ITIM AT PULA [ ON HOLD]

By ClaraSaejo

39.6K 1K 86

Ito ay kwento ng isang lalaking tao na piniling kalabanin ang buong lahi ng mga halimaw para ipaglaban ang pa... More

Overview
Simula ng Lahat
Maia at Elyhenia
Si Lavender
Ang Mga Angkan
Messiah?
Trouble is a friend
Ang mga nilalang sa kapaligiran
Fateful Love
Pagkawala ng pag asa
Unang yugto ng umpisa
Ang nangyayari sa kapaligiran
Extra Chapter - Imahinasyon ni rhodney I
Sa loob ng kanyang munting mundo
Extra Chapter - Imahinasyon ni rhodney II
Ang tunay na halimaw II
Angelic Howl
Ang aming Unang Halik
Ang Pag-gising ng kanyang kapangyarihan
Inlove agad?
Ang Unang Ingkwentro pt.1
Ang Unang Ingkwentro pt.2
Ang Unang Ingkwentro pt.3
Ang Unang Ingkwentro End
Anong bago sa umpisa ng taon?
Tatlong Baliw
Triple Treat
Sumalungat sa kapalaran
Kaibigan
Kalaban sa dilim I
Kalaban sa dilim II
Kalaban sa dilim III
kalaban sa dilim IV
Extra Chapter - Ala ala ng Isang Tao sa Nakaraan
kalaban sa dilim V
Kalaban sa dilim VI
Royal Rumble
" Pagod na Ako"
Extra Chapter - Ang bagay na binigay mo sa akin
Katangian ng isang pinuno
Hangang sa muling Pagbangon

Ang tunay na halimaw

400 17 1
By ClaraSaejo

************************************

Sa gitna ng malalim na gabi sa himpapawid ay may matatanaw na kakaibang hugis at anino.

Nakatago sa ulap ang mga anino ng tila ba isang malaking pusang may pakpak habang may lulan itong babae, sa tabi naman nito ay sumusunod ang isang anino ng isang babaeng may pakpak ng ibon at sa kanyang bandang paanan ay may nakasabit na lalaki na mahigpit nakatali sa kanyang bewang.

Sa dulo ng kakaibang tagpo ay may nakasunod sa kanilang ibon, isang maliit na ibon.

May mga nakakita ng kakaibang tanawin sa alapaap nung gabing iyon ngunit hindi na lamang nila ito binigyan ng importansya at hindi na lamang pinansin.

"Arrrrrgghhhg!! Ang taas!, Paano niyo ba ako napa oo sa ganitong setup!..bakit sa himpapawid pa!"
Pasigaw na wika ni amaryllis fiore habang nakayakap sa binti ni maia na kasalukuyang naka anyong taong ibon, isang kinnara ayon sa alamat.

"W..wag ka ma...masyado malikot..mawawalan tayo ng balanse!"
Wika naman ni maia habang pilit ginagawang seryoso ang sitwasyon kung saan pakengkoy kengkoy si amaryllis.

"Tumahimik ka nga!,...ikaw..patahimikin mo nga ang kuya mo"
Wika naman ni elena na kasalukuyang nasa kanyang anyong aswang, isang itim na leon na may pakpak ng paniki na kasalukuyang lumilipad at lulan ang kakambal ni amaryllis na si primrose.

"Malapit na po tayo prinsesa...ayun na po ang gusali"
Wika naman ng munting ibon sa kanilang likoran.

"Ken..ikaw ang pamilyar sa lugar...agad mo hanapin si jonathan"
Wika ni elena sa munting ibon.

"Opo..maasahan niyo po ako"
Wika ni ken na siyang naka anyong ibon.

Diretso sa pagbagtas sa himpapawid ang buong grupo hangang makarating na sila sa naturang lugar.

Matapos makarating sa lugar at kasalukuyang lumilipad sa itaas ng gusali ay agad nila napansin ang kumksyong nagaganap, mga putok ng baril ang kasalukuyang umaalingawngaw sa kapaligiran at kita din ang mangilan ngilang mga tao  na kasalukuyang tumatakas paalis sa gusali, tumatakbo man gamit ang paa o naka sasakyan.

"Mukang nag e-enjoy ang pinsan mo ah"
Naiwika ni maia kay elena.

"Masyado pa maaga ang gabi, maia...sundin natin ang iplinano mo, kayong dalawa..alam niyo na ang inyong gagawin?"
Wika ni elena habang pinagmamasdan ang lagay ng gusali sa kanilang harapan, ang mismong gusali na plano nilang lusubin kung saan ay masalikuyan nang may nangyayaring komosyon.

Agad tumango ang magkakambal matapos magsalita ni elena.

Habang lumilipad sa ere ay biglang nag dive si elena na nagdulot sa pagkalaglag ni primrose na nakasakay sa kanyang likoran, mula sa tabi niya ay agad siya sinalo ng kanyang kakambal na si yllis ,agad naman yumakap ng mahigpit si primrose sa kanyang kakambal habang si amaryllis mismo ay nakakapit naman sa isa sa mga hita ni maia kahit na mahigpit siyang nakatali dito.

"M..magbigay ka maman ng babala sa susunod!"
Pagrereklamo ni primrose kay elena ukol sa kanyang biglaang ginawa ngunit hindi na ito nadinig ni elena na agad na nag dive dire diretso pababa sa lupa.

Mula sa alapaap ay bumagsak siya sa harapan ng gusali, isang nakaka agaw na atensyon ang kanyang naging pagbagsak na umagaw sa atensyon ng mga taong kasalukuyang natatarantang tumatakbo sa paligid.

Mula sa bilog na buwan sa likod ng makakapal na ulap ay may isang itim na leon na bumagsak sa kalangitan.

Nagbigay ng malakas na alulong sa kapaligiran ay nais niyang agawin ang atensyon ng lahat papunta sa kanya.

"Haaa...tapos sabi niya ay dapat hindi alam ng kanyang angkan ang kanyang ginagawa....wow huh? "
Natatawang wika ni amaryllis habang nakatingin sa ibaba.

Kasalukuyan silang nakatapak sa pinaka tuktok ng gusali kung saan ay walang nagbabantay dahil abala ang lahat sa komosyong ginawa ni elena at sa kasalukuyang nagwawalang si lee sa loob ng gusali.

