ITIM AT PULA [ ON HOLD]

By ClaraSaejo

39.6K 1K 86

Ito ay kwento ng isang lalaking tao na piniling kalabanin ang buong lahi ng mga halimaw para ipaglaban ang pa... More

Overview
Simula ng Lahat
Maia at Elyhenia
Si Lavender
Ang Mga Angkan
Messiah?
Trouble is a friend
Ang mga nilalang sa kapaligiran
Fateful Love
Pagkawala ng pag asa
Unang yugto ng umpisa
Ang nangyayari sa kapaligiran
Extra Chapter - Imahinasyon ni rhodney I
Sa loob ng kanyang munting mundo
Ang tunay na halimaw
Extra Chapter - Imahinasyon ni rhodney II
Ang tunay na halimaw II
Angelic Howl
Ang aming Unang Halik
Ang Pag-gising ng kanyang kapangyarihan
Inlove agad?
Ang Unang Ingkwentro pt.1
Ang Unang Ingkwentro pt.2
Ang Unang Ingkwentro pt.3
Ang Unang Ingkwentro End
Anong bago sa umpisa ng taon?
Tatlong Baliw
Triple Treat
Sumalungat sa kapalaran
Kaibigan
Kalaban sa dilim I
Kalaban sa dilim II
Kalaban sa dilim III
kalaban sa dilim IV
kalaban sa dilim V
Kalaban sa dilim VI
Royal Rumble
" Pagod na Ako"
Extra Chapter - Ang bagay na binigay mo sa akin
Katangian ng isang pinuno
Hangang sa muling Pagbangon

Extra Chapter - Ala ala ng Isang Tao sa Nakaraan

500 23 2
By ClaraSaejo



Ang Sangol sa dalampasigan Ala ala ng isang tao sa nakaraan.
.
.
.
.

Special chapter.

****** ******** **************

Philippines Around ???? BC.

Kung saan hindi pa pilipinas ang pangalan ng pilipinas at hindi pa ito isang bansa.

Isa pa itong malawak na kalupaan kung saan ay naninirahan ang mga ibat ibang klase ng nilalang bukod sa tao.

Isang lugar kung saan ay ang naghahariharian ay hindi pa mga tao kundi mga nilalang na kung tawagin nila ay halimaw.

Dahil sa nangyaring rebolusyon ng mga halimaw sa isat isa ay nasira ang balanse ng kanilang mundo.

Ngayon ay naghahari na ang mga halimaw habang nabubuhay sa takot ang mga tao.

Nabubuhay sa pagtatago sa mga kagubatan at iba pang tagong lugar ang mga tao malayon sa mga halimaw para lamang mabuhay.

Sa isang tagong lugar malapit sa karagatan ay may grupo ng mga tao na naninirahan malayo sa mga halimaw.

Masaya ang buhay ng mga tao doon dahil sagana ang kanilang lugar sa likas na yaman na bumubuhay sa kanila.

Ngunit lumipas ang panahon ay nag umpisang maubos ang mga likas na yaman sa kanilang kapaligiran kaya nagpasya silang maghanap sa ibayong lugar kung saan ay mapanganib.

Ngunit wala silang mapagpipilian kundi gawin nalang ang kailangan nilang gawin ayun ay ang maghanap ng pagkain sa delikadong lugar.

Naging araw araw na nila itong gawin at nagpatuloy ito hangang nakasanayan ba nilang mangalap ng pagkain sa teritoryo ng mga halimaw ng hindi sila napapansin o nakikita ng mga ito.

.
.
.
.
.
.

Isang umaga habang ako ay maghahanap ng isda sa dalampasigan ay may narinig akong isang iyak.

Iyak ng isang sangol.

Sinundan ko ang pinangagalingan ng tunog at napunta ako sa isang batohan sa dalampasigan.

Doon ay may sangol na umiiyak nababalot sa tela ang kanyang katawan ngunit basang basa ito dahil sa humahampas na alon kanya.

Kahit nasa buhanginan ang sangol ay malulunod siya kapag hindi ko siya kinuha sa lugar na iyon dahil maya maya ay tataas na ang tubig.

Hindi ako nagdalawang isip at agad siya kinuha.

Buhat sa aking mga kamay ay dinala ko siya sa aming banwa ( village - hindi pa uso ang salitang barangay sa panahong eto eh heheeh 13th century days kung saan wala pang foreign words. )

"talim!...sino a..ang batang yan?!"
gulat ang mukha ng aking ina ng makita niya na may hawak akong isang sangol pag uwi ko sa aming bahay.

Ang aming bahay ay gawa sa pawid at kahoy, isang desenteng bahay sa tabi ng dalampasigan.

Ako si talim, isang lalaki 8 taong gulang .

"talim ano yan?"
wika ng aking ama matapos makapasok sa aming bahay, katatapos niya lamang mangaso ng mga hayop sa kagubatan. kitang kita dahil sa bitbit niyang baboy ramo sa kanyang likod.

Inilapag niya ang baboy ramo at lumapit sa amin ni ina habang nakatingin sa sangol na aking napulot.

"natagpuan ko po siya sa dalampasigan, hindi ko po magawang iwanan siya doon, pwede po bang dito nalang siya sa atin"
tapat kong wika sa aking mga magulang.

Tinignan nila ang aking hawak na sangol at kita ko sa kanilang mata ang kasagutan sa aking tanong.

Nakangiting nakatingin sila sa sangol na parang isa na nila itong anak at myembro na ng aming pamilya.

" anong ipapangalan natin sa kanya talim?"
tanong ng aking ina sa akin.

" a..ako?, ako magpapangalan?"
pagtataka ko.

" Oo talim,..ikaw ang nakatagpo sa kanya eh,..isa ka nang kuya ngayon talim, protektahan mo siya lagi"
wika ng aking ama na todo ang suporta sa akin.

Pangalan..

Pangalan ...

Anong ipapangalan ko sa kanya?

Ah!..alan ko na.

ngumiti ako at tumingin sa sangol.

"magmula ngayon..tatawagin ka na naming..-"
.
.
.
.
.
.
.
.

15 years Later.

Kasalukuyan akong nasa kagubatan.

Isang kagubatan na napapaligiran ng malalaking kakahoyan at mga halamang gubat.

" dalampasigan!, dalampasigan? na saan ka na!, uuwi na tayo!"
sigaw ko habang may hinahanap.

