mga gulay na halos makanta mo na lahat sa bahay kubo.

Naisipan kong puntahan ang mga gulayan, nakasakay parin ako kay Sapphire. Bumati ang lahat nang naroon sa akin. At nakita ko si Gabriel sa di-kalayuan, kasama ang mga trabahador na nag-aani ng mga mani.

Bumaba ako kay Sapphire at tinungo ang kinaroroonan ni Gabriel, naalala kong isang dayo pala itong si Gabriel sa aming lugar. Lumapit ako dito, napansin na man nito ang presinsiya ko at lumingon sa aking gawi.

Gulat ang mababakas sa mukha nito, isang matamis na ngiti ang ginawad ko dito.

"Hi! Kumusta" Mahina kong sabi dito.

Binitawan niya muna ang sako nang mani at hinarap ako.

Grabe naman, kahit gusgusin ang suot nito, gwapo parin, my gosh!!.

Seryoso ang mukha nito nang humarap sa akin. Naka-igting ang panga nito na wari ay para yatang galit.

"Anong ginagawa mo dito?" Seryosong tanong nito sa akin, na para bang galit ito, nagtataka man pero hindi ko na pinansin ang naiisip ko.

"Kinukumusta ko lang ang Hacienda." Sagot ko dito na nakangiti parin.

May pag-iingat na hinila ako nito papalayo sa mga trabahador, na sa tingin ko ay nakatingin na sa amin. Nagpaubaya nalang ako dito, kinikilig na man ako sa ginawa niya, ang sarap lang sa pakiramdam nang hawakan ako nito sa aking braso.

"May matino bang babae na pagala-gala sa hacienda na nakasuot lang ng maikling shorts!" Bulyaw nito sa akin na ikinagulat ko.

Nakasuot lang kasi siya nang short shorts, at spaghetti top. At nagboots na hanggang tuhod. Kunot-noong napatingin siya sa soot. Bagay na man ito sa kanya, ano bang pinuputok ng butse nang taong ito.

"Excuse me! Bagay na man sa akin ang soot ko ah!" Sagot ko na man dito medyo naiinis na rin.

"Go home! and change your outfit!" Matigas nitong taboy sa akin.

Nagngingitngit tuloy ako sa galit. Mabilis na tinalikuran ko siya at lumakad palayo dito, nang hindi sinasadyang may maapakan akong matulis na bagay. Dahilan nang paghiyaw ko.

"Ouch!" Hiyaw ko at napangiwi. Mabilis namang dumalo sa akin ang binata bakas sa mukha nito ang concern sa akin.

"Fuck! Anong nangyari!!"Concern na tanong nito sa akin.

Chasing Him (Under Major Editing)Where stories live. Discover now