"Naayon sa plano ang ginawa niya....sasamahan niya si lee na mangulo habang tayo ay patagong gagapang sa loob ng gusali para iligtas ang mga nangangailangan ng tulong"
Paalala ni maia sa dalawa.

"Ken...umpisahan mo na"
Agad na wika ni maia kay ken na naka anyong tao.

"Maasahan niyo po ako..hahanapin ko si koya jonathan!"
Sagot naman ni ken at bigla siya nag anyong hayop, isang malaking tuta, matapos kapagpalit ng anyo ay agad na siya umalis habang tila ba inaamoy amoy ang kanyang daanan.

"Hang cute...."
Wika naman ni primrose sa umalis na si ken.

"Kayong dalawa...habang abala ang lahat..ay pupunta kayo sa genset ng gusali, papatayin ko ang main power source at kayo naman sisirain niyo ang generator....para mawalan ng kuryente ang buong lugar"
Muling pagpapaalala ni maia ayon sa napagkasunduan nilang plano.

"Ok ok!...alak na namin"
Wika ni amaryllis at agad niya hinablot ang kamay ng kanyang kakambal at na silang tumakbo papunta sa pinakamalapit na pintuan papasok sa gusali.

"Haaa...siguradong nasa pinaka baba ng gusali ang genset room!..bakit dito kami binaba sa itaas"
Nadinig pa ni maia na pagrereklamo ni primrose habang tumatakbo ang dalawa.

"Shhhh! Wag ka na magreklamo atapis!"
Agad naman na wika ng kanyang kakambal.

Napangiti naman si maia sa kanyang nadinig.

Nanatiling nasa pinaka taas ng gusali ay saglit muling sinilip ni maia ang nangyayari sa harapan ng gusali, kasalukuyang abala na ang mga nagsisilbing nagmamando ng seguridad sa gusali kay elena, mga lalaking naka itim at may mga hawak na malalakas na calibre ng baril ang kasalukuyang umaatake kay elena.

"Hmmm....sabi mo hindi ka gagawa ng aksyon para hindi madiskubre ang iyong ginagawa,.....nakakatawa elena, masyado kang mabait..at ikaw pa mismo ang nag astang paen"
Wika ni maia.

Muling tumalikod si maia at naglakad sa kabilang panig ng gusali, dirediretso sa paglalakad ay sinadya niyang mahulog sa kabilang panig ng gusali.

Dirediretso sa pagbagsak habang una ang ulo sa ere ay biglang tinubuan ng mga pluma ang kanyang mga balat sa kamay hangang maging isang ganap na pakpak ng ibon.

Isa ilalim ng asul na buwan ay may isang ibong lumipad sa ibabaw nito at mabilis na pumagaspas papasok sa gitnang parte ng gusali, binasag ang mga salamin sa bintana ng gusali para makapasok.

Nagsitagaktakan ang mga kapiraso ng salamin sa kapaligiran, kumalat ang mga bubog sa marmol na sahig ng gusali, nakatapak si maia sa loob habang pinagmamasdan ang tila ba silid na halos walang katao tao, isang bakanteng lugar kung saan ay alikabok lamang at ang mga bubug ng salaming kanyang binasag ang naroroon lamang.

"Hmm..bakanteng palapag?, Nag aaksaya masyado ang gobyerno ng tax ah"
Wika ni maia at nag umpisa niyang bagtasin ang lugar, matapos tumbukin ang pintoan palabas ng gusali ay sinalubong siya ng hallway sa loob.

"May naamoy akong kakaiba ah"
Wika ni maia habang pinakikiramdaman ang kanyang kapaligiran, kasalukuyang nasa hallway ay dahan dahan siyang nanumbalik sa anyong tao, ang kanyang mga kamay ay nawalan ng pluma at ang kanyang dalawang binti ay nanumbalik sa binti ng isang normal na babae.

Sa sulok ng gusali ay may nakita siyang isang sapatos, isang rubber shoes na nakalapag lamang, agad ito kinuha ni maia at isinuot bago nag umpisang maglakad sa loob ng gusali.

"Curious ako sa binangit ni ken kanina eh, anong klaseng mga ekspiremento ang pinaggagawa nila sa lugar na ito.."
Wika ni maia sa sarili habang naglalakad.

.
.
.
.
.
.
.

************************************
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Angkang walang pangalan.

Isa lamang kaming maliit at mahinang  angkan, ayon ang sabi sa amin ng aming pinuno kaya kailangan naming mag sikap ng sobra na higit kumpara sa mga angkan na mas mataas sa amin.

Ilang beses na din naagaw ang aming mga teritoryo ng ibang angkan dahil sa kakulangan namin ng lakas, sa myembro at sa impluwensiya na nagdulot para kami ay tuluyang mapalayas sa aming teritoryo.

Mula sa kagubatan ng mindanao ay naglakbay ang aming angkan papunta sa tinuturing na sentro ng bansa, sentro ng lahat kung saan ay naroroon ang ibat ibang klase ng mga nilalang, mapa tao man, halimaw, mangangaso diwata engkanto o makasaysayang nilalang.

Nakahanap ng maliit na  lugar na matatawag naming teritoryo ay nag umpisang mamalagi ang aming mga ka-angkan sa iisang lugar at ginawa na namin itong aming bagong teritoryo.

Sa isang maliit na eskwater area sa tondo ay itinayo ng aming pinuno ang bago naming kaharian, sa lumipas na dekada na ilang taon ay nagpursige ang aming mga kasamahan para buhayin ang aming angkan, kumuha ng mga trabaho at nanirahan bilang isang normal na tao, naging matagumpay ang iba at nagkaroon ng magandang buhay sa aming bagong lugar ngunit naging tulay din ito para magkawatak watak ang aming angkan.

Marami sa mga myembro ng aming angkan ang napiling humiwalay at umanib sa ibang angkan na mas malakas sa amin, nag umpisa sa isa hangang sinundan at ginaya na ng iba, isa isang nawawala at lumilisan ang mga magsisilbing haligi sana ng aming angkan  para muli itong ibangon.

Nang dahil sa nangyari ay muling bumagsak ang aming estado na paangat na sana na nagresulta sa isang trahedya na hindi inaasahan ng lahat ng myembro.