Nasan nanaman kaya yung babaeng yun!.

Kung san saan nagpupupunta Haaa..kaya ayaw ko siyang isama tuwing mangangaso ako ng makakain eh.

Isinabit ko sa isang sanga ng puno ang nahuli kong malalaking ibon.

Gamit ang mga ugat ng puno ay Kasalukuyang nakatali ang paa ng mga naglalakihang ibon habang nakasabit sa sanga kaya hindi sila makakatakas.

Iniwan ko ang aking nAhuli para hanapin si dalampasigan.

Ang makulit kong kapatid na babae.

Sa aking likoran ay may narinig akong kaluskos , agad ko tinungo ang pinagmulan ng tunog at doon nakita ko si dalampasigan na nakikipag basagan ng buto sa baboy ramo.

Isang malaking baboy ramo.

"a..anong!, h..hoy!, anong ginagawa mo? delikado yan ah!"
wika ko nang makita siyang hawak hawak ang ulo ng baboy ramo habang siya ay nakasakay at pilit pinapahinto ang tumatakbong hayop.

Dire diretso ang baboy ramo sa pagwawala habang nakasakay si dalampasigan si likoran ng hayop ay sumipa ito sa likorang paa ng maka ilang beses.

Hindi nagpatinag ang makulit kong kapatid at mas lalo niya hinigpitan ang kanyang kapit sa ramo.

Nagpatuloy ang baboy ramo sa pagwawala, bigla ako nakita ng hayup at tila ba ay ako naman ang napag initan, hindi alintana ang nakasakay na tao sa likod niya ay ako naman ang tinumbok at sinugod ng baboy ramo.

" o...oi!, bakit ako!"
wika ko at nag umpisa na akong tumakbo.

"k.kuya tabi!,.."
sigaw naman ni dalampasigan sa akin habang lulan ng baboy ramo.

Habang hinahabol ako ay makailang ulit uling sumipa ang baboy ramo at sa ikatlong pagkakataon ng pagsipa ay tumilapon si dalampasigan sa lupa.

Matapos makita ang nangyari ay agad ko hinarap ang baboy rano at inilabas ang aking armas. isang matulis na kahoy na may talim sa dulo.

Nakalingon ang baboy ramo kay dalampasigan ng bigla o tuhugin ang hayop gamit ang aking armas.

"Oieeek!"
nagpakawala ng kakaibang iyak ang hayop bago binawian ng buhay.

Dali dali ako lumapit kay dalampasigan na dahan dahang tumatayo.

"o..a..ayos ka lang?"

Kasalukuyan siyang nagpapagpag ng damit.

"ayos lang hehe"
nakangiti niyang wika.

Pinagmasdan ko ang kanyang katawan at napansing puno siya ng sugat at galos dahil sa kanyang ginawa.

Haaa....ang batang to.. ang likot parang lalaki!.

Matapos buhatin ang baboy ramo at isampa sa aking kaliwang balikat ay hinawakan ko ang kamay ni dalampasigan.

" tara, kunin na natin yung mga ibon at umuwi na tayo"
pagyayaya ko sa kanya.

" sige hehehe"

anong hehehe,..babae ka hindi ka lalaki!.

Haaa...sa tingin ko kasalanan ko ang lahat kung bakit parang lalaki siya,...sa akin niya nakuha lahat ng galaw niya eh.

Haaaa....

Matapos maka uwi sa bahay ay inilapag namin sa loob ang aming huli at nagpa alam kami sa aming ina at ama na maliligo muna kami ni dalampasigan sa dagat.

Kasalukuyan siya nakatayo habang nakatingin sa tubig ng dagat.

"hindi ka pa ba maghuhubad? maliligo tayo oi!"
pagtataka ko.

Problema nito? masyado ba napasobra ang bagsak niya sa lupa kanina at naalog ang kayang ulo?.

Nakalimutan niya na ata maghubad ng kasuotan bago maligo.

Lumapit ako sa kanya at sinimulan siyang hubaran.

" a..ako na!"
wika niya na tila ba ay namumula ang mukha.

Huh?, problema nito?.

Hininto ko ang aking ginagawa.

Dahan dahan niya hinubad ang kanyang damit habang palinga linga sa akin.

" anong problema?, nahihiya ka?, hindi ka naman nahihiya dati ah?"
natatawa kong wika.

"M..M...matanda...n..na tayo?,..hindi na tayo bata"
wika niya.

Napatingin ako sa kanya.

matanda?, Pfdft!.

"huh?, ano problema magkapatid naman tayo ah?"
pagtataka ko dahil hindi ko siya maintindihan.

15 taon na ang lumipas magmula ng mapulot ko siya, lumaki siya bilang kapatid kong babae, magkasama kami magmula pagkabata niya hangang ngayon, tapos bigla nalang siya mahihiya na sabay kaming maliligo ng walang kasuotan?, ano nangyari?.

Haa...hindi ko maintindihan tong isang to.

Matapos mahubad ang kanyang kasuotan ay dahan dahan siya naglakad papunta sa tubig dagat.

Nakatingin ako sa kanya at doon napagtanto ang katotohanan.

.
.
.

Ah...Oo nga.

Haa...Oo nga pala 15 taon na ang nakalilipas,...matanda na siya.

Nakatingin ako habang kita ang nakatalikod na si dalampasigan.

Hubog na ang kanyang katawan, ibang iba na sa kilala ko dating paslit, nasa edad na siya ng isang matanda.

Oo nga pala, hindi naman kami habang buhay na bata at magkasama.

Balang araw makakahanap siya ng lalaki at magkakaroon siya ng sariling pamilya at mga anak.

Napangiti ako ngunit nakaramdam ako ng tila ba sakit sa aking puso na hindi ko alam kung bakit.

"pero kahit ganun na nga ay mananatili akong kuya niya, ang kanyang pro-protekta sa kanya"

.
.
.
.
Matapos namin maligo ay nanumbalik na kami sa aming bahay at doon ay naghihintay na ang aming mga magulang at nakahanda na din ang aming pagkain.

Umuusok usok pa ang naihaw na baboy ramo na nakalagay sa dahon ng saging.

Matapos makumpleto ang pamilya ay nag umpisa na kaming kumain.

Habang kumakain ay hindi maiiwasan ang pagkwe-kwentohan para mas lalo maganahan.

"ama, ina, alam niyo si dalampasigan ang nakahuli nito"
wika ko habang itinataas ang laman ng baboy ramo na aking hawak hawak.

"a..ano!, "
halos sabay na wika ng aming ama at ina.

sabay din sila napatingin kay dalampasigan.

"pa..paano?"
wika ng aming ina ng may pagaalala.

"sinakyan niya ang baboy at sinakal ito hangang mamatay"
pagbibiro ko.

"k..kuya?!"
nabigla si dalampasigan sa aking sinabi.

"patawarin ka nawa ni adlaw!, talim!, bakit mo hinayaan na gawin ng kapatid mo ang ganong bagay!, napaka piligroso ng kanyang ginawa, paano kung napahamak siya!"
bigla wika ni ina sa akin ng may galit sa kanyang tono.

"kalma lang,..binibiro ka lamang ng ating anak,...sinuri ko ang ramo kanina at nakitang isang patalim ang nakapatay dito"
wika ng aming ama.

"si kuya nama kasi kung ano ano ang sinasabi!"
pagrereklamo ni dalampasigan sa akin.

" heee..pero totoo na sinakyan mo ang ramo kanina"
wika ko.

" ano!"
halos muling sabay na wika ng aming magulang.

Mahal na mahal talaga nila si dalampasigan tulad ng pagmamahal nila sa akin.

Hindi alam ni dalampasigan na natagpuan ko lamang siya ngunit hindi na iyon importante dahil talagang parte na siya ng aming pamilya.
.
.
.
.
Kinagabihan.

Kasalukuyan akong nakahiga habang nakatingala sa mga nagniningningnang tala sa alapaap.

Kulay asul ang bulan at walang ulap sa itaas.

Natutulog ng mahimbing si dalampasigan habang nakahiga sa aking dibdib.

Kasalukuyan ko hawak ang kanyang ulo habang marahan itong hinahaplos.

" Haaa....sana hindi na magtapos ang masasayang araw tulad nito..."
nakangiti kong wika.

Kung sakali man na makahanap siya ng lalaking mamahalin niya ay susoportahan ko siya bilang kuya niya.

Dalampasigan pro-protektahan kita kahit anong mangyari.

************

Isang araw habang nanghuhuli ng isda sa dagat ay may dumating na balita sa amin.

Isa sa aming mga ka-banwa ay nawawala sa gubat at ilang araw ng hindi bumabalik.

Isa ako sa mga nagbuluntaryong maghanap sa nawawalang ka-banwa.

Nasabi na huli siyang namataan di kalayuan sa kagubatan gabi iyon lumisan siya ng banwa para maghanap ng halamang gamot para sa kanyang anak na may sakit ngunit lumipas ang ilang araw ay hindi pa siya nagbababalik.

Nanatiling sekreto ang balita sa ibang ka banwa para maiwasan ang kaguluhan at takot na baka mga halimaw ang may gawa sa pagkawala ng isa sa amin.

Inipon ko sa isang lalagyan ang aking mga kakailanganing kagamitan at sala ako umalis para maghanap.

Pumunta ako sa lugar kung saan nasabing huli siyang namataan at nag umpisa ang aking paghahanap doon.

Nilibot ko ang buong lugar, mapuno at maraming matataas na damo sa paligid.

Mahihirapan talaga kami na hanapin siya lalo na at masyadong makapal ang kagubatang ito.

Ilang oras matapos ako nagsimula sa paghahanap ay may napansin ako sa kapaligiran.

Sa lupa ay may kakaibang yapak.

yapak ng isang lobo ngunit nakapagtataka dahil walang lobo sa aming kagubatan.

Sinundan ko ang yapak sa lupa at dinala ako nito sa isang kuweba.

Habang nakatingin sa kweba ay nag umpisa na bumaba ang amang adlaw sa kalangitan.

Malapit na magdilim ano gagawin ko.

Huminga ako ng malalim at dala ng tapang ay pinasok ko ang lagusan ng kweba.

Matapos makapasok sa kaloob looban mg kweba ay nakita ko.

Nakita ko ang ulo ng taong nawawala kasama ang iba pang buto ng mga ibang hayup.

ang ulo ng aming ka-banwa.

Ngunit tanging ulo niya na lamang ang aking nakikita.

Agad ako nakaramdam ng sakit sa aking tyan at agad ako nasuka.

Hindi hindi!, hindi!, akala ko ba malayo sa mga halimaw ang aming banwa b..bakit !

.h.hindi magtatagal a..ay malalaman ng h..halimaw ang b..banwa namin!.

Hindi maari!.

Agad ako tumakbo palabas ng kweba para bumalik sa aming banwa at magbigay babala sa mga tao dulot ng aking nakita.

Paglabas sa kweba ay nakita kong madilim na.

may mga tala na sa alapaap at nag u-umpisa ng magliwanag ang bulan sa likod ng mga ulap.

"kailangan ko magmadali!"
dire diretso ako sa pagtakbo.

dalampasigan!

dalampasigan!

dalampasigan!.

manatili ka sanang ligtas!.

Habang patuloy sa pagtakbo ay nakarinig ako ng sigaw..isang pamilyar na sigaw.

"HiyaaaaAa!!!"

an..no!?.

Boses ni dalampasigan yun!.

Agad ko tinungo ang pinangalingan ng sigaw at nakita si dalampasigan na nakadapa sa harap ng isang malaking lobo.

Hindi ako nakapag isip n gagawin ay kinuha ko ang aking talim at sumugod sa lobo.

"Haaaaarrrrrrrrghh!!"
sigaw ko habang hawak ang talim para lumayo ang lobo kay dalampasigan.

Matapos mapansin ang aking pagdating ay biglang tumalon ang lobo palayo sa amin.

"K...kuya!"
agad na wika ni dalampasigan.

Nagmamadali siyang tumayo at nagtago sa aking likoran.

"a..anong ginagawa mo dito"

"s..sinundan ka..nag aalala ako sayo! kuya"

Haaa...kaya nga sekreto ang ginawa naming paghahanap para walang maka alam!, paano niya nalaman ang tungkol dito?.

Sa aming harapan ay umalulong ang halimaw na lobo.

Muli ko ihinanda ang aking talim ngunit bigla na ako sinungaban ng halimaw.