Isang araw ay  nagpatiwakal ang aming pinuno habang iniwan ang lahat ng responsibilidad sa kanyang nag iisang anak.

Hindi alam nang naiwang tagapagmana kung paano mamuno ay  sinubukan niya pa ding protektahan ang nag iisang bagay na sinubukang protektahan ng kanyang mga magulang, ang kanilang angkan.

Ngunit tulad ng kadalasang nangyayari na paulit ulit na lamang madidinig sa kahit saang kwento ay naimpluwensyahan ng kasamaan ang pinuno, dahil sa mura pa lamang ang kaalaman nito sa pamumuno at hindi pa alam ang responsibilidad na dapat niyang hawakan ay nakagawa siya ng maling bagay.

Nahikayat sa kasamaan ay niyakap niya na ito ng buong buo.

Nag umpisa sa maliit na kasamaan hangang lumaki ito ng lumaki, hangang magkaroon na ito ng sapot at nagawang itali na nito ang pinuno at hilain pa pailalim sa dulo ng karimlan.

Sa bandang huli ay niyakap na lamang ng bagong pinuno ang kanyang gawain.

Pagbebenta ng mga ipinagbabawal na gamot kapalit ng pera.

Pagpatay kapalit ng pera.

Human trafiking kapalit ng pera.

Lahat ay pinapaikot ng pera.

Hangang sa may mga kakaibang mga grupo ng tao siyang nakilala at lumapit sa kanya.

Grupo ng mga tao na layuning manaliksik tungkol sa mga mahiwagang nilalang tulad ng kanyang uri, para sa ika uunlad ng buong sangkataohan.

Alang alang sa kanilang pananaliksik ay kinakailangan nila ng maraming test subject.

Doon nagsimula niyang ibenta ang kanyang mga kasamahan kapalit ng pera na kayang ibigay ng mga nabangit na mananaliksik.







************************************


*Taktaktaktak*

*Tssskkk tsskk tsskkk tsskk*

Magkahalong tunog ang madidinig sa lugar kung saan ay animo'y walang hangang hagdanan na nakapaikot sa iisang lugar.

Kasalukuyang binabagtas ng magkakambal ang fire exit ng gusaling halos nasa labindalawang palapag ang taas, nangaling sa itaas ay kasalukuyan pa lamang silang nasa kalahati ng  naturang gusali.

Dire diretso sa mabilis na paglalakad habang may kauning alalay sa bawat yapak ay nagmamadaling binagtas ng magkakambal ang daan paibaba sa gusali kung saan sa tingin nila ay naroroon ang lugar ng genset, isang silid kung saan naka install ang emergency generator ng naturang gusali.

Dire diretso sa paglalakad ng mabilis pababa ang dalawa ng biglang mamatay ang ilaw sa loob ng emergency fire exit.

"Ahhhrhhh! "
Napasigaw si prim sa biglaang pagkawala ng ilaw at agad na pagbalot ng dilim sa kapaligiran.

Nawalan ng balanse ay natapilok ang babae at nahablot ang damit ng kanyang kuya na nagresulta sa pagkabagsak nilang dalawa sa sahig.

Muling nagkaroon ng kuryente sa lugar ngunit hindi na kasing liwanag ng kanina ang kasalukuyan , indikasyon na nasa emergency generator na nangagaling ang kuryente.

"Nagawa na agad ni maia, naputol niya na agad ang main source!"
Wika ni amaryllis habang dahan dahang tumatayo.

Matapos makatayo ay inalalaya niya ang kanyang kakambal na kasalukuyan pang nakahalik ang labi sa sahig.

"Yllis...ang paa ko masakit"
Wika ni primrose habang nakatitig sa kanyang natapilok na paa.

"Kaya mo pa maglakad?"

"Kaya pa ..sa tingin ko...maya maya pa ito sasakit..."

"Sige...teka lang..mag isip muna tayo ng gagawin..."

Pinagmasdan ng dalawa ang kanilang kapaligiran.

"Nakakakilabot naman ang ilaw na to,...bakit kulay pula...at..grabe naman oh..ang dilim!"
Pagrereklamo ni primrose habang nakatitig sa ilalim ng hagdanan kung saan ay madilim pa din dahil sa piling lugar lamang ang nasasakupan ng emergency ng fire exit.

Nakadungaw si primrose sa ibaba ng hagdanan kung saan ay habang tumatagal ang kanyang dungaw at lumalalim ang titig niya ay nag iiba din ang kulay ng hagdanan paibaba, mula sa kulay pulang liwanag na nangagaling sa emergency light ay paderetso pababa na nagiging itim hangang tuluyang mabalot ng dilim.

"Parang gusto ko na magpa iwan ah"
Wika ni primrose.

May napansing kakaiba si amaryllis na nangagaling sa ibaba ng kanilang kinalalagyan ay dahan dahan niya ipinikit ang kanyang mga mata.

"Yllis...magpapa iwan nalang ata ako dit-"

"Anong pinagsasabi mo.....nasa baba ang genset..hindi mo ba naririnig ang tunog"
Wika naman ni amaryllis habang siya'y nakapikit at pinakikingan ang ugong na nangagaling sa ibabang palapag ng gusali sa kanilang tinatapakan.

Kasalukuyang madidinig ang ugong ng makina ng genset na nag e-echo sa buong fire exit na senyales na nasa tamang lugar nga sila.

Habang nananatiling nakatayo lamang ang dalawa sa lugar ay palakas ng palakas ang ugong na nagbibigay ng nakakakabang pakiramdam.

"A...aalis na ba tayo?"
Biglang wika ni primrose na bigla na lamang nagpawis.

"Mainam nga...tara na...kinikilabutan na ako eh"
Wika ng dalawa at sila naghawak kamay.

Mag -uumpisa na sanang maglakad ang dalawa ng bigla na lamang bumukas ang isa sa mga pinto dalawang palapag sa kanilang itaas at may tila ba isang naglalakad na kaluskos ang pumasok sa fire exit.

"hiiiii! "
Agad nataranta ang dalawa ay agad nilang binagtas ang daan pababa nang hindi tinitignan ang nilalang sa kanilang itaas.