Agad niya sinakmal ang aking kamay at nabitawan ko ang talim.

Diretso siya ng takbo sa aming likoran at muling humarap sa amin.

sa kanyang bunganga ay kagat kagat niya ang aking armas.

H..hindi maari!.

Paano?.

Doon ko na kumpirma na isa nga siyang halimaw dahil sa angkin niyang talino.

"kuya...paano niya?"
pagtataka ni dalampasigan habang nakatago pa din sa aking likoran.

Napatingin ako sa aking kamay at nakitang nagdudugo ito.

Agad ko ito pinunasan at itinago para hindi makita ng aking kapatid.

"wag ka mag alala, ako ang bahala dito"
wika ko.

"K..kuya, natatakot ako.."
nanginginig sa takot si dalampasigan habang nagtatago sa aking likoran.

Nakayakap siya sa aking bewang.

"wag ka mag alala pro-protektahan kita, nandito lamang ako"
wika ko sa kanya habang nakatingin sa halimaw sa aming harapan.

Halimaw na nasa anyong hayop, isang lobo na kulay pula ang mata, nababalot sa maitim na balahibo ang kanyang katawan at hindi pangkaraniwan ang laki ng kanyang mga kuko at pangil.

Ihinagis ng lobo ang aking talim sa malayo bago muling ibinaling ang atensyon sa amin.

Dahan dahan niya kaming iniikutan habang nakatingin sa amin.

Ano gagawin ko!, ano gawin ko!.

Tumingin tingin ako sa paligid naghahanap ng maaring gawing armas panlaban sa halimaw.

Walang maaring magamit na bagay sa paligid!, tanging mga malalaking tipak lamang ng bato ang aking nakikita.

Asar!, ano gagawin ko!.

W..wala na ako maisip!.

Hinawakan ko ang balikat ni dalampasigan.

"makinig ka dalampasigan,t..tumakas ka na...aakitin ko ang halimaw para hindi ka habulin, maiiwan ako habang ikaw naman ay tatakbo paalis"
wika ko sa kanya.

Mas lalo niya hinigpitan ang yakap sa aking bewang.

Paano na yan!. masyado siyang natatakot.

"w..wag ka mag alala dalampasigan, susunod din ako, wag ka matatakot"

"h..hhindi!, ...hindi kita iiwan k..kuya!"
mangiyak ngiyak niyang wika.

Tumingin ako sa lobo at nakitang mag umpisa na siyang tumakbo papalapit sa amin.

Nghhh!, naloko na!.

Agad ko niyakap si dalampasigan para isakripisyo ang aking katawan para hindi siya madali ng halimaw.

Nakapikit akong nakahanda sa mangyayari sa akin ng may narinig akong kakaiba.

Tunog ng isang angungol ng nasaktang lobo.

A..ano?!.

Dahan dahan ko idinilat ang aking mata at tumingin sa aking harapan doon ay may nakatayong babae.

Kakaiba ang kanyang kasuotan, gawa sa tela at balahibo ng hindi kilalang hayop.

Ngunit hindi lang yun ang ka agaw agaw pansin sa kanya dahil sa kanyang kaliwang kamay ay may tila ba nagliliwanag siyang armas na hawak.

Nakakasilaw ang liwanag ng kanyang armas ngunit hindi nakakatakot,parang kulay ni adlaw ay tila ba nagliliyab ito at nagsisilbing liwanag.

Kilala ko siya ah!.

Ang mga taong may kapangyarihan at kakayahang gumapi ng mga halimaw.

Ang mga tao na kung tawagin ay mangangaso.

"nasaktan ba kayo?!"
biglang tanong ng babae sa akin na nagligtas sa aming buhay.

"maayos kami..s..salamat sayo"
agad kong sagot sa kanya.

Matapos ko magsalita ay muli siya tumingin sa halimaw, hindi siya nagsayang ng oras at agad niya ito sinungaban, lumaban din ang halimaw na lobo ngunit wala itong nagawa sa galing sa pag ilag ng babae at pag atake.

natapos ang laban ng dalawa ay kasalukuyang nakatusok ang armas ng babae sa bunganga ng wala ng buhay na halimaw.

Bumagsak ang halimaw sa lupa at unti unting nagliwanag ang katawan nito at nag umpisang masunog.

ayon sa mga sabi sabi ay dulot ito ng epekto ng nagliliwanag na armas ang armas na kasalukuyang hawak ng babae.

Ang mga armas ng mangangaso ay may kapangyarihan galing sa liwanag para labanan ang kadiliman.

Biglang nawala ang armas sa kamay ng babae, dahan dahan siya lumapit sa amin at nagpakilala.

"dayami ang aking pangalan"
nakangiting wika ng babae sa amin.

Agad naman ako tumayo ng tuwid at nagpakilala sa babae.

"a..ako si talim at siya si dalampasigan"
pagpapakilala ko sa aming dalawa.

Tumingin si dayami kay dalampasigan at muli akong kinausap.

"kasintahan mo?,"
tanong niya.

kasintahan?.

Napansin kong tila ba nagulat si dalampasigan habang nagtatago sa aking likoran.

"kapatid ko siya, kapatid.."
wika ko kay liwanag.

"Ah...kapatid, hindi kayo magkamuka"
natatawa niyang wika.

Matapos ng insidente ay agad ko ipinakita sa kanya ang kweba.

Ayon sa kanya ay nagiisa lamang ang halimaw at mukang hindi pinalad ang isa sa aming namatay na ka banwa ng masalubong niya ito.

Kinausap ko siya na sumama sa aming banwa para ipaliwanag ang mga nangyari para hindi mataranta ang mga tao sa aming banwa at pumayag naman siya.

Dayami ang kanyang pangalan at isa siyang mangangaso, isa daw siya sa marami na inatasan ng kanilang pinuno para maglakbay at naghahanap ng mga katulad nilang mangangaso para bumuo nang malaking grupo para lumaban sa mga halimaw.

Nakatira siya sa isang lugar malayo dito, isang lugar kung saan ay pawang mga mangangaso lamang ang nakatira, isang masaganang lugar at mayaman sa likas na yaman, bukod pa doon ay kinatatakutan ng mga halimaw ang kanilang lugar dahil lahat ng tao doon ay mga mangangaso at kayang pumatay ng halimaw. ngunit dahil na din doon ay tanging mga mangangaso lamang ang maaring tumira sa kanilang lugar at bumuo ng pamilya.

Matapos niya magpaliwanag sa aming mga ka-banwa sa nangyari ay inanyayahan ko pa siya sa na manatili sa aming banwa .

Pumayag naman si dayami.

Matapos matangap ng aming mga ka banwa ang nangyari sa isa sa aming kasamahan ay pinakilala ko si dayami sa buong banwa.

Naging malapit naman siya sa aming lahat.

Parang natural sa kanya ay agad niya nakasundo ang mga tao sa aming banwa at naging kaibigan.

Naging malapit si dayami sa mga tao sa aming lugar lalo na sa akin.

Tuwing gabi bago kami matulog ay nagkwe-kwentohan kami sa tabing dagat sa ilalim ng kulay asul na buwan at mala salamin nakaragatan.
.
.

Malamig ang simoy ng hangin at nakakapigil hininga ang tanawin ng gabi sa tabing dagat.

Nakasandal sa aking balikat ay kasalukuyang mahimbing na natutulog si dalampasigan samatalang ako naman ay tahimik na nakikinig sa kwento si dayami tungkol sa kanyang paglalakbay.

"napakalawak nang kalupaan alam mo ba iyon?, nakakalungkot na isipin na hindi niyo magawang maglakbay at maglibot dahil sa panganib dulot ng mga naghahari hariang halimaw sa kalupaan"
wika ni dayami ng may lungkot sa kanyang muka.

"...."

" balang araw ay magbabago rin ang lahat, wag ka mag alala, tulad sa aming lugar kung saan ay marami ang mangangaso ay walang natatakot sa mga halimaw ligtas ang aming lugar at sigurado ako na magiging ganun din ang buong kalupaan kapag nakapag ipon na kami ng lakas para natalo namin ang mga halimaw"
nakangiting wika ni dayami

Kita ko sa kanyang mga mata ang pangarap kaya gusto ko din maniwala sa kanya.

Sana maging ligtas sa mga tao ang buong kalupaan.

sana hindi na namin kailangan magtago pa dulot ng takot sa mga halimaw.

"talim..."
wika ni dayami na parang may sasabihing seryoso.

"...."
Tumingin ako sa kanya at nakita siyang nakatingin sa akin.

"lilisan na ako"
wika niya at kita ang lungkot sa kanyang mata.

Ngumiti naman ako at hinawakan ko ang kanyang pisngi.

"wag ka mag alala, walang mangyayring masama sa amin, ipagpatuloy mo na ang iyong misyon at balang araw, magkita sana tayo"
nakangiti kong wika.

.
.
.
.
.
.
.
Kinabukasan ay nagising ako ng wala si liwanag sa aking tabi.

Mahimbing pa din ang tulog ay ginising ko si dalampasigan.

"oi,...umaga na, tara at mangalap na tayo ng almusal"
wika ko sa kanya.

dahan dahan niya iminulat ang kanyang mga mata at nagkusot pa ng mata bago tumingin sa paligid na parang may hinahanap.

"si dayami nasaan?"
pagtataka niya ng hindi niya mahagilap si dayami sa aming tabi.

"lumisan na siya"
wika ko naman.

" ehhh?!, ano ginawa mo?"
agad niya ako inakusahan na may kasalanan.

"may misyon siya dalampasigan, intindihin mo nalang ang mangyayari, matanda ka na"
wika ko sa kanya sabay hawak sa kanyang buhok.

"Hmmm..."
nanahinik na lang siya at hindi na nagtanong.

Matapos makabalik sa aming banwa ay pinaalam ko na rin sa mga nakakakilala kay dayami na lumisan na siya at nagpatuloy na sa paglalakbay, kahit na nalungkot man ang iba sa aming mga ka nayon ay wala sila magagawa kundi ipagdasal na lang ang tagumpay ni liwanag.

At doon ay bumalik sa dati ang aming pamumuhay sa banwa.
.
.
.
.
.
.

.
" dalampasigan, dalampasigan!, na saan ka nanaman?!"
sigaw ko habang hinahanap siya.

Kasalukuyan kaming nasa kagubatan para maghanap ng mga prutas ng bigla nanaman siyang mawala sa aking paningin.

"Haa...malapit na magdilim!, ano ba yan!, na saan nanaman yun?, nakikipag basag buto nanaman sa ramo?"

haaa...hangang kailan ko kaya ito gagawin.

hangang kailan ko kaya siya hahanap hanapin ang kulet!.

Dire diretso ako sa isang damuhan hangang mamataan ko si dalampasigan.

"anong ginagawa niya?"
Nakita kong Nakatayo lamang siya habang nakatingin sa lupa na kanyang tinatapakan.

"dalampasigan?, may problema ba?"
nagtaka ako sa kanyang kinilos.

Dahan dahan siyang lumingon sa akin na parang nanginginig sa takot.

"k..kuya?"
wika niya at kita sa kanyang mga mata ang takot at kasalukuyan siyang tila ba namumutla at pawis na pawis.

Matapos makita ang kanyang reaction ay dali dali ko siya nilapitan.

" anong nangyari dalampasigan?"

Dahan dahan niya itinuro ang lupa kung saan ay kanina pa siya nakatingin ng parang takot na takot.

Nanlaki ang aking mga mata ng makita ang mga malalaking yapak ng mga halimaw sa lupa.

Hindi isang yapak ng individual kundi maraming yapak.

H..hindi maari!, nalaman nila ang lukasyon ng aming banwa!.

H..hindi maari ito!.

Sa kawalan ay nakarinig kami ng mga sigaw.

sigaw sa direksyon kung saan naroon ang aming banwa.

W..ag!.

wag naman sana!.

Hindi maari.

"k..kuya?"
nalilitong wika ni dalampasigan na hindi na alam ang gagawin.

Agad ko hinawakan ang kanyang kamay at nag umpisa kaming tumakbo.

hindi ko siya pwedeng iwan!,
"ina, ama, manatili sana kayong ligtas!"
wika ko habang hawak ang kamay ni dalampasigan habang tumatakbo kaming dalawa pabalik sa aming banwa.
.
.
.
.
.
.
Natulala ako ng makita ang kasalukuyang nangyayari sa aming banwa.

"..h..hindi maari.."

ang dating masayang lugar ay napalitan na ng kagimbal gimbal na tagpo.