Dire diretso sa pagtakbo ay nag iingat ang dalawa na hindi matisod sa bawat pagbaba sa hagdanan ng fire exit habang inaalalayan pa din si primrose na masakit pa din ang natapilok na paa.

"Ha..hano yun!"
Wika ni primrose sa kanyang kuya

"Hindi ko alam!"
Wika naman ni amaryllis.

Tumatakbo pababa ay dahan dahan niya binagalan ang kanyang lakad at saglit na dumungaw sa kanyang itaas para masulyapan ang nilalang na nakatumbok sa kanila.

Nanlaki ang mata niya sa kanyang nakita at agad siya nataranta.

"Pri!!..priiiii!!!..priiiim !! Takbooooooo!!"
Wika niya habang takot na takot.

Hindi alam ni primrose ang nakita ng kanyang kuya ng saglit itong dumungaw ngunit bakas sa muka ni amaryllis na hindi ito nilalang na iiwanan silang buhay kapag naabutan sila nito.

Mabagal ang lakad ng nilalang kumpara sa kanilang dalawa ngunit hindi nagpakampante si amaryllis at gumawa ng hakbang para mas mapadali ang kanilang pagbaba sa lugar.

Habang tumatakbo sa hagdanan ay biglang binuhat ni amaryllis si primrose, agad naman yumakap si primrose sa kanya na tila ba alam ang iniisip ng bawat isa, akay akay ang kakambal na babae ay nagawang mas bilisan pa ni amaryllis ang kanyang takbo pababa ng hagdanan para maiwanan ang tila ba nakabuntot sa kanila.

"A..ano ba yooon?"
Tanong ni primrose at dinungaw ang kanilang likoran, nang saglit na napadaan ang titig ni primrose sa siwang ng hagdanan sa itaas ay nakita niya ang nilalang na nakabuntot sa kanila.

"hyaAaaAaah! Ano yuuuun!"
Pagulat na wika ni primrose.

"W...wag ka maingay! Wag ka magalaw loka loka ka!"
Pagrereklamo ng naka akay sa kanya.

Isang anino ng nilalang ang nasa itaas ng hagdanan, nilalang na hindi maikukunsiderang tao.

Dire diretso sa pagtakbo si amaryllis nang mapansin niya na tila ba lumagpas na siya sa groundfloor ng gusali at nasa basement na dahil sa paglamig ng lugar at pagiba ng kasalukuyang itsura nito na kanina ay modernong hagdana para sa mga gusali na ngayo'y makalumang hagdanan para sa isang underground na lugar.

" Na saan na tayo! Eto pa ba yung gusali na ito!"

"Aba ewan ko!"

Nag echo sa buong lugar ang sigawan ng magkakambal.

***********************************

"Oh, mukang binawi niya ang sinabi niya...umaastang matigas at matapang pero hindi niya kayang itago ang tutuong siya?..nakakatawa elyhenia..nakakatawa!"
Wika ni lee habang nakangiti.

Matapos maramdaman ang pagdating ng kanyang pinsan sa lugar at mga kasama nito ay tila ba bigla siyang mas ginanahan sa kanyang ginagawa.

Mula sa normal na anyong tao ay pinalitan niya ang kanyang kaanyohan sa isang nakakakilabot na nilalang.

Isang ilusyong salamangka na nagbibigay kakayahan sa may gawa nito na ibahin ang imahe niya sa harap ng mga nakakakita sa kanya.

Normal lamang na tao ang katawan ni lee ngunit isang nakakakilabot na halimaw amg tingin sa kanya ng mga apektado ng salamangka.

"Guess I'll do my part...hindi ko naman gusto maging bayani or anything....nakakatawa dahil kami mismo ng aking pinsan ang magsisilbing paen....looks like I'm not different to her i guess"
Wika ni lee at siya'y humalakhak ng napakalakas habang kausap ang kanyang sarili na napakikingan ng mga lalaking naka itim napatuloy na pinapaputukan siya ng mga baril.

"Anong sinasabi niya!"
Nalilitong tanong ng tila ba kumander ng mga lalaking naka itim.

"Hindi ko maintindihan sir!"
Wika ng isa sa mga tauhan ng lalaki na malapit kay lee.

"N..na e-english siya sir!"
Wika din ng isa pa na nakadinig ng mga iwinika ni lee.

"Nag e-engl-!?...anong pinagsasabi niyo!, Linawin niyo! "
Pabiglang wika ng kanilang commander.

Habang suot suot ang anyong isang taong itim na may pakpak ng paniki at sungay ng kalabaw ay nagpakita si lee sa harapan ng mga lalaking naka unipormeng itim para kunin ang kanilang atensyon.

Pinili mismo ni lee ang kanyang anyo para lalong maagaw ang atensyon ng mga kalaban, isang anyo na nahahalintulad sa isang demonyo.

"Diyos ko po, tulungan niyo kaming gapiin ang diablo sa aming harapan"
Naiwika ng isa sa mga lalaking naka unipormeng itim.

Hindi bababa sa mahigit labinlimang katao ang kasalukuyang nakapalibot kay lee, lahat ay may kanya kanyang mahahabang baril na nakatutok sa iisa nilang kalaban, ang isang nilalang na may anyong demonyo.

"Kakampi natin ang diyos! Wag kayo matakot! Sa demonyong yan!hindi magwawagi ang kasamaan!"
Sigaw ng isa sa mga lalaking naka unipormeng itim na umaastang pinuno ng buong grupo.

Kumunot ang noo ni lee sa kanyang nadinig at hindi niya napigilang magsalita, isang boses na may mababang tono at magkahalong babae at lalaki ang lumabas sa labi ng kasalukuyang anyo ni lee na lalo pang nagbigay ng pakiramdam na parang totoong demonyo ang nasa harapan ng mga lalaking naka itim.

"Ano ba ang depinisyon ng isang masamang nilalang?, Dahil ba sa itsura nitong nakakatakot ay dapat na ba agad siyang ituring na masama?"
Wika ni lee.

"Hindi ko talaga kayo maintindihang mga tao kayo..."
Pabulong ni lee sa sarili.

"Wag kayo nakinig sa demonyo! Tinutukso lang tayo niyan!, Nasa atin ang diyos magpakaylanman!"
Pasigaw ng pinuno ng mga naka itim na lalaki.

"Ang diyos niyo ay hindi totoo!, Kung meron mang makapangyarihan na nilalang na gusto niyong sambahin ay ako yon!!, Nasa harap niyo ako at nakikitang kumokontrol ng hangin at pwersa!, Nakita niyo ba sa sinasba niyong dyos ang ganitong kapangyarihan?!"
Pasigaw ni lee habang pilit sinisindak ang mga lalaking naka itim.

Lalo pang sineryoso ang paninindak ay nagpakawala si lee ng hindi maintindihang kapangyarihan sa kapaligiran, isang malakas na pwersa ang bumulusok sa paligid na nagbigay takot sa mga armadong tao sa paligid, maging ang kuryente ng buong gusali ay saglit na nawalan ng enerhiya dahil sa ginawa ni lee.

Tatlo sa mga lalaking naka itim ay nagbaba ng kanilang armas at kumaripas ng takbo paalis sa lugar.

"M..mga duwag! Saan kayo pupunta!"
Pasigaw ng isa sa mga lalaking naka itim na naiwan.

Natawa ng kaunti si lee ngunit hindi niya pinahalata ang kanyang sitwasyon.

"Kung mahal niyo pa ang buhay niyo ay-"
Nagsasalita si lee ng bigla siyang paputukan ng mga nakapalibot sa kanya.

Agad may bumalot kay lee na hindi nakikitang bagay, isang tubig ngunit kasing tigas ng dyanante ang kasalukuyang nakabalot sa paligid ni lee na nagpapawalang kwenta sa mga balang ibinabato sa kanya ng mga naka itim na lalaki.

"Okey na sana ako kung natakot nakang sana kayo sa aking piniling panlabas na anyo eh...haaa..mga tao ay mananatiling tao... pasalamat kayo at myebro ako ng angkang silangan...kung saan ay hindi pinahihintulutang pumatay ng tao ang mga myembro...."
Wika ni lee sa sarili niya

Nabuo ang malakas na pwersa sa paligid ni lee na para bang tinipon niya at sa isang iglap sa gitna ng mga walang tigil na na putok ng baril sa kanyang harapan ay bigla niya pinakawalan ang enerhiya na agad bumulusok sa lahat ng direksyon sa kanyang paligid na isa isang nagpatalsik sa mga lalaking naka itim sa kapaligiran.

"Arrrgh!!"

"AhhhHhh!!"

"Arrrhgg!"

"ArAaayy!!!"

"UhGggg!!"

Pilay bugbog at pagkawala ng malay ang natamo ng mga kalaban ni lee ngunit walang buhay na nawala sa ginawang atake ni lee.

************************************

Kasalukuyang napapaligiran si maia ng mga lalaking naka itim may hawak na mga baril at nakatutok sa kanya.

Matapos makapasok sa gusali ay agad hinanap ni maia ang building legend sheet ng gusali at agad niya naman itong nakita, ginamit ang mapa ng gusali para hanapin agad ang electrical supply area ng lugar na agad niya din natunton, ngunit ng siya'y makapasok na  sa silid ng nasabing electrical room ay agad naman siya napalibutan ng mga nag aabang na kalalakihan na tila na inaasahan ang kanyang pagdating.

Mga eksperto kung ituring.

" Units open fire!"
Biglang sigaw ng tumatayong lider ng grupo.

Nakatayo si maia habang nakataas ang kamay ay bigla siyang pinaputukan ng limang naka unipormeng itim na kalalakihan.

Agad ay tumalon si maia pakanan para ilagan ang mga umalingaw ngaw na bala sa kanyang harapan, muling tumapak sa lupa at muling tumalon papunta sa likoran ng limang bumabaril sa kanya, sa bilis ng pangyayari ay tanging isa lamang sa mga kalalakihan ang nakapansin na nasa likoran na pala nila ang kanilang target, agad sumungab si maia at sinipa sa ulo ang nag iisang lalaki na nakaka alam ng lokasyon niya, naalerto sa pagbagsak ng kanilang kasamahan ay agad tumalikod ang apat pang kalalakihan at sa kanilang pagtalikod ay nakita nila si maia at ang kanyang paa sa kanilang bawat muka.

Buong lakas ginamit ni maia ang kayang paa para tumalon at umikot, magkakasunod na tinamaan ang bawat panga ng mga kalalakihan sa kanyang harapan na agad nagpabagsak sa isa isa sa kanila.

Kasabay ng pagbagsak ng mga lalaki ay nagsibagsakan din ang mga hawak nilang baril sa sahig.

Agad nawalan ng malay ang tatlong habang ang isa ay pilit tumatayo ngunit muling kumilos si maia at tinadyakan ang ulo ng lalaki at tuluyan itong nawalan ng malay.

"Hmmm....Hindi sila ang tinaguriang SSSS, masyado silang mahina eh...buti na lang.....pero...sino tong mga taong to?"
Kasalukuyang nakatitig si maia sa logo sa braso ng isa sa mga naka unipormeng itim na pinabagsak niya.

Yumuko si maia at pinunit ang logo sa braso ng isa sa mga walang malay na lalaki at ibinulsa ito.

Mula sa likod ng mga kalalakihang walang malay ay ang pinoprotektahan nilang makinarya.

Isang malaking fusebox at control pannel ng gusali kung saan dumadaloy ang local na kuryente ng syudad.

"Matatalino sila..alam nila ang pakay namin ay ang kuryente ah, mukang hindi sila basta basta mersinaryo lamang..."
Wika ni maia sa sarili.

Naghanda si maia at inayos niya ang kanyang postura na tila ba sisipa ng malakas, naka abante ang kaliwang paa at ang kanan naman ay nakahanda, sa isang saglit lamang ay buong lakas dumaan ang kanang paa ni maia sa bakal na makinarya at sa saglit na iyon ay agad ito nahati at sumabog.

Agad namatay ang ilaw sa buong gusali ngunit matapos ng ilang segundo ay muling nagliwanag ang paligid, winasak ni maia ang supply ng kuryente sa gusali kaya lumipat na ang supply nito sa emergency generator.

"Kayo na ang bahala..magkakambal.."
Wika ni maia at nagpatuloy siya sa pagbagtas sa gusali.