Madalim na ang paligid.

nagkalat ang dugo sa paligid at mga nagkahiwalay hiwalay na katawan ng aming mga kaibigan.

Sa kabilang panig ay ang babaeng palaging kalaro ni dalampasigan, wakwak ang kanyang tyan at nakalabas ang kanyang bitoka.

" wag ka tumingin!".
Agad ko tinakpan ang mata ni damapasigan.

Sa isa sa mga bahay sa aming banwa ay lumabas ang isang tao na nagmamadaling tumakas ngunit agad siya nahuli ng isa sa mga halimaw.

Kitang kita ng aking mata kung paano nila pinaslang ang kawawang tao at kung paano nila kinain ito na parang isang hayop.

Nanlumo ako sa aking nakita at naibaba ko ang aking kamay na tumatakip sa mata ni dalampasigan.

Anong nangyari sa aming masayang banwa.

"kuya..."
narinig kong umiyak si dalampasiga at doon ko nalaman na nakikita niya na pala ang lahat.

Ang lahat ng karahasan at masaklap na katotohanan na nangyayari sa amin.

Ang katotohanan na isa lamang kaming pagkain ng mga halimaw tulad ng mga hayop na kinakain namin ay may kumakain din sa amin.

"s..sila ina at ama..kuya!, sila i..ina at ama!"
biglang wika ni dalampasigan at bigla siya tumakbo para puntahan ang aming bahay.

Natulala ako sa nangyari.

napakawalan ko siya!.

H..hindi!.

B..bumalik ka !.

DalamPasigan!.

Matapos matauhan ay nagumpisa na akong tumakbo para siya ay habulin.

dire diretso ako papunta sa aming bahay ng makita ko siyang nakatayo sa tapat ng aming bahay.

Ang aming bahay ay sira sira na at nagsibagsakan na ang mga kahoy at pawid neto.

Kasalukuyang nakadapa ang aking ina sa lupa, sa kanyang kalahating katawan ay nakadagan ang isang mabigat na kahoy dulot ng nasirang bahay namin.

"k..kuya si ina!, t..tulungan natin!"
mangiyak ngiyak na wika ni dalampasigan.

Agad ko lumapit at sinubukang buhatin ang kahoy.

"ina si ama nasaan?"
bigla kong tanong habang pilit binubuhat ang malaking kahoy na nakadagan sa kanya.

Hindi sumagot si ina at nanahimik nalamang at nag umpisanh tumulo ang luha sa kanyang mga mata.

doon ay nalaman ko ang na na may nangyari ng masama sa aking ama.

H..hindi maari.
Ama!.

Ama!!.

"ina ina ina"
sinubuka ding tumulong ni dalampasigan sa pagbubuhat ngunit hindi namin kinaya ito ngunit hindi din kami sumuko.

"talim, dalampasigan...tumakas na kayo,...."
wika ng aming ina na parang tinatangap na ang lahat.

" a..ayaw ko!, ina wag mo sabihin yan!, aalis tayo dito kasama si ama"
umiiyak na wika ni dalampaSigan.

"wala na ang iyong ama..."

Matapos marinig ang sinabi ni ina ay nabitawan ni dalampasigan ang kahoy at napa atras sa kinataayuan.

Tumingin sa akin ang aking ina.

" talim, tumakas ka na at protektahan si dalampasigan..."
wika ng aking ina sa akin na parang huli niya na itong payo sa akin.

H..hindi...a..ayaw ko ng ganito.

"parang awa mo na talim, iwanan mo na ako,...protektahan mo si dalampasigan,.."
nakangiting wika ng aking ina.

Labag man sa kalooban ngunit napag tanto ko na magiging masaya ang aking ina kung susundin ko ang kanyang huling payo.

Tumulo ang aking luha sa aking mata kasabay ng biglang pagbuhat kay dalampasigan.

Doon ay nilisan ko na ang harapan ng aming ina at umiiyak na namaalam.

Sa pagtakbo ay tumogtog sa aking isipan ang mga masasayang araw naming magpapamilya.

Ngunit hindi na iyon mauulit.

Matapos naming makalayo ay napalingon ako sa aking likoran at kitang kita ng aking mga mata ang pagdating ng mga halimaw sa harap ng aking ina.
.
.
.
.
.
.
.
.
Diretso sa pagtakbo sa kagubatan habang buhat buhat si dalampasigan na kasalukuyang tuloy tuloy sa pag iyak ay nakadinig ako ng isang kaluskos.

Madilim ang kagubatan dahil hindi ito abot ng liwanag ng bulan.

H..hindi maari!, malayo na kami sa banwa ah!, ilang oras na akong tumatakbo!, nasundan nila ako?!.

"d..dalampasigan..tumahimik ka..muna!, dalampasigan!"
sa taranta ay agad ko pinagsabihan namanahimik muna si dalampasigan sa pag iyak.

Pinilit niya manahimik hangang maging hikbi nalang ang aking nadidinig.

Haaa...kailangan ko pa bilisan ang aking pagtakbo!.

Nagpatuloy ako sa pagtakbo nang biglang may sumungab sa aking harapan.

Natamaan ako sa bandang mata at agad ako bumagsak sa damuhan ng kagubatan habang nabitawan ko naman si dalampasigan.

"k..kuya!"
wika ni dalampasigan na ilang metro ang layo sa akin.

asar!.

Kasalukuyang hindi ko maibukas ang aking mata dahil nadali ako ng halimaw sa bandang mata.

Hindi alintana ang sakit ay dahan dahan ako tumayo ngunit doon ko nalaman ang nangyari na sa akin.

Nanlalabo ang aking paningin at kulay pula ang aking nakikita ng maibuka ko ang aking mata.

Sinubuka ko kusutin ang aking mata at doon naging malinaw ang lahat ng may mahawakan akong dugo sa aking mga mata.

Nakalmot na pala ang aking mga mata ng halimaw.

"AaaaaRrrhg!,"
doon ko lamang naramdama ang sakit ng malaman ang aking kalagayan.

Dali dali ko nilapitan si dalampasigan habang pilit tinitignan ang nangyayari sa aking nanlalabong mata.

"k..kuya?"
narinig kong wika ni dalampasiga , aninag ko pa siya ngunit talagang lumabo ang aking paningin.