************************************

Sa kailaliman ng nakatirik na gusali tatlong palapag sa ilalim ng lupa ay naroroon ang pinaka control system ng lugar, kasama ang iba pang makinarya at drainage system ng gusali.

Parang mga daga sa ilalim ng dilim ay kasalukuyang nakapuslit sina yllis at prim sa naturang lugar at tila ba may hinahanap.

Sa kasuloksulukan ng silid ay napahinto ang dalawa at tinitigan ang isang makinarya na maraming pindutan at iba pang bagay na hindi maiintindihan ng normal na taong mapapadaan sa lugar na iyon.

"Ito na nga yun sa tingin ko...naririto din ang lahat ng fuse ..kasama ang elevator room at yung sa lugar na iyon na nabangit ni ken"
Wika ni yllis habang nakatitig sa isa sa mga panelboard ng makinarya.

Pinakealaman ni yllis ang panelboard at mula sa apat na malalaking generator ay nawalan ito ng ugong sensyales na tumigil ito sa paggana.

"Ayos...napatay ko na ang mga generator.....yung main grid nalang"
Wika ni yllis habang binabasa ang mga kumplekadong nakasulat sa panel board.

"Kinikilabutan ako sa lugar na ito ah...ang ingay.."
Wika naman ni prim habang patingin tingin sa bawat sulok ng lugar kung saan ang tangi niya lamang makikita ay mga makinaryang nagkalat sa kapaligiran na umiilaw sa magkakaibang kulay na pula asul at berde.

Nakatayo ang dalawa sa tapat ng makinarya ng may biglang umalingawngaw na putok ng baril sa di kalayuan, magkakasunod na putok na nangaling sa isang automatic firearm sa di kalayuan.

Agad dumapa ang magkakambal dahil sa harapan nila dumaan ang mga bala na hindi maipagkalaila na sila nga ang puntirya ng misteryosong gunman.

"Haaaayuuuup~ hindi ako nagbabayad ng tax para barilin niyo ako!"
Pagrereklamo ni yllis habang gumagapang at ginagawang taguan ang mga nagkalat na makinarya para hindi matamaan ng bala.

Patuloy sa pagputok ang baril ng madagdagan ito ng isa pang nagpapaputok, tila ba nadagdagan pa uli ang nanghahabol sa kanila ay naging tatlo na ang nagpapaputok ng baril sa magkakaibang direksyon.

"Kanina ay hinahabol kami ng isang halimaw na version ni slaughter house!...ngayon balak naman kaming tadtarin ng bala ng kapwa tao! Eleeeena~ sisiguraduhin kong magbabayad ka ditooooo~ "
Wika ni prim habang sinusundan ang bawat direksyon ng kanyang kuya habang gumagapang.

"Ha? Ano kamo?"
Pagtataka naman ni yllis habang patuloy sa pagapang.

"Sisingilin ko siya ng malaki pagkatapos nito!, Ha! Akala niya buwis buhay tong pinapagawa niya ah!, Pasalamat siya hindi namaga yung natapilok kong paa!"
Patuloy na pagrereklamo ni prim habang pinapaulanan sila ng bala.

"Haaa...ayun pala pera....akala ko nagkaroon kana ng galit sa isang yun eh"
Natatawang wika ni yllis.

Tila sinasalubong ng bagong taon ay patuloy ang walang hangang pagpapaputok ng mga hindi pa nakikilalang nilalang sa paligid.

"Teka? Kung facilidad nila eto bakit parang gusto nilang sirain ang buong lugar?"
Muling tanong ni prim.

Sa paggapang ng dalawa ay may natagpuan silang isang papasok na butas na sa tingin ng dalawa ay dating lalagyan ng isa sa mga makinarya, sapat ang naturang espasyo para pumasok ang dalawa sa loob kaya agad sila nagkubli para hindi tamaan ng umuulan na ligaw na bala.

Sa loob ng butas ay naroon si yllis habang naka upo ang kanyang kakambal na si prim sa kanyang, magkaharap ang dalawa habang magkayakap para mapagkasya ang katawan nila sa pinasukang butas.

"Hindi ko din alam eh.....isang weird na gusali na nagbabalatkayong gusali ng gobyerno ..ngunit sa mga ibang palapag nito ay may sekretong nangyayari"
Wika ni yllis kay prim sa pabulong na paraan.

Habang nag uusap ang dalawa ay napansin nilang dahang kumonti ang alingawngaw ng mga bala sa kapaligiran hangang unti unti na itong tumigil.

"Haaa...buti na lang"
Wika ni prim ngunit hindi sang ayon si yllis sa nangyayari.

"Masama ito,..."

"Huh? Bakit naman?, Kapag huminto sila diba ibig sabihin nun naaubusan na sila ng bala?"

"Hindi ganun yun prim...malamang..nagpasya silang magkita kitang tatlo...pansin mo sa magkakaibang direksyon nangagaling ang mga bala kanina?,  Hindi sila magkakasama nun......kapag nagpasya silang magsama samang tatlo ay liliit ang chansa nating mapatumba sila"
Pagpapaliwanag ni yllis.

Nanatiling nasa loob ang dalawa habang iniisip kung ano ang susunod nilang gagawin, nakayakap lamang habang dama ang init ng bawat isa ay nag umpisang magpawis ang dalawa dahil na din sa kasalukuyan nilang kinalalagyan na halos walang bentelasyon sa lugar.

"Wag ka maingay...sisilip lang ako"
Pabulong na wika ni yllis at tumango naman ni prim.

Dahan dahan sumilip si yllis sa labas ng butas na kinalalagyan niya ng mabigla siya sa kanyang nakita.

Napansin ni prim ang tila ba hindi gumagalaw na si yllis habang nakatayo lamang kaya agad siya nagmadaling lumabas din sa butas para tignan ang kasalukuyang nakikita ng kanyang kuya.

"Ha!"
Napasinghap ng hangin si prim ng makita ang kapaligiran niya.

Nagkalat ang dugo sa paligid at mga katawang naghiwahiwalay, mga katawan ng mga taong naka unipormeng itim na parang isang sundalo, nagkalat ang kanilang mga kagamitan at baril sa paligid kasama ng kanilang nagkalasog lasog na katawan.