"mamamatay na kayo..."
wika ng halimaw na dumali sa akin.

Aninag ko ang kanyang anyo, anyo ng isang tao ngunit mahaba ang kuko.

A..ano gagawin k..ko?.

Naalala ko na may dala pala akong talim, agad ko itong nilabas at tinutok sa halimaw.

" hahahah!, sa tingin mo ay masasaktan mo ako niyan?"
natatawa niyang wika.

Hindi!, pero sapat na ito para takutin ka at para makatakas si dalampasigan.

"dalampasigan, tumakas ka na.."
wika ko.

Ngunit tulad ng dati ay mas hinawakan niya pa ang pagkakayakap sa akin.

" ayaw ayaw ayaw ayaw ayaw!"
wika niya.

Mas lalo na nanlabo ang aking paningin at tila ba liwanag na lamang ang aking nakikita.

P..paano na ito?!.

Sana Kahit si dalampasigan lamang..kahit siya lamang ang makaligtas!.

Naramdaman ko na sumugod na ang halimaw sa amin agad ko sanang yayakapin si dalamasigan ngunit nawala siya sa aking mga kamay.

"Arrrhg!"
sa aking tabi ay nadinig ko ang angungol ng halimaw.

Hindi masyadong kita sa aking mata ang tagpo ngunit nalaman ko ang kasalukuyang nangyari.

Nasa harapan ko si dalampasigan at sa kanyang kamay ay tila ba may liwanag na nasa hugis ng isang patalim na armas.

H..hindi maari!,..i..isa siyang!...isa siyang katulad ni dayamj, isa siyang mangangaso.

Si dalampasigan ay isang mangangaso!.

"k..kuya!,..kuya!"
wika ni dalampasigan sabay yakap sa akin matapos gapiin ang halimaw sa aming harapan.

K..kailangan namin umalis sa lugar na ito!. ngayon din!.

Kahit kaunting liwanag na lamang ang aking nakikita ay nagpatuloy kami sa paglalakad at di kalaunan ay nakalayo layo na kami.

Nagpalipas kami ng ilang araw sa isang lugar bago nagpasyang magpatuloy uli.

sa aming paglalakbay ay tuluyan na ako nawalan ng kakayahang makakita kaya kinailangan ko si dalampasigan sa aking tabi.

Tuluyan na akong na nabulag ngunit hindi iyon naging balakid sa pag pro protekta ko kay dalampasigan.

Isa siyang mangangaso!, daldalhin ko siya sa lugar kung saan siya nararapat, sa isang ligtas na lugar! sa lugar na tinutukoy ni dayami!.

Lumipas ang mga araw at naglatuloy kami.

Habang patuloy sa paglalakad ay tuluyan na nanghina ang aking paa at bumagsak ako sa lupa.

"kuya!"
narinig kong sigaw ni dalampasigan.

"dalampasigan,...ano na ngayon?,..umaga o gabi?,"
tanong ko dahil hindi ko na alam ang nangyayari sa mundo.

"gabi na kuya gabi"
wika naman niya.

" sige magpahinga muna tayo.."
wika ko at dinala niya ako sa isang lugar kung saan makakapagpahinga kami.

" na saan tayo dalampasigan?"

Sa paligid ay dinig ko ang tunog ng alon, marahan ang bawat hampas nito sa lupa.

"nasa ilalim ng puno sa harap ng tabing dagat"
mangiyak ngiyak niyang wika habang nakayakap sa akin.

"Buti naman..."
Wika ko sa kanya sabay hawak sa kanyang buhok.

"dalampasigan,.....si dayami, hanapin mo, ipakita mo sa kanya ang iyong kapangyarihan at tiyak magkakaroon ka ng pagkakataon na manirahan ng ligtas sa kanilang lugar...hindi...sa iyong lugar..sa lugar ng mga mangangaso"

Naramdaman ko na parang bumitaw siya sa pagkakayakap sa aking bewang.

"anong ibig mong sabihin kuya?, diba papunta tayong dalawa doon ngayon?, kung may kapangyarihan ako ay meron ka din?, parehas tayong pupunta doon sa lugar ng mga mangangaso dahil mga mangangaso tayo"
nalilito niyang wika.

Dalampasigan.

Patawarin mo ako.

Muli ko hinawakan ang kanyang buhok at hinaplos haplos ito bago sabihin sa kanya ang totoo.

ang katotohanan na tinago ko 15 taon na ang nakalilipas.

"hindi kami mangangaso"

"hindi kayo mangangaso?, anong ibig mong sabihin kuya?"

"dalampasigan, hindi tayo magkadugo, hindi ako isang mangangaso at ikaw lamang ang may kapangyarihan.."
tumulo ang luha sa aking bulag na mata.

"a..anong ibig mong sabihin k..kuya?, ..hindi mo ako kapatid?"
mangiyak ngiyak niyang wika.

"hindi!, kapatid kita dalampasigan!, tinuturing kitang kapatid...pe..pero.. kailangan mo na malaman ang totoo,.para sa kapakanan mo..."
Nag umpisa akong makarinig ng pag iyak.

Hindi ko man makita si dalampasigan ngayon ngunit dama ko ang kanyang nararamdaman.

Kahit nanghihina ay itinaas ko ang aking kamay at pinahiran ang kanyang pisngi na sakto namang agad ko nahanap.

"dalampasigan..."
Nagpatuloy siya sa pag iyak ng may marinig kaming yapak sa aming paligid.

"a..ano yun?"

"k..kuya..m..mga halimaw"

"saan saan?"

"na sa malayo.."
wika niya ng may takot na takot na tono.

....
.

.

kailangan ko na magmadali.

Bigla ko siya niyakap ng kay higpit higpit saka pinakawalan.

"kuya?"

"dalampasigan, makinig ka, hindi ko na kaya maglakad pa, wala na akong lakas,..bulag na ako at magiging pabigat lamang ako sayo"
sinabi ko sa kanya lahat ng rason para iwanan niya na ako ngunit niyakap niya ako ng mahigpit.

"dalampasigan kailangan no mabuhay"

Sa aming paligid ay naramdaman ko na papalapit na ng papalapit ang mga halimaw.

totoo nga na kapag bulag ka ay lumalakas ang iyong pandinig.

" ayaw ayaw ayaw ayaw ayaw ayaw ayaw!, kuya kuya kuya kuya wag mo ako iwanan!"
wika niya na parang isang bata.