Parang ibinalibag ang mga naka unipormeng itim na tao hangang magkalasog lasog ang katawan hangang mapunit at  humiwalay ang laman, napintahan din ng dugo nila ang buong paligid na nagbigay ng kakaibang dating sa machine room ng gusali.

Napalunog si yllis ng laway ng mapatingin sa isang nilalang na nakatayo lamang di kalayuan sa kanila, hawak hawak ang isang pugot na ulo na sa tingin niya ay ulo ng isa sa mga naka unipormeng itim na lalaki, nakadilat ang mata ng ulo at tumutulo pa ang dugo nito habang hawak hawak ng hindi pa nakikilalang nilalang.

Isang tila ba nabuhay na bangkay, malamig ang kompleksyon, nakadilat ang mata ngunit wala itong buhay, walang suot na kahit anong saplot sa katawan, parang isang normal na bangkay ng tao ngunit may kakaiba sa kanya, mula sa balat ng bangkay ay bakat na bakat ang mga ugat nito na pumipintig pintig pa, hindi din normal ang proporsyon ng laman nito na parang malalaki sa braso kumpara sa normal na tao, isang taong na deform at bukod pa doon ay kahit patay na ay tila ba may emosyong buhay ang halimaw dala ng galit ay nagbibigay ito ng kakaibang lakas sa kanya para magpatuloy mabuhay at pumaslang tulad ng ginawa niya sa tatlong naka unipormeng itim.

"Pasatsat...nabasa ko ang tungkol dito sa journal...isang patay na muling nabuhay"
Wika ni yllis habang nakatayo.

"P..pasatsat ano?...patay na muling nabuhay?..para siyang zombie.."
Pagtataka naman ni prim.

"Z..zombie na kayang magbuhat ng barbell"
Wika ni yllis.

Nakatayo lamang ang halimaw sa kanila habang hawak hawak pa din ang pugot na ulo,napansin ng dalawa na  punong puno ng bala ang katawan ng halimaw ngunit walang tumutulong dugo sa bawat butas na pinasukan ng bala.

Inilapit ni yllis ang labi niya sa tenga ni prim.

"Prim...ayon sa journal ay hindi nakakakita ang pasatsat....tanging nakakadinig lamang, ayun na din siguro ang rason kung bakit inatake niya ang mga nagpapaputok kanina, kasalukuyan siyang hindi umaatake dahil sa ingay ng lugar..kaya kanina...sinundan tayo dahil sa nagagawa nating yapak...."
Wika ni yllis kay prim.

Pinakingan ni prim ang lugar nila at nakuha niya ang gustong ipahatid ng kanyang kuya, maingay ang makinarya ng lugar, mga umaandar na hydraulic at iba pang makinarya ng gusali ay nagsisilbing ingay sa pandinig ng pasatsat na tanging paraan nito lamang para umatake.

"Pwede tayong maglakad dito paalis para makatakas, ..."
Bulong ni yllis.

"Pero paano ang utos ni elena na patayin ang buong kuryente sa facilidad para makatakas ang mga nadakip na aswang?"
Wika naman ni prim.

"Mag isip na lamang tayo ng ibang paraan....mas importanteng makatakas tayo dito"
Wika ni yllis.

Nagtinginan ang dalawa at hinawakan ni prim ang kamay ni yllis.

Nag umpisang humakbang ang dalawa ng bigla na lamang nagdilim ang buong lugar.

Dahan dahang nawala ang ingay sa mga makinarya senyales na may nangyari sa supply ng kuryente ng gusali.

Walang isang segundo ay binalot ng kadiliman ang lugar sa pagkamatay ng mga ilaw sa paligid.

Agad tinakpan ni yllis ang labi ni prim para hindi ito sumigaw, habang balot na balot ng dilim ang kapaligiran na nilalamon din kasalukuyan ng nakakabinging katahimikan.

Nawala ang main source ng kuryente maging ang main grid at generator ay tuluyang nagdilim ang buong gusali.

Dahan dahan naglakad paatras si yllis habang hawak pa din ang bunganga ng kanyang kakambal, tila ba isang hostage taker at isang hostage ang posisyon ng dalawa ay sumandal si yllis sa pader sa kanyang likoran, gamit ang pader ay ginawa niya itong guide para dahan dahang hulaan ang tamang daan.

Sa madilim na lugar ay dapat sa pader lamang dumikit kung gusto mo hanapin ang pinto, dahil sa pader lamang pwede magkaroon ng pinto.

Dirediretso si yllis at prim sa pagsandal sa pader habang tahimik na naglalakad ng biglang naramdaman ni yllis ang paglubog ng parte na sinandalan niya.

"He?"

"Anong he?"
Wika naman ni prim ng maramdamang wala na sa kanyang labi ang kamay ng kanyang kuya.

Matapos masandalan ni yllis ang isang partikular na lugar sa pader ay agad ito bumukas na tila ba isang sekretong lagusan, agad nalaglag ang magkakambal sa lagusan bago muli itong sumara.

"arrrrrHgggggg!!!"
Halos sigaw ng dalawa habang dire-diretso sila pababa, hindi alam kung nasaan at saan pabagsak ay ramdam nila ang malaglit at maputik na pakiramdam sa kanilang pwetan kung saan sila patuloy na dumadausdos.

Sa likod ng palayan ay may irigasyon, isang maliit na dam at sa dam na iyon ay may imbornal, mula sa malaking imbornal ay lumabas ang magkakambal at bumagsak sa katubigan ng dam.

"Ang lamiiiiiig!"
Halos sabay na wika ng dalawa habang magkayakap.

************************************

Parang mga nagambalang mga langam sa lunnga ay isa isang nagsisitakasan ang mga tauhan ng pasilidad, nagsisilabasan sa magkakaibang direksyon ng gusali ay ang tangi na lamang naiwan sa loob ay ang mga lalaking naka itim na siyang security force ng naturang gusali at ang mangilan ngilang scientists na abala pang kinokolekta ang kanilang mga pananaliksik bago lisanin ang lugar.

Sa isang silid sa bandang gitna ng gusali ay kasalukuyang abala ang anim na taong nakasuot ng puting kasuotan.

"Dalian niyo! Papasabugin na daw ang lugar para walang maiwan na ibendensya!, Dalian niyo kolektahin ang mga papeles!, Ayon sa padrino natin sa itaas ay hindi na nila mapigilan ang pagdating ng mga law inforcement sa lugar, maya maya ay naririto na ang mga pulis at bombero!"
Pasigaw ng isa sa mga lalaking nakaputi.