"dalampasigan..."

muling Tumulo ang luha sa aking bulag na mata dahil alam ko na ito na ang huling araw na makakasama ko si dalampasigan.

sana man lang ay makita ko siya.

Dahan dahan ko siya binitawan at kinuha ang talim na nakatago sa aking kasuotan.

Patawarin mo ako dalampasigan.

Gamit ang talim ay sinaksak ko ang aking sarili.

Dumanak ang aking dugo sa lupa.

"k..kuya!"
narinig kong sigaw niya.

"hindi ka aalis kapag hindi ko ito ginawa...dalampasigan alam mo napakasaya ko na nagkaroon ako ng kapatid na katulad mo.."
kahit nanghihina ay itinaas ko ang aking kamay at hinawakan ang kanyang pisngi.
Hindi ko ito nahawakan agad at naramdaman ko na hinawakan niya ang aking kamay at dinala ito sa kanyang pisngi.

"dalampasigan ..nung araw na iyon..nung araw na natagpuan kitang umiiyak sa tabing dagat ay napagpasyahan ko na pro protektahan kita"

"k..kuya?"

"hindi ako nagsisisi sa aking ginawa, maging sina ama at ina ay ganun din, gusto ka naming protektahan.."

"kuya w..wag ka na magsalita."

pagsalitain mo naman ako

"..k..kung may roon mang maykapal, hinihiling ko sa kanya na sa susunod na aking buhay ay ikaw pa din ang aking kapatid...o kung di naman ay sana magkasama tayo sa susunod na mundo...kahit magkalayo man tayo ngayon a..ay hahanapin kita, tulad nung matagpuan kita sa tabing dagat . k..kahit saan k..ka man...mapunta...hahanapin kita..muli tayong magkikita at ipapangako na.proprotektahan k..ka lagi,...dalampasigan"

Nagpatuloy kami sa pag iyak.

"dalampasigan sige na, ito na ang huling hiling ko sayi, ang kaligtasan mo ay kasiyahan ko"
.
.
.
.
.
.
.

"Kuya..mahal na mahal kita."
wika niya at naramdaman kong bumitaw na siya sa pagkakayakap.

Lumaki ka na dalampasigan.

hindi na kita matanaw.

Salamat naman kung ganun.

Dinig ang umiiyak niyang boses ay naramdaman kong tumayo na siya.

"basta wag mo kami kakalimutan dalampasigan, wag mo kakalimutan ang mga araw na nilagi mo sa ating banwa"

"k..kuya...salamat sa lahat.."

"wag ka mag alala magkikita pa tayo, tulad ng pangako ko"

"kuya.."

Huli kong narinig sa kanya bago siya nawala sa aking harapan.

Narinig ko na tumakbo na siya paalis hangang hindi ko namarinig ang kanyang yapak.

"Haaa...masaya na ako"

" naprotektahan ko siya.."

"pero..h..hindi ko man lang nasabi sa kanya.."

" hindi ko nasabi na mahal ko siya"

"mahal ko si dalampasigan"
Umagos ang huling luh sa aking mga mata.

Mahal na mahal ko siya at ngayon ko lamang nalaman.

Hindi bilang isang kapatid ngunit bilang isang babae.

Unti unti akong nawalan ng malay habang ramdam ang papalapit na mga halimaw sa aking harapan.
.
.
.
.
.
.

Naramdaman ko ang unang Pag baon ng pangil ng halimaw sa aking braso at nasundan pa iyon.

Hindi na ako gumalaw para magsilbi akong pain habang lumalayo tumatakas si dalampasigan.
.
.
.
.

Nagising ako sa isang mala paraisong lugar kung saan ay puno ng mga damong kulay ginto.

mahangin ang paligid kaya panay ang sayaw ng mga ginintuang damo sa paligid.

Na saan ako?.

Naglakad lakad ako at nakita ko si dalampasigan na nakatayo sa aking harapan.

dalampasigan?.

Nakangiti siya sa akin.

Agad ako tumakbo at agad siya niyakap.

Sabay sainabi ko sa kanya ang aking nararamdaman sa kanya.

" mahal kita"
wika ko habang kami ay magkayakap sa paraiso.
.
.
.
.
.

Nananaginip ako habang kinakain ako ng mga halimaw.

Kahit panaginip lamang ang aking nakita bago ako mamatay ay namatay akong masaya at nakangiti.

Naka upo pa din ako sa lugar kung saan ako iniwan ni dalampasigan habang unti uti akong kinakain ng mga halimaw.

Wag na wag ka magpapadaig sa kadiliman.

Lumaki ka sanang malakas dalampasigan.

mahal na mahal kita.
.
.
.
.
.
.
.
.

************** ***********
.
.
.
.
.
.
.

"jonathan gising!!!"
biglang may tumapik sa aking balikat.

Nagising ako sa pagkakatulog at nalamang nakasaksak pa ang earphone sa aking tenga at tumutogtog pa ito sa malakas na volume.

Kasalukuyang tumutogtog ang kantang you raise me up na japanese version na ang singer eh isang koreana.

"huh?, anong yung napanaginipan ko?, ang weird ah!, nakalimutan ko agad?"
wika ko sa sarili pagkatapos bumangon sa pagkakahiga sa armchair.

"jonathan!, nanjan na si sir"
bigla ako muling tinapik sa balikat ng aming klass president na si sherly.

Agad naman ako napatingin sa kanya.

"dalampasigan?"
naiwika ko at biglang kumunot ang kanyang noo.

" sinasabi mo?! nananaginip ka pa?, nasa iskul tayo wala sa dalampasigan!"
natatawa niyang wika.

Teka ano sinasabi ko?.

Continue Reading

You'll Also Like

10.1M 500K 80
◤ SEMIDEUS SAGA #04 ◢ Promise of the Twelve - End of the rebellion as prophecied by the titan goddess, Mnemosyne. It seems like fighting a titan...
11.3M 507K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #02 ◢ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are cons...
139K 5K 69
Elaine Hidalgos is stuck of being the richest person without her parents guide, but after dying at the car crash, she awakened in a fantasy world...
43.2K 1.7K 37
| COMPLETED | | UNEDITED | Ally Cole, an ordinary person, was engrossed in reading an online novel while walking down the street when she was suddenl...