Kapwa aligaga ang lahat ay nagmamadali sila sa paghahakot ng mga gamit sa loob ng silid.

Mula sa pintuan ng silid ay pumasok ang isang lalaking naka itim.

"Tapos na ba kayo! Napag usapan na ng board ang desisyon!,10 minutes from now...papasabugin na ang buong gusali, sila na ang bahalang pagtakpan ang lahat sa media at law inforcement ..ang importante ay maitakas lahat ng data!"
Pasigaw na wika ng lalaking naka itim.

"Ano!"

"Seryoso ba ang board!"

"Nahihibang na ba sila! Paano ang mga pinaghirapan naming  imbensyon na hindi pwedeng ilipat!"

"Manahimik kayo at sumunod na lamang!, Maraming pasilidad ang organisasyon sa bansa!, Pwedeng pwede kayo lumipat at ipagpatuloy ang ginagawa niyo, sumunod na kayo sa basement papunta sa secret tunnel kapag tapos na kayo!"
Naiinis na wika ng lalaking naka itim.

"Secret tunnel?..ayun ba yung imbornal papunta sa irigasyon? Sa genset room ng gusali?"
Wika ng isa sa mga naka puting labcoat.

"Oo!  Dalian niyo na!"

Patuloy sa pagiging abala ang mga tao sa loob ng silid ng bigla nalamang mamatay ang ilaw.

"Teka!..emergency light na ang naka switch kanina diba"
Wika ng isa sa mga lalaking naka puti.

"Oo bakit?"
Wika naman ng lalaking naka itim.

"Ibig sabihin tuluyan ng nawala amg kuryente"
Pahabol ng lalaking nakaputi.

"Hindi maari...b..bilisan niyo! Makakatakas na ang mga aswang sa kulungan kung ganun!....b..bilisan niyo na!"
Agad na wika ng lalaking naka itim at dali daling nilapitan ang mga scientist at hinila palabas ng pinto.

***********************************

Isang note ang nabasa ni maia.

Kung saan ay isinasabi ang buong plano ng facilidad, isa dito ay ang gamitin ang mga halimaw na kayang gumamit ng elemento o kapangyarihan para makagawa ng kuryente para gamitin bilang pangunahing source of energy sa bansa, isang hindi makataong pamamaraan na gamitin ang nabubuhay bilang isang battery para makapag produce ng kuryente na gagamitin ng iba, nanlaki ang mata ni maia sa patuloy niyang pagbabasa ng mga iba pang plano ng gobyerno sa pag eexperimento sa mga nilalang na kung tawagin nila ay halimaw.

Isa sa mga papel ay nagsasaad na gamitin ang healing factor ng mga ibang aswang na mabilis maghilom at isalin sa tao.

"A..ano to?.....gamitin para sa digmaan?.....gamitin para makagawa ng walang hangang pinagmumulan ng kuryente at enerhiya, gamitin para makamit ang mabagal na pagtanda at immortalidad...gamitin para kunin ang kakayahan nila at kapangyarihan...a...anong mga plano to?"
Wika ni maia habang patuloy sa pagbuklat ng mga papel sa ibabaw ng lamesa.

Natuklasan ni maia na may mga hindi makataong expiremento ang kasalukuyang nagaganap sa ibat ibang sulok ng bansa tulad ng kasalukuyang insedente, mga katulad niya na pinapaslang pinapahirapan para buksan ang lamang loob para maintindihan kung paano gumagana ang kanilang katawan,pinag e-expirementohan na parang isang hayop.

Tumugtog sa isipan ni maia ang daan daan..o  libo libong halimaw na maaaring namatay na dahil sa tagong expirementong ginagawa ng mga tao sa mga nilalang na kung tawagin nila ay halimaw.

Mula sa pinaka ilalim ay may nahalungkat si maia na isang papel na tila ba kakaiba sa lahat, nakuha ang atensyon niya ay agad niya itong binasa.

Isang expiremento kung saan susubukang buhayin ang patay na tao gamit ang buhay na halimaw, ayon sa nabasa ni maia ay tila ba ay sinasabi ng may akda ng naturang expiremento na kunin ang mga vital organs ng halimaw habang buhay pa ito at ilipat sa taong kamamatay lamang, sa paraang iyon ay malilipat ang kakayahang maghilom ng halimaw papunta sa tao.

Matapos mabasa ang lahat ay padabog na hinampas ni maia ang lamesa sa kanyang harapan.

"A..anong kademonyohan ito!, Hinding hindi gagana ang ganoong bagay!, May chansang gumalaw ang tao....ngunit..ang diwa niya ay wala na...parang isang buhay na bangkay.. hindi makakatulong ang kakayahang maghilom namin kung patay na talaga ang diwa ng isang tao."
Dagdag pa ni maia.

Naka attach sa mga papel ang isang kakaibang documento na umagaw sa pansin ni maia.

Dahan dahan ay binuksan ni maia ang folder at nanlaki ang kanyang mga mata sa nilalaman nito.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

"Hindi......anong impyerno ang natuklasan namin..."

Mula sa kinalalagyan ni maia ay nakadinig siya ng magkakasunod na pagsabog sa magkakaibang lugar.

Nabitawan ang hawak na dokumento ay agad siya tumalon sa bintana at nag anyong ibon.

Continue Reading

You'll Also Like

69.1K 3.5K 40
A woman that rules men got transmigrated to a Duchess who is a slave of a mere man. Language used: Tagalog and English Status: Ongoing Date Started:...
24.3M 985K 41
Napansin agad ni Laura Arden ang mga kakaibang bagay sa bayan ng Van Zanth sa unang araw niya pa lamang dito. Lalo na noong nalaman niyang sa isang l...
11.6K 1.2K 66
Sa mundo ng Galendray. Isang napakahalagang bagay sa bawat miyembro ng angkan ang magkaroon ng mahusay na cultivator upang ipadala sa White Temple In...
21.4M 791K 78
She's not a gangster nor a mafia. Neither a lost princess nor a goddess. She's not a wizard or a guardian or other magical beings that exist in fanta...